Naging maaayos ang mga nakalipas na araw. Walang masyadong stress. Maliban sa abala ako sa trabaho ay wala namang ganap sa buhay ko. Busy rin kasi si Primo, kaya hindi kami nagkikita. Kaya iginugugol ko na lang ang lahat ng oras ko sa trabaho.
Abala ako sa pagre-review ng mga detalye tungkol sa kasal ng kliyente ko. Masyado pa naman itong pihikan, kaya dino-double check ko talagang mabuti ang lahat. Nakahanap na rin ako ng venue para sa gusto nitong garden wedding.
Nandito kami ngayon sa lugar kung saan gaganapin ang kasal. I was checking the venue habang kausap naman ni Charlie ang magiging bride. This is like an eternal place, perfect for a garden wedding.
Napapalibutan ang paligid ng mga luntian. Napaka-refreshing ng lugar.
I was busy talking to the staffs who will do the decoration when Charlie suddenly came. He looks very anxious, he's face shows how worried he is.
"May problema," bungad agad ni Charlie. "'Yong bride, umiiyak."
Mabilis din itong tumaliko kaya napasunod ako sa kanya sa meeting room kung nasaan ang kliyente namin. Two days from now on, ikakasal na ito. Kaya nga nandito kaming lahat sa venue para sana tingan ang sisimulan ng decoration. Pero ang bride lang ang dumating kanina, hindi nito kasama ang groom na may importanteng lakad daw na pupuntahan ngayon.
"Ms. Martinez, are you okay?" nag-aalalang tanong ko ng makalapit ako dito.
I looked at Charlie na siyang kausap at ksama niya kanina dahil ito ang magdedecorate ng venue. Pero wala daw itong alam.
Maga na ang mata nito ni Ms. Martinez sa kaiiyak. Sira na rin ang make-up nito.
Binigyan ko siya ng tissue.
"The wedding is off," sagot nito at muling humagulhol ng iyak.
"Why? May problema ba? You can tell we, baka may maitulong ako para masolusyunan natin," mahinahong saad ko. Pero ang totoo nagsisimula na akong kabahan dahil sa sinasabi niya.
Jusko, naghirap na kami ng husto para sa pagpaplano ng kasal niya. Mula sa venue, guest list, at kung ano-ano pa tapos biglang hindi matutuloy. Sa sobrang dami ng demand niya kulang na lang ma-stress ako. Isa pa dalawang araw na lang ikakasal na sila. Paanong hindi na tuloy ang kasal?
"Wala nang solusyon sa problema namin kundi h'wag ituloy ang kasal," anito at suminghot ng malakas. Muli ko siyang binigyan ng tissue.
"But we planned this for too long," giit ko.
Kung ano man ang problema nila baka maayos pa. Baka simpleng hindi lang pagakaka-intindihan, ganoon naman talaga kapag ikakasal. Lalo na sa mga babae, wedding jitters nga ika nila.
"Hindi naman porke't plinano nang matagal magkakaroon na nang katuparan. I love him so much but he cheated on me. May iba siyang babae, matagal na niya akong nilokoko. Akala ko siya na iyong the one ko. Handa na akong makipagpalitan sa kanya ng I do pero patalikod pala niya akong niloloko," lumuluhang kwento nito. "At ang malala, umalis na siya. He already left the country. Kasama ang babae niya."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. May namuong galit sa dibdib ko para sa lalaking pakakasalan sana nito. How could he cheated on her? While preparing the wedding nakita ko kung gaano siya kamahal ni Ms. Martinez. Kaya nga minsan kahit na-e-stress na ako dahil biglaan nitong binago ang theme at venue ng kasal ay hinyaan ko na lang dahil isang beses lang naman itong ikakasal tapos hindi pa natuloy dahil gag* ang fiance nito. Pero mas mabuti ngang hindi natuloy kaysa naman kung kailan kasal na sila saka naman siya lolokohin.
I came closer to her. I rub her back. Hindi ko alam kong papaano ko siya patitigiling umiyak. Siguro nga pinagpaguran namin ng husto ang nakatakda sana niyang kasal, na-stress, napuyat at napagod kami pero hindi ko na rin nanaising matuloy pa ang kasal niya sa lalaking niloko siya. Hindi niya desreve ang ganoong klase ng lalaki.
"I am sorry to hear that. Now I understand if you want to cancel the wedding. He doesn't deserve you," pag-aalo ko dito. Sala kahit hindi nito i-cancel ang kasal wala ng darating na groom dahil sumama na ito sa iba.
Hindi ko alam kung paano ko pagagaanin ang bigat na nararamdaman niya ngayon. Alam kong nasasaktan siya sa oras na ito at wala akong magawa kundi ang makinig lamang sa kanya. Ang kailangan niya ngayon ay taong makakaintindi at willing makinig sa kanya.
"I am sorry if I wasted your time."
"No, you don't have to say sorry. Wala kang kasalanan. Tama lang ang desisyon mo. I will not ask you not to cry dahil nasasaktan ka. Iiyak mo lang iyan, ilabas mo lahat ng sakit hanggang sa maging okay kana." Hindi ko pa nararanasan ang nararamdaman niya ngayon pero alam kung parang binibiyak ang puso niya ngayon. Niloko at iniwan siya ng lalaking pakakasalan sana niya.
"Salamat sayo. Pasensya kana. H'wag kang mag-alala, magiging okay rin ako. Masakit lang ito sa una pero uusad din ako." Pinahid nito ang luha at pilit na ngumiti.
Bilib ako sa tapang nito. Nagagawa pa rin nitong maging matatag kahit na lubusan itong nasasaktan ngayon. Siguro kung ako ang nasa kalagayan niya, baka mabaliw ako.
"You will. Darating 'iyong araw na makakahanap din kayo ng lalaking hindi kayo iiwan at kapag nangyari iyon. I will give my service for free."
I want to see her happy again. Gusto kong ako pa rin ang magplano para sa pinapangarap niyang kasal. Kung hindi man natuloy ngayon, hinihiling kong sana mahanap niya agad ang tamang tao para sa kanya.
"Thank you. Thank you for comforting me," she said, hugging me.
"You are welcome. If you need someone to talk to, you can always call me."
Bumitaw siya sa akin. She thanked us again before she left.
"Sayang sila. Akala ko pa naman perfect couple na sila," saad ni Charlie sa kalapit ko habang pinapanood ang papalayong bulto ni Ms. Martinez.
"Akala ko rin. Pero mali tayo," sang-ayon ko.
Nanlulumo ako sa nangyari. Pero wala akong magagawa.
I remember the happy face of Ms. Martinez when we first met and she introduced her fiancé. They looked sweet, but I didn't know that guy was a jerk. Hindi ko man lang nahalata na manloloko ito dahil napakamaalaga nito. Iyon pala peke lang ang lahat ng ipinapakita nito.
Kung ako siguro ang nasa sitwasyon ngayon ni Ms. Martinez, hindi ako magiging kasing kalmado niya. Hinding-hindi ko mapapatawad ang lalaking manloloko sa akin. Mabuti na lang talaga iba si Primo. Nakasisiguro ako hindi niya iyon gagawin sa akin.
"Ms. Martinez left a lesson for me. Kahit na gaano pa kaplanado hangga't walang nagsasabi ng I do, hindi ka pa rin nakakasigurado. Kaya ikaw kung gusto mong makasigurado na sa iyo talaga mapupunta si Primo, dapat kasal mo na ang sunod na plinaplano mo," anito bago tumingin sa paligid. May mga abala na sa pag-aayos ng venue.
"Primo is different. He is not a jerk," nakairap na sagot ko.
Hindi naman na ito sumagot. He clapped his hands. "Guys, stop it. Pack up na tayo. The wedding is off!"
Napatingin naman sa kanya ang mga nagtatarabaho pero wlang umimik at nagsimula nang linisin ang lugar.
Mabigat na napabuntong hininga ako bago nagtungo sa aking sasakyan. The wedding is off. The groom ran away with someone, and the bride-to-be was left with a broken heart. What a stressful day.