"What's wrong?" untag as kaniya ni Levon.
Sinundo siya nito sa hotel kaninang madaling araw kaya ngayon ay nasa biyahe na sila patungo sa probinsya ng Cordova.
She sighed. Hindi niya maiwasan na hindi malungkot. Naisip niya na magiging matandang dalaga na talaga siya lalo na't may babae ng napupusuan si Isaac.
She sighed again. Masaya naman siya para kay Isaac, hindi naman siya bitter kaya lang ay nalulungkot siya para sa sarili. Kung bakit kasi masyado siyang focus sa pag-aaral noon hanggang sa mag-work na siya.
"Are you okay, Ate?" muling untag sa kaniya ni Levon. "Ang lalim ng iniisip mo, hindi ka ba excited?"
Nilingon niya ito. Naka-focus na ito sa daan. Wala pa ring pinagbago ang kapatid niya, tahimik at serious type pa rin ito at halos bayaran niya ang ngiti nito masilayan niya lang.
"Kulang lang ako ng tulog, but I'm fine." Ibinaling niya ulit ang tingin sa labas ng bintana. "Kumusta pala ang case hearing mo sa korte? Naipanalo mo ba?"
"Yes."
Iyon lang at hindi na umimik si Levon hanggang sa mapanis na lang ang laway niya. Buong biyahe ay hindi ito nagsasalita, naiinis din siya kapag gumagawa siya ng mapag-uusapan dahil isang tanong, isang sagot lang naman ito kaya useless lang din.
Siguro kung ang kakambal nitong si Luther ang kasama ay malamang mamamaos siya sa kadadaldal.
_____
Alas dyes ng umaga nakarating sila sa Cordova, at ngayon nga ay papasok na sila sa Hacienda Buenavista, kung saan sakop nito ang lupain na kinatitirikan ng bahay nila.
Patungo sila sa bahay nang madaanan nila ang kauna-unahang Venus Hotel. Sa ngayon ay marami na itong branch na naitayo sa iba't ibang lugar. Katulad ng nasa Manila, ang pinapamahalaan ni Isaac.
"Papa!" sabik niyang sambit pagkakita sa ama.
Kaagad siyang bumaba sa kotse ni Levon at sinalubong ito ng yakap.
"I miss you, Pa." Mahigpit niya itong niyakap.
"Me, too, darling," saad ng Papa niya na halata sa boses ang saya.
"Si Mama po?"
"Nasa bayan pa kasama si Luther," sagot nito saka siya inakbayan papasok sa loob ng bahay.
Si Levon naman ay tahimik lang na nagpaiwan sa labas.
Iginala niya ang tingin sa loob ng kabahayan. Gusto niya tuloy maiyak habang pinagmamasdan niya ang mga litrato nila.
Lumaki siya na puno ng pagmamahal, kaya wala siyang maalala na naging malungkot siya o may kulang sa kaniya habang nagdadalaga siya.
Siguro may panahon na nalulungkot siya kapag namimis niya ang mga magulang at kapatid, pero napupunan naman kaagad ang kalungkutan niya dahil every year naman siya dinadalaw ng pamilya lalo na kapag hindi siya nakakauwi.
Proud siya na lumaking masayahin at palaban sa buhay, dahil may pamilya siyang sobrang mapagmahal at supportive.
Hindi lahat ng pamilya ay katulad ng kinalakihan niya. That's why she was lucky and blessed.
"Look who's here!" Ang masayang boses ni Luther.
Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses. Sa bukana ng main door ay nandoon si Luther nakasandal sa pintuan.
She was met with a daring grin from his brother.
Natatawang napailing siya, kung si Levon ay tahimik at serious type, kabaliktaran naman ng kakambal nitong si Luther.
Naisip niyang bagay lang sa mga ito ang propesyong napili. Levon is a lawyer, and Luther is a Math professor.
"Where's my hug?" demanding na wika ni Luther.
Lumapit siya rito at niyakap ito. Tinapik-tapik siya nito sa likod.
"Bakit ang taba mo na, ate?" pang-aasar nito.
Kumawala siya sa yakap nito saka inirapan ito.
"Excuse me! Nabawasan ako ng apat na kilo bago umuwi rito." Lumabi siya.
"Hindi naman halata—s**t!"
Natawa siya dahil itinulak ito ni Levon para makapasok sa loob, nakaharang kasi ang bulto ng katawan nito sa pinto. Bitbit ni Levon ang mga pinamili ni Mama.
"Where's my mini-me?" si Mama na kasunod lang ni Levon.
Kaagad niya itong sinalubong ng yakap. Sabi nga nila kaugali niya raw ang ina at dito niya namana ang malaki at bilugan niyang mga mata. Isa itong nurse noon, tumigil lang ng mag-asawa na.
Kaya nasa dugo talaga nila ang pagiging nurse o kaya ay doctor. Napangiti siya dahil naisip niya ang ama na isa ring retired professor at ngayon kasunod nito sa yapak ang kapatid na si Luther.
"Magluluto muna ako," ani ni Mama na nakangiti.
"Tulungan ko na kayo, Ma." Inakbayan niya ito.
"Huwag na, anak, baka mapasma ka pa at hindi ka na makahawak ng scalpel," biro nito saka tumawa.
Sinabayan niya ang nakakahawang tawa nito. "Ayaw mo 'yon, eh, mas mapapadali kapag scalpel ang gamit ko."
Napuno na naman ng tawanan ang bawat sulok ng bahay.
______
Isang linggo na siya sa Cordova at wala silang ginawang mag-anak kung hindi mamasyal. Sa totoo lang ay hindi niya naman namamalayan ang takbo ng mga araw kapag kasama ang pamilya.
Nagawa niya na ring dalawin ang Ninong Juan at Ninang Venus niya, masaya ang mga itong makita siya at kaagad na nagtanong tungkol kay Isaac dahil bihira na lang itong magbakasyon sa Hacienda.
"Luluwas ka na ba talaga ng Manila mamaya?" tanong niya kay Levon na kasalukuyang naglilinis ng kotse.
"I've got only one week's leave," sagot nito sa monotonous na boses.
Umismid siya. "Okay lang naman kahit magtagal ka rito, pagmamay-ari naman ni Tita Trina ang Law firm ninyo." Ngumisi siya.
"That's why I don't want to take advantage of my status," sagot nito sa seryosong boses.
Itinaas niya ang dalawang kamay. Minsan nakakatakot na kapag sobra itong seryoso. Ewan niya ba kanino ito nagmana, malabo namang kay Mama at Papa.
"Okay, okay, my dear brother... Have a safe trip." Tinapik niya ito sa balikat.
Tumigil ito sa ginagawa saka hinarap siya. "How about you?"
"May one week leave pa ako at susulitin ko na 'yon." Ngumiti siya ng matamis. "Kaya nag-volunteer ako sa Health Care Center sa bayan."
Napailing ito saka sumilay ang tipid na ngiti. "As usual, kahit saan ka magpunta nagbibigay ka pa rin ng libreng serbisyo."
"A good doctor, indeed," sabat naman ni Luther saka inakbayan siya.
Mahina niya itong siniko. "Kailan ka naman babalik sa pagtuturo?"
Ngumisi ito. "Hawak ko ang oras ko."
"Wow! Ang yabang talaga!" palatak niya.
Nauwi na naman sa harutan at asaran ang usapan nila, at sa bandang huli ay si Levon lang din ang napikon sa kanilang dalawa ni Luther.
____
"Maraming salamat Dra. Barbosa dahil sa free service na ibinahagi mo rito sa Health Care Center ng ating bayan," taos pusong pasasalamat ng pinka-head doctor .
"Walang anuman, Dra. Ramirez." Ngumiti siya.
"Sakto talaga ang pagpunta mo dahil may medical mission kaming gagawin ngayong susunod na araw. May kasama na rin si Dr. Santiago."
Isang doktor lang pala ang namamalagi sa Health Care Center na binabayaran ng government maliban kay Dra. Ramirez.
"Ihahatid na kita sa office," ani ni Dra. Ramirez.
Sinamahan siya nito sa office, at doon niya nakilala ang mga nagtatrabaho sa Health Center.
"Sa wakas may makakasama na rin ako sa medical mission na taon-taong ginagawa," nakangiting saad ng isang lalaki na tingin niya ay kaedad niya lang.
Iniabot nito ang isang palad sa kaniya. "I'm Dr. Santiago, a GP doctor."
Kinamayan niya ito. "Nice meeting you, Dr. Santiago. I am Dra. Beatrice Barbosa."
"And I've heard you finished your studies in Harvard University and became a successful surgeon."
Napasinghap ang mga kasamahan nila sa office, samantalang siya ay idinaan na lang sa tawa ang pagkailang.
Hindi niya naman pinapangalandakan ang propesyon, basta ang alam niya lang ay masaya siya sa trabaho basta nakakatulong siya sa kapwa.
"Don't mention it, Dr. Santiago, I'm here to help," she said politely.
Ngayon lang siya nakapag-volunteer sa bayan nila dahil mahaba ang bakasyon niya. Noon kasi kapag nagbabakasyon siya limang araw lang pinakamatagal.
"Mukhang nahiya ka pa sa propesyon mo," biro nito na ikinatawa niya.
Naging magaan kaagad ang loob niya sa mga kasama.
Habang kumakain sila ng lunch sa canteen ay narinig niya ang usapan ng ibang nurse.
"Bakit kasi doon pa napiling lugar ni Mayor na mag-conduct tayo ng medical service."
"Kasi nga bihira lang 'yon mapasok ng mga medical team dahil sa sobrang layo, at saka marami raw doon mga matatanda at bata."
Bumaling ang atensyon niya kay Dr. Santiago na katabi niya lang sa lamesa.
"Malayo ba ang Mt. Lagpas?" curious niyang tanong.
Wala naman siyang pakialam kung saan gaganapin ang medical service nila kasi sanay naman siya. Sa ibang bansa ay madalas na mag-conduct ng medical mission ang hospital na pinagtatrabahuan niya, at palagi siyang nagbu-volunteer.
"Bundok na raw kasi 'yon, bakit?"
"Wala naman, curious lang ako."
"First time mo siguro, kami kasi palagi na lang sa mga rural areas nagka-conduct ng medical service. Pero ang Mt. Lagpas na yata ang pinakamalayo na pupuntahan namin."
Napatango siya. Sumenyas ito na lumapit siya rito dahil may ibubulong, kaagad naman niyang inilapit ang tainga sa bibig nito.
"Kasi nagpapalakas si Mayor sa mga tao roon, tatakbo kasing gobernador sa susunod na eleksyon kaya gustong pasukin ang dulo ng mundo."
Natawa siya sa huling sinabi nito, maski ito ay natawa rin.
"Grabe naman ang dulo ng mundo," aniya na pigil ang tawa.
Napansin niyang kanina pa ito nakatingin sa cellphone, tinitingnan ang litrato ng babaeng buntis.
"Kailan manganganak ang asawa mo?"
Umaliwalas ang mukha nito. "Next month na. Excited nga kami dahil first baby namin, limang taon din kaming naghintay."
"Congrats, it's a blessing," masaya niyang pahayag.
"Salamat."
Ngumiti siya saka tinapos na ang lunch. Excited na siya sa medical mission na gagawin nila. Sana successful.
***