Tinanggap ko ang bulaklak na inabot niya. Tila biglang naglaho ang lahat ng sama ng loob ko sa kanya dahil sa ginawa niyang pagtataboy sa akin kanina. I tried to erase the smile on my face bago seryosong tumingin sa kanya.
“You are sorry for?” nakataas ang kilay na tanong ko.
Hindi naman porke’t binigyan niya ako ng bulaklak ay okay na kami. Pinagtabuyan niya ako kanina, sumama talaga ang loob ko kaya hindi niya ako madadaan sa pagpapa-cute niya. Hindi ako marupok gaya ng inaasahan niya. Hindi niya ako madadala sa pabulaklak niya.
“About what happened earlier, I should not have treated you that way,” mahinahong saad nito.
Tila nag-aalangan pa ito habang nakatingin sa akin. Kung kaninang tanghali ay halos sigawan na ako nito ngayon naman ay napahinahon nito.
“Dapat lang. Ako na nag-effort ako tapos galit mo pa akong papaalisin. Huwag kang mag-aalala hinding-hindi na kita aabalahin ulit,” nagtatampong saad ko bago tumalikod sa kanya, sumunod naman siya sa akin papasok.
Hindi ako pabebe pero gusto kong malaman niya na nagtatampo ako sa kanya dahil sa ginawa niyang pagtrato sa akin kanina. Kung sa iba mababaw lang ang nangyari pwes sa akin hindi. Sino ba ang matutuwwa na ipagtabuyan ka ng taong inaalala mo lang naman.
“That’s why I am here. Busy lang talaga ako kanina kaya medyo tumaas ang boses ko. I didn’t mean it. Sinundan din kita pero binigay mo na sa iba iyong food. Akala ko ba sa akin iyon?” may himug iritasyon na naman sa boses nito.
Parang nabaliktad ang sitwasyon namin. Kanina ako ang nagtatampo tapos ngayon siya na.
Napanguso ako sa sinabi niya. “Busy ka ‘di ba? Kaya hindi ka naman kakain.”
Sayang naman kung itatapon lang. Ang mahal pa naman ng bili ko doon. It's French cuisine pero ayaw niyang kumain dahil busy siya.
Mahinang pinitik nito ang noo ko. “Busy lang ako pero wala akong sinabing hindi ko kakainin ang dala mo.”
Hinawakan ko ang noo ko na pinitik niya. Sinamaan ko siya ng tingin pero nginitian lang ako nito.
“Naasar kasi ako sayo kaya binigay ko na lang kay Klirk, alam mo naman ‘yun ang yaman-yaman pero mukhang patay-gutom palagi,” sinubukan kong magbiro pero bigla na nang dumilim ang anyo nito.
May nasabi na naman ba akong mali? Bakit parang galit na naman siya?
“Next time, don’t give him anything. Lalo na kung para talaga sa akin," blanko ang expresyon nito habang nagsaslita.
Nawala na ang maamong hitsura nito gaya kanina noong humihinga pa lang ng sorry. Kaya kesa kiligin mas naasar ako dahil sa expression ng mukha niya. Magkasalungat kasi ang sinasabi niya at ang expression ng mukha niya.
“So bakit parang ang ending kasalanan ko na naman?” Nagpunta siya dito para humingi ng paumanhin pero bakit pakiramdam ko ako pa ang nasisi ngayon. Kung hindi siya nag-inarte kanina, hindi ko sana ibibigay iyong pagkain sa kaibigan niya. “Kung hindi ka sana nag-inarte hindi ko naman iyon ipamimigay sa iba.”
“No, that’s not what I mean. I am not blaming you, okay? I just feel like sometimes you are closer than him,” mahinang saad nito. "I don't want to share what is mine, especially you,” seryosong saad nito.
Seryosong-seryoso na naman ito pero hindi ko maiwasang muling mapangiti. Hindi ko alam kung papaano ko papakalmahin ang puso ko dahil sa sinabi niya. Kotang-kota na siya ngayon sa pagpapakilig sa akin. Kahit na paiba-iba ang mood niya, nangingibabaw pa rin ang kilig ko dahil sa mga sinasabi niya.
Ayaw daw niya akong i-share. Ipinagdadamot niya ako sa iba. Hindi ko alam may territorial sidepala siya.
“Don’t worry, sayo lang ako. Hindi ako maagaw ng kahit na sino.”
“Sa akin ka lang naman talaga, simula noong una pa. Kaya umiwas kana kay Klirk, hindi ko gusto na naagaw niya ang atensyon mo na dapat ay para sa akin lamang.”
Tuluyan nang namula ang pisngi ko dahil sa naging sagot niya. Tila nais sumirko ng puso ko. Hindi ako sanay kapag ganito si Primo. Baka mamatay ako sa kilig araw-araw kapag palagi siyang ganiyan.
Nagiging madaldal at vocal na rin siya. Hindi gaya dati na bilang lang nag mga salita niya. .
“Teka nga nagseselos ka ba sa kaibigan mo?” hindi ko na napigilang itanong. Dati naman okay lang sa kanya kung ano man ang pakikitungo ko kay Klirk, pero ngayon tila hindi na siya masaya sa closeness naming ng kaibigan niya.
“Bakit ako magseselos? May dapat ba akong pagselosan?” balik-tanong nito.
“Wala pero-”
“I am not a jealous type of person, you know that,” putol nito sa saabihin ko. "Ayaw ko lang na baka next time, ikaw na ang awayin ng mga babae niya. Ayokong madamay ka sa mga kalokohan niya."
Nagkibit-balikat na lang ako. “Okay, sabi mo, eh. Huwag kang mag-alala hindi mangyayari iyon.”
"Dapat lang dahil hindi ko hahayaan masaktan ka ng iba."
I hugged him and murmured, "Thank you."
Masaya ako na may poprotekta sa akin na gaya ni Primo. Hndi man siya sweet gaya ng iba. Hindi rin siya ma-effort. Maiksi rin ang pasensya niya pero ramdam ko na mahalaga ako kanya. Sapat na iyon para sa akin.
He is the type of person who rarely listens to others. Iyon ang napansin ko sa kanya simula pa noong una. Primo is a proud man at ayaw na ayaw nitong nasasagi ang ego. He is a man of few words, but he will not back down from an argument. And no matter how proud he is, he knows how to say sorry when he is wrong.
Inalis nito ang mga kamay ko na nakapulot sa kanya. He kissed me on my forehead.
“I will cook you a dinner,” saad nito at tumayo habang itinataas ang lalaylayan ng kanyang suot na long sleeve.
Primo is a good cook. Masarap itong magluto, hindi gaya ko na bawal sa kusina.
“Are you sure? Pwede naman tayong magpadeliver na lang,” suhestiyon ko. “O kung gusto mo ako na lang ang magluluto.”
Mukhang gusto talaga nitong bumawi ng husto. Gusto ko ring matikmang muli ang luto niya pero ayaw ko nang makaabala pa. Galing siya pa siya sa trabaho kaya sigurado akong pagod pa siya. Mas mabuti siguro kung magpahinga na lang muna siya.
“Kapag ikaw ang nagluto baka lalong hindi tayo makakain. So just clean yourself. I will cook our dinner,” sagot nito at dumiretso na sa kusina.
Sinundan ko ito ng tingin. Ang tagal na naming magkakilala pero hanggang ngayon nahihirapan pa rin akong basahin ang kanyang ugali. Daig pa niya ang panahon na sala sa lamig, sala sa init. Pumunta siya dito na nagso-sorry, maya-maya tila galit na ito dahil mas close daw umano kami ng best friend niya tapos ngayon bigla na lang magpe-presenta na magluluto ng hapunan naming dalawa. Napakagulo niya. Daig pa niya ang babaeng may dalaw palagi.
Napapabuntong hiningang nagtungo na lamang ako sa aking kwarto. Siguro, I need to freshen up, para umayos rin ang takbo ng utak ko. Medyo nahahawa na ako sa pagiging tuyuhin ni Primo.
It took me thirty minutes to take a bath and change. Pagkatapos ko ay agad akong nagtungo sa kusina. Abala pa rin si Primo sa kanyang niluluto.
“It’s almost done,” saad nito ng maramdaman ang presensiya ko.
Naamoy ko na ang mabangong amoy ng adobo. Tila bigla akong natakam sa amoy pa lang. Lumapit ako sa may gilid niya. Napangiti ako nang mapansing suot niya ang spongebob kong apron.
Ang cute niyang tingnan habang seryosong nagluluto.
“Ang bango, mukhang masarap,” komento ko habang nilalanghap ang amoy ng niluluto niya.
Kinuha ko ang kutsara para sana tikman ang niluluto niya, pero tinabig niya ang kamay ko.
“Titikim lang, eh,” reklamo ko.
Umiling ito, kaya napalabi ako.
“Just prepare the table. Luto na ito,” utos nito. Sinimangutan ko muna ito bago ako kumilos.
I prepare the table for two. Maliban sa adobo ay may sauted mix vegetables din siyang niluto. Masaya akong sumandok ng kanin. Tila mapaparami ang kain ko dahil masarap ang ulam. Simple lang ang niluto ni Primo, pero dahil si Primo ang nagluto, uubusin ko ito. Madalang lang magluto ang lalaking nasa harapan ko, kaya sasamantalahin ko na.
He was about to scoop up some rice when his phone rang.
Tumayo ito at lumayo para sagutin ang tawag. Kahit nagugutom na ako at naglalaway sa pagkain nasa harapan ko ay hindi muna ako kumain. Hihintayin ko na lang na matapos ang tawag niya sa telepono, hindi naman siguro ito magtatagal.
Ngunit napakunot ang noo ko nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Tumayo ako para tingnan kong may dumating ba, pero wala naman at lalong wala na si Primo.
Umalis ba ito ng hindi man lang nagpapaalam sa akin?
Bumalik ako sa mesa para kumain, pero tila nawalan na ako ng gana. Hinihitay ko pa ito para sabay kaming kumain, pero bigla na lang itong umalis ng walang paalam. Sino kaya ang tumawag dito? May emergency ba? Sana man lang nagpaalam ito para hindi ako nag-aalala.