Maaga kaming gumising lahat para kaagad na makapag-almusal at makatungo sa ibang island dahil iyon ang plano ngayon. Mamaya na din kasi ng hapon 'yung uwi namin. "Hindi pala natulog sa room natin si Jarred, 'no?" Tanong ni Cherry habang kumakain kami saka sinulyapan nang tingin si Jarred na nasa kabilang table. Hindi din siya sumama sa table namin ngayon. "Eh, papaano ba naman kasi 'tong si Aisla, nagagalit galit pa!" Amara tsked. Napa-iling na lang ako dahil nasa akin na naman 'yung sisi. "Leave her alone," sabi ni Qino na nasa kabilang dulo ng mesa. "And besides, I won't approve of the idea that Aisla and Jarred would sleep in the same bed." Nakita ko sa peripheral vision na napanguso si Ivette. Lumingon ako sa gawi ni Jarred kung saan ay kausap niya ngayon si Yosef at ang iba sa mga