Chapter 7

2154 Words
"Oh my God!" napasigaw sa gulat si Beatrice at nanlaki ang mga mata. Paano ba naman hindi? Pagbukas niya sa banyo ay ang namumutok na abs ni Big Boss ang nabungaran niya. Naglakbay ang mga mata niya sa hubad nitong katawan, pero buti na lang nakasuot na ito ng pants kung hindi ay... She bit her lower lip. "Hindi ka pa ba nakakita ng katawan ng tao, dok?" "H-ha?" Napaawang ang bibig niya bago dumako ang tingin sa mukha nito. Amused itong nakatitig sa kaniya kahit salubong ang dalawang kilay. "A-ano kasi... ngayon lang kita nakita," aniya sa nauutal na boses saka iniwas ang tingin sa katawan nito. "A-and about your body... I've seen better." Alam niyang pulang-pula na ang mukha niya dahil apektadong-apektado siya sa presensya nito, kaya nabitawan niya ang salitang hindi naman dapat. Ayaw niyang ipahalata rito na affected siya. He chuckled and before she realized it, he had pinned her to the wall. Nanlaki ang mga mata niyang napatitig sa mukha nito. Sumilay ang nakakaloko nitong ngiti. "You've seen better?" usal nito sa nakakaakit na boses. Sunod-sunod siyang napalunok. Muntikan na ring lumapat ang mga palad niya sa matigas nitong dibdib buti na lang napigilan niya ang sarili na huwag ituon ang mga kamay sa dibdib nito. She bit her lower lip when her eyes dropped to his adams apple. "Eyes on me, doc." He held her chin to look at him. Naniningkit ang mga mata nito na tila ba hindi nagustuhan ang sinabi niya. "Kaninong katawan ang nakita mo na much better kaysa katawan ko?" tanong nito sa malumanay na boses pero pakiramdam niya ay nagbabanta ang tono ng pananalita nito. Parang pinapahiwatig nito sa tono ng boses na sumagot siya ng maayos at dapat magustuhan nito ang sagot niya, kung hindi ay mananagot siya. Napalunok na naman siya. "M-my b-boyfriend's body." Gusto na niyang sampalin ang sarili sa kasinungaling sinabi. Pinagsisihan niya tuloy ang binitawang salita dahil mas lalong nagdilim ang mukha nito. "And what's his name?" Bumuka ang bibig niya ngunit wala namang salitang lumabas. Boses pa lang nito ay nanginginig na ang mga tuhod niya. He brushed his thumb finger against her lips, and then he leaned in. "I asked you what's his name, doc," he whispers with his most dangerous tone of voice. "I-Isaac!" mabilis niyang sagot dahil sa takot. Hindi na siya nakapag-isip ng maayos. Mariin siyang napapikit at pagdilat niya ay dumistansya na ito sa kaniya. Hinahabol niya ang kaniyang hininga dahil sa kabang naramdaman. "Bakit mo naitanong ang pangalan ng b-boyfriend ko?" He smirked. "Because I am so curious if that Isaac man has the same body as mine." No. You're not the same because your body is so hot and sexy, she said in her mind. Kumurap-kurap siya dahil naglandas na ang mga mata niya sa dibdib nito pababa sa abs at pababa pa... "But I guess my sexy body is better than him... because you're looking at me as if you wanted to eat me." Saka pa siya natauhan sa sinabi nito. Bigla siyang bumalik sa katinuan. My goodness! Saglit siyang nalasing sa katawan nito kahit pa marami na siyang nakikitang hubad na katawan ng mga lalaki at karamihan ay mga foreigners pa. Minsan sa beach, sa gym o kaya sa ospital kapag on duty siya, pero hindi siya affected. Hindi katulad ngayon na nag-iinit ang buong katawan niya kahit half-naked lang naman ito. Inirapan niya ito. "Don't compare your body to my bestfri–I mean boyfriend!" inis niyang asik saka tinalikiran ito. Nagtungo na lang siya sa kusina habang dala-dala pa rin ang tuwalya. Umupo siya sa lamesa at nagbalat na lang ng apple. Hindi niya namalayan na sumunod pala ito sa kaniya at umupo rin sa lamesa, kaharap niya. Wala itong pakialam kahit wala itong suot na T-shirt. Mariin siyang napapikit para kalmahin ang sarili dahil ayaw niyang tumitig sa mabalahibo nitong dibdib. "Careful, dok, baka masugatan ka sa kutsilyo." Mabilis siyang dumilat saka ipinagpatuloy ang pagbabalat ng apple. "Hindi ko alam kung doktor ka ba talaga o ano..." Inirapan niya ito dahil parang may laman ang sinasabi nito. "O ano? Baka manyak, ganoon ba?" inis niyang saad. "Para sabihin ko sa'yo ang sexy at sobrang hot ang katawan ng boyfriend ko. Walang binatbat 'yang katawan mo na puno ng... peklat." Nagsalubong na naman ang mga kilay nito sa sinabi niya kaya napakagat-labi siya. Did I offend him? s**t! Kung bakit pa kasi nabanggit niya pa ang iilang mga peklat nito na nakita niya. Pero bakit ang lakas ng dating nito sa kaniya? My gosh! Nababaliw na yata siya. Aminin man niya o hindi, mas lalong nakadagdag ng s*x appeal ang iilan nitong peklat sa katawan. Natampal niya ang noo, at napayuko na lamang. Bakit hindi niya magawang kamuhian ito? Bakit?! "Bakit?!" bigla niya lang sigaw kasabay ng paghampas ng palad niya sa lamesa. Naiinis siya sa sarili. Hindi man lang ito nagulat sa ginawa niya. Nakatitig lang ito na para bang binabasa siya. Hindi niya rin ito nakitaan ng emosyon na na offend ito dahil sa sinabi niya. "Bakit manyak ka? Is that what you mean?" sarkastiko nitong usal. "Hindi ako manyak!" Pinandilatan niya ito ng mga mata. "Don't do that because your eyes are so big," walang emosyong saad nito. "Teka nga lang, nilalait mo ba ang mga mata ko?" Mas lalo niya pang nilakihan ang mga mata. He sighed as if he was tired of talking to her. "I don't like your eyes, it's so big." "Then, don't look at me!" inis niyang singhal dito. Nasaktan siya sa sinabi nito. Sino ba ang hindi masasaktan?Ngayon lang siya naka-encounter ng taong ayaw sa malaki ang mata. Nakabawas tuloy ng self-confidence niya ang sinabi nito. Gusto na niyang tumingin sa salamin para tingnan kung gaano ba ka-worst ang mga mata niya. Umarko ang isang kilay nito dahil sa pagtaas ng boses niya. Hindi niya mabasa ang ekspresyon ng mukha nito, kung galit ba o hindi. He was very reserved. Pabalang siyang tumayo. "Excuse me," aniya sa mahinang boses. Akma na siyang aalis ngunit natigilan siya dahil may dalawang lalaking dumating. Kilala niya ang isang lalaki na mala-demonyo kung maka-ngisi. Napatiim-bagang siya kasabay ng panlalambot ng mga tuhod. Bumalik sa alaala niya ang ginawa nito sa mga kasamahan niya. Ito ang lider ng mga terrorist na humarang sa sasakyan nila. "Mukhang maayos ang kalagayan mo rito, dok," nang-uuyam na wika nito. Hindi siya umimik. Matatalim ang mga matang nakatitig siya sa mukha nito. Galit at pagkamuhi ang naramdam niya. "Ano ang ginagawa mo rito, Jay?" malamig ang boses na tanong ni Big Boss dito, saka tumayo at hinarap ito. So, Jay pala ang pangalan ng demonyong ito? Aniya sa isipan. Napakunot ang noo niya dahil napansin niya ang malaking peklat sa likod ni Big Boss, iyon yata ang pinakamalaking peklat nito, parang nasunog. "Kalma ka lang, Big Boss, hindi naman ikaw ang sadya ko, kung hindi ay si doktora," wika nito sa nang-uuyam na boses at dumako ang tingin sa kaniya. Namulsa si Big Boss saka pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa bago nagsalubong ang mga kilay. "You did something wrong?" usal nito sa kaniya sa nang-uusig na boses. Mabilis naman siyang umiling kasabay ng panlalaki ng mga mata. Sunod-sunod din siyang napalunok, lalo na't itinaas ni Jay ang isang kamay na may hawak na kapirasong papel. Ngumisi ito ng nakakaloko na para bang pinapahiwatig nito na lagot siya. Marahas na hinablot ni Big Boss ang kapirasong papel sa kamay nito saka binasa kung ano ang nakasulat doon. Segundo lang at nagsalubong na ang mga kilay nito. Her heart started pounding so fast. Sinulat niya lang naman ang pangalan niya, saka sinabing buhay pa siya at kailangan niya ng tulong dahil nasa kamay siya ng mga terorista. Big Boss snorted and ripped the paper into pieces. And then, he looked at her with so much anger in his eyes. "I already warned you before, don't try to escape or else you will die." "I-I'm just asking for help," pangangatwiran niya sa nanginginig na boses. Humagalpak ng tawa si Jay kaya dumako ang tingin nila rito. "Help? Sa tingin mo ba may tutulong sa'yo rito?" nang-uuyam na wika ni Jay. "Walang nakakatakas na buhay sa kampo na ito, doktora. Kung ako sa'yo makisama ka na lang." Hindi siya umimik. Nangilid ang luha sa mga mata niya. Pinipigilan niyang hindi umiyak sa harapan ng mga ito. Dinaig niya pa ang pinagsakloban ng langit, dahil akala niya mapagkakatiwalaan ang babaeng hiningian niya ng tulong. Paano na ang hikaw niya na binigay rito? Nanghina siya. "So, paano ba 'yan? Dapat kang parusahan sa ginawa mo, dok," wika ulit ni Jay saka ngumisi na naman. Napatingin siya kay Big Boss at saktong nagsalubong ang kanilang mga mata. Pilit niyang binabasa kung ano ang nasa isipan nito ngunit blanko itong nakatitig sa kaniya. Her lips quiver. She was thinking of a reason to save herself from punishment for what she did. She looked at Jay's devilish face, he was smiling from ear to ear. And then shrugged his shoulders and walked towards her. "What kind of punishment?" tanong niya sa nanginginig na boses. "Huwag kang mag-alala, dok, hindi naman namin sasaktan ang mga kamay mo," nakangising wika ni Jay. At nang makalapit sa kaniya ay kaagad nitong hinawakan ang balikat niya. "Don't touch me!" Iwinaksi niya ang kamay nito saka humakbang palayo rito. "Leave her alone, Jay," malamig ang boses na saad ni Big Boss. Natigilan naman siya at napatitig na lang dito. Hindi niya akalain na magsasalita ito. Akala niya ay hindi ito makikialam. Gusto niya na tuloy maiyak. Jay chuckled. "My dear brother, pusong mamon ka pa rin talaga." Napailing ito saka ngumisi. Napayuko naman siya saka naikuyom ang kamao. So, kapatid pala nito sina Francis at Jay? Naisip niya na baka si Big Boss ang panganay dahil kung titingnan ay mas may authority ito kaysa dalawa. "Okay!" Itinaas ni Jay ang dalawang kamay. "Palalampasin ko ito as a warning, pero..." Inakbayan siya nito saka inilapit ang bibig sa kabilang tainga niya. Gusto niya itong itulak ngunit parang wala ng lakas ang buong katawan niya. "Huwag mo ng uulitin, dok, kung hindi ay makakatikim ka na sa akin." Ngumisi ito bago lumayo. Napansin niyang napatiim bagang si Big boss habang blankong nakatitig kay Jay hanggang sa makaalis ito. Nakakabinging katahimikan naman ang namagitan sa kanilang dalawa ni Big boss. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito dahil nagtatagis pa rin ang mga bagang. "Big boss!" sambit ni Francis na kadarating lang, halatang hinahabol ang hininga. "Ano ang nangyari rito? Bakit pumunta si Jay?" She flinched when Big Boss slammed his fists into the table. He was mad. She could see it through his eyes. "I-I'm sorry," mahina niyang usal. "Binalaan na kita na huwag mong tangkaing tumakas dahil responsibilidad kita!" pigil ang galit na asik nito sa kaniya. "Listen to me if you don't want to die," dagdag pa nito na ang mga mata ay naniningkit sa galit. "Don't try to escape!" Nanghihina siyang napaupo. Hindi niya na rin magawang salubungin ang mga mata nito. "Francis, bantayan mo ng maigi si doktora, baka makahanap ng butas si Jay para pati ako ay maidispatsa," mariin nitong saad saka umalis. Napatingin siya kay Francis nang umupo ito sa harapan niya. Nakaupo ito sa upuan kung saan nakaupo kanina si Big Boss. "Takot ba siyang maidisptsa ng kapatid niya?" aniya sa mahinang boses. Ngumisi si Francis. "Nasa pangangalaga ka niya, doktora, katulad ng ibang nauna sa'yo. Kaya lang hindi ka na niya kayang protektahan kapag nasa labas ka na ng kampo." Hindi siya nakaimik. Naguguluhan pa rin siya. "Akala mo ba kapag nakalabas ka sa kampo ay ligtas ka na?" dagdag pa nito saka ngumisi ulit. She clenched her fists tightly. Tinatakot lang siya nito dahil alam niyang madaling lusutan ang bantay ng mga ito. She can't give up. "Syempre takot ding madispatsa si Big Boss kapag tumakas ka, dahil silang dalawa ni Jay ang pinagpipilian ng lider na mamuno sa organisasyong ito. Matanda na kasi 'yon." Nagkibit-balikat pa ito. "At saka mas lamang naman si Big Boss kaysa kay Jay dahil asset siya sa rito. Magaling siyang mag-english kaya mahusay siyang makipag-communicate sa ibang lahi at saka may pinag-aralan siya." Huminga siya ng malalim. Ayaw na niyang makinig pa sa kwento nito na hindi naman siya interesado. Wala naman nakaka-proud kung sino ang magmamana sa kilusang ito dahil mga terrorists pa rin ang mga ito. Tatalikuran na sana niya ito ngunit may biglang dumating, humahangos ito at halata ang takot sa mga mata. "May emergency sa clinic!" bulalas nito. Bumagsak ang mga balikat niya, pakiramdam niya ay kriminal na rin siya dahil ginagamot niya ang mga ito para lang hindi siya mamatay. She just wanted to live and see her family again. That's why she cooperates. And one more thing... she will do her best to escape no matter what. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD