CHAPTER 17 Zahra's P. O. V Maaga akong pumasok sa trabaho ko dahil may plano ako ngayong araw. "Good Morning, Ma'am Zahra!" bati sa akin ni Ella nang pumasok ako sa store namin. Agad kong hinawakan ang kamay niya at hinila siya palabas ng store. "Hala Ma'am! Bakit po?" tanong ni Ella. "I don't know the styles of jeans. I need you to come with me and let's buy some new clothes," sabi ko at nginitian siya ng pilit. "P-po?" takang tanong ni Ella. Napa-irap naman ako sa pagka-slow niya. Sinakay ko siya sa passenger seat ng kotse ko at saka ako sumakay. Nagmaneho ako papunta sa pinakamalapit na mall. "Ma'am? Magsusuot kayo ng pantalon? Parang ganito?" inosenteng tanong ni Ella at tinuro ang suot niyang pants. "Obviously, yes," sabi ko habang nakatingin sa d