Primo's Bride 2

1660 Words
Napasimangot ako nang makita ko kung sino ang bagong dating na nasa likuran ko. It’s Klirk, my fiance’s bestfriend. May malapad itong ngiti habang nakatingin sa akin. “Anong ginawa mo dito? Invited ka?” mataray na tanong ko. Umupo ito sa bakanteng upuan sa kalapit ko. “Obvious ba?” sagot nito at nakita kong bahagyang itong kumaway sa tita ko na nakapwesto sa table na nasa bandang unahan. Nginitian naman ito pabalik ng matanda. Bumaling ito sa kapatid ko. “Hi, Claire. Lalo ka yatang gumaganda.” Nagawa pa talaga nitong mambola. “I am always pretty, Klirk. Nasa dugo na namin ang pagiging dyosa,” mayabang na sagot naman ni Ate. Pareho silang mahanging dalawa. “Late kana, tapos na ang kasal,” muli ay saad ko bago muling sumubo ng tempura. “Oo nga kaya pala puro kain na lang ang ginagawa mo,” natatawang wika nito habang pinapanood ako. Inirapan ko naman siya. Pati ba siya papansinin ang pagkain ko. “She is the wedding planner not a guest pero parang siya pa yata ang may pinakamaraming nakain,” dagdag pa ni ate. Tuluyan na akong nawalan ng gana. Hindi, ang totoo, busog na ako. Kaya tumigil na ako sa pagkain. “Bakit ba pati pagkain ko pinapansin n’yo? Sobrang busy ko today, wala akong almusal at lunch kaya madami akong nakain ngayon,” depensa ko. “Hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom. Pagod kana nga hinahayaan mo pang walang laman ang tiyan mo. Next time kumain ka muna kahit kaunti bago magtrabaho.” “Opo, Tatay Klirk,” pang-aasar na sang-ayon ko dito. Binigyan lang niya ako ng pekeng ngiti bago inilibot ang tingin sa paligid. “Sabihin mo sa akin kapag uuwi kana mamaya. Ihahatid kita,” bigla ay saad nito maya-maya. Kumunot ang noo ko sa sinabi nito, ”Huh?” “Well, Primo asked me to fetch you. Hindi ka raw kasi niya masusundo dahil may meeting pa siya. Alam mo naman ’yon laging busy,” paliwanag nito na ikinasimangot ko. Lagi naman talaga itong busy, wala ng bago roon. Priority nito ang trabaho, kaya wala akong choice palagi kapag nase-set aside niya. Sa sobrang workaholic ni Primo kulang na lang sa opisina ito tumira minsan. Hindi naman sa ayaw ko sa pagiging workaholic niya kaso, sumusobra na minsan. Hindi gaya nitong kaibigan niya na pa-easy easy lang madalas. “Dapat hindi mo na ako sinundo may kotse naman akong dala,” saad ko kay Klirk ng nasa parking lot na kami. Tapos na ang kasal at nag-uwian na ang lahat, medyo nahuli lang ako dahil sinigurado kong maayos na ang lahat bago umuwi as wedding planner obligasyon ko iyon. “I just follow what Primo’s said,” sagot naman nito. “Pwede naman nating iwan na lang muna ang sasakyan mo dito. Ihahatid na lang kita alam kung pagod kana tapos magmamaneho kapa.” Umiling ako dito bago ngumiti. He is very caring. Kahit na minsan siraulo siya, may pagkamaalalahanin talaga siya. Kaya nga siguro maraming napo-fall sa kanya. Nami-misinterpret nila ang action nito. “Hindi na. Kaya ko pa naman magmaneho. Dapat tumawag ka kasi muna. Naabala ka pa.” Alam ko kasing busy rin ito kaya minsan pakiramdam ko nakakaabala na ako dito kapag bigla na lang itong sumusulpot dahil pinakiusapan ni Primo. “Sulit naman ‘yong pagpunta ko dito. Hindi ka abala.” “Anong sulit?” Hindi it sumagot, nag-kibit balikat lang ito. “Mauna na ako, salamat na lang sa abala mo,” saad ko at nagtungo na sa kotse ko. “Call me when you are at home,” saad nito bago ako tuluyang makasakay ng kotse. Tumango naman ako dito bago pinaandar ang sasakyan. Nakita ko pa sa side mirror ko na hindi siya umaalis sa kinatatayuan niya ng biglang may lumapit na babae dito, bigla akong napasimangot. Lapitin talaga ito ng babae, pareho sila ni Primo. Ang pagkakaiba lang nila si Primo hindi pinapansin ang mga babaeng lumalapit sa kanya, samantalang si Klirk wala siyang pinapalampas kahit isa. Lalaking tao ito pero napakalandi. Lahat yata ng babae gustong matikman. He is a pro player. Pagkadating ko sa bahay ay dumiretso ako kama at pabagsak na humiga. Masyado akong napagod kanina. I need to make sure that everything run smoothly. Minsan lang ikakasal ang mga nagiging clients ko kaya sinisigurado ko na walang kapalpakang mangyayari. Working as a wedding planner is tiring but rewarding. Masaya ako nanagiging parte upang maging successful ang biggest day ng bawat lovers na humaharap sa dambana to promise a forever. Bigla akong napatingin sa bedside table ko. There I saw our picture together, me and Primo. Naka-college uniform ako at Malaki ang ngiti habang naka-jersey naman siya at seryosong nakatingin sa camera. Well, Primo never smiles, he rarely smiles. Tila seryoso itong masyado palagi unlike Klirk na palaging may ngiting nakapaskil sa mga labi. Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit sila naging magkaibigan gayong totally opposite ang characters nilang dalawa. Dumapa ako at pinakatitigan ang larawan naming dalawa. “Tayo kaya, kalian ikakasal?” tanong ko sa larawan na para bang si Primo ang kausap ko. I am already twenty-eight, kapag inaasar ako ng pamilya ko lalo na ni ate Claire about my age and wedding ang totoo napapatanong din ako a sarili ko, bakit nga ba hindi pa ako kinakasal? Handa naman na ako, matagal ko nang hinanda ang sarili ko pero ang lalaking pakakasalan ko mukhang wala pa siyang plano. Abala pa siya sa kanyang trabaho. Naiintindihan ko naman. Handa naman akong maghintay palagi sa kanya. Bata pa lang ako alam ko nang si Primo ang lalaking nakatadhana para sa akin. Na kami ang para sa isa’t isa, dahil iyon ang sinabi ng mga magulang namin. Ang totoo pinagkasundo kami ng mga magulang naming mula noong mga bata pa kami. Hindi naman ito tinutulan ni Primo, he even promise me that we will get married someday when we were young. At hanggang ngayong iniisip ko kung kailan ba ang someday na tinutukoy niya. Siguro kapag naabot na niya ang pangarap niya at ako na ang priority niya. Handa naman akong maghintay, kahit gaano pa katagal basta sa huli kaming dalawa pa rin ang ikakasal. Nagising ako dahil sa walang tigil na pagtunog ng selpon ko. Hindi ko namalayangnakatulog na pala ako habang tinititigan ang larawan namin ni Primo. “Hello,” sagot ko nahindi tinitingnan kong sino baa ng tumatawag. “Hello, are you already sleeping?” It’s Primo, sa lamig ng boses nito kilalang-kilala ko na. Biglang nagising nang tuluyan ang diwa ko. Tumikhim ako ng mahina bago sumagot. “Yes, nagising lang ako dahil tumawag ka.” “Oh, I am sorry I disturbed your sleep.” “No, it is okay,” mabilis kong sagot. “So can you get up now?” “Huh?” naguguluhang saad ko. “Open the door.” “Huh?” “Stop saying huh. Open the door for me,” nagmamadali naman akong bumangon at tinakbo ang pintuan. “You are here,” masayang bati ko nang buksan ko ang pintuan at bumungad sa akin ang seryoso niyang mukha. Kumunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. “Nakatulog kana pero iyan pa rin ang suot mo?” saad nito bago tuluyang pumasok at naupo sa sofa. Tiningnan ko naman ang sarili ko. I am still wearing a dress and my stiletto. Sa sobrang pagod ko kanina kahit ang suot kong heels ay hindi ko na nahubad. “I am too tired to remove my heels,” sagot ko at naupo sa tabi nito. “Gabi na, bakit napadaan ka pa?” I look at my wristwatch, ten na ng gabi. “I promised to fetch you but I am too busy. I am sorry,” paumanhin nito. Napataas ang kilay ko, this is the first time na nag-sorry siya dahil hindi nito natupad ang sinabi. Madalas noon wala itong sinasabi na parang ba walang nangyari, pero ngayon kahit gabi na nagtungo pa ito sa condo niya para mag-sorry lang. Nakakapanibago. “It’s okay. Pumunta naman si Klirk para sunduin ako pero may dala akong kotse kaya umuwi rin akong mag-isa,” sagot ko. Kumunot ang noo nito at mas lalong naging seryoso ang mukha. “I didn’t ask him to fetch you.” “But he said you-” “I didn’t ask him. From now on, stay away from him,” matigas na putol nito sasasabihin ko pa sana. Umiigting ang panga nito na nagpakunot sa noo ko. Kanina mukha itong maamong tupa kahit na seryoso ang mukha pero ngayon ay tila lion na ito na handang manlapa. Ang bilis magbago ng mood nito. “Why? May problema ba?” nagtatakang tanong ko. Bakit naman niya ako pag-iiwasin sa kaibigan niya? Dati naman okay lang sa kanya kahit magkasama kami ni Klirk. Nagsusumbong nga ako sa mga pang-aasar ng lokong iyon pero tinatawanan lang niya. “Nothing.” Tumayo ito. “I know you are tired. Get change and continue resting. Bye,” wika nito at walang lingon na nagmamadaling umalis. Malakas pa nitong sinara ang pinto ko. “Anong nangyari doon?” nagtatakang tanong ko sa hangin. Bigla na lang itong susulpot para mag-sorry tapos bigla ring aalis na tila galit pa yata. Okay lang ba siya? Daig pa niya ang babae kung paano magbago ng mood. “May nasabi ba akong masama?” tanong ko sa sarili ko. Pagod pa ako tapos pag-iisipin pa ako ni Primo kung ano ang problema niya at bigla na lang itong umakto ng ganoon. Napahugot ako ng malalim na hininga bago nagsimulang maglinis ng katawan upang magpalit ng damit. Magtutulog na lang ulit ako kesa mag-isip pa. Pagod pa ako at kailangan kong magpahinga. Kung may problema man silang magkaibigan sigurado naman akong maayos nila iyon. Sa ngayon beauty rest muna ang uunahin ko. Ayoko na munang ma-stress pa. Nakakabawas iyon ng ganda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD