"Hi, Mayumi," masiglang bati ko sa kanya.
"M-ms. Cleopatra." Hindi ko alam pero tila nagulat ito sa biglaang pasulpot ko.
She is nervous, but I didn't pay attention to it. It's unnecessary for her to be anxious. If she didn't do something to enrage me, I wouldn't bite her.
"Good morning." Malaki pa rin ang ngiti ko. Sinira na ni ate ang umaga ko kaya todo ngiti ako ngayon upang ibalik sa maganda ang araw ko.
"Good morning too," kiyeme niyang sagot.
Napakamahinhin talaga nito kaya imposible ang sinasabi ni ate na may relasyon ito at si Primo. Mukha namang hindi ito gaya ng ibang babae na hindi marunong lumugar. Iyong mahilig makisasaw. Mayumi seems nice. Kahit na minsan ramdam ko naiilang ito palagi sa presensya ko, gaya na lang ngayon.
"Pasok na ako." Turo ko sa opisina ni Primo. Tumango lang naman ito.
"Good morning!" mas pinasigla ko pa ang boses ko. Primo looked at me. Umaga pa lang pero tila abalang-abala na agad ito sa dami ng mga papeles na nakatambak sa ibabaw ng lamesa nito.
Ang gwapo niya talaga. He looks clean and neat. Mukhang palaging mabango, idagdag pa ang suot nitong suit na tila hindi yata nagugusot. A perfect image of a company president.
"Hey, good morning." He smiled back. Tumayo siya at lumapit sa akin. He even kissed my temple. He is extra sweet today. Nakakapanibago pero hindi ko maiwasang kiligin. Sana lagi na lang siyang ganito. Iyong nakangiti at hindi palaging salubong ang kilay. Mas maaliwalas kasi siyang tingnan kapag ganito.
"I brought you a breakfast." Ipinakita ko sa kanya ang dala ko.
"Thank you, but I already ate breakfast. Tinawagan mo sana ako para hindi agad ako kumain." Kahit ang pagsasalita nito ay mahinahon, kakaiba talaga ito ngayon.
Nanlumo ako dahil sa narinig ko pero pinilit kong ngumiti.It's okay. Nagdala lang naman ako ng almusal kung sakaling hindi ka pa kumakain."
Kinuha nito ang dala ko. "Kumain na ako, pero hindi ibig sabihin na hindi ko ito kakainin. Mamaya kung kanino mo na naman ipamigay."
Tuluyan na akong napangiti dahil sa sinabi niya. Sinundot ko ang tagiliran nito dahilan para bahagya itong magulat. Sinamaan ako nito ng tingin pero nginitian ko lang siya.
"Hindi mo pa rin iyon makalimutan? Nagseselos ka pa rin sa kanya?" pang-aasar ko.
Hindi ito sumagot bagkos tiningnan lang ako nito na ikinailang ko. Para kasing nanunuot sa balat ko ang mga titig niya. Umiwas ako ng tingin sa kanya na ikinatawa naman niya. Pinagti-tripan ba niya ako?
"Matanong ko nga pala, kailan babalik iyong dating sekretarya mo?"
Kumunot ang noo nito. "Why?"
Hindi ko naman talaga ugaling magtanong about sa trabaho nito lalo na sa mga empleyado. May gusto lang akong malaman.
Nagkibit-balikat ako para umaktong normal. "Wala natanong ko lang. Sayang naman ang ganda ni Mayumi kong uutos-utusan mo lang." Sinubukan kong tunog biro lang ang sinabi ko. Upang hindi niya mahalata na I am fishing some information.
Hindi ako naniniwala sa sinabi ni ate pero gusto kong narinig iyon mismo kay Primo nang mapanatag ako.
"Hindi ko siya basta-basta inuutusan lang. It's her job. Kung hindi niya kaya, mag-resign siya." Seryoso na ang mukha nito.
Nabigla naman ako sa sagot nito. Parang balewala lang dito kahit umalis si Mayumi bilang secretary nito pero masyado naman yatang magaspang ang pagkakasabi niya.
"Grabe ka naman. Ang harsh mo doon sa tao. Mukha namang masipag siya, mabait pa."
"She's a breadwinner; that's why she needs to work hard."
"Paano mo nalaman?"
Umiwas ito ng tingin. "Nabanggit niya sa akin once." Tumango na lang ako. Ayoko namang mapansin niya na ini-interrogate ko siya. "You called me last night. Why?"
"Nothing. I went to a bar with Charlie last night. I called you to fetch me because I can't drive," I answered. Hindi ko naman kailangang magsinungaling sa kanya.
"I am sorry I wasn't able to pick up your call."
