Primo's Bride 3

1599 Words
I was smiling widely when I entered the building. Sumakay ako sa elevator upang magtungo sa president's office. Primo is the president of this company. The Galvez Group of Companies is owned by Leonardo Galvez, Klirk's father. Klirk is the sole heir of GGC, but according to Primo, Klirk hates handling their business. Hindi man halata pero Abogago ito, I mean abodadong siraulo. Basta abogado ito, hindi lang halata dahil mukha itong barumbado kung minsan. Kung hindi mo kasi kilala-kilala ang lalaking iyon, hindi mo talaga iisipin na abogado ito dahil puro pambabae at kalokohan ang alam nito. Madalang magseryoso si Klirk, madalas mapag-asar ito habang may ngising aso nakapaskil lagi sa labi nito kapag nakikita ko na talaga namang kinaasar ko. Malalaki ang mga ngiting lumabas ako ng elevator. May dala akong dalawang paper bag na may tatak ng isang sikat na restaurant. Mga paboritong pagkain ni Primo ang dala ko. Kaya siguradong magugustuhan niya ito. Wala na akong oras magluto dahil sumaglit lang ako buhat sa trabaho ko, kaya nagtake out na lang ako. Isa pa hindi rin naman ako kagalingan pagdating sa kusina, kaya kahit kailan hindi ko pa talaga siya naipagluto ng pagkain. Ayaw ko namang ma turn off siya sa akin kapag nalasahan niya ang patsambang luto ko. "Excuse me, ma'am. Bawal po kayong pumasok," pigil sa akin ng isang babae nang bubuksan ko na sana ang pinto na may nakapaskil na President's office. Humarang ito sa pinto, habang nakadipa ang mga kamay. "I am just here to bring him food." Ipinakita ko pa dito ang dala ko, habang hindi pa rin nawawala ng ngiti sa mga labi ko. Maganda ang araw ko kaya ayokong masira ito. "Ma'am, pasensya na po, pero may appointment po ba kayo? Mr. President is busy, he can't entertain someone right now," magalang na saad nito. Tiningnan ko ito. Hindi ito ang dating secretary ni Primo. May edad na ang dating secretary ni Primo samantalang ito ay bata pa, siguro mga early twenties. Maliit ito, pero kitang-kita ang hubog ng katawan sa suot office attire. She doesn't have the face of a beauty queen, pero masyadong maamo at inosente ang mukha nito. Naiintindihan ko naman kung bakit ako pinipigilan nito. Hindi ako nito kilala at ginagawa lang nito ang trabaho. "Are you new? What's your name?" "Yes, ma'am. I am Mayumi Alvarez, the temporary secretary of Mr. Gomez while Mrs. Jimenez is on leave. I am sorry, but you can't enter, Mr. President is not accepting any visitors right now." Madalang akong magtungo dito sa opisina ni Primo, kaya hindi ko alam. Siguro more than a month ago pa ng huling punta ko dito kaya hindi ko alam na may bago itong secretary dahil on leave si Lora, his old secretary. Hindi ko naman ugaling puntahan si Primo dahil alam kung busy siya at ayaw kong makaabala. Hindi ako clingy, I trust him, and that's enough. I smiled. "Don't worry. I am not a visitor, I am his fiancée," pagpapakilala ko bago tuluyang binuksan ang pinto. Wala na itong nagawa nang makapasok na ako. Malaki ang ngiti ko nang pumasok ako sa opisina ni Primo. Inilibot ko ang tingin ko sa buong opisina. Nakita ko si Primo na nakaupo sa swivel chair, habang abala ito sa mga papel na nasa lamesa nito. Tila tambak ang gawain nito dahil hindi manlang ito nag-abalang tingnan kung sino ang dumating. Nanatiling nakatutok ang tingin nito sa mga binabasang papel. "Make me a coffee," utos ni hindi tumitingin sa akin. Akala siguro niya ay ang sekretaya niya ang pumasok. "With or without cream?" nakangiting sakay ko sa sinabi niya. Saka pa lang ito nagtaas ng tingin upang tingnan ako. "Hi, I brought you lunch." Itinaas ko ang hawak ko upang ipakita sa kanya. "Hindi kana sana nag-abala pa," balewalang sagot nito. Muli nitong ibinaling ang tingin sa mga papel na hawak. Napalabi ako, pero muli akong ngumiti. "It's almost one. Alam kong busy ka pero hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom," saad ko at inilabas ang mga pagkaing dala ko. "Aanhin mo ang maraming pera kung magkakasakit ka naman. Kaya kumain ka muna, kahit saglit lang. Huwag puro kape lang ang iniinom mo." Masyado siyang workaholic at minsan talagang nakakaligtaan na niyang kumain dahil sa sobrang busy. Palagi ko na siyang pinapaalalahanan na kumain sa tamang oras, pero hindi naman siya nakikinig sa akin. "Ewan mo na lang diyan. Kakainin ko na lang mamaya," sagot nito na sa papel pa rin ang tingin. "Hindi ba pwedeng kumain ka muna? Tita said lagi ka na lang daw nagpapalipas ng gutom sa sobrang busy mo. Kaya nga pumarito ako ngayon para dalhan ka ng pagkain." Pati ang ina nito ay nagrereklamo na sa akin sa pagiging workaholic ng anak niya. "You