Chapter 4

1135 Words
Nagising siya na nakahiga sa kama na yari sa matibay na mahogany. Sapo niya ang ulo ng bumangon at ramdam niya pa ang pananakit ng ulo bago siya nawalan ng malay kanina. May naririnig siyang pagtatalo sa labas ng pinto kaya sumilip siya sa maliit na butas. Nakita niya ang dalawang lalaking magkaharap, parehong matikas ang dating ng dalawa pero mas nakakaangat ang isang lalaki na ngayon niya lang nakita. Binalot ng takot ang budhi niya nang mapagtanto na pamilyar sa kaniya ang isang lalaki, ito ang lider. Napaatras siya ngunit napahinto rin nang kuwelyuhan ito ng kaharap na lalaki, nakatalikod ito kaya hindi niya makita ang mukha. "Sabi ko sa'yo lalaking doktor, hindi babae!" gigil na bulyaw nito sa lider. Mas lalo siyang natakot dahil sa tono ng boses nito. Buong-buo at nakakatakot. Tumawa lamang ang lider. "Relax, bro! Masyado kang high blood." So, magkapatid ang dalawa? Aniya sa isipan. "Hindi mo ba alam na surgeon ang babaeng 'yan at sa ibang bansa pa galing? Jackpot tayo riyan kaya alagaan mo ng maayos since nasa poder mo siya," saad pa ng lider saka humalakhak. Pabalang na binitiwan ng lalaki ang kuwelyo nito. "Siguraduhin mong hindi tatakas iyan kung hindi ay baka matulad iyan sa naunang doktor." Ngumisi ito. Tuluyan na siyang lumayo sa pinto. Nanginginig ang mga tuhod niya na bumalik sa matigas na kama. Sumiksik siya sa isang sulok at niyakap ang sarili, saka tahimik na umiiyak. Bumabalik sa alaala niya ang nangyari sa mga kasama. At sa bawat patak ng mga luha niya ay nanunumbalik sa isipan ang sinabi ng ama. "Anak, sigurado ka ba na sasama ka sa medical mission?" "Pa, huwag po kayong mag-alala dahil sanay naman po ako. Sa ospital na pinapasukan ko sa ibang bansa ay isa rin akong volunteer doctor. Her father let out a deep sigh. "Dalawang araw kasi kayong mamamalagi roon kaya nag-aalala lang ako." Ngumiti siya sa ama. "Pa, sinigurado naman ni mayor ang safety namin kaya relax lang." "Huwag ka na lang kayang umalis bukas? Why don't you spend time with your Mom?" Mula sa kusina ay sumilip ang Mama niya. Alam niyang kanina pa nito naririnig ang usapan nilang mag-ama. "Luis, hayaan mo na si Beatrice sa gusto niya." Mas lalo siyang napangiti. Pagdating sa propesyon niya ay napaka-supportive ng Mama niya. "Ako nga dati no'ng nurse pa ay nakapag-volunteer na rin sa pinakamalayong lugar dito sa Pilipinas at ibang bansa," paliwanag pa nito. "At saka hindi iyan maiiwasan dahil propesyon 'yan ng anak mo." Tumayo siya sa kinauupuan dahil nilapitan ang ina. "Thank you, Ma, you're so understanding." "Ako pa ba?" Nagtawanan silang dalawa, samantalang ang Papa niya ay seryoso pa rin. Matagal itong tahimik at mayamaya lang ay tumayo. "Saan ka pupunta?" takang tanong ng Mama niya. "Sa bahay ni Juan." "Bumalik ka bago mag-dinner, okay?" paalala ng Mama niya. Hindi umimik ang Papa niya at halatang badtrip. Nakaramdam siya ng lungkot, buti na lang inalo siya ng ina. Nagdadalawang-isip siya no'ng umalis sa bahay dahil hindi man lang siya kinausap ng ama. Parang ang sama talaga ng loob nito, pero isinawalang bahala niya na lang. Pinahiran niya ang mga luha niya pero may kasunod na naman. Sana pala hindi na siya tumuloy. Natigilan siya dahil pabalang na bumukas ang pinto. Iniluwa roon ang limang lalaki. Kahit luhaan ay matatalim ang ipinukol niyang tingin dito. Malalaki ang mga katawan nito at halatang mga armadong lalaki, at may bigote na para bang isang buwan ng hindi inaahit. Sumenyas ang lalaking nasa gitna sa katabi nito na kaladkarin siya. Kaagad naman itong sumunod at sapilitan siyang pinatayo at kinaladkad para humarap dito. Seryoso ang mukha nito at parang hindi natutuwa sa presensya niya. Sa suot nitong damit ay alam na niyang ito ang kausap kanina ng lider na galit na galit. "Doktor ka ba talaga?" tanong nito sa baritonong boses. Parang may kung anong kiliti siyang naramdaman sa katawan dahil lang sa boses nito. Hindi siya umimik. "O baka naman nagpapanggap ka lang para hindi mamatay?" nang-uuyam nitong saad. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isipan dahil kaagad na umigkas ang isa niyang palad patungo sa kabilang pisngi nito. Naningkit ang mga mata nito at napangiwi naman siya dahil sa sakit na naramdaman ng palad niya. Parang hindi ito natinag sa malakas niyang sampal samantalang siya pa ang nasaktan. Umigting ang panga nito. Napalunok naman siya at nanlaki ang mga mata nang tutukan siya ng baril ng mga kasama nito. Apat na baril ang nakatutok sa kaniya at parang gusto niya na lang himatayin. Sa pagkakataong iyon ay nakaramdam siya ng sobrang takot. Alam niyang halang ang kaluluwa ng mga ito at walang sinasanto. Hindi siya nag-volunteer para lang mamatay sa poder ng mga ito. "I'm sorry... M-may lamok kasing dumapo sa p-pisngi mo," nauutal niyang saad. Napakagat labi siya sa kasinungalingang sinabi. Hindi ito kumukurap at mariin siyang tinitigan kaya napayuko na lang siya habang pinipigilan ang paghinga at hinihintay na sumabog ang utak niya dahil sa mga baril na nakatutok sa kaniya. "Matapang din kaya ang sikmura mo?" ani nito sa amused na boses. Nagtaas siya ng tingin. Matangkad ito kaya nakatingala siya rito. "Depende sa sitwasyon," sagot niya sa nanginginig na boses. Tumaas ang isang sulok ng mga labi nito. "Kung gusto mong mabuhay pa ng matagal ay huwag mong subukang tumakas." Namuo na naman ang luha sa mga mata niya. Naisip niyang mukhang imposible ngang makatakas siya. Kaya ang gagawin niya na lang ay pagsikapan na maka-survive sa lugar na ito hanggang sa may dumating na rescuers. "S-sino pala kayo?" inosente niyang tanong. Nakakalokong tumawa ang apat na lalaki, samantalang ang kaharap ay hindi man lang gumalaw ang muscles sa mukha. "Mga kriminal at salot sa lipunan," sagot nito sa matigas na boses. Napalunok na naman siya. Parang gusto ng bumigay ng mga tuhod niya, at ganoon nga ang nangyari. Kaagad namang nahawakan ng lalaking kaharap ang braso niya kaya hindi siya tuluyang natumba. Madiing nakabaon ang magagaspang nitong palad sa magkabilaan niyang braso kaya napapangiwi siya. "Sisiguraduhin ko na hindi ka na makakahawak ng scalpel sa tanang buhay mo sa susunod na dumapo ang mga palad mo sa mukha ko, doctor surgeon," mariin nitong saad na may pagbabanta sa boses saka siya marahas na binitiwan. Napahawak siya sa dibdib dahil sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso niya. Nanghihina rin siyang napaatras at napaupo sa kama. Hindi na niya ibinaling pa ang tingin sa mga ito. "Bantayan ng maigi 'yan, make sure she won't escape," utos nito sa mga kasamahan. Napatingin siya rito dahil nagsalita ito ng lengguwaheng english at fluent na fluent pa. Umismid ito sa kaniya na para bang sinasabi nito na hindi lang siya ang edukadang tao. Parang pinapamukha nito na maski ang mga criminal na katulad nito ay edukado rin. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD