"Paraiso Lounge. 7pm, tonight."
Ano naman kaya ito? Hindi ko na lang pinansin ang mensahe at tuluyan nang sumakay ng kotse. Baka wrong send lang iyon. Number lang kasi kaya wala akong ideya kung sino ba ang sender. Baka nga namali lang. O baka scam. Uso pa naman ang scam ngayon.
Pauwi na ako. Gaya ng sabi ni Primo magiging busy na naman siya kaya maging ito ay hindi nagpaparamdam sa akin. Buti pa ang scammer nagawang mag-text.
Bigla akong nakaramdam ng gutom nang makarating ako sa apartment ko kaya nagluto na lang ako ng noodles. Tamang-tama may kasamng kimchi ang mga pagkaing dinala ni mama. Alam kasi nito na mahilig ako sa maanghang. Buti na lang pang-matagalan ang mga dala ni mamang pagkain kaya kahit ang tagak na sa ref ko ay hindi nasisira.
I was about to eat nang mag-ring ang selpon ko. Minsan parang ayaw ko na ang may selpon laging abala.
'I will wait for you.'
Tinawagan ko ang numero pero hindi naman nito sinasagot nagri-ring lang. Wala ba itong magawa sa buhay at ako ang ginugulo?
'Who are you?' Nanggigil na text ko. Wala ako sa mood makipagbiruan ngayon.
'If you want to know the truth. Go to the place I sent to you.'
Tuluyan nang kumunot ang noo ko. Anong truth ang sinasabi nito? Hindi ko alam pero tila hinihila ako ng mga paa ko na magtungo sa lugar na sinasabi nito.
Mabilis akong nagbihis. Nagjeans at simpleng shirt lang ako na tenernuhan ko ng shite rubber shoes.
Hindi ko alam kung sino man ito pero naiintrega ako Wala naman sigurong masama kung pumunta ako. Public place naman ang lugar na binigay nito.
Pumasok ako sa loob ng Lounge Bar. Naupo ako sa isang bakanteng mesa. Maraming tao ngayon. Napakarelaxing ng lugar. May kumanta pang banda sa unahan. Wala naman sigurong mag-iimbita sa akin sa ganitong lugar kung may gagawing masama. Kung sakaling para sa akin talaga ang text at hindi wrong send o pinag-titripan lang ako.
Nagulat ako ng biglang namatay ang ilaw. Tatayo na sana ako sa kinauupuan ko ng biglang bumukas ang ilaw sa stage. Napanganga ako ng makita ko kung sino ang lalaking nasa entablado, may hawak itong gitara habang nakaharap sa mikropo pero sa akin nakatutok ang mga mata nito.
Anong ginagawa niya riyan?
Kumindat siya sa akin.
Nagsimula siyang mag-strum ng gitara. Hindi ko alam na marunong pala siyang mag-gitara ang alam ko puro dokumento lang ang pinagkakaabalahan niya.
Muli akong naupo at excited na pinanood siya.
Is this a surprise? Hindi ko maiwasang kiligin. Akala ko scammer, si Primo lang pala. Mabuti na lang nakinig ako sa mga paa ko at dinala ko dito. Dahil kung hindi ko pinansin ang text baka nanghihinayang ako ngayon dahil hindi ko masasaksihan ang performance ni Primo.
He started to sing a song. Gusto kong mapahalakhak ng marinig ko na ang boses niya. This is really a surprise. I was surprised to hear his singing voice.
My goodness. Sabi ko na nga ba walang taong perpekto. Gwapo lang siya pero kung usapang pagkanta, hindi siya papasa. He is out of tune. Tila pinukpok na lata ang boses niya, tapos bumirit pa kaya pumiyok siya.
Ano ang pumasok sa utak niya at gunagawa siya ng kahihiyan ngayon? Nasan na ang poker face na lalaki at laging seryosong kilala ko? Bakit kumakanta siya ngayon sa harap ng maraming tao kahit na sa totoo lang masakit sa tenga ang boses niya. Wala na sa tuno, nahuhuli pa sa background music, minsan naman nauuna siya.