"It's okay. I understand. Nabanggit kasi sa akin ni ate kanina na nakita ka raw niya sa birthday ni Congressman Alvarado kagabi," sagot ko na may kasamang pasakalye. Para malaman ko kung aaminin ba niya sa akin ang nakita ni Ate kagabi.
"Yeah." Tumayo ito at bumalik sa swivel chair niya. "I went with Mayumi. Gusto siya ng asawa ni Congressman Alvarado. So I brought her to please the old woman to make her approve our business proposal," he explained.
Nawala ang agam-agam ko sa dibdib dahil sa naging sagot niya. Dahil kung tinaggi niya ang totoo. Maaring maghinala talaga ako sa kanya. Pero naging honest naman siya na nakapagpaluwag sa naratamdaman ko.
"Oh, I see."
Tama nga ako at mali si Ate. Kaya wala siyang dapat ipag-alaala, ganoon din ako. Kahit na birthdayhan ang party, business purposes pa rin ang pakay ni Primo. Masyado na talaga siyang workaholic.
"I'll leave now. I know you are still busy."
He gave me an apologetic look. "I am sorry. I can't fully entertain you."
"It's okay. I understand. Dumaan lang talaga ko dito para dalahan ka ng almusal."
"I thought because you miss me? Because I miss you." May mapaglarong ngiti sa labi niya.
Namumulang umirap ako. "Bye."
Hindi ko na siya hinintay pa na sumagot. Nagmamadaling lumabas na agad ako ng opisina niya. May gana na siyang mang-asar ngayon.
"Miss Cleo, Okay lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Mayumi nang makalabas na ako.
Dinama ko ang pisngi ko. Maiinit ang mga ito. Tumayo ako ng tuwid.
"I am okay," saad ko bago nagmamadaling sumakay sa elevator.
Hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Primo is improving. Natuto na siyang bumanat. Hindi na siya gaya ng dati na parang bato.
Tumunog ang selpon ko bago pa ako makasakay ng kotse ko.
'I'll fetch you later.' Iyan ang mensahe.
Tila lalong nabuo ang araw ko. Susunduin ako ni Primo mamaya. Parang gusto ko nang hilahin ang oras para mag-uwian na kahit hindi pa nga ako nakakapasok sa trabaho.
"Wow, ang laki ng ngiti mo. Nadiligan ka ba kagabi?" Tanong sa akin ni Cbarlie habang nakasunod na naman sa akin papasok ng opisina. Lagi na lang nitong inaabangan ang pagdating kom
"Iyang bunganga mo talaga masyadong madumi. Anong dilig ang sinasabi mo? Saka saan ka nagsuot kagabi? Iniwan mo ako." Hindi na talaga niya ako binalikan. Nagyaya siya tapos iiwan lang ako sa ere. Sana pala hindi na lang ako sumama sa kanya. Hindi sana ako nahirapan kanina dahil sa hangover ko.
"Naghanap lang ako ng gwapo. Alangan naman na ikaw lang may poging fafa."
"May nahanap ka ba?" pang-aasar ko sa kanya.
"Meron. Anong akala mo sa akin? Makamandag yata ang alindog nito." Nagpose pa ito sa harapan ko upang ipakita ang alindog niya na hindi ko naman makita.
"Puro ka kalokohan. Magtrabaho kana," pagtataboy ko rito. Inayos ko ang mga papel sa ibabaw ng mesa ko.
"Oo na. Palibhasa sahara desert na iyang sayo," komento pa nito bago parampang lumabas ng opisina ko.
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at nagsimula ng magtrabaho na. Maganda ang mood ko at wala nang makakasira nito.
Maghapon akong naging abala sa trabaho. May dumating din akong bagong kliyente. Kaya hindi ko na namalayan ang oras. Five-twenty na ng hapon ng tumingin ako sa relong pambisig ko.
"Hindi ka pa ba uuwi?" It's Charlie. Tanging ulo lang nito ang nilusot sa maliit na bukas ng pinto ko.
"Mauna kana. Primo will fetch me."
"Date?" May mapanuksong ngiti ito sa labi.
"I don't know. Wala naman siyang sinabi."
Wala naman talaga itong sinabi basta nagtext lang na susunduin. Kahit na gusto ko ring mag-date kami ayaw ko rin naman mag-assume, masakit din umasa.
"Okay. Mauna na ako," paalam nito. Tumango naman akonsa kanya. "Sana all may prince charming na magsusundo." Narinig ko pang saad nito bago tuluyang makalayo.
Sumandal ako sa upuan ko. Ipinikit ko muna ang aking mga mata habang naghihintay kay Primo. Siguro maya-maya nandito na iyon para sunduin ako. Magpapahinga lang muna ako habang hinihintay siya.