CHAPTER 7 Jehiel's P. O. V Napahawak ako sa ulo ko habang nagsusulat ng reseta. "Doc. Jehiel," tawag sa akin ni Carla at pumasok sa office ko. "Pakibigay na 'to, salamat," sabi ko sa nurse na katabi ko at inabot sa kaniya ang reseta. Lumabas na ang nurse at lumapit naman sa akin si Carla. "Sino siya?" tanong ni Carla. Mahina naman akong natawa. "Sino?" takang tanong ko. "Yung babae, napaka..." "Napakaangas niya, napakataas ng tingin sa sarili, napaka-bossy, napakasuplada, napakalakas mang a--" napahinto ako nang maisip ang sasabihin ko. Napakalakas mang-akit ng babaeng ‘yon. Sobra. "Malakas mang ano?" tanong ni Carla. "Malakas mambwisit!" pang-iiba ko at napailing. "Hindi mo pa rin sinasagot yung tanong ko, sino siya?" tanong ni Carla.