Chapter 5

2077 Words
Pagdating namin sa isa sa mga bar ng Seventh Street ay mabilis akong kinaladkad ni Rianne papasok sa loob ng comfort room para magpaganda. Hindi ko alam kung kanino siya nagpapaganda, eh, wala naman siyang boyfriend. O baka nandito 'yung crush niya na lagi niyang kinu-kwento pero never naman niyang binanggit ang pangalan. At ni hindi ko pa nga nasusulyapan si Jarred kung totoo nga ba na nandito talaga siya. Pero magpapaganda na din ako para sure. "Nagpapaganda pa pala ang mga Fontanilla?" Biglang sabi ng isang tinig mula sa likuran. Pareho kaming napatingin ni Rianne sa pamamagitan ng salamin. "Layla!" Halos sabay naming sabi ni Rianne nang mamukhaan namin ang kaibigan namin. "Buti nandito ka?" Tanong ko nang matapos akong mag-apply ng liptint. "Kasi..." huminga ito ng malalim saka impit na tumili. "Ka-text ko si OJ. Sinabi niya na nandito kayo... kaya ayon, nagmadali akong pumunta dito!" Aniya habang kinikilig na nagku-kwento. Ngumiwi si Rianne sa kanya. "Huwag kang masyadong ma-hook kay OJ, Layla! Naku! Mawawasak ang nag-iisang puso mo," babala niya. "He's worth the heartaches!" Nakangiti pa ding sabi nito. Damn! Ano ba ang ipinakain ng mga pinsan ko sa mga kaibigan namin? Tsk. Sabay-sabay kaming lumabas sa CR at sumalubong sa mga tenga namin ang sigawan ng mga nagsasayaw sa dance floor. Tumungo kami sa table namin at kilig na kilig na umupo si Layla sa tabi ni OJ na nakangisi. At ayoko sa mga ganoong klase ng ngisi niya. Baka mamaya ay makita ko silang dalawa na naglalakad na palabas dito sa bar. "Aisla, si Jarred!" Excited at pabulong na sabi ni Ivette saka ininguso ang tao sa likuran ko. Napasinghap ako nang makita ko itong naglalakad palapit sa amin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung aayusin ko ang buhok ko o pupunasan ang mukha ko dahil baka oily face na ako. "Aisla," sambit ni Jarred. Sobrang kumabog ang puso ko sa pagbanggit niya ng pangalan ko. Para bang nawala ang ingay dito sa loob ng bar at siya nalang 'yung narinig ko. Ilang segundo ang pinalipas ko bago ko siya nilingon. Kunwari ay hindi ko siya nakita kanina na papunta na dito. "Uy!" Nagulat ako kunwari saka tumayo. "Nandito ka din pala!" Bahagya akong tumawa. I know, nakakahiya ito. Lalo na ngayon na tinatawanan ako ng mga kasama ko sa mesa. Pinandilatan ko sila ng mata para manahimik sila. "Oo. Nag-aya kasi 'yung mga ka-block ko. Tsaka, nasabi din ni Yosef na pupunta kayo." Nakangiti niyang sabi. Tumango-tango ako. "Bro, sa'yo, oh!" Ani Gregg sabay abot ng shot glass na may laman. Tumango ito at agad niyang kinuha saka ininom. Napalunok din ako nang lunukin niya ang alak. Kitang-kita ko 'yung adams apple niya na gumalaw. "Upo ka muna dito, bro. Usap tayo." Ani kuya Shan sabay tapik sa espasyo sa tabi niya. Sumang-ayon naman si Gregg. Kumunot ang noo ko. Ano naman kaya ang pag-uusapan nila? Minsan ay wala akong tiwala sa mga pinsan ko, eh. Baka ipahamak ako ng mga 'to. Pumayag si Jarred na umupo sa tabi ni Shan. Gusto kong makipagpalit ng pwesto kay Layla dahil katabi niya si Jarred. Para na din mabilis kong mapigilan ang mga pinsan ko sa kung anong pwede nilang sabihin, pero pinigilan ko ang sarili ko at nanatiling naka-upo sa pwesto ko. Medyo naiinis din ako kay Shan at Gregg dahil parang sila 'yung pinuntahan ni Jarred dito! Palinga-linga ako ng tingin at hindi mapakali habang nag-uusap-usap sila. Hindi naman masyadong kilala ni Gregg at Shan si Jarred pero hindi ko alam kung bakit gusto nila siyang kausapin. Dahil ba sa akin? Ugh. Nahagip ng mga mata ko si Rion, Yosef at Qino na palipat-lipat sa iba't ibang table. Pare-pareho silang nakangiti habang kausap ang mga iba't ibang babae na siguro ay kilala nila o nakakakilala sa kanila. Gusto kong tawagin si Yosef dahil siya 'yung talagang nakakakilala kay Jarred pero mukhang imposible na pumirmi iyon dito sa table namin. "Nanliligaw ka ba sa pinsan namin, bro?" Pakiramdam ko ay lumaki ang tenga ko sa narinig ko. It was Shan who asked. Mabilis akong napalingon kay Jarred at sa dalawa kong pinsan na kausap niya. Wala namang pakialam si OJ at Layla dahil may iba silang pinag-uusapan. Umalis na din si Ivette para puntahan sina Amara at Rianne sa dancefloor. Gusto ko din umalis at puntahan sila ngunit hindi ko pwedeng iwan si Jarred dito -- lalo na ngayon. Nahihiyang nagkamot ng ulo si Jarred habang may pilit na ngiti sa mga labi. Tumingin ito sa akin na para bang humihingi siya ng tulong. "Okay lang naman sa amin, dude. Wala namang problema kung nanliligaw ka." Ngumiti si Gregg saka ulit binigyan ng shot si Jarred. "Hoy! Magtigil nga kayo! Kung anu-anong tinatanong niyo sa tao, eh! Hindi siya nanliligaw, 'no!" Ako ang sumagot. Hindi nila ako pinansin. "Kaso nga lang, Jarred, prinsesa 'yang si Aisla." Sinulyapan ako ng tingin ni Shan. "Overprotective 'yung kapatid niya. Kakayanin mo ba?" Masamang tingin ang ipinukol ko kay Shan. Ano ba ang sinasabi niya? Hindi ba nila maintindihan na hindi naman nanliligaw si Jarred?! Oh, my gosh! Ipapahamak ako ng dalawang 'to, eh! Mukhang nape-pressure tuloy si Jarred sa mga pinsan ko. Nakakainis sila! Kapag iniwasan ako ni Jarred nang hindi oras ay kasalanan ng dalawang ito. Mas malala pa silang dalawa kay Qino, eh! "Stop it, guys! Hindi siya nanliligaw, okay? May iba siyang gusto!" Iritadong sabi ko saka tumayo at nag-martsa paalis. "Anyare do'n?" Rinig kong tanong ni OJ. Padabog akong naglakad palabas ng bar. Nang mapadaan ako sa table kung nasaan ang kapatid ko ay kumunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. Naka-akbay ang isa niyang braso sa balikat ng isang babae na may binubulong-bulong sa kanya. Bumusangot ako sa kanya saka dumiretso sa labas. "Bwisit!" Bulong ko sa sarili ko at sinipa ang plastic ng candy sa may paanan ko saka humalukipkip. Hindi ba nila naisip na baka iwasan ako ni Jarred sa ginagawa nila? O baka mamaya, isipin niya na ipinagkakalat ko na nanliligaw siya sa akin kaya gano'n kung magtanong ang mga pinsan ko! Hindi na lang sana ako sumama dito. Naiinis ako sa kanilang lahat! Sinisira nila ang gabi ko! "Hey, Aisla!" Tawag ng isang pamilyar na tinig. Atubili akong lumingon sa kanya habang nakangiwi. "Pasensya ka na sa mga pinsan ko, ha? Lahat kasi ng mga lalaking lalapit sa amin, akala nila nanliligaw," matabang kong sabi. Nagkamot ito ng ulo. "Wala namang problema—" "Hindi, Jarred! Problema 'yon! Baka isipin mo pa na ang asyumera ko at ipinagsasabi ko na nanliligaw ka sa akin." Inis kong pahayag saka nag-iwas ng tingin. "Paano kung hindi?" Tanong niya. Kunot noo ko siyang nilingon dahil hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin. "Huh?" "Paano kung sabihin ko na... gusto ko talagang manligaw sa'yo? Hindi ko naisip na nag-assume ka kasi... gusto talaga kitang ligawan?" Ilang segundo kong pinroseso sa utak ko ang sinabi niya. "H-huh?" Nakanganga kong sabi habang malakas na kumakabog ang pintig ng puso ko. Pakiramdam ko ay mas malakas pa sa tugtog ng mga speaker sa loob ng bar. Matamis itong ngumiti sa akin saka tumango. "I like you, Aisla. High school pa lang... may gusto na ako sa'yo. Hindi lang ako makakuha ng tiyempo kasi... lagi kang napapaligiran ng mga lalaki, eh. 'Yung mga pinsan mo, pati 'yung kapatid mo." Sa puntong iyon ay halos hindi ko na makita ang buong paligid dahil pakiramdam ko ay nawala silang lahat. Pakiramdam ko din ay bumagal ang takbo ng oras at kaming dalawa lang ni Jarred ang natira sa mundo. May kung anong umikot-ikot sa loob ng tiyan ko na para bang kinikiliti ako. Tulala lang akong nakatingin sa kanya. Pakiramdam ko ay lumutang ako sa sobrang saya. "Uh..." Iyon na lang ang naisatinig ko. Wala akong mabuong mga salita sa utak ko na pwede kong sabihin sa kanya ngayon dahil hindi pa din ako makapaniwala sa mga narinig ko. "Hindi kita pipiliting magsalita o sumagot. I just want you to know what I really feel towards you. Hindi ba, ang sabi ko sa'yo, ikaw ang unang makakaalam kapag umamin ako sa babaeng gusto ko? And now you know kung sino." Ngumiti ito saka inipit sa likod ng tenga ko ang takas na buhok na humaharang sa mukha ko. Naramdaman ko ang init sa buong mukha ko. Halos naririnig ko na din ang pintig ng pulso sa tenga ko habang patuloy na umiikot ang kung ano sa loob ng tiyan ko. Hindi ako makangiti sa sobrang saya. Hindi ako makagalaw dahil baka panaginip lang ito at biglang mawala si Jarred sa harapan ko kapag pinilit kong kumilos. "I like you, Aisla. I really do," ulit ni Jarred. Nagulat ako nang bigla niya akong hinalikan sa pisngi. Para akong kandila na biglaang natunaw sa ginawa niya. Ni magsalita ay hindi ko nagawa sa sobrang pagkagulat. Ang tanging nagawa ko na lang ay ang panoorin ang paglakad niya papasok sa loob ng bar at ang paghawak sa parte ng pisngi ko kung saan dumampi ang malambot niyang labi. "Oh. My. Gosh." Pabulong kong sabi habang tulala pa din. "Oh, my gosh!" Impit na tili ko pagkaraan ng ilang segundo o minutong pagka-estatwa. Napalundag ako sa sobrang saya habang inaalala ang mga sinabi niya. Pinagtinginan ako ng mga taong dumadaan sa harapan ko na may panghuhusga sa kanilang mga mata. Hindi ko sila pinansin sa sobrang kaligayahan na nararamdaman ko ngayon. Jarred likes me. Inamin niya iyon. Saksi ang kapaligiran sa aming dalawa. Gusto kong umiyak sa sobrang tuwa pero pinakalma ko ang sarili ko. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago naglakad papasok sa loob. Kailangan kong umarte nang normal. Kailangan ay hindi nila mahalata. Kailangan din na hindi ako masyadong mahalata ni Jarred na kinikilig ako. Parang gusto ko ulit siyang marinig habang sinasabi niya na gusto niya ako. Kalma, Aisla. Kalma! Sabi ng isip ko habang may malapad na ngiti sa mga labi. Hindi ko alam kung mabubura pa ang mga ito ngayong gabi. "Saan ka galing?" Tanong ng kapatid ko na ngayon ay mag-isa sa table namin. Seryoso itong nakatutok sa screen ng phone niya. Siguro ay naramdaman niya ang presensya ko. "Uh, sa labas. Nagpahangin." Wika ko saka umupo sa tabi niya. "Talaga?" Nanunuya niyang tanong saka malamyang tumingin sa akin. Tumango ako at hindi pinansin ang panunuya sa tinig nito, saka tumingin sa may bandang likuran kung saan nagmula si Jarred kanina no'ng lumapit siya sa akin. Sana ay lumapit ulit siya ngayon. O puntahan ko na lang kaya siya sa table niya para sabihin na gusto ko din siya? Parang magmu-mukha akong desperada kapag ginawa ko 'yun. Bahala na nga. Wala namang masama kung pupuntahan ko siya sa table nila. Malakas pa din ang pintig ng puso ko habang tumatayo mula sa pagkaka-upo. Nagulat ako nang biglang hawakan ni Qino ang pulso ko at hinila ako ulit pa-upo. "What?" Tanong ko. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko habang nakatingin ako sa kanya. Lalo na sa mga mata niya na matalim ang tingin sa akin ngayon. Pumikit ito saka umiling at pinakawalan ang pulso ko. Tinaasan ko na lang siya ng kilay saka na muling tumayo para puntahan si Jarred sa table nila. Bawat hakbang ko ay parang gumagaan lalo na noong makita ko siyang masayang nakikipagtawanan sa mga block mates niya. "Jarred..." nahihiyang tawag ko saka nilaro ang mga daliri ko sa kamay. Pare-pareho silang napatingin sa akin. "Uy, Aisla! Shot, oh?" Sabi ng kasamahan niya at ipinakita ang isang shot. "Shut it, dude. Hindi siya iinom." Iling ni Jarred habang tumatayo. Kinantyawan siya ng mga kasama niya pero hindi niya sila pinansin at naglakad tungo sa akin. Hinila niya ako palayo sa mga kaibigan niya. Tumungo kami sa hallway malapit sa CR kung saan walang masyadong mga tao at hindi ganoon kaingay. Nagkamot ako ng batok dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko at kung bakit ko siya tinawag. Nahihiya pa din ako kahit na siya na ang umamin sa akin kanina. "Uh... about... do'n..." "Aisla, totoo 'yun." Nakita ko ang sincerity sa mga mata niya kahit na medyo dim ang paligid. "O...kay." Halos bulong ko saka tumango-tango. "Manliligaw ako sa'yo," pahayag nito nang walang pag-aalinlangan. Ni hindi siya nagtanong kung pwede. At pakiramdam ko ay determinado talaga siya. Ito na 'yun. Ito na talaga. Marahan akong tumango saka nag-angat ng tingin sa kanya. Ngiting tagumpay naman ang ipinakita niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD