"Saan ninyo ako dadalhin?" nanginginig ang boses na tanong ni Beatrice.
Hawak ng dalawang armadong lalaki ang magkabilaan niyang braso habang kinakaladkad siya palabas ng kwarto.
Ngumisi ang isang lalaki. "Sa langit." At saka nagtawanan ang mga ito.
Nagpumiglas siya. "Bitiwan ninyo ako! Ano ba! Bitiwan n'yo ako!"
Nahirapan tuloy ang dalawa na kaladkarin siya. Nananahimik siya sa kwarto nang biglang dumating ang mga ito at basta na lang siya kinaladkad, tapos sasabihin lang na sa langit siya dadalhin?
Ano 'yon? Bibitayin siya?
"Pucha! Tumigil ka nga!" reklamo ng isa sa kaniya dahil mukhang nahihirapang hilahin siya.
Nasilaw siya sa liwanag nang tuluyan silang makalabas sa cabin kaya bahagya siyang napapikit.
Natigilan pa siya dahil sa mga nakita niya. And daming maliliit na bahay na nakatayo, para bang cabin. Tapos naglipana ang mga armadong lalaki sa bawat paligid, natigil pa ang iba sa ginagawa dahil natuon na ang atensyon sa kaniya.
Nanginig na naman ang mga tuhod niya pati kalamnan dahil sa mga armas ng mga ito at hitsura na para bang kakatayin siya.
"Lakad na!" Itinulak siya ng isang lalaki.
At sa pagkakataong ito ay hindi na siya hawak ng mga ito. Sinusundan niya na lang ang lalaking nasa unahan niya at ang nasa like a niya naman ay ang isa pa.
She was holding her tears and she prayed silently. She doesn't know what will happen to her.
Napasinghot pa siya dahil kusa ng tumulo ang sipon niya gawa ng pagpipigil niya ng emosyon. Matapang siyang tao pero pinanghihinaan pa rin siya ng loob.
Nakayuko lang siya at tahimik na nakasunod sa lalaking nasa unahan. Ang dami nilang nilikuan na kanto hanggang sa huminto sila sa isang hindi kalakihang bahay na sementado.
Napatingin siya dalawa dahil takot naman siyang buksan ang pinto para pumasok. Ngumisi lang ang mga ito saka sinenyasan siya na buksan ang pinto.
Nanginginig ang mga kamay na pinihit niya ang seradura. At ganoon na lang ang pagsinghap niya dahil bumulaga sa harapan niya ang mga medical apparatus.
The room is a clinic. Kompleto pa sa kagamitan. Napailing siya dahil hindi makapaniwala na kompleto ang kampo ng mga teroristang kumidnap sa kaniya.
She swallowed a lump before she stepped forward inside the room.
Iginala niya rin ang paningin sa buong paligid. Puti ang pinto ng buong silid at sa bandang kaliwa ay may pinto rin, palagay niya ay CR 'yon, sana nga.
"Uy si big boss paparating," narinig niyang usal ng dalawang lalaki kaya napatingin siya sa mga ito.
Paparating nga ang lalaking sinampal niya no'ng isang araw. Ang tikas ng dating nito, pati maglakad ay napakatikas tingnan. Walang binatbat ang dalawang lalaking nakasunod nito na may dalang mga gamit.
Huminga siya nang malalim saka nakakatakot ang tinging ipinukol niya rito.
He was dangerously attractive. Pero hindi siya madadala sa lakas ng s*x appeal nito, isa pa rin itong terorista, mamatay tao at kriminal.
Huminto ito mismo sa bukana ng pintuan, halos wala na siyang makita sa likuran dahil sa laki ng bulto ng katawan nito.
He smirked at her. "Nagustuhan mo ba ang opisina mo, dok?"
Tumaas ang isang kilay niya. "Mas gugustuhin ko pang manatili rito kaysa bumalik sa cabin mo," mariin niyang saad.
Nakipagtitigan siya rito kahit matiim itong nakatitig sa kaniya.
He chuckled and raised his eyebrows. "Oh? Well, see..." He smirked.
She gritted her teeth and never left her sight away from him.
"Ipasok na 'yan dito," he said without breaking eye contact with her.
Umusog ito para makapasok ang dalawang lalaking kasama kanina na may dalang mga bag at inilapag mismo sa harapan niya.
Nanghina na naman ang mga tuhod niya nang mapagtanto kung kanino ang mga bag na 'yon. Mga gamit ng mga kasamahan niya at sa kaniya. Kasama na rin ang mga medical apparatus nila.
Paluhod siyang bumagsak sa sahig. Nanginginig ang mga kamay niya at nagbabadya na naman ang mga luna niya.
May mga natuyong dugo pa siyang nakikita sa mga bag kaya ganoon na lang ang panginginig niya, lalo na't bumabalik sa alaala niya ang nangyari sa mga kasama.
"Good luck, doctor," he mocked her before he left.
And her tears started to fall. She exhales deeply and sniffles.
Matagal siyang nanatili sa sahig hanggang sa matuyo ang mga luna niya.
"Iiyak mo lang, ganiyan talaga sa umpisa."
Nagtaas siya ng tingin at hinanap ang taong nagsalita. Nakita niya ang dalawang lalaking naglapag ng mga bag kanina, nakaupo na ang dalawa sa isang sulok kung saan may mahabang mesa na naroroon.
Kung titingnan ay parang kauri ang dalawa sa mga armadong lalaki, pero ngayon niya lang natitigan ang dalawa. Mukhang kaedad niya lang at mukhang disente tingnan kaya lang ay parang napabayaan na ang sarili.
"S-sino kayo?" nauutal niyang tanong.
"Ako pala si Ben."
"Ako naman si Alex."
"At kami ang makakasama mo rito magpakailanman," ani pa ni Ben sa seryosong boses.
Muli siyang napaiyak sabay tingin ulit sa mga gamit na nasa harapan niya.
"Ang mga kasamahan ko..." she cried. "N-nasaan na sila... A-ang mga kasama ko..."
Tuluyan na siyang napahagulhol ng iyak. Flashbacks keep flashing in her mind.
"They're dead," malamig ang boses na saad ni Alex, saka tumayo at nilapitan siya.
Dinampot nito ang mga gamit na nasa harapan niya at inilagay sa mesa.
"Kung ako sa'yo tumigil ka na sa kaiiyak mo, wala ring mangyayari," muling saad ni Alex habang busy na sa pag-aayos ng mga medical equipment.
Napatigil nga siya sa pag-iyak at maang na napatingin sa mga ito. Parang ang tagal na ng mga ito sa lugar na ito.
Bumuntonghininga si Ben saka tumayo na rin para tulungan si Alex.
"Katulad mo, kinidnap din kami. Medical missions din, sa ibang probinsya naman 'yon. Madami kami hanggang sa kaming dalawa na lang ni Alex ang natira," malungkot na saad ni Ben.
Kahit nanghihina pa ang mga tuhod ay pinilit niyang tumayo. Nakatulala lang siya sa dalawa.
"Limang taon na kami rito," mapaklang wika ni Alex. Ramdam niya ang lungkot sa boses nito.
Siya naman ay napasinghap.
Paano naka-survived ang dalawa sa lugar na ito? Naitanong niya sa sarili.
Five years. Kaya niya ba? O baka mas higit pa sa limang taon siyang mananatili rito.
Or else, she would end up dead like others.
"H-hindi n'yo sinubukang tumakas?" kalmanteng tanong niya, saka tumulong na rin sa pag-aayos para mawala ang takot na nararamdaman.
Alex scoffed. "Kaya nga namatay ang iba naming mga kasamahan, masyadong matapang at ang lakas ng loob tumakas."
"And do you think makakatakas ka sa lugar na 'to?" dagdag pa ni Ben.
She bit her lower lip and ignored what he said.
"I'm sure the authorities will look for us," she said with so much hope in her voice. "Kaya maghintay lang tayo dahil sigurado akong hindi sila titigil hangga't hindi tayo nahahanap."
Ben and Alex looked at each other; they exchanged meaningful looks.