are too noisy. Just leave. I can't entertain you now, I am too busy." Mapait akong napatawa sa sinabi niya. Tila nainis pa ito gayong concern lang naman ako. "Wow, sorry, ha. Nagkaka-istorbo pala ako, pero nag-aalala lang naman ako." Hindi ko na mapigilang maging sarcastic. Siya na nga ang inaalala siya pa ang galit. "I never ask you to worry about me, and you should call me first before you go here," medyo tumataas na ang boses nito, halata na rin ang iritasyon sa mukha nito. Galit na ba ito? Bakit tila kasalanan ko pa? "What is wrong with you? Ikaw na nga ang inaalala at pinagdalhan ng tanghalian pero galit ka pa. Saka ano naman kung pumnta ako ng walang pasabi sayo rito? May masama ba? May tinatago ka ba na bawal kong Makita?" naasar na tanong ko pero blangkong tumingin lang ito sa akin na lalong nagpa-init ng ulo ko. "Hindi ko sinabing mag-abala ka. Busy ako. I don't have time about your tantrums. Just go," pagtataboy nito sa'kin na tuluyan na ring ikina-init ng ulo ko. Padabog na muli kong tinakpan ang mga pagkaing dala ko bago isinilid sa paper bag. "Busy ka 'di ba? Kaya iuuwi ko na lang ito. Sayang naman kung hindi mo rin kakainin," saad ko at padabog na naglakad patungo sa pinto. Ayaw naman niyang kumain, kaya dadalhin ko na lang ulit ang dala kong pagkain. Baka masayang lang kapag iniwan ko. Sayang na nga ang effort ko, sasayangin n'ya pa ang dala kong pagkain. Kung ayaw niyanv kumain 'di h'wag. Matanda na siya. Nakita ko pa ang sekretarya niya sa labas na tila nag-aaabang sa paglabas ko. Bahagya pa iting napatalon ng malakas kong binagsak ang pinto. "Sabihin mo sa boss mo, mamatay sana siya sa gutom," naasar na saad ko dito bago nagtungo sa elevator. Busy rin naman ako, pero tumawag ang mama niya at nagsusumbong sa akin na lagi na lang daw subsob sa trabaho ang anak niya. Nakiusap ito sa akin Kaya ako naman bilang mabait na fiancée pinuntahan siya at pinagdalhan pa ng pagkain dahil alam kong kapag busy siya minsan nakakalimutan na niyang kumain, pero tila ako pa ang napasama. Sana hindi na lang ako nag-alala. Sana hindi na lang ako nag-abala. Biglang bumukas ang elevator at may pumasok na isa pang asungot. "What's with the long face?" may ngiti sa mga labing tanong nito. Tumingin ako sa kanya. Malalaki ang mga ngiti niya na lalong nagpa-asar sa akin. He looks formal dahil sa suit na suot niya, pero dahil sa ngisi nawala ang formality na meron siya. "Nothing." "Nag-away kayo? Lq?" pangungulit nito. "Tsismoso ka rin 'no?" mataray na sagot ko. Tumawa ito. "Ikaw, pikon pa rin." "Tantanan mo ako, Klirk. Kung ayaw mong sa iyo ko ibunton ang asar ko." "Lagi naman talagang ako ang sumasalo ng asar mo sa kanya." Bigla akong napatingin sa kanya. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba pero iba ang dating ng tono niya sa akin. Parang nasasaktan ito, ipinilig ko ang ulo ko. Imposible. "Cleopatra," sambit nito sa pangalan ko ng hindi ako nagsalita. "Hmm?" Tumingin akong muli sa kanya. "What if I fell in love with you again?" Napalunok ako sa tanong niya. Seryoso ang mga matang nakatingin siya sa akin. Nawala ang nakakaloko niyang mga ngiti. Hindi ko inaasahan ang tanong na iyon. Gusto n'ya ba pa rin ba ako? Minsan na kasi niyang inamin na nagkagusto siya sa akin, pero matagal na iyon at naka-move on na siya. Hindi na nga namin iyon napag-uusapan. Pareho na namin iyong binaon sa limot. Bakit nabanggit na naman niya? Siya pa naman nagyayabang sa akin matagal na siyang naka-moved on. Maganda pa naman ako, kaya may posibilidad na mahulog na naman siya sa akin. Mahilig pa naman siya sa maganda. Sabi ko na nga, makamandag ang alindog ko. Pero kahit gusto niya ako, fiancé ko ang best friend niya. Saka kahit single pa rin ako hindi ko siya gusto. Masyado siyang siraulo, kaya ekis siya sa akin. O baka naman niloloko lang niya ako, may pagkabaliw pa naman ito madalas. Buti na lang biglang bumukas ang elevator. Nasa ground floor na kami, kaya mabilis akong lumabas upang makatakas sa tanong niya. Mabilis akong naglakad palayo, pero napatigil ako at muling lumingon sa kanya. Malaki ang mga ngiti nitong nakatingin sa akin. Bumalik ako at lumapit sa kanya. "Eat this," saad ko at isiniksik sa dibdib niya ang mga hawak kong paper bag. Wala naman itong nagawa kundi tanggapin iyon habang nagatatakang nakatingin sa akin. "Kumain ka. H'wag kang magpapalipas ng gutom para hindi ka mabaliw," wika ko bago muling tumalikod. Narinig ko pa ang malakas na halakhak nito tila walang pakialam kahit pinagtitinginan siya ng mga empleyado. Napasimagot ako. Sabi ko na nga ba pinagti-tripan niya ako. Bwesit siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD