Primo's Bride18

1629 Words
"Musta ang date?" Iyan ang agad ang bungad ni Charlie sa akin kinaumagahan pagpasok ko sa opisina. May hawak itong mug at nakatikwas pa ang mga daliri nito. Maarte itong humigop ng kape. "Walang date." Lumapit ako sa coffee maker. Late na akong nagising at nang magising ako kanina wala na sina mama. "Anong wala? Ano iyon sinundo ka lang talaga niya? Hindi man lang kayo nagdinner together?" Lumapit siya sa akin. Mukhang umaandar na naman pagiging tsismosa niya. "Hindi niya ako sinundo." "What? Why?" Ibinaba na nito ang hawak na mug at humarap sa akin. "I also don't know. Wala naman siyang sinabi." Iyon ang kinaaasar ko. Hindi man lang siya nag-text. Umaasa ako na may mensaheng matatanggap man lang sa kanya bago ako magising pero wala. Hindi man lang siya nagpaliwanag kung bakit hindi niya ako sinipot. "You mean, inindyan ka niya?" hindi makapaniwalang tanong nito. Mabagal akong tumango. Maarte itong nagtakip ng bibig habang nanlalaki ang mga mata. Pinag-krus nito ang binti bago binigyan ako ng mapanuring tingin. "That's a red flag." "Red flag agad? Ikaw masyado kang oa." Hindi lang nasundo red flag na? Mabuti sana kung nagloloko si Primo. Hindi naman. Sana. Dahil kapag nalaman ko talaga na ginagago niya ako, tapos na rin ang lahat sa amin. Wala na akong pakialam kahit magalit pa sa akin si mama. Hindi ako gaya ng ibanv babae na magpapakatanga. Masyado akong maganda para patawarin pa siya oras na malaman kung may ginagawa siyang kalokohan. Pero iba naman si Primo, kaya malabong mangyari iyon. "Sige hindi na, but Primo is a type of guy na masyadong busy pero sa tingin ko hindi ka niya kakalimutan maliban na lang kung mas importante ang bagay na ipinagpalit niya sa iyo. At kung may important emergency naman siya, duh? Uso ang selpon, wala man lang texf or tawag? Ano iyon pinaasa ka niya tapos ikaw nganga?" Iyon din ang gusto kong sabihin pero hinyaan ko na lang. Ayoko namang lumaki pa ang bagay na ito. Simple lang naman ang nangyari. Hindi naman ako umasa ng husto. Hindi talaga. Oh, kailangan kong kumbisinhin ang sarili ko para pati mga tao sa paligid ko maniwala sa nararamdaman ko. "Actually, tumawag ako sa bahay nila. Nandoon daw siya sabi ni Tita, kausap ang tatay niya." "Then why didn't he inform you first? Ano iyon nakalimutan ka niya talaga? Hindi ka ba ganoon ka-importante sa kanya?" Mukhang pati ito naasar na rin dahil sa nalaman. Mukha ngang mas affected pa ito kesa sa akin kung maka-react. "Naiintindihan ko naman siya." Lagi ko naman naiintindihan si Primo. Dahil kung hindi ko siya iintindihin, ako lang naman ang mahihirapan. Sa aming dalawa naman ako iyong sanay na laging umiintindi. Naging habit ko na nga. "Lagi mo siyang naiintindihan kaya minsan benabalewala ka na lang niya." I know, pero wala naman akong choice. Hindi ako ang priority ni Primo. I am not just his fiancee but will never be his priority. Tanggap ko na iyon, basta h'wag siyang gagawa ng bagay na masasaktan ako. "Hindi niya ako binabalewala," depensa ko kahit na ganoon na rin talaga ang nararandaman ko. Hindi naman ako manhid. Binabewala ko lang ang pambabalewala niya. "Ewan ko sa'yo. Matalino ka naman pero mukhang tanga ka pagdating sa relasyon," saad nito bago iniwan. Hindi ako tanga. May tiwala lang ako kay Primo. May tiwala ako na hindi niya sisisrain ang tiwala ko. Tumayo ako. May kinuha lang akong mga designs na dadalhin ko para sa meeting namin ni Ms. Sanchez. Ang bago kong kliyente. We agreed to meet in a reataurant para doon pag-usapan ang gusto niyang mangyari sa kanyang kasal. I saw Ms. Alona Sanchez with her fiance, Landon Norie. He is a famous basketball player. We are in a private room. We are eating while talking about their wedding. "I want a grand wedding. Minsan lang akong ikakasal kaya gusto kong perpekto ang lahat," nakangiting saad ni Ms. Sanchez. She looks blooming, halatang inlove na inlove ito. Ganoon din naman ang fiance nito na tila nakasunod ang tingin sa bawat galaw niya. "Do you have any idea what type of wedding you want? Like a garden, beach or church?" Kapag nakapili na sila kung anong type ng wedding ang gusto nila. Saka pa lang kami magsisimulang mag-plano. "I want a church wedding. I want to say 'I do' in front of God. I want him to be the witness of our love." Napangiti rin ako sa sinabi nito. Gusto ko ang sinabi niya. Landon Norie is too lucky to have her. Hindi lang ito maganda, halatang mabuti rin ito. Sa panahon kasi ngayon mas inisip nila ang design, basta bongga ayos na but Ms. Sanchez is different. Alam talaga nito ang gusto niya. "Okay, a church wedding. How about you, Mr. Norie? Do you have any suggestions? Para kung may gusto ka rin. Maidagdag natin." Kanina pa kasi ito hindi nagsasalita. I also want to hear his ideas. Maybe he wants something to spice up the wedding. Umiling ito bago ngumiti. "She is my boss. Just follow what she wants. The most important thing to me is that she is my bride." Tiningnan nito ang fiance ng puno ng pagsuyo. Namula ang mukha ni Ms. Sanchez, bahagya pa nitong kinagat ang labi para pigilan ang kilig. Kahit ako hindi ko maiwasang kiligin sa kanilang dalawa. The way they look at each other is enough para masabi mong mahal talaga nila isa't isa. That's the look for which I am longing too. Matapos naming pag-usapan ang mga detalye ay agad ding nagpaalam ang mga ito. Habang ako naman ay bumalik sa opisina para magsimulang mag-brainstorm. Pero ang kinikilig na si Charlie ang sumalubong sa akin. "Besh, ang haba ng hair mo." Kinikilig talaga ito. "Huh?" Hinahawakan ko ang buhok ko. Maiiksi naman, hanggang balikat ko nga lang. Hinila ako nito papuntang opisina ko. Napahinto ako sa nakita ko. Sinong nagpadala ng mga ito? Gusto yatang magtayo ng flowershop sa opisina ko sa dami ng white roses. Lumapit ako sa mga bulaklak. Naamoy ko pa ang mga halimuyak nito. 'I am sorry about yesterday' iyan ang nakasulat sa unang bouquet. 'Will you please forgive me?' sa ikawalang bouquet. Kinuha ko ang lahat ng card na nakalagay sa bawat bouquet. 'I am really sorry.' 'I hope you like it.' 'Give me a chance to redeem my mistakes.' 'Wanna date me, tonight? ' Iyan ang mga mensahe. Tuluyan na akong napangiti. "How to be you? Mukhang bumabawi ng husto sayo, hah. Pahirapan mo, matuto kang magpakipot minsan." "But he wants us to date, tonight." Kapag nagpakipot pa ako, walang mangyayaring date mamaya. "Ang rupok mo. Bulaklak lang pala katapat mo." Naiiling na saad nito bago ako iniwan. Hindi ko siya pinansin at inamoy ang mga bulaklak na nasa opisina ko. Unti-unti yata nagiging ma-effort na siya. Samantalang dati kapag nagso-sorry siya, basta sorry lang. Walang flowers. Pero ngayon dumadalas na ang mga pabulaklak niya at parami na rin ng parami. "What happened to your lips?" nag-aalalang tanong ko ng sunduin ako ni Primo. Hindi naman siya sumagot sa tanong ko at basta na lang nag-drive. Gusto ko tuloy mainis pero kinalma ko ang sarili ko. Ayokong masira ang gabi namin kaya kinain ko na lang ang inis na nararamdaman ko. Even though I didn't respond to his invitation, paglabas ko ng building ay nadoon na siya para sunduin ko. Hindi na rin ako nag-inarte at sumama sa kanya. He brought me to a fine dining restaurant. "Napaaway ka ba? Kaya hindi mo ako nasundo kagabi?" Muli ay tanong ko habang kumakain kami. Hindi talaga ako mapakali hanggat hindi ko nalalaman kung ano ang nangyari. Mainitin lang ang ulo niya pero hindu naman siya palaway kaya nakapagtataka na may bangas ang mukha niya. "Nothing. It's just a small bruise." "Did you fight with someone?" ulit ko. Pakiramdam ko kasi iniiwan niya ang tanong ko. "Can we just eat?" Napipikong saad nito. " We are here to eat. Stop interrogating. This is just a scratch; you don't have to overact." Nasaktan ako sa sinabi niya. Nag-aalala lang naman ako pero nagalit pa siya. Dapat nga ako ang nagagalit ngayon dahil sa ginawa niya kahapon pero nabaliktad na naman ang pangyayari. Hindi pa siya nagpapaliwanag sa akin about sa pang-iindiyan niya sa akin kagabi. I thought he wanted to say sorry pero iba naman ang ipinapakita niya ngayon. " I am just concerned. But if you don't want to answer, fine." Hindi ko na napigilang ipakita ang inis ko. Nag-aalala lang ako pero siya pa ang galit. Kung naging makulit man ako dahil umiiwas siya sa mga tanong ko. Inabot niya ang kamay kong nasa ibabaw ng table. " I am sorry. It was just a misunderstanding between me and Klirk. We had a small fight, but don't worry. Ayos lang ako." So siya pala ang salarin kung bakit may pasa rin si Klirk sa mukha. Silang dalawa pala ang nag-away pero bakit masyado yatang malala ang misunderstanding na tinutukoy niya para umabot sila sa pisikalan. They are bestfriends at hindi ako naniniwalang mababaw lang pinag-awayan nila. Tapos may sinasabi pa si Klirk kagabi about the girl he loves, na hindi ko maunawaan. Gusto ko pa sanang magtanong kay Primo pero nanahimik na lang ako. Mukhang ayaw nitong pag-usapan ang nangyari. Kaya hindi ko na pipilitin pa. Baka mamaya tuluyan nang uminit ang ulo niya. "I'll be busy in the next few days. So be good girl," Primo said when he sent me home. We are still inside his car. I rolled my eyes. " I am always a good girl. You don't have to remind me." Ngumiti ito. "I know. You are too good." Hindi na ako sumagot. Bumaba na ako sa sasakyan niya. "Good night." "Good night."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD