Primo's Bride 17

1804 Words
Bigla akong nagising nang mag-ring ang selpon ko. Napakunot pa ako ng mapansin ko na medyo madilim na ang paligid. "Hello?" "Cleopatra, where are you? Nandito kami ng daddy mo sa apartment mo. Gabi na wala ka pa," nag-aalalang saad ni Mama. "Pauwi na ako, ma. Bye." Six-thirty na ayon sa oras ng cellphone ko. Nakatulog na pala ako sa paghihintay kay Primo pero hindi naman ito dumating. Nagmamadaling lumabas ako ng opisina ko. Wala nang tao sa. Tanging ako na lang ang naiwan sa buong floor. I tried to call Primo habang sakay ako ng elevator pero hindi ko naman ito ma-contact. Nakapatay amg selpon nito. May nangyari ba? Bakit hindi ako nito nasundo gayong malinaw ang mensahe niya sa akin kanina. Tinawagan ko ang mama ni Primo habang nagmamaneho ako pauwi. Hindi ko kasi maiwasang mag-alala. Baka may alam ang mga ito. Hindi naman sa nagiging clingy ako pero siya kasi ang nagsabi na susunduin tapos nakatulog na ako pero wala pa siya at wala man lang mensahe buhat sa kanya. Dapat naiinis ako pero mas nanhingibabaw ang pag-aalala ko sa kanya. "Hello, Cleo hija. Napatawag ka." Magiliw ang boses nito ng sagutin ang tawag ko. "Hello, Tita. Did you know where Primo is? Hindi ko po kasi ma-contact." "Huh? Ahmm... Nasa taas siya kausap ang daddy niya. Tama ganoon na nga. Bakit may problema ba?" Tila natataranta pa ito habang nagsasalita. Pero hindi ko na lang pinansin. Siguro natataranta lang ito dahil bigla kong hinahanap ang anak niya. Gayong hindi ko naman iyon ginagawa dati. "Wala naman po. Pasensya na sa abala," saad ko bago nagpaalam dito at ibaba ang tawag. Kung nasa bahay pala siya ng magulang niya bakit hindi man lang niya sinabi sa akin ng hindi na sana ako naghintay sa kanya. Hindi sana ako gagabihin ng uwi at maiipit sa traffic. Nakalimutan ba niya ang sinabi niya sa akin? Imposible naman iyon. Sana hindi na lang siya nangako na susunduin ako para hindi ako umasa tapos hindi naman niya ako sisiputin at wala man lang paliwanag. Maano bang sabihan niya muna akong hindi siya makakarating nang sa ganoon umuwi na ako agad "Hi, ma, pa." Humalik ako sa pisngi nila. Naabutan ko silang nanonood ng tv sa sala. Mukhang hinibintay talaga nila ang pagdating ko. Sanay na ako sa palaging biglaang pagdalaw ng mga magulang ko dito sa apartment ko. Minsan nagdadala lang sila ng mga lutong pagkain na pwede kong initin na lang dahil nga hindi ako magaling sa kusina kaya madalang ako magluto. "Bakit ginabi ka na ng husto?" bungad sa akin ni Mama. I can see the concern in her eyes. "May tinapos lang akong trabaho, ma," pagdadahilan ko. Alangan namang sabihin ko dito na hindi ako sinipot ng pinapangarap niyang son-in-law. Na ginabi ako dahil nakatulog na ako sa kahihintay pero hindi ito dumating at hindi man lang ako sinabihan. "Maglinis kana muna ng katawan. Maghahanda na ako ng hapunan natin." Sumunod naman ako sa utos nito. Pero papapasok pa lang ako sa kwarto ko nang tumunog ang selpon ko. Numero lang ang tumatawag kaya binalewala ko. Pero muli na naman itong tumawag. Kaya sinagot ko na, baka importante talaga. "Hello?" "Si Cleopatra Ibañez po ba ito?" "Yes. Why?" Sino naman kaya ito? Maingay sa kabilang linya. May naririnig rin akong malakas na tugtog. Parang may party yata. "I am the manager of Jewel Bar. Nandito po so si Atty. Klirk Galvez, lasing na lasing."Gusto ko sanang sabibing wala akong pakialam pero muling nagsalita ang nasa kabilang linya. "Ma'am, pakisundo na lang po abg boyfriend n'yo. Muntik ng mapaaway e." Mariin akong napapikit sa inis. Ano na naman ba ang problema ng lalaking ito. Ang aga pa para malasing ito ng husto. Tapos ako ang aabalahin nito. "He is not my boyfriend," sagot ko at binaba ang tawag. Huwag ako ang istorbohin nila. Wala ako sa mood ngayon. Muli na namang nag-ring ang selpon ko at ang tumatawag ang manager na kausap ko kanina. Ano na naman ang problema nito? Bakit ba ang kulit-kulit nito. "Ma'am, hindi n'yo po ba susunduin si Sir? Kung hindi siya mapapa-away baka magahasa naman siya ng mga babaeng kanina pa naglalaway sa kanya." Tila problemado ito mula sa kabilang linya. "Oo. Pupunta na," napipilutang saad ko. Pakiramdam ko kasi hindi ako titigilan ng hangga't hindi ako pumapayag na sunduin ito. Malilintikan talaga sa akin ang isang iyon. Mag-iinom hindi naman pala kaya. Tapos gagawin pa akong driver na tagasundo niya. "Pakibilisan na lang po salamat." Yamot na yamot na muli akong lumabas ng kwarto. Talagang minamadali pa ako. Kung kaharap ko lang siguro itong kausap ko kahit pa manager siya nasagot ko na. Saka bakit ba sa dami ng tatawagan ako pa? At napagkamalan pa talaga akong girlfriend, ha. "Oh, teka. Saan ka pupunta?" Nagtatakang tiningnan ako ni mama bago ko pa mabuksan ang pinto. Hindi pa kasi ako nakapagpapalit tapos sa sobrang asar ko hindi ko sila napansin. May hawak na si mama na plato habang naghahanda ng hapag-kainan. "May susunduin lang akong palasing-lasing sa bar, ma." Naasar talaga ako pero wala naman akong choice kundi sunduin ito.Mahirap na at baka mapahamak pa ito. "Sino?" "Si Klirk, pa." Kilala naman na ng mga ito si Klirk dahil nga feeling close ang isang iyon. Minsan sinama iyon ni Primo sa family gathering namin. "You are not his girlfriend. Bakit ikaw ang nagsusundo?" Biglang tanong ni Papa hahabang seryoso ang mukha. Iyon na nga pero nakokonsensya naman ako. I am not his girlfriend but he is still my friend. "Ano ka ba, Condrado. Hayaan mo na, saka baka mapahamak din ang batang iyon kapag pinabayaan na lang sayang naman gwapo pa naman iyon." Ngingiti-ngiti pa si mama. Isa talaga siya sa nagayuma ng kagandahang lalaki ni Klirk. "Babae ang anak natin. Gabi na, paano kung ikaw ang mapahamak?" Nasa mukha ni papa ang pagtutol na lumabas ako. "Wala bang iba na pwedeng sumundo sa kanya?" "Don't worry, dad. Kaya ko ang sarili. Baka lang kasi mag-drive iyon ng lasing. Mahirap na. Bye." "Teka, hindi ka pa kumakain!" Narinig ko pang sigaw ni mama bago ako tulyang makaalis pero hindi ko na ito pinansin. Marami naman talagang pwedeng magsundo kay Klirk. May driver naman sila sa mansyon nila, pero ako pa talaga ang napiling tawagan. Saka bakit ba ang aga naman yata niyang malasing? Wala pang eight pero lasing na siya? Dati naman kasi magdamag siyang mag-inom, ayos lang. Medyo sanay na rin kasi itong magsunog ng baga dahil palaging laman ng kung hindi bar, iba't ibang party. Agad ko siyang hinahanap nang makapasok ako ng bar. Hindi naman ako nahirapan dahil agad ko siyang nakitang naka-ubob sa may bar counter. "Kayo po ba si Ms. Cleopartra?" tanong sa akin ng isang lalaki. "Yes." "Ah sige po ma'am pwede n'yo na siyang umuwi. Sabi n'ya kasi huwag kong hahayaan na may ibang babaeng lumapit sa kanya maliman na lang sa inyo." Hindi ko man lubos na naunawaan ang ibig sabihin ng lalaki pero tumango na lang ako."Tiningnan ko ang mukha ni Klirk. Napakunot ang noo ko ng makitang may bangas ito. "Teka, kuya. Sure ka bang hindi pa ito napaaway?" "Hindi po, ma'am. Pero kung ang pasa po sa mukha niya ang tinutukoy ninyo. Meron na siya niyan ng dumating kanina." "Ah ganoon ba? Sige, salamat." Tumango lang naman ito at umalis na. Niyugyog ko ang balikat ni Klirk para magising ito. Mapupungay ang mata nito ng iangat ang ulo at tumingin sa akin. Mukha ngang malakas na ang tama nito. "Tumayo kana diyan at uuwi na tayo." Pero umiling ito at bumaling sa bartender. Nahihirapang itinaas nito ang kamay at humihingi ng panibagong shot. I used my eyes to signal the bartender not to give him anything, and he nodded. Hinila ko siya sa braso para tumayo. "Tumayo kana. Kung ayaw mong iiwan kita dito." Nagsisimula na akong mainis. "Do-donn't t-touch me. N-no one is allowed to touch me! Cle-Cleopatra always gives me a disgusting look when I am trying to... to flirt with someone." Gustong-gusto ko na itong batukan. Yes, I am always disgusted, kapag may ibang babae siyang kasama dahil sigurado akong bukas iba na naman ang kasama niya at maiiwan itong luhaan. Masyado siyang mapaglaro. "I am Cleopatra at kung hindi ka pa talaga tatayo riyan iiwan na talaga kita." Pinkatitigan ako nito. Pilit nilalakihan ang matang gusto nang pumikit. Hinila ko na siya para makatayo. Nagsasabid na ang mga paa nito bago lumakad. Akay-akay ko siya hanggang sa makarating kami sa kotse ko. Tila mababali ang leeg ko sa bigat nito. Pabalandra ko siyang isinakay sa backseat. "This will be the last time. Kapag naglasing ka, pababayaan na lang talaga kita. Pambayad utang lang ito dahil hinatid mo rin ako kagabi. Ngayon quits na tayo," saad ko habang kinakabitan siya ng seatbelt. Mukhang hindi naman na naririnig nito ang sinasabi ko dahil nakapikit na ito. Kung hindi lang talaga ako kinakain ng konsensya ko na baka mapahamak siya, nunkang sunduin ko siya. Dapat nagpapahinga na ako ngayon pero kailangan ko pang magsundo ng lalasing-lasing na lalaki. Nang makarating ako sa tapat ng mansyon nila ay sinubukan ko siyang gisingin. "Hey, wake up. We are already here." Marahan kong tinampal ang pisngi niya. Napangiwi naman ito nang tamaan ko ang pasa niya. "Bakit ka ba may pasa saan mo nakuha iyan?" Mapupungay ang matang iminulat nito ang mga mata. "H-he... he is h-hurting the g-girl I love. So I pounch him." Inihaya pa nito ang kamay sa ere. "Who?" Babae ang dahilan kaya nagkaganyan siya? Is he really in love? Then who is the girl? My curiosity eats me. "T-that j-jerk?" "No. Who is the girl you love." Umiling ito at itinapat ang hintuturo sa tapat ng bibig bago muling pumikit. "Hey! Don't sleep!" Pero kahit anong gising ko dito hindi na ito muling umibo pa. Naaasar na tininginan ko siya bago nagtungo papalapit sa gate para mag-doorbell. "Ma'am Cleopatra?" Nagtatakang nakatingin sa akin ang matandang babae. Siya ang mayordoma dito sa mansyon, Si manang Fe. Mukhang nagising lang ito dahil sa pagdo-doorbell ko. "Manang, pwede po bang patulong ako? Klirk was inside my car. He is drunk." Sinilip naman nito ang kotse kong nakaparada siguro upang tingnan kung nandoon na nga ba si Klirk bukas naman na ang backseat kaya kitang-kita nito ang lalaki. "Naku, teka lang. Tagawagin ko si Patrick." Umalis ito. Makalipas ang ilang sandali bumalik ito na may kasama nang lalaki. Ito ang tumulong upang madala si Klirk sa kwarto nito. Lasing na lasing talaga ito. "Sige po. Mauna na ako." "Sige. Mag-ingat ka sa daan pauwi." Tumango lang ako at sumakay na sa kotse ko. Hindi na ako pumasok sa loob ng mansyon. Gabi na rin at kailangan ko nang nakauwi agad dahil sigurado akong hinihintay na ako nina papa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD