—Mt.Lagpas Village—
"Ililista ko po lahat ng mga gamot at vitamins na kailangan ninyong i-take sa loob ng tatlong buwan," wika ni Beatrice sa matandang babaeng kaharap.
Pagkatapos niyang isulat sa papel ay pinakita niya sa matanda.
"Ito po ang mga gamot para sa nararamdaman ninyong pagkahilo at migraine." Itinuro niya sa matanda. "Iinumin mo po ito tatlong beses sa isang araw pagkatapos kumain ng umagahan, tanghalian at hapunan. Good for one week po ito."
"Salamat, Dok."
"At ito naman po ang mga vitamins na iinumin mo pagkatapos ng isang linggong pagti-take mo ng gamot."
"Sige, Dok, salamat talaga."
Ngumiti siya. "Doon n'yo po sa kabilang table hingiin ang mga gamot at vitamins."
Dalawang araw rin silang nanatili sa Mt. Lagpas at panghuling araw na nila ngayon.
Hindi niya akalain na sobrang layo at talagang sa dulo na sila ng mundo pumunta. Kalahati lang ng daan ang sementado at sa pinakadulo ay lubak-lubak na. Hindi niya alam kung may bundok pa bang kasunod ng Mt. Lagpas dahil pakiramdam niya ay ito na ang pinakamalayo.
Sa sobrang bundok na ay nagpa-fog na ang dinadaanan nila. Iilan lang ang mga bahay na nadadaanan nila, minsan naman napapadaan sila sa malawak na gubat o kaya ay mga taniman ng tubo o palay.
Dalawang beses din silang napadaan sa kampo ng mga sundalo na ikinapanatag ng loob niya.
May escort din naman silang police car na padala ni Mayor pero mas mabuti na rin yong may mga kampo ng sundalo sa tabi-tabi.
"Okay guys, let's pack up!" masiglang announce ni Dr. Santiago.
Natapos na rin nila lahat ng trabaho at wala na ring mga taong nagpapa-konsulta.
"Siguro naman na check-up na natin lahat ng mga tao rito," sabi ng isang nurse na kasama nila.
Pagkatapos nilang mag-ayos ng mga gamit at nailagay na sa sasakyan ay nagpaalam na sila sa mga opisyales ng barangay.
"Maraming salamat sa inyo," nakangiting usal ng kapitan.
"Walang anuman, maraming salamat din sa pagpapatuloy sa amin sa inyong bahay, kapitan," wika ni Dr. Santiago.
"Naku! Wala iyon Dr. Santiago, mag-iingat kayo lalo na at alas kuwatro na ng hapon ngayon."
Napansin niya ang pagiging balisa ng kapitan. Parang may gusto pa itong sabihin na hindi masabi sa kanila. Naisip niya na baka sobra itong nag-aalala dahil pinilit nilang umuwi ngayon kahit dapit-hapon na.
"Sige po, kapitan, aalis na kami."
____
Dahil sa pagod ay hindi na niya iniinda ang pag-uga ng sasakyan kapag napapadaan sila sa lubak-lubak na daan.
Ang sarap ng tulog niya hanggang sa magising siya dahil sa narinig na pagsabog. Gumiwang-giwang din ang sasakyan nila at kung hindi kaagad naapakan ang break ay malamang na bangga na sila sa kung saan.
"Ano 'yon?" tanong niya sa kinakabahang boses.
Sumalampak ang van nila sa tabi ng daan.
"Baba!" narinig niyang utos ng boses lalaking nasa labas at pinaghahampas pa ang sasakyan nila.
Kapwa hindi sila nakagalaw at nagtitigan na lamang, parehong naguguluhan kung ano ang nangyayari.
Nanlaki ang mga mata niya at napasigaw ang mga kasamang babae nang biglang haltakin pabukas ang pinto ng van.
Tinutukan sila ng baril ng mga armadong lalaki na may takip ang kalahati ng mga mukha. Isa-isa silang pinababa. Nakita niyang sumabog na ang police car na naka-convoy sa kanila. Bigla na lang napatulo ang mga luha niya dahil sa awa.
"Luhod!" singhal sa kanila.
Nag-aagaw na ang liwanag at dilim kaya mas lalong nakakatakot ang sitwasyon nila. Sampo sila sa loob ng van kasama ang driver.
Nanginginig silang lumuhod sa magaspang na lupa. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman basta ang alam niya lang ay nanginginig ang buong katawan niya at sa sobrang takot ay hindi na niya magawang umiyak.
Napapalibutan ng mga armadong lalaki ang kinaroroonan nila at hindi niya alam kung hanggang dito na lang ba ang buhay nila.
Hinawakan niya ang isang kamay ng katabi niyang kasama dahil napahagulhol ito ng iyak at halatang nanginginig ito sa takot.
"It's okay..." bulong niya rito.
Tumango ito sa kaniya, ngunit mayamaya lang ay napasigaw dahil sinabunutan ito ng armadong lalaki.
"Ikaw? Doktor ka ba?!" matigas ang boses na tanong nito habang nakaumang ang gatilyo ng baril sa ulo nito.
"D-dentist po ako—"
She screamed and covered her ears as her eyes went wide open, and her body was shaking terribly because the guy shot the dentist without hesitation.
Natalsikan pa siya ng dugo kaya pakiramdam niya ay gustong humiwalay ng kaluluwa niya sa sariling katawan. Mariin siyang napapikit, pilit na hindi mapatingin sa katabi niyang dentist na ngayon ay wala ng buhay.
Sumipol-sipol pa ang bumaril sa dentista saka palakad-lakad na naman sa harapan nila na para bang isang laro ang ginagawa at kapag may napili at nagkamali ng sagot ay deretso ka talaga sa langit.
Napasinghot siya, pinipigilang hindi mapahagulhol ng iyak.
Paano kung hanggang dito na lang talaga ang buhay niya?
Napaiyak siya nang maalala ang pamilya. Hindi sapat ang isang linggo na kasama ang mga ito pero nagpapasalamat siya dahil binigyan pa siya ng panginoon ng pagkakataon na makasama ang mga ito kahit sandali.
"Ikaw? Doktor ka ba?!" Tinutukan ng baril ang ulo ni Dr. Santiago.
Umiiyak ito at nanginginig din sa takot. "Y-yes, I am a GP doctor."
Humalakhak ang lalaking pumatay sa dentista na tingin niya ay lider ng grupo. "Ganiyan! Gan'yan ang gusto naming sagot!" nang-uuyam na saad nito, nagtawanan din ang mga kasamahan nito.
Dasal niya na sana may mga sundalong dumating para iligtas sila.
"Sige na, dalhin na iyan sa loob ng sasakyan!" utos nito.
Na alarma siya, tingin niya ay kailangan lang ng mga ito ng doktor.
She was scared and felt pity for Dr. Santiago. She remembers the times he was always looking at his phone and was very excited about his upcoming firstborn baby.
No... Don't do this Beatrice, kinakausap niya ang sarili dahil pinipigilan niyang hindi umimik.
Pero hindi niya kaya... Gusto niyang masilayan pa ni Dr. Santiago ang anak nito at asawa.
"Sandali!" sa garalgal na boses ay napasigaw siya. Itinaas niya ang isang kamay. Napalunok pa siya bago nagsalita ulit.
"Isa rin akong doktor," aniya sa namamaos na boses.
Muling nagtawanan ang lahat na para bang isa siyang tanga dahil sa sinabi. Pinigilan niyang hindi ipahalata ang panginginig dahil sa takot nang lumapit sa kaniya ang pinaka-lider ng grupo.
"Sayang naman... isa lang ang doktor na kailangan namin." Ngumisi ito.
Naglakas loob siyang salubungin ang tingin nito. "I am a surgeon doctor."
Pansin niya naman ay naagaw niya ang atensyon nito dahil mataman siyang tinitigan, kaya sinamantala na niya.
"I am one of the best doctors in the world. I studied at Harvard University in the US and I worked abroad, I'm just a volunteer but you can take me if you need a doctor," sunod-sunod niyang saad sa nanginginig na boses.
Hindi niya nga namalayan na napapa-English na pala siya, na siyang iniiwasan niya kapag nandito siya sa Pilipinas.
Minsan na nga lang siyang magyabang sa propesyon niya at kung bakit sa mga taong kriminal at mamamatay tao pa. Parang gusto niya na lang ipabaril ang sarili.
Sunod-sunod siyang napalunok. "Ako na lang ang kunin ninyo, huwag na si Dr. Santiago."
Sumilay ulit ang ngisi ng lider. Kalahati lang ng mukha nito ang may takip kaya nakikita niya ang nakakatakot nitong ngiti.
"Hindi mo alam kung ano ang pinasok mo, doctor surgeon, pero isa lang ang masasabi ko, mukhang naka-jackpot kami sa'yo."
Muli itong humalakhak saka kaagad ding sumeryoso. "Kunin n'yo na ang babaeng ito at patayin na ang mga kasamahan."
Natulos siya sa kinalalagyan at nanlamig ang buong katawan sa narinig. Gusto niya lang namang iligtas si Dr.Santiago at ang mga kasama, ngunit ang nangyari ay parang sarili niya pa ang iniligtas.
Bigla siyang nahilo saka isinuka ang laman ng sikmura, hindi niya kinaya ang nararamdamang takot at nerbiyos.
"Sayang naman ang mga babaeng natira, boss, pakinabangan muna namin," sabad naman ng isa na halatang manyak.
"Huwag na, baka bigla pang dumating ang mga parak, idispatsa n'yo na."
"Mabilisan lang ito, boss," pagpupumilit nito.
Napatingin siya sa mga kasamahang babae, mga nurse ang mga ito at ang iba naman ay assistant.
Hindi siya makaimik dahil pati ang bibig niya ay nanginginig. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya nang magkatitigan sila ni Dr. Santiago.
Tumango ito sa kaniya saka tipid na ngumiti kaya mas lalo siyang napaiyak dahil parang sinasabi nito na tama lang ang ginawa niyang akuin ang dapat ay para rito.
"I'm sorry," usal niya pero parang sarili niya lang ang nakakarinig.
Nagsigawan ang mga kasamahan niya kasabay ng pagtakip ng sako bag sa ulo niya, saka kinaladkad siya palayo sa mga ito.
Pinakawalan niya na ang pinipigilang hagulhol. She cried for them. Kung p'wede lang takpan niya ang mga tainga para hindi niya marinig ang sigawan ng mga kasamahan ay ginawa na niya, kaso nakatali na ang mga kamay niya.
Nilalamon siya ng konsensya. Ang tanga niya pala dahil akala niya ay pakakawalan ng lider ang mga kasamahan kapag nakuha na nito ang kailangan.
She didn't know that the world was cruel. Napahagulhol siya ulit ng iyak.
Is this too much for being a good person?
Si Dr. Santiago sana ang nandito sa sitwasyon niya ngayon, ito sana ang buhay ngayon at hindi siya.
Nagkamali siya.
For her, this is the biggest mistake she made in her life.
Napatawa siya habang umiiyak.
A volunteer volunteered her service to save her team's lives, but it turned out she did it for herself.
She sobbed, again and again. Tahimik siyang nagdasal na sana dumating na ang mga sundalo para mailigtas ang mga kasamahan bago mahuli ang lahat.
But the screams and the sounds of a gun from afar made her cry more.
***