Lutang akong bumalik sa kwarto at nagpalit ng suot. Hindi ko sinuot 'yong bikini na inilagay ni Rianne sa bag ko at mas piniling mag-rash guard na lang. Hindi naman dahil sa sinabi ni Qino, kundi dahil ayoko naman talagang mag-swim suit ngayon dahil pakiramdam ko ay wala ako sa kalingkingan ng mga kasama ko. Naglakad ako tungo sa kanila na ngayon ay abala na na nagkukuhanan ng mga pictures. "Ano ba 'yan! Ba't ka nag-rash guard?!" Nakabusangot na salubong sa akin ni Rianne nang makalapit ako sa kanila. "Leave her alone, Rianne!" Pagtatanggol sa akin ni Ivette. Inirapan siya ni Rianne saka na nag-picture-picture. "Jarred, halika dito! Picture-an ko kayo ni Aisla, bilis!" Tawag ni Amara kay Jarred na kausap si Yosef at ang iba. Pilit akong ngumiti lalo na nang lingunin kami ni Qino na n