Sobrang naiinis na ako sa nararamdaman ko at gusto ko na lang umiyak. Ayoko talaga ng ganito! Parang naninikip ang dibdib ko habang mabilis na naglalakad palabas ng mall. Hindi ko naman inaasahan na masasaksihan ko ang ganoon. Ilang beses kong sinabihan ang sarili ko na huwag umiyak kahit na ang totoo ay nangingilid na ang mga luha ko sa mata. "Aisla," tawag sa akin ng kapatid ko at alam kong nasa likuran ko na siya. Hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa paglakad palabas. "Dammit! Saglit lang!" Frustrated niyang sabi saka niya hinila ang braso ko kaya napahinto ako sa paglakad. "Ano?! Qino, uuwi na ako! Bumalik ka na doon!" Pagtataboy ko sa kanya saka kinalas ang kamay niya sa braso ko nang hindi siya tinitingnan. Ayokong mag-eskandalo dito sa loob ng mall dahil nakakahiya sa mga t