CHAPTER 15 Zahra's P. O. V Paggising ko ay nakita ko si Jehiel na naglalagay ng apoy sa bundok na dahon. Anong ginagawa niya rito? Akala ko ba galit siya sa 'kin? "Bakit ka nandito?" tanong ko kay Jehiel. "Binalik ko yung lunch box mo, saka kapag nagluto ka ‘wag mo sana ibubuhos yung asin," natatawang sabi ni Jehiel. Napakunot naman ang noo ko dahil sa inaasta niya ngayon, bakit bigla siyang naging mabait at ngumingiti na siya sa 'kin? "Are we okay now?" tanong ko sa kaniya. "Maybe, yes," sabi ni Jehiel. Napaatras ako nang biglang lumiyab ang mga dahon. "Ayan may pa bonfire ka na," sabi ni Jehiel at saka kumuha ng upuan at tumabi sa akin. "I'm sorry," muli kong sabi. "Okay na ‘yon, nga pala. Mukhang mahal na mahal mo nakalibing diyan, may pa rosas