Primo's Bride 1

1767 Words
CLEOPATRA “You may now kiss the bride,” the priest finally announced. I smiled. Tumingin ako sa paligid at napangiti. I am happy for the newlyweds. When the couple seals their marriage with a kiss, everyone stands and applauds. Another pair tied the knot and promised to be together for the rest of their lives. What a beautiful thing to witness. Malalaki ang mga ngiti ko habang nakatingin sa bagong kasal. They look good together. The way they gaze at one other exudes love and contentment. Everyone heads to the reception following the wedding. I needed to make sure everything was in order, which is why I've been so busy. I've been monitoring all wedding-day activities to make sure everything runs smoothly. My job entails it. I'm in charge of ensuring that everything goes according to plan. I'm not a guest; I'm a wedding planner. Nang masigurado kong maayos na ang lahat ay pagod na naupo ako sa table kung nasaan si ate Claire. She is also invited because the bride is one of our cousins. My parents are invited too pero may proir appointment sila kaya hindi sila nakadalo. I looked on my wristwatch. Almost three na nang hapon. Biglang kumulo ang tiyan ko, saka ko pa lang naalala na hindi pa pala ako kumakain. Tila bigla akong nakaramdam ng sobrang gutom. Muli akong tumayo at nagtungo sa buffet para kumuha ng pagkain. Lalamanan ko muna ang tiyan ko habang hindi pa ako muling abala. Nagmamadaling akong umupo habang hawak ang dalawang plato na punong puno ng pagkain. Gutom na gutom na ako kaya wala na muna akong pakialam sa paligid ko. Excited na sana akong susubo nang biglang magsalita ang host ng kasal. “We are inviting all single ladies to come here in front, it's time to catch the bouquet,” the host announced. “I am sure every single ladies here are excited to be the next bride, this is time you are waiting for.” Many girls are excited. Nagkakagulong pumunta sila sa gitna upang makipag-agawan sa pagsalo ng bulaklak. Pero hindi ako natinag sa kinauupuan ko. Binaliwala ko ang ang sinasabi ng host dahil kumukulo na talaga ang tiyan ko sa gutom, kaninang umaga pa ako walang kain. Alas tres na ng hapon ngayon kaya gutom na gutom na ako. Masyado kasi akong abala kanina kaya hindi ko namalayan ang oras. Kapag nasa trabaho talaga hindi ko namamalayan ang oras lalo na kung mismong wedding event na. Nagmamadali akong muling sumubo, kailangan ko rin bilisan ang pagkain ko dahil nasa trabaho pa ako. Madami pa akong aayusin mamaya after the event. “Single raw," ulit ni ate Claire pero hindi ko ito pinansin kaya bahagya ako nitong siniko upang mapatigil ako sa pagsubo ko. Sinamaan ko ito ng tingin. Kumakain ako, h’wag siyang istorbo. “Hindi ako single," tanggi ko at sumubo ng pagkain mula sa aking planto na tila bundok na sa dami ng nakalagay na na iba’t ibang pagkain. “May nagkamali na sayo? Assuming ka. H'wag kang mag-inarte, hindi ka kagandahan. Pumunta ka na roon, pa-special ka pa, sambutin mo iyong bouquet para ikaw na ang next na ikakasal," saad nito pero binaliwa ko, gutom na ako. Mas gusto kong kumain na lang kaysa makipag-agawan sa boquet. Tiyan ko muna ang uunahin ko bago ang lahat. Saka aanhin ko naman ang bulaklak na bukas ay lanta na rin. Isa pa hindi ako naniniwala sa kasabihan na kung sino ang makasasambot ng bulaklak sa kasal ay siya nang susunod na ikakasal. Kalokohan lang ang bagay na iyon. Basta ako food is life lang muna ako. “Ms. Cleopatra, the bride is asking you to kindly come here in front," biglang saad ng mc na ikinatigil ko sa muling balak na pagsubo at dahil talagang special mention na ako kaya wala na akong nagawa. Sino ba kasing may sabing single ako? Engage na ako, matagal na at hindi na iyon sikreto sa lahat. Napipilitan akong tumayo at pumunta sa gitna. Nang makalapit ako sa kumpulan ng mga bridesmaid nakita kong pa nang nginitian ako ng matamis na matamis ngunit may halong nang-aasar ng pinsan ko na siyang bride pero sinimangutan ko lang ito. Alam kong nananadya ito. Nang tumalikod na ito para ihagis ang boquet ay pasimple naman akong lumayo. Ayaw kong makasalo ng bulaklak dahil oras na ako ang makakuha nito maantala na naman ang pagkain ko, bibiruin pa ako ng mga pinsan kong kolokoy na nakaupo lang sa mesang malapit sa kinatatayuan ko. Lagi na lang kasi akong tampulan ng mga tukso dahil matandang dalaga na ang tingin ng mga ito sa akin, gayong nasa twenties pa lang naman ako. Twenty eight to be exact. Bata pa ako, sa panahon ngayon career na ang priority hindi ang bumuo ng family. Nang ihagis na ni Hazel ang bulaklak nakita ko kung paano nag-agawan ang iba para masalo ito pero kitang-kita ko ang mataas na talon ni Bernadette para masalo ang bulaklak at nagtagumpay naman ito. Impossible namang hindi ito ang makakuha gayong kulang na lang lumipad ito. "Bakit ka lumayo? Ikaw sana ang nakasalo," ani ng ate ko ng makabalik ako sa aming mesa habang nagkakagulo naman sila sa unahan dahil sa kinikilig pa rin si Bernadette. Umaasa yatang ito na talaga ang isusunod na ikakasal. “Ano naman mapapala ko kung masalo ko 'yun?" ani ko at sinimulan nang ituloy ang naantala kong pagkain sana kanina dahil tinawag ako. “Malay mo, this time magkatotoo na 'yung kasabihan sayo." Bahagya pa itong tumawa na parang inaasar ako. Umismid naman ako sa sinabi niya. “Manahimik ka, hindi nakakatuwa,” napipikon kong wika rito pero tinawanan lang ako nito. “Ang sungit mo, gan'yan ba kapag tumatandang dalaga na?" pangungulit pa rin nito. Umirap ako rito. “Twenty-eight pa lang ako." “Twenty-eight kana, pero kahit yata holding hands hindi mo pa naranasan," muli'y pang-aasar nito. Bakit ba hindi na lang ito manahimik? Ang dami-daming sinasabi, paki-alam ba nito sa lovelife ko? Naranasan ko ng makipagholding hands, may first, second at third kiss na nga rin ako wala lang nakakaalam dahil kapag sinabi ko dito baka asarin lang ako. Saka sa iisang tao lang ko ito naranasan, ‘yung na napipilitan lang ito, sa ikalawa naman aksidente lang at ang ikatlo lasing lang siya, ang saklap diba? "Pakialam mo ba?" pambabara ko at tuloy-tuloy sa pagkain, wala na akong pakiaalam sa paligid ko, gutom ako. "Concern lang naman ako, sayang naman kung ma-eexpired lang 'yang matres mo." Hindi ko alam pero nagsisimula na akong maasar. Nasa kasalan kami pero tila senesermonan ako nito. "Sana next time, sa kasal mo na ako aattend," dugtong pa nito. "Kapag kinasal ako hindi ka invited," nakasimangot na turan ko habang ngumunguya ng pagkain. "Sure ka bang ikakasal ka? Baka naman forever ka na lang taga-plano ng mga kasal pero ikaw mismo hindi mo ma-e-experience ikasal.." "May galit ka ba sa akin?" nakasimangot na tanong ko. Mga sinasabi kasi nito masyadong mapanakit na minsan. Personalang masyado. “Ikakasal ako, hindi lang ako nagmamadali gaya ng iba.” Ikakasal ako, maghintay siya, mas bongga pa sa kasal niya ang kasal ko. I am a wedding planner and I’ll make sure that my wedding is a ala-fairytale. Iyon ang pinakamagandang wedding na ipe-prepare ko. Tumingin ako dito. Nang-aasar pa rin itong nakatingin sa akin. Palibhasa ito maagang nakamit ang kanyang happy ending samantalang ako heto nganga pa rin. Pero sure naman ako na hindi ako forever nganga, busy pa lang talaga kami kaya wala pa. Hindi ko na lang pinansin ang mga patutsada ng ate ko at ipinagpatuloy na lang ang pagkain. Kapag pinatulan ko pa ang mga sinasabi nito, hindi kami matatapos na dalawa lalo na at pareho kaming hindi nagpapatalo. Susubo na sana ulit ako ng cake ng may biglang pumigil sa braso ko. "We are in a wedding not in a fiesta," may diing saad ng ate ko. Tila nag-ibang anyo ito kung kanina mapang-asar ngayon parang nanay na sinasaway ang anak niya na walang ginawa kundi ang kumain nang kumain. "So?" "Stop eating like a pig. Mahiya ka nga baka isipin nila umattend ka lang para makikain. Where is your etiquette?" kulang na lang tanungin ako nito ng 'Patay-gutom ka ba?' Etiquette, etiquette, mabubusog ba ako noon? Kailangan ko ng energy dahil hanggang mamaya pa ang trabaho ko. After the event may mga dapat pa akong ayusin about the venue. "I am hungry. Just don't mind me," baliwalang sagot ko at ituloy ang pagkain ng cake. "I told you to stop eating, kung ayaw mong forever ka na lang tagakain sa kasal ng iba," saway pa rin nito sa kanya. Sinamaan ko ito ng tingin. Anong gusto nitong ipamukha sa akin? Na hindi na ako ikakasal? May fiance kaya ako, 'yun nga lang wala yatang pakialam sa akin. "Engaged na ako kaya 'wag lang mag-alala. Sa kasal ko kahit kainin mo lahat ng handa ko hindi kita pagbabawalan." "You are engaged but never have been in a relationship. Naging engaged ka lang dahil sa kasunduan ng pamilya," pagpapaalala nito. "Kaya bawasan mo iyang katakawan mo sa katawan kung ayaw mong pati siya takbuhan ka." Minsan hindi ko talaga gusto ang tabas ng dila nito, masyadong matalas. Bata pa lang pinagkasundo na kami ni Primo at hindi naman ito tumutol kahit kailan kaya impossible na takbuhan pa ako nito. Nega lang talaga ang ate ko. Pero hanggang ngayon taga-kain na lang talaga lagi ang role ko sa mga kasalan, more than 20 years na akong engage pero hanggang ngayon hindi pa rin ako kinakasal. Masyado pa kasing busy si Primo sa negosyo nito at hindi pa raw ito handa. Twenty-eight na ako at ganoon na rin ito. Kailan pa kaya ito magiging handa kapag, uugod ugod na kami? "I said stop eating," muling bulong sa kanyan ng ate ko pero hindi ko ito pinansin, masarap kaya kumain. "Ano bang problema mo? Kumakain lang naman ako," reklamo ko pero patuloy pa rin sa pagkain. Lahat na lang pinapansin nito. Hindi na nga ako nito pinansin pero nakita ko pa ang pag-iling nito habang nakatingin sa akin na para bang sinasabing nakakahiya talaga ako. Masarap kumain bakit ba pinagbabawalan ako? Nang biglang nagtayuan ang mga bisita at pinatagingting ang kanilang mga baso gamit ang kurbyetos, asking the couple to kiss. "Kiss! Kiss! Kiss!" everyone is chanting. Nakita ko pa ang namumulang mukha ng pinsan bago nakipagtukaan ng nguso sa groom nito. "Kunwari pa, gustong-gusto rin naman," bulong ko habang nakatingin sa bagong kasal. Pakipot pa. "Are you jealous?" someone suddenly whispered from my back.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD