CHAPTER 18 Zahra's P. O. V Nagtagumpay ako at napasakin agad si Jehiel, wala siyang nagawa at hindi na ito nakatanggi sa 'kin. "Sabi ko sa 'yo eh, bagay ang pantalon sa 'yo," sabi ni Jehiel habang naglalakad siya sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa park, sa totoo lang ay naalibadbaran ako sa mga bata na nakikita ko habang kasama nila ang magulang nila. I really hate seeing a complete family, it makes me feel so f*****g jealous. "Hindi mo ba nagustuhan yung experience ng pagsuot ng pantalon?" tanong ni Jehiel at hinila ako paupo sa bench. "I don't like it," bulong ko at napa-irap. "Ahh... Dahil ba kanina? Hindi naman kase tamang lugar 'yon para sa alam mo na," sabi ni Jehiel at inakbayan ako. Flashback (Time when Zahra kicked out the patients of Jehiel) "Bakit