Primo's Bride 6

1506 Words
In the coffee shop, I was sitting alone. Many individuals were walking in a hurry, as I could see. Some people are even attempting to cross the street while the light is still green. I can also observe the dirty air coming from several vehicles. That was a city scene, and everyone was bustling. I sip my coffee while listening to the pleasant music emanating from the cafe where I am. I'm trying to relax because I'm unhappy with my customer, who wants to alter the venue of her wedding reception at the last minute and has a long list of demands that I need to meet. Kaya kailangan kong humanap ng panibagong lugar na aangkop sa tema ng kasal na gusto nito. Noong una beach wedding ang gusto nito pero ngayon garden wedding na lang daw. Minsan may mga kliyente talaga na pabago-bago ang isip at maraming demands. Hindi ko naman sila masisi, it's their big day and everyone wants it to be perfect. Kaya dumaan muna ako sa isang coffee shop para uminom ng kape at magpalamig ng ulo. I need more caffeine para may energy ako mamaya. And to release my stress. Kahit kasi mainit na ang ulo ko sa dami ng demands ng client hindi ko naman pwedeng ipakita sa kanila. Kaya kahit kulang na lang ay murahin ako kanina pinilit kung ngumiti hangga’t kaya ko. Pasensya lang talaga minsan. I was peacefully enjoying my coffee when my eyes landed to the two young couples. Umupo sila sa bakanteng mesa sa harap ko kaya kitang-kitang ko sila. Hindi ko mapigilang palihim silang pagmasdan. Halatang bata pa sila base sa hitsura nila pero sobrang sweet na nila sa isa’t isa. Sigurado ako na mag boyfriend-girlfriend ang dalawa base sa mga kilos nila. Para silang mga tuko kung dumukit sa isa’t isa. “Sa una lang iyan masaya,” bulong ko habang pinapanood sila. Lihim ko pang itinirik ang mga mata ko nang magsubuan sila ng cake. Wala ba silang sariling mga kamay? Hindi sa bitter ako pero sa panahon ngayon kung may nagtatagal man kukunti na lang. Kaya minsan nakakatakot nang sumugal. Mabuti na lang meron na akong Primo, kaya sigurado na ako sa happy ending ko. Hindi ko mararanasang ma-brokenhearted, iyon nga kang lagi akong stress. Napa-ismid ako ng muling subuan ng lalaki ang babaeng kaharap niya ng cake. Ang babata pa nila pero masyado na silang pda kung kumilos. Alam ba ng mga magulang nila na hindi sila pumapasok ngayon at nagde-date lamang? Naka-uniform pa kasi sila, sana lang talaga hindi sila nag-cut ng klase para lang mag-date. Dapat sa edad nila pag-aaral ang inuuna nila hindi ang pakikipagrelasyon. Napapailing na lang ako habang pasimple silang pinapanood. “Are you jealous?” biglang may umupo sa harapan ko. Mas lalo akong napasimangot ng Makita ko kung sino ito. Nakangising aso na naman ito. “Bakit naman ako magseselos?” sikmat ko dito. Bakit ba bigla-bigla na lang sumusulpot ang isang ito kung nasaan ako? Nandito ba siya para sirain ang araw kung sira na kanina pa? “Kasi bata pa sila pero nasa tamang tao na,” nakangising sagot nito. “Nasa tamang tao na rin naman ako. Ikaw ang wala pa, o baka wala talagang nakatadhana para sayo,” pambabara ko sa kanya. Hindi man lang ito naasar sa sinabi ko bagkus nginitian pa ako nito. Kung sabagay sanay na ito sa katarayan ko. Bilib nga ako dito dahil kayang-kayang sakyan ang pagtataray ko. Isa pa sa kanya lang naman lumalabas ang kamalditahan ko dahil masyado siyang panira ng moment madalas. “May nakatadhana para sa akin kaso busy pa kasi siya sa maling tao," makahulugang saad nito. Umismid ako sa sagot niya. “Baka ikaw ang busy, hindi siya. Masyado kang busy sa mga babae mo. Saka anong ginagawa mo rito? Hanggang dito ba naman sinusundan mo ako?” Itinaas nito ang dalawang kamay. “Wait, I am not following you, okay?” “So nagkataon lang nandito ka rin?” mataray na tanong ko. May itinuro itong babae sa may bandang dulo. Nakatalikod sa gawi naming ang babae kaya hindi kami nito nakikita. “I am with someone.” May ka-date na naman ito. Kungsabagay hindi naman ito nauubusan ng ka-date. Araw-araw may bago itong babae. “Tapos iniwan mo para lang puntahan lang ako at asarin? Baliw ka ba?” “ Nope, Nagpaalam ako sa kanya na magsi-cr ako. Pero ang totoo gusto ko na yalaga siyang iwan. Lumapit ako sayo beacuse I need your help. Please,” pagsusumamo nito bigla. Pinagtaasan ko siya ng kilay bago muling uminom ng kape ko. Wala akong oras sakyan ang drama niya. Stress pa ako, h'wag na niyang dagdagan pa. “Pretend as my girlfriend.” Muntik ko nang maibuga sa mukha niya ng ininom kung kape. “Ayoko,” mabilis na tanggi ko. Pinanlisikan ko siya ng mga mata. Nababaliw na talaga siya. Pati ako gusto niyang magpanggap na girlfriend niya. “H’wag mo akong idamay sa kalokohan mo.” “Please, Cleo. I will buy you a bag, kapag pumayag ka,” panunulsol pa nito pero denedma ko.