“Primo.”
Hindi ko alam ang tamang salitang sasabihin ko. Nagulat ako sa biglaan niyang pagsulpot.
“It’s not what you think. I just asked her help me and to pretend as my girlfriend,” mabilis na paliwanag ni Klirk.
Pero lalong dumilim ang anyo ni Primo dahil sa sinabi ni Klirk. Tumigas ang mga panga nito habang nakatingin ng masama sa kaibigan.
Marahas akong hinila ni Primo palapit sa kanya.
“Next time, huwag mong idamay si Cleo sa mga kalokohan mo,” may diin ang bawat salitang binitiwan ni Primo. Ramdam ko rin ang higpit ng hawak niya sa pulso ko. Pasimple koi tong tinanggal ngunit sinamaan ako nito ng tingin at lalong humigpit ang hawak sa pulso ko kaya nanahimik na lang ako kahit masakit na ang pagkakahawak niya.
“Kalokohan?” sarcastic na tumawa si Klirk bago naghahamong tumingin kay Primo. “Ako ba talaga ang may ginagawang kalokohan?”
Ramdam ko ang tension sa pagitan nilang dalawa. Nakatingin sila sa isa’t isa na tila ba may mga kuryenteng lumalabas sa kanilang mga mata.
“Guys, relax,” pigil ko sa kanilang dalawa. Pinagtitinginan na kasi kami ng ibang customer. “Primo, listen I-”
“No, you listen. Sinabihan na kitang iwasan mo siya pero hindi ka nakinig,” may diin ang bawat salitang binitiwan ni Primo.
Pinilit kong baklasin ang pagkakahawak niya sa akin. Pinakawalan naman niya ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya ng deritso.
“Wala kaming ginagawang masama,” depensa ko. “He is your friend, bakit ba gustong-gusto mo na iwasan ko siya.”
Naguguluhan na rin ako sa kanya. Kaibigan niya si Klirk pero ang gusto niya iwasan ko ito.
“Ayaw mo siyang iwasan? Why? Do you like him?”
“Primo! Ano bang pinagsasabi mo?” frustrated na saad ko.
Hindi ko alam pero bakit tila lumala na ang pagtatalo namin. He even asked me if I like his friend. Nababaliw na ba siya. Bakit ko naman magugustuhan ang kaibigan niya? Oo, gwapo si Klirk pero hindi naman ako cheater kung iyon ang iniisip niya.
“Hindi niya ako gusto. Bulag kasi siya sayo,” singit ni Klirk. He even smirked with Primo.
Tumingin naman ako dito. “Manahimik ka na lang muna pwede?”
Lalo kasing lumala kapag nagsasalita pa siya. Parang mas naasar sa kanya si Primo. Ayoko namang mag-away silang dalawa ng tuluyan.
“Primo, listen. I can explain everything. This is just a misunderstanding. Let us talk calmly. There is nothing between me and Klirk. So please stop being unreasonable,” mahinahong saad ko.
Gusto kung maunawaan niya na wala naman kaming ginagawang masama. Kung ano man iying nakita niya. Umaarte lamang kami.
“So I am the unreasonable here? Sa tingin mo sino ang matutuwa na makikita ang fiancée niya na nagpapanggap na girlfriend ng iba?” nangigigil na tanong pa rin nito.
“Primo. Why are making this a big deal?”
Unti-unti na akong nawawalan ng pasensya sa kanya. Ang hirap niyang paliwanagan ngayon. Paulit-ulit na lang kami pero ayaw niyang makinig sa mga paliwanag ko.
“ So hindi big deal sayo kahit magpakilala akong boyfriend ng ibang babae?”
Marahas na napahilamos ako ng kamay sa mukha ko.
“Stop the nonsense Primo. Hindi niya gagawin ang bagay na kinatatkutan mo. Hndi siya tulad mo. Hindi ko rin siya aagawin sayo,” saad ni Klirk na kanina pa nanahimik. Lumapit siya kay Primo at may ibinulong dito dahilan para itulak siyang palayo ng huli.
“It won’t happen,” galit na saad nito nito bago walang lingong umalis.
Binigyan ko si Klirk ng nagtatanong na tingin pero nagkibit-balikat lang ito.
Susundan ko na sana siya pero hinawakan ako ni Klirk upang pigilan.
“Susundan mo siya? Wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan na madumi ang utak niya,” saad nito.
Umiling ako. “Wala akong kasalanan pero kailangan kong magpaliwanag sa kanya para maliwanagan siya. He misinterpreted everything he saw, excuse me,” sagot ko at binaklas ang pagkakahawak niya sa pulso ko.
Kailangan kong sundan si Primo. Pagkalabas ng coffee shop ay nagpalinga-linga ako upang hanapin siya pero ang papalayong sasakyan na niya ang natanaw ko.
“ Let him cool down first,” payo ni Klirk na nasa likuran ko na pala.
Humarap ako sa kanya.
“Dapat ba hindi na lang kita tinulungan? Handa naman akong magpaliwanag pero bakit parang ayaw niyang marinig?” nanghihinang tanong ko.
Hindi ko alam na magiging Malala ang kahihinatnan ng simpleng pagtulong ko lang sa kaibigan niya na magpanggap na nobya nito.
“Sorry kung dahil sa akin nagkaproblema pa sa pagitan ninyong dalawa. I hate seeing how stress you are now.”
Umiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko alam pero naiilang ako sa paraan ng tingin na binibigay niya sa akin ngayon.
“It’s not really your fault. Na-misinterpret lang niya ang nakita. Pero may problem ba sa pagitan ninyong dalawa?” Hindi ko maiwasang itanong.
They are very hostile to each other kanina.
“Wala naman. Baka nagseselos lang siya kaya ganoon ang reaksyon niya kanina,” sagot nito at pilit na ngumiti.
Tumango naman ako dito. Hindi ko na siya pipilitin kong ayaw niyang magsalita.
“Sige, mauna na ako. Kailangan ko pang bumalik sa opisina,” paalam ko rito.
He just nodded and wave his hand.
While I am driving I tried to call Primo but he always rejected my call. Naka-ilang tawag ako pero lagi niyang binababa. Malakas akong napabuga ng hangin. Naasar na ako dahil sinasadya niyang i-reject ang tawag ko.
For the fifth time I called him again. Hindi ko siya tatantanan hangga’t hindi niya sinasagot ang tawag ko pero hindi ko na siya ma-contact. Padaskol na binato ko ang selpon ko sa passenger seat.
“Bakit nakasimangot ka na naman?” puna sa akin ni Charlie. “Lagi ka na lang nakasimangot. Nakakapangit iyan.”
“It’s Primo.”
“Again?” nakataas ang kilay na tanong nito.
Padaskol na naupo ako sa sofang nasa loob ng aking opisina. Naupo naman sa kalapit ko si Charlie habang nakatingin sa akin. Hinihintay akong mag-kwento.
“I helped Klirk to shoo a girl. I pretended as his girlfriend and Primo saw us. He got angry,” pagku-kwento ko.
Hinilot ko ang sintido ko. Na-e-stress ako. Napapansin ko nitong mga nakaraang araw palaging may misunderstanding sa pagitan naming dalwa ni Primo. Dati naman seryoso lang siya pero hindi siya madaling magalit o uminit ang ulo pero nitong mga nakaraang araw kahit maliit na bagay pinalalaki niya.
“This is just based on my theory. Nagseselos siya kay Klirk tapos nakita na naman niya kayong magkasama ang malala pa nito nagpanggap kang jowa ni Klirk kaya medyo sumabog si Primo. Sumabog sa selos,” paliwanag nito.
Tinimbang ko naman ang sinabi nito. Posibleng may tama ito. Pero hindi ko pa nakikitang nagselos si Primo kaya hindi ko alam kung ano ba talaga ang totoo.
“Ewan ko. Dati naman hindi siya ganoon ka-hostile kapag nakikita niya kaming magkasama ni Klirk. Pero ngayon talagang nagagalit na siya. Sabihin mo nga sa akin, mali ba na tinulungan ko ang kaibigan niya? Wala naman kaming relasyong dalawa ni Klirk, bestfriend niya iyon pero kung makareact siya akala mo nagche-cheat ako sa kanya.”
Minsan na-aasar na rin ako Primo. Lalo na kapag ayaw niyang pakinggan ang mga paliwanag mo.
“Kinakain nga siya ng selos,” komento nito.
“Wala siyang dapat ipagselos, siya ang fiancé ko.”
“He is your fiancé pero hindi iyon assurance para hindi siya magselos sa iba lalo na kung hindi naman kayo gaya ng ibang couple na inamin ang feelings sa isa’t isa?”
“Ano ang gusto mong gawin ko?” tanong ko.
Nanghalumbaba ako sa harap niya habang hinihintay ang sagot niya.
“ Tawagan mo ulit. Kapag hindi pa sinagot ang tawag mo. Puntahan mo na. Alam mo hindi lang babae ang nagpapasuyo, kahit mga lalaki minsan mas mahirap pang suyuin lalo na sa gaya ni Primo na medyo may attitude,” suhestiyon nito.
.
Inirapan ko siya dahil sa huling sinabi niya. Ang sabi sa akin ni Klirk, palamigin ko muna ng ulo ni Primo pero mas sinunod ko ang sinabi ni Charlie. Walang imik na kinuha ko ang selpon ko at muling i-denial ang numero ni Primo.
Naka-ilang ring muna ito bago sumagot.
“Hello.”
Nanlamig ang mga kamay ko nang makinig ko ang boses sa kabilang linya. Babae ang sumagot.