Ilang araw na akong tambay sa social media account ni Jarred para lang makakuha ng hint kung sino 'yung babaeng nagugustuhan niya, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam.
Halos binasa ko na ang mga old posts niya sa timeline, mga comments ng mga friends niya sa bawat post niya, pero wala pa din akong nakuhang hint kung sino.
Hindi kasi ako mapanatag. Okay lang sana kung alam ko na ako 'yung tinutukoy niya pero alam ko sa sarili ko na hindi. Lalo na at nabalitaan ko sa school kanina na may kasabay siyang kumain sa cafeteria; isang nursing student na babae. Pumunta pa ako sa cafeteria kahit na hindi pa tapos ang klase ko pero hindi ko na sila naabutan.
"Kuya, help me answer my homeworks."
Napatingin ako sa bunso kong kapatid na tumatakbo palapit kay Qino habang hawak ang answering book nito. Abala naman si Qino sa pagsusulat sa yellow pad paper niya.
"After I finish Ate's assignment, alright?" Ngumiti si Qino kay Dom.
Tumaas ang mga kilay ko at dinungaw ang yellow pad na sinusulatan niya. Nagpapagawa nga pala ako ng assignment ko sa kanya sa Math. Qino's good with numbers. Kahit ang mga pinsan namin ay sa kanya nagpapaturo kapag hindi nila mapiga ang mga utak nila.
"Ate first?" Tanong ni Dom saka tumingin sa akin. Tumango si Qino.
"Ate's always first." Tugon nito saka din ako tinignan habang nakangiti. Malapad akong gumanti ng ngiti sa kanya. Pagdating naman sa mga ganitong bagay ay maaasahan ang kapatid ko. Wala kang masasabi sa kanya.
"Come here, Dom. Ako na lang ang magtu-turo sa'yo." Tawag ko sa kapatid ko at iminuwestra ang kamay na lumapit siya. Agad naman itong lumapit sa akin at mabilis na binulatlat ang librong hawak para ipakita sa akin kung ano ang sasagutan.
Tinuro ko sa kanya ang mga dapat na kulayan para sa mga naiibang shape na naka-drawing sa libro niya. Wala pa ang mga magulang namin dahil may pinuntahan daw silang wedding party ng anak ng kaibigan ni Daddy kaya kaming tatlo pa lang ang nandito sa bahay -- kasama ni Manang.
May narinig kaming tumunog na sasakyan mula sa labas. Mabilis na naglakad si Manang para tingnan kung sino iyon. Narinig ko ang mga tawanan ng mga pinsan naming lalaki mula sa labas kaya kumunot ang noo ko at tumingin sa kapatid ko na abala pa din sa paggawa ng assignment ko. Lumundag naman si Dominic saka mabilis na tumungo sa pintuan para salubungin sila.
"Dom-dom pogi!" Rinig kong sabi ni Amara mula sa labas.
"Nandito 'yung mga pinsan niyo," anunsyo ni Manang pagbalik niya sa loob. Tumango ako saka tumingin sa doorway.
"Hey, Paps!" Bungad ni Rion kay Qino habang naglalakad palapit sa amin.
Nasa likod naman niya sina Kuya Shan, Yosef, Gregg at OJ. Nandito din si Ivette, Rianne at Amara. Mukhang may night out ngayong gabi dahil bihis na bihis sila.
"Anong meron?" Tanong ko kay Kuya Shan na umupo sa tabi ko.
Ginulo niya ang buhok ni Dominic. Inis naman niya 'tong inayos saka lumayo kay Shan.
"Seventh Street tayo. My treat. Tsaka, para makapang-chicks ako habang nandito ako." Tugon niya saka kumindat. "Dom, lika dito! Gusto mo sumama?" Tanong niya kay Dominic na umupo sa tabi ni Qino. Umiling ito.
"Kay Aisla assignment 'yan?" Tanong naman ni OJ kaya napatingin ako sa kanila. Tumango si Qino. "Bakit di siya 'yung gumawa?" Kumunot ang noo niya saka ako tinignan.
"Bakit ba? Ang hirap kaya niyan!" Masungit kong sabi. Ngumisi lang siya saka umiling.
Lumakad si Yosef palapit sa flatscreen at binuksan ito. Binuksan din niya 'yung xbox at kinuha 'yung dalawang controller. Hinagis niya kay Gregg 'yung isa na malugod niyang sinalo.
"Anong pwedeng kainin dito? 'Di pa ako nagdi-dinner." Ani Rion saka naglakad tungo sa kusina.
"Hanap ka diyan," tamad na sabi ni Qino habang nagsusulat.
"Wala sina Tito, Aisla?" Tanong ni Amara habang pinapanood si Qino. Nakapatong pa ang baba niya sa balikat ng kapatid ko. Close na close talaga silang dalawa. Never ko pa yatang ipinatong ang baba ko sa kapatid ko.
"Wala pa. Dito ba kayo matutulog?" Tanong ko saka humilig sa sandalan.
"'Pag nalasing kaming lahat baka oo," sagot ni Yosef na nakikipag-race kay Gregg.
Ngumuso ako. May mga pasok kami bukas at hindi ako sigurado kung papayagan kami nina mommy na umalis ngayon kapag nalaman nila. Ano kaya ang naisipan nila at nag-aya silang lumabas ngayon? On a Weekday? Tsk.
"Aisla, kasama nga pala si Jarred ngayon." Kindat ni Yosef matapos maglaro. Ibinigay niya kay Rianne ang controller at silang dalawa ni Gregg ang naglaro.
"Patay na patay si Aisla kay Jarred, eh." Naiiling na sabi ni Rion bago kumagat sa donut na hawak niya. "Paano 'pag nanligaw siya sa'yo? Papayagan ba nina Tita? Ni Qino?" Nilingon nito ang kapatid ko.
"She's just nineteen, Paps." Rason ni Qino saka ako sinulyapan ng tingin. Ngumiwi ako. Para na din niyang sinabing hindi.
"Kaya yata walang naglalakas loob na manligaw sa kapatid mo, Paps, eh. Loosen up, bro. Eventually, mag-aasawa din si Aisla. Tayong lahat on that matter." Natatawang sabi ni Yosef. Mabilis na dinampot ni Qino ang throw pillow sa tabi niya at ihahampas sana kay Yosef ngunit mabilis itong umilag.
Mas lalo akong napangiwi. Mag-aasawa agad? Hindi ba pwedeng boyfriend muna? Exaggerated mag-isip 'tong Yosef na 'to.
"So kung si Ivette ang mag-aasawa ngayon, papayag ka?" Qino retorted.
"No. Way." Iling ni Yosef saka tinignan ang kapatid niya. Pinandilatan siya ng mata ni Ivette.
"Look at Diana. Sobrang protective ni Rion sa kanya. Anong nangyari?" Ngisi ni Amara habang tinatapik-tapik ang balikat ni Qino.
"Oy! Anong ako? Hindi lang marunong mangontrol 'yung gagong Liam na 'yun!" Iritado niyang sabi saka tumayo.
"Mag-aasawa nga siya, pero hindi ngayon." Matigas na saad ni Qino. "I don't like that Jarred, Aisla. Iba't ibang babae ang nakikita kong kasama niya." Baling nito sa akin.
"Mabait kaya si Jarred! Tsaka, friendly lang siya kaya gano'n." Depensa ni Rianne na abala sa paglalaro pero nakuha pa ding magsalita.
"Ikaw din naman, ah? Iba't ibang babae ang mga nakakasama mo." Akusa ko habang nakataas ang isang kilay.
"Why don't we ask Dominic here?" Ani Shan. "Ano baby boy, do you like that Jarred for Ate?" Tanong niya.
"Does he know how to drive?" Ngumiwi ito. "I want someone for Ate who knows how to drive like Kuya Qino. Racer ba siya?" Inosenteng tanong niya. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Ivette na tumingin kay Dominic dahil parang hindi niya naintindihan ang sinabi nito.
"Aww! Hindi racer si Jarred but he sure knows how to drive," wika ni Rianne.
"Duh! Bakit ba nagde-debatehan kayo? Bakit hindi ako 'yung tanungin niyo kung gusto ko si Jarred?" I tsked.
"No need. Alam namin ang sagot mo." Tawa ni Gregg. "What the f**k, Maria Suzanne?!" Bigla niyang sigaw nang itulak siya ni Rianne para hindi tuluyang manalo sa laro.
"Bahala nga kayo! I like Jarred, alright? Bahala kayo kung ayaw niyo sa kanya!" Irap ko sa kanila.
"That's my girl!" Ani Amara.
"If he can beat my ass in a car race, he can have you." Wika ng kapatid ko habang nakangisi. Pero nakikita ko sa mga mata niya na seryoso siya.
"What am I, Qino? A f*****g trophy?" Iritable kong sabi saka siya inirapan. Umiling naman ito saka lumabi.
Hindi ko alam kung ano ang ipinaglalaban nilang lahat, eh. Basta ako, gusto ko si Jarred. Matagal na. High School pa lang kami ay siya na 'yung gusto ko -- siya lang ang gusto ko. Kahit ba na malabong mangyari na magustuhan din niya ako, hindi ako nawawalan ng pag asa.
Nagpatuloy sila sa pag-uusap ngunit tungkol na naman sa mga babae. Nagpapayabangan pa sila kung sino ang pinakamagaling. Hindi naman sumali sa usapan ang kapatid ko dahil abala siya sa pagsagot sa pinapagawa ko.
Nang dumating ang mga magulang namin ay hindi na sila nagulat nang makita ang mga pinsan namin na nandito. Sanay na sanay na sila dahil madalas din silang matulog dito at maki-kain.
"May lakad ba kayo ngayon?" Tanong ni Dad sa mga pinsan ko habang binubuhat si Dominic na nakatulog sa lap ni Ivette.
"Manlilibre daw si Shan, Tito," tugon ni Rion.
"Kailan ba 'yung alis mo, Shan?" Tanong naman ni Mommy.
"Next week pa, Tita," aniya.
"Dad, alis kami, ah?" Paalam ni Qino habang tumatayo.
Tumango si Daddy.
"Sama ka, Aisla?" Tanong niya.
"Yup!" Maligalig kong tugon saka na din tumayo.
"Umuwi kayo ng maaga, ha?" Bilin ni Mommy. "May pasok kayo bukas."
"Maaga... like, four in the morning, Tita?" Pamimilosopo ni Rianne.
"No!" Natatawang iling ni Mommy.
Nagpaalam ako sa kanila na maliligo muna at mag-aayos. Inihagis naman ni Qino sa akin ang yellow pad ko kung saan niya ginawa ang assignment ko. Nagpaalam din siya na magbibihis na. Sabay kaming naglakad tungo sa direksyon ng mga kwarto namin.
"Qino, inaya mo na bang lumabas si Princess?" Tanong ko sa kapatid ko bago siya tuluyang pumasok sa kwarto niya na kaharap lang ng sa akin.
"Should I?" He tilted his head. I rolled my eyes at him.
"You should, bro. And now is the time. Kakaripas 'yun nang takbo." Matamis akong ngumiti.
"Okay. Sabi mo, eh," aniya saka na tuluyang pumasok sa loob.
Ngiting-ngiti akong pumasok sa loob ng kwarto ko at naghanda ng isusuot. Since ang sabi ni Yosef ay nandoon si Jarred... ano kaya ang isusuot ko? Bakit ba lagi akong naco-concious? Tsk. Magso-short na lang ako at t-shirt since ganoon lang din 'yung suot ni Ivette, gagayahin ko na lang siya. Ayoko namang mag-dress katulad ni Amara at Rianne ngayon.
Nang matapos akong maligo at magbihis ay lumabas na ako ng kwarto. Tumungo ako sa may sala kung nasaan ang mga pinsan ko na naglalaro pa din sa xbox. Natawa ako nang totoong sinuntok ni Amara si Rion sa tagiliran.
"Daya mo!" Ani Amara habang nakatingin ng masama kay Rion.
"Hindi ka lang marunong sumuntok, eh. Ako pa 'tong madaya!" Natatawa nitong sabi habang hinahaplos ang tagiliran niya.
Nagpaalam kami sa mga magulang ko nang matapos magbihis si Qino. Agad namang umakbay sa kanya si Amara. Nag-kwentuhan naman kami ni Ivette habang palapit kami sa sasakyan ni Qino. Dala din ni Rion at Yosef 'yung mga sasakyan nila at sigurado akong magco-convoy kami ngayon.
"Front seat, baby." Wika nang kapatid ko nang pasakay na sana ako sa backseat. Lumingon ako sa kanya. Tinuro naman niya sa akin ang pintuan sa unahan habang naglalakad tungo sa kabilang side ng sasakyan.
Nagkibit-balikat na lang ako at sumakay sa harapan. Akala ko ay si Amara 'yung sa front seat, eh. Pero sumakay pala siya sa sasakyan ni Yosef. Okay lang naman sa akin kung sa backseat ako para makapag-kwentuhan pa kami ni Ivette na sa sasakyan ni Qino sumakay. Pati na din si OJ na may kausap sa telepono ngayon. Ang hula ko ay babae ang kausap niya.
"Vette, nandoon ba talaga si Jarred?" Paninigurado ko sa pinsan ko na abala din sa pagse-cellphone.
"Hindi ako sure, eh. Pero sabi ni Kuya, 'di ba?" Tugon niya. Tumango-tango na lang ako.
"Tinawagan mo na ba si Princess, Qino?" Baling ko sa kapatid ko na nagmamaneho. Kumunot ang noo nito saka bahagyang sumulyap sa akin.
"Princess?" Curious na tanong ni Ivette. Ngumiti ako at nilingon siya.
"Yup. Princess! Our friend! Type kaya siya ni Qino."
"What? I mean... really?" Hindi makapaniwalang sabi ni Ivette na tuluyan nang nakalimutan ang cellphone niya.
"I don't! Ikaw lang naman 'yung may gusto sa kanya," singit ni Qino.
"Kaysa naman sa mapunta ka sa iba, 'di ba? At least, si Princess, kilala na namin at kaibigan pa namin siya. Hindi tulad ng ibang mga babae mo," mataray kong sabi.
"Oh? Bakit, si Princess ba hindi iba?" Sarkastikong sabi niya.
"Hindi! Ang point kasi Qino... si Princess, mabait, masayang kasama, maganda, matalino—"
"Damn right, Aisla. Pero hindi ko siya gusto, okay?" Bigla kong nalasahan ang iritasyon sa tinig nito. Kumunot ang noo ko.
"Try mo lang naman! Baka mag-workout kayo, 'di ba? And it's just a date, Qino. Walang mawawala sa'yo!" Pangungulit ko at pinantayan ang iritasyon sa boses niya. Baka nakakalimutan niya na pumayag na siyang i-date si Princess!
"Huwag mo siyang piliting makipag-date sa iba, Aisla. Hindi pa talaga nakaka-move on 'yung kapatid mo kay Sanya." Asar ni OJ pagkatapos makipag-usap. Nilingon ko siya.
"Duh! High School pa noong naging sila, Kuya. Imposible naman 'yun!" Alma ni Ivette sa kapatid niya.
"Vette, walang imposible! Madalas pa kaya silang magkita ni Sanya!" Humalakhak si OJ. Naningkit ang mga mata ko sa katapid ko.
Dalawang taon naging sila ni Sanya noon at bigla na lang silang naghiwalay sa hindi malamang dahilan. Pare-pareho kaming nagulat noong mabalitaan namin na wala na sila. Gustong-gusto kasi ng mga magulang namin si Sanya para sa kapatid ko at siya lang 'yung babaeng ipinakilala ni Qino sa kanila. Sayang nga silang dalawa, eh. Pero ang balita ko ay nag-aaral siya sa ibang university na medyo malayo dito bilang isang Civil Engineer katulad ni Qino. Gusto ko din sana na gano'n 'yung kursong kunin ko kaso, parang hindi ko kaya.
"Kaya pala ayaw!" Pailing-iling kong sabi. "Nagkabalikan na kayo?" Taas kilay kong tanong. Hindi niya ako pinansin.
"f**k you, Olly! Sinong nakikipagkita kay Sanya, huh?" Ani Qino at masamang tinignan si OJ gamit ang rearview mirror. Tumawa si OJ.
"Don't deny it, Paps! Kwento sa akin nung kaibigan ni Sanya na lumabas daw kayong dalawa nung umuwi siya dito! Nakita din daw kayo ni Rion!"
"It was just an accident, OJ. Aksidenteng nakita ko siya mall!" Deny pa din ni Qino. Bigla akong nairita. Bakit kailangan pa niyang i-deny? Tsk.
"Bakit hindi mo pa aminin, Qino? Deny ka pa diyan, eh, may nakakita na nga daw sa inyo!" Singhal ko.
"Aksidente nga lang na nagkita kaming dalawa doon!" Depensa niya saka ako pinandilatan ng mata. Nginiwian ko siya saka umiling.
Siguro ay nagkabalikan na silang dalawa at ayaw lang niyang aminin. Siya kasi ang first love nitong kapatid ko kaya hindi malayo na may nararamdaman pa din siya kay Sanya hanggang ngayon. Siya 'yung nag-iisang babae na sineryoso ni Qino.
Mabuti nalang pala at hindi ko pa nasabi kay Princess na pumayag nang makipag-date sa kanya si Qino dahil paniguradong aasa iyon.