She furrowed her eyebrows. "What?" she murmured, confused.
Ben shook his head and then laughed, as well as Alex.
Ang klase ng tawa nila ay parang nang-uuyam.
"Authorities? Huwag ka ng umasa, dok! Dahil walang sasalba sa atin dito kung hindi ang mga sarili lang natin," saad ni Ben.
"N-No... My family will look for me," naiiyak niya namang wika.
"May Chief of Police nga ritong pumupunta ka meeting nila, s**t!" Alex said with gritted teeth.
She was trembling now. Ben noticed her pale face and tapped her shoulder.
"Okay lang 'yan, dok! Kapag may kaya naman ang pamilya mo hindi sila titigil lalo na kapag may kapit sa itaas."
She exhaled deeply and massaged her forehead.
"H-how about you two? Did your family look for you?" tanong niya sa naiiyak na boses.
"We don't know, maybe they thought we were dead," mapaklang sagot ni Ben.
Natigilan siya. Bigla na lang siyang natulala habang mariing hawak ang scalpel na nadampot.
Tinapik siya ulit ni Ben sa balikat. "Cheer up, dok! Just follow the rules and you're safe."
___________
Kanina pa siya nakayuko sa table niya. Hindi niya alam kung ilang oras na siya sa ganoong posisyon nang may dumating.
Wala sa loob na nag-angat siya ng tingin. Dalawang lalaki ang pumasok na may dalang armas. Umayos siya sa pagkakaupo at nakatulalang tinitigan ang isang lalaking sapo ang kaliwang tiyan; pinipigilan ang pag-agos ng dugo.
"Lintik ka talaga! Napuruhan mo yata ako!"
Tumawa lang ang kasama nito sabay sabi, "Andiyan na si dok, o! Ipatahe mo na." Saka ito humakbang palabas.
"Gago!" pahabol pa nito sa kasamahang lumabas.
Nagkatitigan silang dalawa, ngumisi ito sa kaniya, napalunok naman siya. Umiwas siya ng tingin, saka hinanap ng mga mata sina Ben at Alex.
Siya na lang pala mag-isa sa clinic. Bumuntonghininga siya, at basta na lang ibinagsak ng lalaki sa mesa ang hawak nitong armas kaya napapitlag siya.
"Tahiin mo na, dok! Malalim yata ang pagkakasaksak."
Nanghihina siyang tumayo at nanginginig ang mga kamay na nagsuot ng medical gloves.
She doesn't have any choice but to tend to his wound. First, she checks the injury and how deep it is.
"a-ah, s**t!" he hissed when she pressed his wound using a clean cloth to stop the bleeding.
Her hands were trembling again as she saw the man's reaction. "I-I will clean your wound now."
She inhaled and exhaled deeply as she was trying to control her shaking hands.
"Ilang taon ka na, dok?" mayamaya lang ay narinig niyang tanong into habang nililinisan niya ang sugat nito.
Hindi siya umimik at ipinagpatuloy lang ang ginagawa.
The man chuckled. "Eh, may boyfriend ka na ba?"
Again, she ignored him.
After she finished cleaning his wound and applying an ointment for infection, she started to stitch it without a warning.
"Anak ng—" pagmumura nito ngunit naputol nang may dumating.
Natigil siya sa ginagawa at nagtaas ng tingin, dumako ang mga mata niya sa lalaking bagong dating.
It's him. The one they call Big Boss.
"Last year, nagpabaril ka. Ngayon naman nagpasaksak. Gusto mo ba balatan kita ng buhay," malamig nitong turan na ang mga mata ay nakatuon lang sa lalaki.
Naniningkit ang mga mata nito na animo'y nagpipigil ng galit. Nahila niya tuloy ang ipinantahi niya sa lalaki dahil nakaramdam siya ng kaba habang nakatitig kay Big Boss.
Ewan niya ba pero sa titig pa lang nito ay natataranta na siya, kakaibang takot ang nararamdaman niya kapag nagpadala siya sa sariling emosyon.
"Aray ko, dok!" Napangiwi ang lalaki.
