Matapos kong manggaling sa Galvez Company ay dumiretso ako sa opisina ko. I own a small company named ‘The Weddings’. Actually, this is a partnership. I am a wedding planner, while my partner Charlie is a wedding designer. Business ang major ko, pero mas pinili kong maging isang wedding planner. Planning a wedding and meeting the client's demands are not easy, but it is a very challenging job. Lalo na kapag pabago-bago ang gusto ng ikakasal. And soon I am hoping that I will plan for my own wedding. My dream wedding.
Pangarap kong ako mismo ang magpaplano ng bawat detalye ng magiging kasal ko. Ng magiging kasal namin ni Primo.
“What happened? Bakit nakasimangot ang beauty mo?” maarteng tanong ni Charlie nang makita niya ako bago pa ako makapasok sa opisina ko.
Lumingon ako sa kanya. May hawak itong folder habang nakasandal sa pader. Charlie is gay, but he still dresses like a man. Siguro kung hindi ito magsasalita hindi mahahalata na malambot ito. Minsan nga binibiro ko, itong magpakalalaki na lang para magkameron ako ng inaanak sa kanya, pero irap lang ang natatanggap ko.
“Wala lang magandang nangyari sa araw ko,” sagot ko bago tuluyang pumasok sa opisina.
Sumunod naman ito. Pabagsak akong naupo. Naupo naman ito sa sofa, habang hindi inaalis ang tingin sa akin.
“Why? Akala ko ba magla-lunch ka kasama si Primo kaya nga hindi tayo sabay kumain today? Nag-away ba kayo ng fiancé mo, pero hindi mo naman jowa?” tanong nito at naupo sa harapan ng table ko.
Napatingin ako sa kanya. “Anong pinagsasabi mo?”
“Kasi naman, engaged kayo pero hindi naman kayo. Complicated talaga ang status n’yo. Ikakasal kayo hindi dahil mahal ninyo ang isa’t isa pero dahil iyon ang gusto ng inyong pamilya,” paliwanag nito. Tila na-stress pa sa mga sinasabi.
I lean back in my swivel chair and stare at him. “Who says we don’t love each other? ”
“Oh, so you love him? ”
I rolled my eyes. “Of course, he is my fiancé.”
"Okay, as you say,. just continue convincing yourself.”
I could sense his skepticism in his voice, but I just disregarded it.
“Pwede ba, h’wag mong kwestyunin ang nararamdaman namin. Bakit ka ba nandito? Hindi ka ba busy?” pag-iiba ko ng usapan.
I really hate it when someone questions my relationship with Primo. Siguro hindi kami gaya ng ibang couple na nagsimula sa friendship or courtship, pero maayos at matatag naman ang relasyon naming dalawa. Minsan may mga hindi man kami pagkakaunawa, pero naayos rin agad namin iyon.
We are mature enough to handle everything. Hindi lang talaga maiwasan ang misunderstanding minsan. Pero naiinis talaga ang sa trato niya sa akin kanina. Ako na ang nag-effort ako pa ang masama. Hindi man lamang niya na-appreciate ang ginawa ko bagkos tinaboy pa niya ako. Nakakasakit siya ng damdamin.
“Nakasimagot ka na naman,” pansin nito ng hindi ko namalayang napasimangot na ako dahil naalala ko ang nangyari kanina. “Ano ba ang nangyari? Hindi ako masayadong busy. Natapos ko na ang mga dapat kong ayusin. Muntik ng mahaggard ang beauty ko kanina, pero nakeri ko naman. Kaya free na ako ngayon, willing akong makinig sa kwento mo.”
“Wala kang masaagap na tsismis sa akin,” I said, attempting to end our talk.
“Talaga ba? Eh, anong nangyari at nakasimangot ka ng todo kanina? Sigurado ako may nangyari, kasi ang laki ng ngiti mo ng umalis ka pero parang pinagbagsakan la ng langit at lupa ng bumalik ka.” Ayaw talaga akong tigilan nito. He has been my friend for more than ten years. First year college pa lang kami ay magkaibigan na kami, kaya alam kong hindi ako tatantanan nito hangga’t hindi ako nagku-kwento. May pagka-usyusero talaga ito minsan.
“I went to him. I brought him lunch, but he got angry instead of being thankful. Pinagtabuyan pa niya ako,” napipilitang pagku-kwento ko. Muling bumalik ang asar ko nang maaalala ko na naman ang pagtataboy na ginawa niya sa akin kanina. Hindi ako sanay na tinataboy.
Ayos lang naman sana sa akin kung busy siya, but the way he treated me hurts me. He was so irritated that he almost screamed at me. Sa aming dalawa ako lang lagi iyong nag-e-effort pero parang balewala lang sa kanya. Kaya hindi ko talaga mapigilang maghimutok ng husto. Sana pala hinayaan ko na lang siyang magutom, at hindi na dinalhan ng pagkain kung ganoon lang pala magiging trato niya sa akin.
“Why? Hindi man lang niya na-appreciate ang effort mo?”
Lalong nalukot ang mukha ko.
Iyon na nga ang pinuputok ng butsi ko. Hindi man lang niya na-appreciate ang pag-aalala ko sa kanya. Bagkos itinuring pa niya akong abala sa ginagawa niya. Naiinis talaga ako kay Primo.
“I don’t know. The other night, he even asked me to stay away from his best friend. Daig pa niya ang babaeng may mood swings," asar na asar na saad ko. Dati naman walang problema sa kaniya kahit close kami ni Klirk. Saka wala naman kaming ginagawang masama.
“Omg! Maybe he is jealous. You stupid,” he ramarked.
Pinanlakihan niya ako ng mga mata. Umirap naman ako sa kanya. Siya magseselos? Wala nga yata siyang pakialam sa akin.
“Bakit naman siya magseselos, aber? ”
Wala siyang dahilan para magselos. Saka bakit pati best friend niya pagseselosan niya. Dati na kaming close ni Klirk dahil naging kaibigan ko na rin siya. Kaya imposibleng magselos si Primo dito.
“Syempre sabi mo nga mahal n’yo ang isa’t isa ‘di ba?” sarcastic na saad nito. “Siguro nga tama ka. Kasi hindi naman siya magseselos kung hindi ka niya gusto. Baka masyado na ang closeness ninyo ni Poging Klirk kaya nagje-jelly ang fiancé mo.”
Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Biglang nagdiwang ang kalooban ko. Umaasa ang puso ko sa sinabi niyang nagseselos si Primo kay Klirk. Hindi ko alam pero kinikilig ako sa ideyang nagseselos siya sa kaibigan niya kaya pinapaiwas niya ako dito at kung bakit nagsusungit siya sa akin kanina.
“Wala siyang dapat ipagselos. He is my fiancé, wala kaming relasyon ni Klirk.”
Saka sa dami ng pagseselosan niya, bakit ang best friend pa niya. Alam ng lahat na maloko ito, pero hindi naman siguro ito marunong mang-agaw. Isa pa, wala namang gusto sa akin si Klirk. Sigurado naman akong pinagti-tripan n’ya lang ako kanina nang tanungin niya ako kung paano kung may gusto siya sa akin. Sa dami ng babaeng naghahabol dito, imposibleng sa akin ito magkagusto.
“Pero sayang may chemistry rin kayo ni Klirk. Sana all gaya mo, napapalibutan ng mga hot na lalaki,” malanding saad nito.
Itinirik ko ang mga mata ko sa sinabi niya. Siya ang gumagawa ng issue sa aming dalawa. Close lang kami ni Klirk tingnan dahil lagi ako nitong inaasar, pero wala talagang something sa aming dalawa. I already have Primo. Para da akin si Primo lang sapat na.
“Tantanan mo ako. Wala akong pakialam sa ibang lalaki, si Primo ang fiancé ko. Kaya na kay Primo lang ang paki ko,” saad ko at sinensyasan siya gamit ang mga kamay ko na lumabas na sa opisina ko. Kung hindi siya busy pwes busy ako.
“Hmp! ”Padabog na tumayo ito at walang imik na lumabas.
Napasandal ako sa upuan ko ng makaalis na siya. Dapat ko na bang iwasan si Klirk? Bestfriend siya ni Primo at kaibigan ko na rin, pero ayaw kong maging dahilan siya para magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan naming ni Primo. Hindi ko alam kung talaga bang pinagseselosan siya ni Primo dahil wala naman akong makitang dahilan para magselos siya dito.
Klirk is just a playful guy, pero mabait ito. Minsan nga mas maasahan ko pa ito kaysa kay Primo. Klirk was always there kapag kailangan ko unlike Primo, na trabaho ang priority at laging busy. No, hindi ko iiwasan ang kaibigan niya. Hindi sapat na dahilan ang akala ni Charlie para iwasan ko ang isang mabuting kaibigan.
Humugot ako ng malalim bago hinarap ang aking trabaho. Masyado pa akong maramig gagawin para mag-isip na mga bagay na hindi naman ako sigurado kong totoo.
Eksaktong five ng hapon ay nag-out na ako. Wala na rin si Charlie dahil may meeting ito sa labas. May ilang empleyado pa akong nakita na abala sa pag-aayos ng mga gamit nila.
Nagpaalam lang ako sa kanila at dumietso na sa parking lot. Mabilis naman akong nakarating sa condo ko. Buti na lang hindi pa matraffic na masyado. Pasalampak akong naupo sa sala.
I was stretching my neck when I heard a knock. Hindi ko pa ito pinapansin noong una, pero tila walang balak na tumigil ang kumakatok, kaya tamad na tumayo ako at nagtungo sa pinto.
Napataas ang kilay ko ng mabungaran ko kung sino ang kumakatok.
Pinagkrus ko ang mga braso ko bago nagsalita, “Anong ginagawa mo rito? ”
“I am sorry,” saad nito at inabot sa akin ang hawak na bulaklak.