“Masyado lang talaga akong nakukulitan sa kanya. My mom wants me to date her, but she’s too clingy. Siguro kapag nalaman niya na may girlfriend na ako tatantanan na niya ako.” “Hindi mo ako mauuto. Manigas ka.” I have money. Kaya kung bumili ng bag na gusto ko ano mang oras. “Two bags.” “I said no, h'wag ng makulit.” Kahit anong gawin niya hindi niya ako mapipilit. He can’t buy me with bags. “Three.” “No.” “Three bags with shoes.” “Deal.” Sumilay ang ngiti sa mga labi nito. I think three bags and shoes are not bad. Magpapaggap lang naman akong girlfriend niya tapos, tapos na. Madali lang naman. “Okay, I will go back to my table tapos saka ka eeksena,” utos nito, tumango lang naman ako bilang sagot. Huwag siyang mag-alala alam ko ang gagawin ko. Sanay akong magtaboy ng mga babae dahil gawain ko iyon noong college pa kami tuwing may lalapit kay Primo. Bumalik siya sa mesa kung nasaan ang babaeng kasama niya kanina. Diretso kong ininom ang natitira kong kape bago tumayo. Inihanda ko ang sarili ko. Nakita kong senensyasan ako ni Klirk na lumapit na. Inayos ko muna ang damit ko bago nagsimulang mag-lakad papalapit sa kanila. The girl is trying to reach her hand, but pasimpleng inilayo ni Klirk ang kamay niya. Wow, siya pa talaga ang pakipot. Akala ko ba lahat ng babae pinapatos niya? Bakit ayaw na ayaw niya sa kasama niya ngayon? “Klirk, honey?” kunwari ay gulat na bungad ko. Lihim akong napangiwi dahil sa endearment na itinawag ko sa kanya. Pero agad din akong ngumiti nang tumingin naman sa akin ang babaeng kasama niya. “Babe,” Klirk greeted back. Tumayo pa ito at humalik sa pisngi ko. Pasimple ko itong sinamaan ng tingin. Wala sa usapan na hahalikan niya ako sa pisngi. Kadiri siya. “Klirk, who is she?” tanong ng babae habang masama ang mga tinging ibinibigay sa akin. Ngumiti naman ako ng matamis. She's pretty, but she's nothing compared to me, I am prettier than her. Hindi naman sa mayabang ako. Aware lang talaga ako na masyado akong maganda. “I am his girlfriend, and you are?” palaban na sagot ko, hindi niya ako masisisndak sa mga tingin niya. Maganda naman talaga ito pero bakas ang kaartehan sa kilos at pananalita. Payat ito at matangkad iyong tipong pang modelo ang katawan. Nakapagtatakang inayawan ni Klirk ang isang ito, gayong mga ganito ang tipo niya. Iyong mga babaeng pangrampa, pwedeng i-display sa barkada. “You already have a girlfriend? But your mom said you are single,” naguguluhang saad nito bago nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. Klirk hold my waist. “I have one, but I haven’t introduced her to my mom yet.” Padabog na tumayo ang babae. “I don’t care if she is your girlfriend. I still like you,” matapang na saad nito bago tumingin sa akin. Pinagtaasan ko naman ito ng kilay. Hindi ko ugaling magpatalo kahit kanino kaya sinalubong ko ang galit na tingin nito. “Hindi kayo bagay,” pahabol nito bago ako binangga sa balikat at tuluyang umalis. “That was hilarious,” saad ko, medyo masakit ang pagkakabangga nito sa akin pero hindi ko iyon ininda. “Thanks for helping me, kamahalan,” nakangising saad ni Klirk ng tuluyan nang makalayo ang babaeng kasama nito kanina. Binitawan ako nito at bahagya pag yumukod sa harapan ko. Natawa naman ako sa ginawa niya. “Remember our deal,” paalaala ko. “Noted, ma’am.” Sumaludo pa ito sa akin. “And what is the meaning of that?” sabay kaming napalingon ni Klirk sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko. Si Primo, madilim ang anyo nito habang nakatingin sa aming dalawa. Lagot na. Mukhang galit na naman siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD