Chapter 1

1585 Words
— At Five-Star Venus Hotel — "Isaac!" masayang sambit ni Beatrice. Nakasilip ang ulo niya sa siwang ng pinto. "Beatrice?" usal nito sa hindi makapaniwalang boses. Nakakunot pa ang noo nito na tila ba iniisip na namamalikmata lang. Kaagad siyang lumapit dito at inilapag ang designer handbag sa office desk nito, saka siya dumukwang para magka-level ang mukha nila, lumapit pa siya at kulang na lang ay lumapat ang nguso niya rito. "Did you miss me?" She smiled sweetly. Napaawang naman ang mga labi nito at nakatulala lang na nakatitig sa kaniya, ramdam ng mukha niya ang mainit nitong hininga at amoy niya rin ang nakakaadik nitong men's cologne. "Nakakaakit talaga ang mga mata mo," dagdag pa niya sa nakakaakit na boses. Napalunok ito ng ilang beses at naningkit ang mga mata. Biglang bumukas ang pinto kaya bumaling ang tingin niya sa nagbukas. Isang magandang babae na nakasuot ng hotel's uniform. Nanlaki pa ang mga mata nito pagkakita sa kanila, inakala siguro nito na naghahalikan sila ni Isaac. Pilya siyang napangiti. "I-I'm sorry, babalik na lang ako–" "It's okay!" nakangiting pigil niya rito. Umayos siya ng tayo. "Paalis na rin naman ako." Bumaling siya kay Isaac na ngayon ay nag-iba na ang timpla ng mukha. Seryoso na ito at nakasimangot pa ng bongga. Gusto niya tuloy matawa sa hitsura nito. "You don't knock," pasaring ni Isaac sa babaeng pumasok. Alam niyang hindi naman ito ang secretary ni Isaac dahil kilala niya ang secretary nito. "I'm sorry, Sir, tatlong beses na po akong kumatok," pangangatwiran ng babae na halata sa boses ang pagpipigil ng inis. "Oh," mahinang usal niya at amused na napatitig kay Isaac. "I did not hear you," ani ni Isaac sa galit na boses. Bakit nararamdaman niya ang tensyon ng bawat isa? Pakiramdam niya ay magkaaway ang dalawa. Pumalakpak siya ng isang beses para mabawasan ang tensyong namamagitan sa dalawa. Humakbang siya patungo sa swivel chair kung saan nakaupo si Isaac. "Of course, baby Isaac!" She held his chin to look at her and then smiled. "Hindi mo talaga maririnig dahil naka-focus ka lang kanina sa maganda kong mukha." Pasimple siyang inirapan ni Isaac at kinindatan niya naman ito. Pagkatapos ay kinuha na niya ang handbag saka humakbang palapit sa pinto. "Babalik na ako sa room ko." "Ihahatid na kita," saad ni Isaac. Napalingon siya rito at pilyang napangiti. "Ihahatid mo ako sa room ko? Gusto mo talaga akong ma-solo?" Napapailing itong tumayo at humakbang palapit sa kaniya, saka binalingan ang babae na kanina pa nakatayo sa isang tabi. "Put the files on my desk," matigas ang boses na utos ni Isaac, at kaagad namang sinunod ng babae. Ikinawit na niya ang mga kamay sa kabilang braso nito at hinila na ito palabas ng office. "Why are you so rude to your employee? That's bad, Isaac," saway niya rito, lumabi pa siya. Bumuntonghininga lang ito. "Ano ba ang VIP room number mo?" Sumakay na sila sa elevator papunta sa VIP floor. "Room 45." "Kailan ka pa dumating?" "Kaninang umaga lang. I'm so tired from the long hours of travel." Isinandal niya ang ulo sa balikat nito habang mahigpit na nakayapos ang mga kamay sa braso. "Kaya sabi ko kina Mama at Papa na huwag na akong sunduin dahil hindi naman ako dederetso sa Cordova, I need to rest." "How about Levon? Hindi ka ba sinundo?" tukoy niya sa kapatid nitong lalaki. "May case hearing siya sa korte, at saka sabay kaming dalawa na uuwi sa Cordova bukas." "Bakit hindi ka na lang dumeretso sa tita Trina mo?" Naiirita siyang bumitaw rito. "Bakit ako mag-i-stay sa bahay niya kung may five-star hotel naman ang best friend ko?" Pinandilatan niya ito ng mga mata. Natawa ito. "Ang laki talaga ng mata mo." "At least napatawa kita," aniya saka muling ikinawit ang mga kamay sa braso nito. Clingy talaga siya kay Isaac kahit noong mga bata pa sila. Ito lang naman kasi ang matalik niyang kaibigan noon hanggang ngayon. "At saka na miss kita, hindi mo ba ako na miss?" Paglalambing niya rito. Bumukas na ang elevator at nauna itong lumabas at nakasunod siya. Hinarap siya nito saka pinitik ang noo. Napangibit tuloy siya sa sakit. "At bakit naman kita mamimiss, Beatrice Barbosa?" Tinaasan siya nito ng isang kilay. "Pagkatapos mo akong pagpraktisan no'ng dinalaw kita sa US sa tingin mo ba mamimis kita?" Napangisi siya nang maalala ang araw na 'yon. "My God, Isaac! It was 10 years ago!" Ito naman ang lumaki ang mga mata, saka napapailing. Paano ba naman, nang dinalaw siya nito sa US ay pinag-praktisan niya itong lagyan ng suero sa kamay. At noong panahon na 'yon ay nag-aaral pa lang siya at hindi pa niya masyadong kabisado ang paglalagay ng suero at maghanap ng ugat sa kamay o kahit saang parte sa katawan ng tao. Namaga ang kamay nito kaya magmula noon ay hindi na siya nito dinalaw pa, maliban na lang kung siya ang magbabakasyon dito sa pinas. She gave him a puppy stare. "C'mon, Isaac! I'm a professional doctor now, a surgeon!" pagmamalaki pa niya. "I can assure you that you can entrust your life with me." Isaac scoffed. "Thanks, but no! You're scarier now than before, Beatrice. Baka nga gamitan mo na ako ng scalpel kapag pinag-praktisan mo na naman ang katawan ko." Nakita niya ang kilabot sa mga mata nito kaya bumunghalit siya ng tawa. "You're still funny, Isaac. That's why I miss you!" Pinisil niya ang magkabilaan nitong pisngi katulad ng palagi niyang ginagawa noon no'ng mga bata pa sila. Though he changed a lot in his looks, physical appearance, and attitude, he's still the same Isaac she's known. Kahit hindi na ito mukhang nerd tingnan at mukhang hindi na rin lampa, lumalabas pa rin ang pagiging batang Isaac nito lalo na kapag kasama siya. Pinindot nito ang open button ng elevator, saka sumakay pagkabukas. "Get rest, we'll be having dinner later," he said in his most dominant voice before the elevator closed. Siguro kung ibang babae siya ay malamang nahumaling na siya rito. Nakangiti siyang pumasok sa room niya. Humiga muna siya sa kama para magpahinga dahil mahaba pa naman ang oras bago sila mag-dinner. Once a year lang siya nabibigyan ng pagkakataon na magbakasyon sa trabaho at kapag minalas pa ay wala talaga, kaya susulitin niya ang bakasyon ngayon. Ilang taon din siyang hindi nakakauwi dahil mas naging priority niya ang pag-aaral at trabaho sa ibang bansa. Nang makapagtapos siya ng 4-year degree na related lang din sa medicine ay nagtuloy-tuloy na siyang mag-aral para maging doktor. Hanggang sa nakamit niya ang goal sa buhay; ang maging magaling na surgeon doctor. ____ Katatapos niya lang mag-shower ng marinig ang doorbell. Pagbukas niya ay bumungad sa kaniya ang magandang babae na nakita niya sa office ni Isaac. May dala itong dalawang malaking shopping bag. "Good evening, Ma'am, pinabibigay ni Mr. Buenavista," malumanay ang boses na saad ng babae. Tipid siyang ngumiti at kinuha ang shopping bag. "Thank you." Iyon lang at umalis na ang babae. Naisip niya na baka personal assistant ito ni Isaac. Isinuot na niya ang damit na pinadala ni Isaac sa kaniya. Sinundo pa siya nito at sabay na silang nagtungo sa VIP Restaurant ng Hotel. "Why are you so sweet and thoughtful, baby Isaac?" pang-aasar niya rito. "I'm not a baby Beatrice," saway nito sa baritonong boses. Hindi niya naman ito pinansin. "And by the way, you have a good taste of fashion. Thanks!" Umikot siya sa harapan nito. It was a silk maxi slip dress with a light blush, combined with strappy lace heels. She did a high bun on her hairstyle to showcase her big shimmering stud earrings. "How did you know my size?" pangungulit niya rito. "That was creepy, Isaac." Hindi siya nito pinansin, at iginiya lang siya sa table nila para umupo bago ito nagtungo sa sariling upuan kaharap niya. Napansin niyang hindi ito mapakali sa kinauupuan, parang tensyonado. Curious siya kung bakit kakaiba ang inaakto nito ngayon. "Are you okay, baby?" malambing niyang tanong. Huminga ito ng malalim, halatang na aasar na sa kaniya dahil umaakto siyang girlfriend nito. "Kung hindi lang kita kilala, Beatrice, iisipin kong naglalandi ka sa akin," ani nito sa naiinis na boses. Pinigilan niyang hindi matawa at nagkibit-balikat na lamang. Wala rin namang masama kung ma-in love siya rito. Mayamaya lang ay may lumapit na staff ng VIP restaurant at nag-serve sa kanila ng wine. Napatingin siya sa babaeng staff saka napakunot ang noo niya. Is it coincidence or intentional? Ang babaeng nakita niya sa office ni Isaac at ang babaeng naghatid sa kaniya ng shopping bag kanina at ang babae ngayon ay iisa lang. She chuckled. Her curiousity is killing her. Inabot niya ang kanang palad ni Isaac na nakapatong sa table at masuyong hinaplos. "Bakit ka pa ba worried na nilalandi kita, eh, expected na naman ng parents natin ang marriage nating dalawa." Ngumisi siya. Nabitawan ng babae ang dalang wine glass, parang nagulat sa sinabi niya. Kaagad itong yumukod para pulutin ang nabasag na wine glass. "I'm sorry," hinging paumanhin nito. Napasinghap siya kunwari ay gulat na gulat. "Oh, my God! You're bleeding!" Nakita niyang nasugatan ang isang daliri nito dahil sa bubog. Amused naman siyang napangiti dahil tumayo si Isaac at nilapitan ang babae. Marahas nitong hinablot ang kamay ng babae para tumayo. "Come with me," narinig niyang usal ni Isaac sa babae saka kinaladkad ito paalis. Naiwan siyang nakatulala at napapailing. "Mukhang ako na lang mag-isa ang magdi-dinner," usal niya sa sarili. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD