Primo's Bride 11

1651 Words
Pagkagaling sa bahay ng mga magulang ko ay dumaan muna ako sa grocery. Kailangan ko nang mamili dahil wala na akong stocks. Once a week lang ako kung mamili pero kapag sobrang busy ko kahit pamimili ng grocery ay hindi ko na nagagawa. Madalang lang naman ako magluto dahil nga hindi ako eksperto pagdating sa kusina kaya matagal maubos ang stocks ko. Kalimutan mga ready to eat or can goods lang ang pinamimili ko. Kaya kapag dumadalaw si mama sa condo ko pinapagalitan niya ako dahil hindi daw masusustansya ang kinakain ko. Kumuha ako ng push cart at nagsimula nang mamili ng mga bagay na kailangan ko. Una akong pumunta sa toiletries. Matapos kong makuha ang mga kailangan ko ay sa condements section naman ako pupunta. Liliko na sana ako nang muntik na akong may mabungo. Buti na lang nakahinto agad ako. "I am sorry," paumanhin ko. Sandali pa itong natigilan ng makilala ako. Kaya naman nginitian ko siya. "Okay lang," sagot nito at ngumiti. "Dito ka rin namimili?" nakangiting tanong ko. I am trying to be friendly with her by making a small conversation dahil natatandaan ko na hindi maganda ang una at huli naming pagkikita. Nasungitan ko ito. Tumango naman ito. Tila naiilang ito sa akin base sa ngiti nito. Siguro iniisip nito na maldita ako dahil sa inasal ko noong una at sa nasaksihan niyang pagtatalo naming ni Primo. Mainit lang ang ulo ko noon kaya pati siya ay nadamay. Hindi ko talaga sinasadya. Si Primo kasi maliban sa pabebe na, topakin pa. "Oo," simpleng sagot nito. "I am sorry about last time. Siguro iniisip mo ngayon maldita ako," saad ko at sumabay sa kanya sa pamimili. Kumukuha ako ng iba't ibang snacks habang mapili naman ito sa bawat binibili nito. Tinitingnan pa nito ang mga label bago ilagay sa cart. "Hindi, okay lang. Naiintindihan ko, kahit siguro ako ang nasa posisyon mo ganoon din ang magiging reaksyon ko." Napakahinhin nitong kumilos at magsalita. Naiisip ko pa lang na napapagalitan ito ni Primo tuwing mainit ang ulo ay hindi ko maiwasang maawa rito. Si Primo pa naman ang tipo ng tao na laging tumataas ang boses kapag galit. Sa akin lang naman ito hindi makapalag palagi dahil kung galit siya, madalas mas galit ako. "Salamat sa pag-intindi. Medyo may katigasan kasi ang ulo ng boss mo kaya minsan naha-high blood talaga ako. Hindi ka ba niya inaapi sa trabaho?" Mabilis itong umiling sa tanong ko. Napatango naman ako. Mabuti naman kung ganoon dahil kawawa talaga ito. Mukha pa namang ito iyong tipong iiyak kapag napagalitan. She looks too fragile for me. "Hindi naman po. Madalas lang siyang seryoso pero mabait naman siya." Napangiti ako sa sagot nito. Totoo naman iyon. "Sabihan mo lang ako kapag pinagalitan ka niya. Ako ang reresbak para sayo," nakangiting wika ko bago nagpaalam dito. Pumunta muna ko sa meat corner bago dumiretso sa cashier upang magbayad. Pagdating ko sa bahay ay agad kong inayos ang pinamili ko. Wala akong balak magluto today, kaya mag nonoodles na lang ako mamaya. Busy pa rin ako sa pag-aayos ng biglang may mag doorbell. Hindi ko pa ito pinansin noong una pero sunod-sunod ang pindot nito. Ginawa na yatang calculator ang doorbell ko. Naiinis na binuksan ko ang pinto at lalong nalukot ang mukha ko ng masilayan ang lalaking nakatayo sa labas. It was Klirk. May mga hawak itong mga paper bag habang malaki ang mga ngiti. "Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko dito. Hindi ito pumupunta rito sa apartment ko maliban na lang kung kasama siya ni Primo. Itinaas niya ang mga paper bag na hawak. May tatak iyon ng mga mamahaling brand ng bag. "Remember?" Napangiti ako. "The suhol?" "Yup," sagot nito at bahagya pang ikiniling ang ulo. Hindi ko na napigilan pa ng dire-deritsong itong pumasok sa condo ko. Feel at home na naupo ito sa sofa. Ipinatong nito ang mga dala sa center table maging ang mga paa nito. "Ibaba mo nga iyang paa mo," nakasimangot na saad ko. Sumunod naman ito pero kulang na lang ay humilata ito sa sofa. "Hindi ka pa ba aalis?" tanong ko dito. Naupo ako sa katapat nitong sofa. Tumaas ang kilay nito. "Pinapaalis mo na agad ako? Hindi mo man lang ba ako aalukin ng kape? Namulubi ako dahil d'yan sa suhol na hiningi mo," saad nito at lalo pang ibinagsak ang katawan sa sofa. "Simpleng tulong lang hiningi ko ang mahal masyado ng talent fee mo." Napangiti ako. Nagrereklamo kasi ang tono nito pero alam kung balewala lang sa kanya ang mga pinamili. "Sa yaman mo barya lang iyan. Saka muntik na kaming mag-away ni Primo dahil doon." Bigla kong naalala si Primo. Siguradong uusok na naman ang ilong noon kapag nalamang nakipagkita ako kay Klirk. Pero alangan namang ipagtabuyan ko ng husto ang kaibigan niya gayong wala naman itong ginagawang masama. Nami—misinterpret lang niya ang pagiging friendly ng kaibigan niya. Kinuha ko ang mga paper bag na dala niya. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang mga bag na laman noon. Limited edition ang lahat ng ito. Sigurado akong mahal ang lahat ng ito. "Wow, hindi ka lang mayaman. Ubod pa ng yaman," saad ko at binigyan siya ng thumbs up. Natawa naman ito sa reaksyon ko. "Kinupit ko lang 'yan kay dad." Inirapan ko siya. "H'wag mo akong pinagloloko, Attorney Klirk Galvez." "Stop calling me attorney, we are not in the court," reklamo nito. Sumimangot pa ito. Bigla itong tumayo at dumiretso sa refrigerator ko. Binuksan niya ito at tiningnan ang mga laman. "Wala ka bang pagkain dito? Nagugutom na ako. Bakit puro basura lang iyang mga pinamili mo." Muli nitong isinara ang ref ng wala itong makitang kahit ano. Meron naming laman ang ref kong ilang prutas at iba't ibang choco drinks. "Kagagaling ko lang sa grocery. Hindi ko pa nga tapos ayusin a ng mga pinamili ko nang bigla kang dumating. Saka maka-basura ka naman wagas, pagkain pa rin ang mga iyan," angal ko at bumalik sa pag-aayos ng mga pinamili ko. "Junk foods, pagkain ba iyan?" Inagaw nito ang mga hawak ko. "Ako na ang mag-aayos nito. Magluto kana lang para makakain na ako," saad nito at sinimulan ng ilagay ang mga itlog sa ref. "Ginawa mo pa talaga akong katulong sa sarili kong pamamahay," reklamo ko pero wala na akong nagawa. Nagsimula na akong ihanda ang mga lulutuin ko. "Gusto ko lang ipaalala sa iyo na hindi ako magaling magluto." "Kahit ano pang lutuin mo, kakainin ko iyan," sagot nito habang patuloy na inilalagay sa ref ang mga pinamili ko. Kumuha ako ng mga gulay at hipon na siyang lulutuin. Bahala na. Lagi naman talaga niyang kinakain ang luto ko kahit na minsan maalat o matabang ito. Hindi siya nagrereklamo. Siya lang ang taong hindi nilait ang luto ko. I looked at him again. Nakaupo ito sa isang mataas na stool habang pinapanood akong magluto. Umiwas ako ng tingin sa kanya at ipinagpatuloy ang paggagayat ng mga gulay. Klirk should not be here. Dahil siguradong magagalit na naman si Primo kapag nalaman niyang nandito ang makulit niyang kaibigan pero na gi-guilty naman ako na iiwasan ko na lang ito bigla. Alam ko na magagalit si Primo kaya hindi ko na lang babanggitin sa kanya. Hindi naman lahat ng bagay dapat niyang malaman. Dahil kahit ako hindi naman ako mausisa pagdating sa kanya. I trust him at sana ganoon din siya sa akin. Wala naman kaming ginagawang masama ni Klirk. Pakakainin ko lang ang hampaslupang ito nang manahimik na at makaalis na rin agad. Saka bilang pasasalamat na rin sa mga mamahaling bag niyang binigay sa akin. Mabilis naman akong nakaluto. Sinigang na hipon at may kunting karneng baboy lang ang niluto ko. "Kumain ka ng marami pinaghirapan kong lutiin iyan," saad ko habang kumakain kami. Ang bagal kasi ng bawat subo niya, akala ko ba gutom siya. "Oo, ninanamnam ko nga ng husto," anito. Humigop ito ng sabaw at mariing napapikit. "Hindi ba masarap? Bakit ganyan ang ekspresyon ng mukha mo?" Tanong ko at tinikman ang sinigang na niluto ko. Kinilig ako ng wala oras. Sobrang asim. "Huwag mo nang kainin. Magpadeliver ka na lang o kaya sa restaurant ka na lang kumain. Alam mo na ngang wala akong talent sa kusina. Maka-request ka sa akin wagas." Kinuha ko ang bowl para sana itapon na lang ang niluto ko pero inagaw niya. "No. Kakainin ko 'to. Hindi ko naman sinabing hindi masarap medyo nasobrahan lang sa asim," saad nito at muling humigop ng sabaw. Ako ang napapapikit tuwing susubo siya. Sana lang talaga hindi sumakit ang tiyan niya sa niluto ko. Bakit kasi pinilit pa niyang kainin? Pwede naman kasing sa labas na lag siya kumain. Sa dami ng pera niya kahit saang mamahaling restaurant makakakain siya. Hindi iyong nagtitiis siya sa luto ko. Alam naman kasi niyang hindi ako magaling magluto pero he still insisted me too cook. "Kaya kung maggi-girlfriend ka dapat ang piliin mo 'yung magaling magluto," payo ko sa kanya habang pinapanood siyang kumain ng magana. Talagang balak niyang ubusin ang niluto ko. "Sinong may sabing single ako?" "Taken kana?" hindi makapaniwalang tanong ko. Kung may girlfriend na pala siya bakit ako pa ang ginugulo niya upang ipagluto siya. Hindi rin ba ito marunong magluto gaya ko or mas worst pa sa akin pagdating sa kusina? Saka bakit ako? "Oo." "Talaga?" paninigurado ko. Wala na kasi akong tiwala sa isang ito. "Yes, I am taken for granted," nakangising sagot nito. Muntik ko na siyang mabato ng kutsarang hawak ko. Napakawalang kwenta talaga niyang kausap. Bakit ba hindi na lang siya mabilaukan ng matuluyan na siya? Matapos kumain ay umalis din agad si Klirk dahil may date pa raw ito. Nagmamadali pa nga ito. Wala itong girlfriend pero madami itong ka-date. Sana lang talaga makatagpo na ito ng babaeng magpapatino dito para naman magtino na ito. Kapag nangyari iyon, mapapamisa ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD