CHAPTER 6 Zahra's P. O. V Habang naglalakad ako palabas ng bahay ay napatingin ako sa maduming harapan ng bahay, halos hindi na makita ang pintura ng bahay dahil sa dumi, puro rin alikabok ang mga bintana, sandamakmak din ang dahon dahil sa puno ng mangga na katabi ng bahay. Wala akong kapitbahay, napakalawak ng lupa namin pero puro matataas na damo lang ang nakapaligid. Wala din akong balak na ibenta ang lupa kahit ba mayroong nagtatangkang bumili nito noon. Binili ito ng magulang ko kaya ayokong mapasakamay ito sa iba. Malaking bakod naman ang nasa bakuran ng bahay, tinuturing naming Garden iyon nung bata ako. Napakadaming halaman at napakaganda nito dati, pero ngayon ay wala nang halaman, puro lupa na lang dahil dito ko nililibing lahat ng dapat mamatay. "Isa.. Dalawa..