Chapter 6

1589 Words
Napabalikwas siya ng bangon dahil sa narinig na putukan ng mga baril. Mag-iisang buwan na siya sa lugar na ito at hindi pa siya nasanay. Napasiksik siya sa sulok habang yakap ang sarili. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya kapag nagtagal pa siya sa lugar na ito. Nang matigil ang putukan ng baril ay saka pa siya lumabas sa kwarto. Alam niyang bahagi na naman ng pag-eensayo ng mga ito ang narinig niyang putukan. Hindi na siya magtataka kung may nakapila na namang sugatan sa clinic mamaya. Ang tahimik ng cabin dahil siya lang mag-isa. Buti na lang kompleto sa kagamitan maliban na lang sa TV at washing machine. Basta ang mahalaga may refrigerator at lutuan. Bumuntonghininga siya. Ang tahimik. Ewan niya ba kung may kasama nga ba siya rito dahil pakiramdam niya ay siya lang ang nakatira sa cabin na ito. Bihira niya lang makita ang lalaking may-ari ng tinutuluyan niya ngayon, walang iba kung hindi si Big Boss. She sighed and went to the bathroom. Pasalamat siya dahil sementado ang banyo, walang mga siwang, pero balot na balot pa rin siya kapag naliligo. Pagkatapos niyang maligo at makapagbihis ay nagtungo na siya sa kusina para mag- breakfast. Nakaupo na siya sa lamesa at nagbabalat ng apple. Sumagi sa isipan niya ang huling usapan nilang dalawa ni Big Boss. Naninigarilyo ito sa harapan niya, samantalang siya naman ay kumakain ng apple. As usual, he was ruggedly handsome. “Hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi ka sa kulungan ng mga baboy nakakulong ngayon?” amused nitong wika. Natigil siya sa pagsubo ng apple at nagtaas ng tingin. She felt insulted. Walang emosyong tinitigan niya ito at ganoon din ito sa kaniya. Gusto na niyang maubo sa usok ng sigarilyo nito. Hinihimas nito ang mahabang bigote habang nakatitig sa kaniya, nakaarko pa ang isang kilay nito. “Bakit nga ba?” mataray niyang tanong saka itinaas ang isang kilay. “Bakit nga ba nandito ako, kumakain pa ng apple?” Matagl na nga niyang gustong itanong ‘yon kung bakit parang hindi naman siya minamaltrato ng mga ito. Kaya lang ay naalala niya ang sinabi sa kaniya nina Ben at Alex, na mahalaga raw sa mga ito ang doktor. Kaya kapag may pakinabang pa siya sa mga ito ay walang makakapanakit sa kaniya, ibig sabihin ay hindi siya papatayin. Mapakla itong natawa saka bumuga na naman ng usok sa harapan niya, hindi niya napigilan ang pag-ubo. “Hindi ibig sabihin na porke’t malaya kang nakakagalaw sa loob ng cabin na ito ay exempted ka na sa torture,” malamig ang boses na saad nito. Napalunok siya, pakiramdam niya ay bigla siyang pinagpawisan ng malamig. She cleared her throat and she sat properly. And she dropped her gaze to the apple she was eating. Damn this terrorist, murderer, criminal man! She screamed at the back of her mind. Naunahan na naman siya ng takot. Hindi niya na naman kayang salubungin ang titig nito. She heard him chuckle. And then he stood up and leaned forward, his palms pressing against the table. “But don’t worry, you are my responsibility,” he said in his baritone voice. “Huwag ka lang magkakamaling tumakas.” Napaubo siya dahil nasamid sa sariling laway. Mapakla itong tumawa. “Pero imposible namang mangyari na tatangkain mong tumakas, dok.” Naikuyom niya ang kamao. I will! Sigaw niya sa isipan. Hindi siya tutulad nina Ben at Alex na inabot ng limang taon dito. She was determined. She will not give up without a fight! It’s all about timing. At paniguradong hinahanap na rin siya ng pamilya niya. Gusto niya na namang maluha nang maalala ang Mama at Papa niya, pati ang mga kapatid. Masisilayan niya pa kaya ang mga ito? O baka tumanda na siya rito o ang mas malala ay baka rito na siya mamatay. “Did you hear me, Doctor Surgeon?!” Muntikan na siyang mapatalon sa kinauupuan dahil sa ginawa nitong ingay at sa malamig nitong boses. Ibinagsak lang naman nito ang isang palad sa lamesa kaya nagulat siya, idagdag pa ang boses nito na buong-buo, lalaking-lalaki. “I understand,” mabilis niyang sagot. “Good.” Pagkasabi’y iniwan na siya nito. Saka pa niya binitiwan ang malalim na hininga na kanina pa pinipigilan. ___________ “Good morning,” mahina ang boses na bati niya kina Alex at Ben pagdating sa clinic. “Morning, dok! Mukhang sanay ka na sa lugar na ito, ah,” saad ni Alex. Isang tipid na ngiti lang ang isinagot niya rito, saka dumeretso na sa medical apparatus para i-check ang mga mga kagamitan. “Mukhang walang pasyente, ah,” aniya sa kalmanteng boses. “Sana nga wala,” wika ni Ben saka bumuntonghininga. “May bagong dating!” palatak ni Alex ngunit sa mahinang boses lamang. Ngarag itong lumapit sa maliit na bintana para silipin ang mga dumadating. Out of curiosity ay napasilip na rin siya. Sa hindi kalayuan ay natatanaw nila ang grupo ng mga kalalakihan. May foreigner pa na tingin niya ay Arab dahil sa klase ng pananamit nito. At ang isa ay naka-uniform na parang general na palagay niya ay may malaking katungkulan sa gobyerno. Napatingin ang mga ito sa direksyon nila kaya mabilis siyang hinila Ben para magtago. Ramdam niya ang malalim na paghinga ng dalawa. Pagsilip nila ulit ay wala na ang mga ito. Malamang ay napadaan lang. “S-sino ang mga ‘yon?” tanong niya sa umaasang boses. Kung ang isa ay nagtatrabaho sa gobyerno ay malamang matutulungan siya nito. “Hindi namin kilala pero buwan-buwan ay nandito ang mga ‘yan,” sagot ni Alex. “Maybe to negotiate?” ani ni Ben. “N-negotiate?” Nanlaki ang mga mata niya. “Ibig sabihin nandito sila para sa atin?” Tinawanan siya ng dalawa saka nang-uuyam ang mga matang tumingin sa kaniya. “Masyado kang naive sa mga nangyayari ngayon, dok! They were here to negotiate about illegal businesses, like weapons, trafficking, wars, kidnap for ransom, and many more.” “Ako! Hindi ba kinidnap naman ako?” naiiyak niyang saad habang itinuturo ang sarili. Mapaklang tumawa si Alex. “Wake up, Beatrice, no one will come for us, not even our own family.” Nakikita niya ang lungkot sa mga mata nito. Marahas siyang napailing. No, not her family, they will look for her, aniya sa isipan. Ben touched her shoulder and tapped it slightly to comfort her. “Mag-i-isang buwan ka na rito, dapat masanay ka na.” Naiwan siyang nakatulala. She wanted to scream and cry, she wanted to release her frustrations by screaming. Marahan niyang iniuntog ang ulo sa pader baka sakaling makapag-isip siya ng maayos. Mayamaya lang ay may narinig siyang mahihinang tawa galing sa labas kaya siya napasilip ulit sa bintana. Her eyes went wide when she saw women whispering and laughing. Ang sexy ng mga suot nito at naglalakad patungo sa kung saan papunta ang mga lalaking nauna kanina. She was breathing heavily. Nasapo niya ang sariling dibdib sa bilis ng t***k ng puso niya. Sa tagal niya rito, ngayon lang siya nakakita ng mga babaeng pumunta sa lugar na ito. Who are they? Napailing siya. Bahala na kung sino ang mga ito, ang mahalaga ay matutulungan siya ng mga babaeng ‘yon. Nabuhayan siya ng pag-asa. Alam niyang maiintindihan siya ng mga ito dahil kapwa sila babae. Naghintay siya hanggang sa gumabi na at wala pa rin ang mga ito. Hindi pa dumadaan. Bumagsak ang mga balikat niya sa isiping baka umalis na ang mga babae at hindi niya alam. Nanghihinang lumabas siya sa clinic para bumalik na sa cabin. Naglalakad na siya nang makarinig siya ulit ng tawanan sa likuran. Napatigil siya sa paglalakad saka lumingon. Nakasunod sa kaniya ang grupo ng mga kababaihan. Gusto niyang maiyak dahil sa wakas nabuhayan ulit siya ng pag-asa. Kaagad niyang nilapitan ang mga ito. Gulat at pagtataka ang nakikita niya sa mga mukha nito. “Ako si Dra. Beatrice Barbosa,” pagpapakilala niya sa nanginginig na boses. Napatingin pa siya sa paligid. Nang makasiguro na wala namang nakamasid sa kanila ay nagpatuloy siya. “Please, help me.” Inismiran lang siya ng babaeng tingin niya ay pinaka-lider. “May pambayad ka ba?” nang-uuyam nitong tanong. Napakagat-labi siya. Gusto niyang magmura dahil wala siyang pera. Hindi niya lubos maisip na pera na pala ang katumbas ng lahat, maski paghingi ng tulong. “W-wala akong pera...” mahina niyang usal na animo’y naiiyak na. Tiningnan lang siya mula ulo hanggang paa saka nilagpasan. Naikuyom niya ang kamao. “Sandali!” pigil niya saka patakbong lumapit dito. Hinubad niya ang suot na hikaw at kinuha ang palad ng babae saka inilagay ang hikaw niya. “Iyan lang ang meron ako. Tunay na dyamante ‘yan,” aniya sa nagpipigil ng emosyon. Ibinigay niya rito ang isang kapirasong papel. “Pakibigay sa kahit saang ahensya ng Kapulisan.” Namamangha itong nakatitig sa mukha niya bago tumango. Pagkatapos ay tinalikuran na niya ito, masakit sa kaniya na ibigay ang hikaw na ‘yon dahil simula bata pa siya ay suot na niya ang hikaw na bigay ng Mama niya. Hindi niya napigilan ang mga luha, parang nadudurog ang puso niya. “Stupida!” narinig niyang saad ng babae bago siya tuluyang nakalayo sa mga ito. Isinawalang bahala niya na lang ang narinig at tuloy-tuloy na siya sa paglalakad hanggang sa makarating sa cabin. Dumeretso siya sa kwarto at doon na nag-iiyak. Tahimik siyang umusal ng dasal na sana matulungan siya ng babae'ng hiningian niya ng tulong. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD