"Naloka ako sa nangyari. Hindi pa rin nagsisink-in sa akin na manloloko ang fiance ni Ms. Martinez, sayang ang hot pa naman niya," bungad ni Charlie nang makapasok siya sa opisina ko.
Kahit ako, hindi ko rin inaasahan ang nangyari pero minsan ganoon talaga. Kaya we should not expect too much para hindi tayo ma-disappoint. We should not trust so much, para hindi tayo masaktan. Because too much is bad.
Ilang oras na ang nakakalipas mula ng ikansel ni Ms. Martinez ang kasal dahil nga tumakbo na ang groom-to-be sana nito kasama ang ibang babae. Naiwan naman sa venue si Charlie kanina upang magpaligpit nang lugar na sana ay pagdadausan sana ng kasal. I also called everyine I need to talk about the cancellation of yhe wedding. Nauna na lang akong bumalik sa opisina dahil may iba pa akong project na dapat ayusin. I am still busy at hindi porke't may kasal na hindi natuloy ay makakahinga na ako sa trabaho.
Ito ang unang beses na may nagkansela ng kasal na plinano namin pero hindi kami dapat huminto dahil marami pang kasal na naghihintay sa amin.
"He is. Minsan kasi wala sa hitsura iyan, so don't fall for handsome face, fall for a man with a good heart," komento ko.
He gave me a made face. "Nasasabi mo lang iyan kasu napapalibutan ka ng mga yummy. May gwapo ka ng fiance, may hot ka pang attorney."
Binato ko siya ng ballpen na hawak ko dahil sa sinabi niya. Nakaiwas nan ito.
"Mapanakit kana. Bakit ka ba namamato? Sadista kana rin?"
Masyado itong exaggerated. Gayong hindi naman ito natamaan.
"Iyang bibig mo kasi kung ano-anong lumalabas. Isara mo na lang iyan at magtrabaho kana. The wedding of Ms. Martinez has been canceled, but we still have a lot of work to do."
"Ang dami niyang demand sa atin pero nasayang dahil sa manloloko niyang prince charming. "
"Makakahanap din siya ng taong mamahalin siya. Iyong hindi siya lolokohin. Mabuti nga nangyari ito bago sila ikasal at least hindi na siya matatali pa sa lalaking hindi naman faithful sa kanya."
"Tama ka. Kaya, I will continue my work tapos labas tayo mamaya. Samahan mo aking humanap ng lalaking magiging faithful din sa akin," anito at malanding kumindat sa akin. Malandi rin nitong kinagat ang ibabang labi na ikinangiwi ko.
"Ayoko. H'wag mo akong isama sa pagbo-boy hunting mo," tanggi ko habang umiiling pa.
Sumimangot ito. "Parang hindi tayo friends for a decade. Palibhasa sure kana sa happy ending mo. Paano naman ako? Hindi ka ba naawa na tumanda akong dalaga? Masasayang ang matres ko. Hindi ako mag-kakaanak."
"Kung gusto mong magka-anak. Babae ang hanapin mo, h'wag lalaki."
"Ang killjoy mo naman. Hindi mo man lang sinakyan ang pagdadrama ko. Basta rarampa tayo mamaya. Kapag hindi ka sumama kakaladkarin kita. Kaya humanda ka," pagbabanta nito bago lumabas ng opisina ko.
Napapa-iling na sinundan ko na lamang siya ng tingin.
Wala na akong choice kundi ang samahan siya mamaya dahil alam ko na hindi niya ako tatantanan. Masyado pa naman itong makulit. Saka siguro kailangan ko na ring mag-unwind, masyado na akong tutok sa trabaho nitong mga nakaraang araw. I already miss hanging out with him. Madalas kasi subsob kami sa trabaho.
Ibinalik kong muli ang atensyon ko sa trabaho. May ilang oras pa bago matapos ang araw, and I need to be productive today after what happened.
"It's time to party!" masayang wika ni Charlie habang nasa mismong entrance na kami ng bar.
Excited na hinila niya ako papasok.
"s*x on the beach, please," malanding saad ni Charlie sa bartender bago umupo sa mataas na stool.
"Right away, sir." Umirap si Charlie sa sinabi ng bartender na ikinatawa ko.
"He called me sir, hindi ba niya naramdaman na babae ako? Naligaw lang ang kaluluwa ko sa katawang ito?" maarteng saad nito.
"Hayaan mo na. Sir, sound respectable naman."
"Isa ka pa," saad nito.
Nakatikwas ang mga daliri nito habang sumisimsim ng alak. Mas maarte pa talaga ito sa akin.
He roamed his eyes.
"Look at that guy, he's hot. Dirty hot," maharot na pagkakasaad nito habang nakapako ang mga mata sa isang lalaki na may makapal na bread.
"He's okay. Five," pagbibigay ko ng puntos.
I am not a into a dirty look man. Mas gusto ko iyong malinis tingnan. Iyong mukhang mabango.
"How about that one?" Pasimple nitong itinuro ang nasa may hagdan na lalaking may kausap na babae. Sinipat ko naman ito. He is a muscled man. Maganda ang hubog ng katawan nito pero hindi ang hubog ng mukha nito. Hindi naman sa laitero ako pero hindi ito ganoon kagandang lalaki base sa paningin ko.
"Four."
"Pababa nang pababa ang punyos na binibigay mo. Ang taas ng standard mo," reklamo nito.
"I have an almost perfect fiance. What do you expect?" I bragged.
He made face. "Ikaw na ang paboritong anak ng Diyos."
Natawa lang ako sa sinabi nito bago inginuso ang lalaking nasa second floor. Nakatalikod ito kaya hindi ko makita ang mukha.
"Eight."
"Oh my! Likod pa lang nilala—"
Tinakpan ko ang bibig niya bago pa niya matapos ang sasabihin. Alam kong kabastosan ang lalabas doon.
"Ano ba?" reklamo nito bago inalis ang mga kamay ko. "Sasabihin ko lang naman nilalagay. Nilalagay na niya sa kamay niya ang puso ko."
Nagpapalusot pa talaga, kilala ko na siya.
"Look at him," saad ko at muling tumingin sa nakatalikod na lalaki.
"The legs." Naka-jeans ito pero kita ang magagandang hubog ng mga iyon.
"The back." Naka-suot ito ng long sleeve na nakatupi hanggang siko pero kitang-kita ang malapad na likod nito.
"The height." Hindi naman masyajdong malayo ang kinaroroonan namin kaya kitang-kita ang tindig nito. Halatang matangkad ito siguro umabot ito ng six inches and more.
"How about the face?" Nakataas ang kilay na tanong ni Charlie.
"Nakadepende sa mukha niya kung mababawasan o madadagdagan ang eight points," sagot ko. "But I think he is handsome."
Base sa nakikita ko hindi lang kami ang nakatngin sa kanya ngayon. Maraming babaeng nakatutok ang mata sa kanya ngunit tila balewala dito. Siguro sanay na itong pinapagpantasyahan ng marami but I am not belong to those girls. I already have fiance and I am loyal to Primo. Marunong lang talaga akong umappreciate ng magagandang tanawin sa paligid ko.
"He's hot." Tumango ako bilang pagsang-ayon. "I want him na," kinikilig na saad ni Charlie.
"It's your time to catch the fish," saad ko at kumindat sa kanya.
He takes a sip of his drink. Tatayo na sana ito ngunit biglang humarap sa gawi namin ang lalaki at sabay na nalaglag ang aming panga ni Charlie.