CHAPTER 16 Jehiel's P. O. V Maaga akong nag-out sa hospital dahil pupuntahan ko si Zahra, wala naman na akong appointments kaya okay na kahit mag-undertime ako. "Jehiel!" tawag sa akin ni Carla habang naglalakad na ako palabas ng hospital. "Sorry! Doctor Jehiel pala," naiilang na sabi ni Carla. "Parang hindi naman tayo magkaibigan," sabi ko at ngumiti. Mahinang natawa si Carla at saka humakbang papalapit sa akin. Nagtaka naman ako sa ginawa niya. "Bakit wala ka sa bahay mo kagabi?" tanong ni Carla. Umilag ako sa mga tingin niya at nilinga linga ang mata ko sa paligid. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya although magkaibigan nga kami. "You slept with Zahra?" seryosong tanong ni Carla na ikinagulat ko. "H-ha? Paano mo nalaman?" tanong ko. "Hi