Ilang minuto kong binabad sa tubig ang sarili ko hanggang sa mapagpasyahan kong bumalik na sa cottage dahil giniginaw ako kahit na mainit naman ang tubig. "Away na naman kayo ng kuya mo?" Tanong sa akin ni Gregg na kumakain ng Pringles. "Hindi." Tipid kong sagot saka umiling. Umupo ako at tumingin sa kawalan. "Weh?" Panunuya nito. Binalingan ko siya ng tingin saka inirapan. Sana ay maipaliwanag ko sa kanila kung ano ba talaga ang nangyayari sa aming dalawang magkapatid ngayon, pero natatakot ako. Hindi madali ang ganito dahil magkapareho kami ng dugo na dumadaloy sa mga ugat namin. At kapag may nakaalam nang tungkol dito ay pareho kaming mahuhusgahan. Pwede din madamay ang mga magulang namin kapag hinayaan naming dalawa ang ganito. Pumasok si Jarred sa cottage at kinuha ang tuwalya ni