"S-sorry," usal niya sa mahinang boses saka ipinagpatuloy ang ginagawa.
"Ang sarap naman pakinggan ng boses mo, dok. Paano na lang kaya sa kama—"
"Gago ka talaga!" palatak ni Big Boss sabay sapak sa ulo nito. Halata sa boses ang gigil.
Napapitlag siya dahil sa gulat saka mariing napapikit.
"Aray naman kuya!" parang batang saad ng lalaki.
She sighed. Kaya naman pala may dahilan itong magalit dahil nakababatang kapatid pala.
Itinigil niya na naman ang pagtahi sa sugat ng lalaki saka tiningnan si Big boss na halata pa rin sa mukha ang pagkairita.
"Excuse me, you aren't allowed to manhandle my patient, since he was injured," mataray na saad niya rito.
Napatitig si Big Boss sa kaniya saka sumilay ang munting ngiti sa labi na para bang nasiyahan sa sinabi niya at reaksyon.
"Love na talaga kita, dok," anang lalaki saka ngumisi.
Pinandilatan naman ito ng mga mata ni Big Boss bago kumuha ng upuan at doon umupo. May balak yatang manood sa ginagawa niya.
Kumuha pa ito ng sigarilyo saka sinindihan bago humithit.
Bumuntonghininga na lang siya dahil natakot na naman siyang sawayin ito sa paninigarilyo. Ipinagpatuloy niya na lang ang pagtahi sa sugat ng kapatid nito.
"Ako nga pala si Francis, dok," pakilala nito kahit napapangiwi sa sakit.
Hindi siya umimik kahit lahat ng senses niya ay active na active dahil sa ginagawang pagtitig ni Big Boss sa kaniya habang panay ang hithit ng sigarilyo.
"May jowa ka na ba, dok?" pangungulit ni Francis sa kaniya.
Hindi siya umimik.
"Eh, asawa kaya?"
Bumuntonghininga na lang siya at binilisan na lang matapos ang ginagawa.
"Malabo naman na may asawa ka, dok, wala ka namang singsing—aray!" Napangiwi ito dahil diniinan niya ang sugat nito.
"Done," aniya sa walang ganang boses. "Observe it if there's a sign of infection."
Pagkasabi'y tinalikuran na niya ito at nagkunwaring busy sa pag-aayos ng mga equipment.
"How many days, doc?" narinig niya ang baritonong boses ng lalaking tinatawag nilang Big Boss.
She inhaled deeply before she replied, "Maybe two or three."
Narinig niya ang pag-ingit ng upuan nito kasabay ng mga yabag na papalapit sa kaniya.
She held her breath and clutched the scissors tightly.
Ramdam niya ang presensya nito sa likuran niya. Hindi niya alam kung anong klaseng takot ang nararamdaman niya sa tuwing nakikita ito o nakakasama.
"Careful, dok, baka masugatan ka sa hawak mong gunting," he whispers seductively to her right ear.
Nakatuon ang magkabilaan nitong kamay sa lamesa. Nagmukha tuloy siyang nakakulong sa mga bisig nito, ngunit hindi magkalapat ang katawan nila, pero konting distansya na lang ang pagitan.
Napalunok siya. Naisip niya na baka siya lang ang nag-iisip na nang-aakit ang boses nito. Nagtayuan tuloy ang mga balahibo niya sa batok.
Kaagad niya namang binitiwan ang hawak na gunting, saka napayuko.
Matagal sila sa ganoong posisyon, at hindi siya gumagalaw. Hinintay niya kung kailan ito lalayo sa kaniya.
She heard him chuckle before he kept his distance away from her.
"Let's go," narinig niyang saad nito na alam niyang si Francis ang sinasabihan.
"See you later, dok!" ani ni Francis na kahit nakatalikod siya ay alam niyang nakangisi ito.
Saka niya pa pinakawalan ang malalim na hininga nang makaalis na ang mga ito. Natutop niya ang noo.
God! What was happening to her? Bakit apektadong-apektado siya sa lalaking 'yon?
He was a terrorist!
***