CHAPTER 5
Jehiel's P. O. V
Kakatapos ko lang mag trabaho, pauwi na sana ako pero nakita ko ulit si Scarlet na nasa tabi ng Motor ko.
"Excuse me," cold kong sabi saka kinuha ang helmet ko.
"Jehiel, pinagpapalit mo na ba talaga ako?" tanong niya sa akin.
"Oo, malapit na," sabi ko at sumakay na sa motor ko.
Akmang bubuksan ko na ang makina pero hinawakan ni Scarlet ang braso ko.
"SCARLET!" sigaw ko pero hindi pa rin siya bumibitaw.
Hindi ako makapaniwala na ganito ka kapal ang mukha ng babaeng to. Tatlong taon niya akong pinaglololoko! Hindi pa rin ba siya nakukuntento?
"Jehiel! Alam mong mahal kita! Nagkamali lang naman ako, ‘di ba lahat naman ng tao nagkakamali?" pagpapaawa niya habang nakakapit pa rin sa akin.
Nainis naman ako dahil para siyang linta kung makakapit sa akin.
"Ang pagkakamali, hindi ‘yon sinasadya, tanda-tanda mo na pero makitid pa rin utak mo!" sabi ko at hinawi ang kamay niya.
"JEHIEL! MAHAL MO AKO, 'DI BA!" sigaw nito.
Napatingin naman ako sa paligid at may ilang pasyente at nurse ang napatingin sa amin dahil sa bunganga ni Scarlet.
Kanina si Zahra, ngayon naman si Scarlet. Mga babae talaga!
"Alis, o gusto mong sagasaan kita," pagbabanta ko kaya gumilid siya.
Pinaandar ko na ang motor ko at pinaharurot iyon pauwi sa bahay ko.
Pag-uwi ko naman ay nagulat ako nang makitang bukas ang ilaw ng apartment na tinutuluyan ko.
"Sh*t," bulong ko at agad na pumasok, inisip ko na baka may magnanakaw o ano.
Nagulat naman ako nang makita ko ang tita ko na kumakain kasama ang anak niya.
"Jehiel! Nandito ka na pala! Kumain ka na muna," sabi nito at inalok ako na maupo.
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko.
"Jehiel, hindi ba alam mo namang ang tito mo gipit dahil maliit lang ang kita sa talyer baka naman--"
"Magkano ho ba ang kailangan niyo?" tanong ko at nilabas ang wallet ko.
"Limang libo sana, pinag-aral--"
"Opo tita, pinag-aral niyo po ako, hindi ko po makakalimutan 'yon," sabi ko at naglabas ng limang libo saka inabot sa kaniya.
"Maraming salamat! Mabuti talaga at sa 'min ka napunta, swerte ka talaga sa 'min! Kumain ka na tara! Sabi ko kase sa ‘yo mag-asawa ka na, trenta ka na at hindi na pabata, bakit ayaw mo pa pakasalan si Scarlet?" napabuntong hininga naman ako.
"Wala na po kami ni Scarlet, niloko niya po ako kaya... Ako na mismo ang lumayo sa kaniya," sabi ko at tinabihan sila.
"Hello po kuya Jehiel," bati sa akin ni Chloe, pinsan ko at sampung taong gulang pa lang siya. Late nagkaanak si Tita at Tito.
"Hi bunso," bati ko at ginulo ang buhok niya.
"Maghanap ka na ng mapapangasawa mo, para may katuwang ka na dito. Doctor ka na, madami ka ng pera kaya pwede ka na magpamilya," sabi ni Tita sa akin.
Tumango lang ako at kumain na.
Si Tita Helen at ang asawa niya ang kumupkop sa akin, trese anyos pa lang ako nang mamatay si Mama at Papa sa car accident, rason kung bakit ayoko sa kotse. Namatay ang magulang ko at ako lang ang nabuhay, parang isang himala.
Napahawak ako sa hita ko, bakas pa rin ang peklat ng tahi ko, lumubog sa laman ko ang basag na bintana ng kotse noong na aksidente kami, akala ko mapuputulan na ako ng paa noon. Mayroon din sa likod ko, tatlong tahi dahil din sa hiwa.
Pinag-aral nila ako ng high-school. Napabarkada ako, mabuti na lang at may pangarap sa buhay sila Fred. Nung college ako ay sinasama nila ako sa gig kung saan kumikita kami, nag part time job din ako at nakuha akong scholar kaya naging madali ang pag-aaral namin. Masyado lang kaming naadik sa alak noon.
Simula nang naging Doctor ako ay hindi naman ako makahindi kala tita, kahit ba wala rin akong pera ay inaabot ko pa rin ang kailangan nila. Hindi naman palagi ay may pera ako. Syempre meron din akong pinaggagastusan pero dahil may-utang na loob ako sa kanila ay kailangan ko palitan.
"Dito na po kayo matulog, gabi na ho wala nang masasakyan," sabi ko.
Natulog sila sa kama ko at ako naman ay sa sofa.
Nakita ko ang sarili kong naglalakad papasok sa sasakyan, ligayang-ligaya ako dahil aalis kami.
"Ma! Ice cream po ang gusto kong kainin pagdating natin do'n!" Maligaya kong sabi at naupo na sa sasakyan.
"Oo naman anak, lahat ng gusto mo ibibili namin ng Papa mo," sabi ni Mama at sinuotan ako ng seatbelt.
"Salamat, Mama! Salamat, Papa!" Sambit ko.
"Handa na ba kayo? Pupunta na tayo sa mall,” sabi ni Papa.
"Opo! Opo!" sambit ko.
"Ilang buwan na kaming hindi nakakabawi sayo anak, pasensya na. Alam mo namang mahirap ang trabaho namin bilang doktor," sabi ni Mama na nakaupo sa passenger seat.
"Okay lang po’yon, Mama! Gusto ko din pong maging doktor kagaya niyo ni Papa!" nakangiti kong sabi.
"Kung gano’n, dapat mag-aral ka ng mabuti," sabi ni Papa at ngumiti.
Napangiti naman din ako pero nawala ang ngiti na iyon sa labi namin nang biglang may isang kotseng mabilis ang takbo na sumalubong sa amin.
Mabilis ang pangyayare at tanging sigaw lang namin ang narinig ko.
Napadilat ako at naiyak ako nang makitang nakabaliktad kami.
Napakasakit ng buong katawan ko at magmamanhid na ang hita at likod ko.
"M-mama!..." tawag ko at umiyak nang makita silang duguan.
Mayroong basag na salamin na nakatusok sa ulo ni Mama at si Papa naman ay hindi ko na makita ang mukha dahil naliligo na ito sa sarili niyang dugo.
"Mama... Papa..." tawag ko.
"ONE SURVIVOR! I REPEAT, THERE'S ONE SURVIVOR!" rinig kong sigaw ng isang lalake.
"MAMA! PAPA!" sigaw ko.
*******
Napabangon ako mula sa isang bangungot, pinunasan ko ang luha ko at agad na kumuha ng tubig. Habol ko ang hininga ko habang nakasandal sa lamesa.
"Mama... Papa..." bulong ko at muling napaluha.
17 years na ang nakalipas pero parang kahapon lang nangyare ang aksidenteng iyon.
Napakatagal na. Sobrang tagal na pero hindi ko pa rin.. Hindi ko pa rin makalimutan, palagi akong sinusundan ng pangyayareng 'yon.
*****************