Gusto kong tahuban ang mga mukha ko habang pinapanood si Primo dahil sa kahihiyan pero bigay todo naman ito sa pag-awit. Ilang araw lang kaming hindi nagkita, nabaliw na yata agad siya.
Hindi ko alam kung bingi ba ang mga tao ngayon dito sa lounge bar dahil they are still slowly swaying their hands. Para bang damang dama nila ang kanta habang ako'y sumasakit na ang tiyan ko sa pagpipigil ng tawa.
Ito ba ang katotohanang dapat kong malaman? Na sintunado siya? Hindi naman pala nasayang ang pagpunta ko.
Feeling mysterious pa siya. Epektib naman pero hindi talaga ito ang inaasahan ko.
Ano bang naisipan niya at kumanda siya? Gayong hindi naman pala kagandahan ang boses niya. Sa tagal naming magkakilala hindi ko talaga siya narinig na kumakanta. Ngayon naiintindihan ko.
Namumula na yata ang buong mukha niya ng matapos siyang kumanta. Pero mas napanganga ako ng magtayuan ang lahat at pumalakpak. Kaya napipilitang tumayo at pumalakpak rin.
He cleared his throat before he spoke. "You can laugh now." Tumawa naman ang lahat sa sinabi niya. "I know I have no talent for singing, but I want to put in some effort to please her."
Everyone cheered. Maging ako ay napangiti sa sinasabi niya. Pakiramdam ko malapit na akong maihi sa kina-uupuan ko.
He did this for me? The prime and mighty Primo Guillermo Gomez wants to please me? He succeeds, kahit na sumakit ang tenga ko, naglulukso naman sa tuwa ang puso ko ngayon.
I am not assuming na ako ang tinutukoy niya but sa akin siya nakatingin ngayon. Kaya alam ko, I am the one.
"I knew her since we were young. She's a little brat then, but she's cute. We grew up together, and I think it's time to upgrade whatever we have. So Cleopatra Ibañez, will you please allow me to hold your hands forever?" Bumaba siya sa entablado at lumapit sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin pero mas nagulat pa ako ng lumuhod siya sa harap ko.
Primo is kneeling infront of me, holding a ring.
Halo-halo ang emosyong naratamdamam ko ngayon. Shock, exctied, happy and nervous.
Napatakip ako ng bibig ko upang pigilan ang pag-iyak ko. This is it. My dream.
Ang tagal kong hinintay ang oras na ito. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon.
Naluluhang tumango ako. Mabilis siyang tumayo at niyakap ako. He even lifted me up.
"She agreed!" sigaw niya. Biglang lumiwanag muli ang buong paligid. Hindi ko na mapigilang maiyak nang makita ko ang mga taong nasa paligid namin. My parents are here, kalapit nila si Ate at kuya Philip na buhat ang pamangkin ko. Ganoon din ang mga magulang ni Primo.
Primo put the ring on my finger. Napahikbi ako ng tuluyan na niyang maisuot sa akin ang singsing. Finally. Finally, it's official. Fiance ko na siyang talaga, hindi dahil lang sa sinabi ng mga magulang namin kundi dahil lumuhod na siya sa harapan ko upang hingin ang kamay ko.
My mom mouthed congratulations to me. Bahagya pa nitong pinahid ang luha.
Everyone congratulated us. Tanging ngiti lang lang naman ang naging tugon ko. Tila hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na nag-propose na sa akin si Primo.
After the proposal, naupo kami sa isang mahabang mesa sa may upper place ng lounge. Muling bumalik ang lahat sa pakikinig ng banda. Tila ba walang nangyari kanina.
Maraming pagkain ang nakahanda sa table. Sina ate naman ay hindi na nakipag-dinner sa amin dahil inaantok na si Violet at gabi na rin. She just gretted me, then umalis na sila.
"Finally magiging magbalae na talaga tayo," tuwang-tuwang saad ni tita Faye kay mama.
"Oo nga. Akala ko puputi muna lahat ng buhok ko bago sila ikasal."
Pareho silang mukhang masaya. Sino ba ang hindi? Bata pa lang pinagkasundo na nila kami ni Primo at ito na amg katuparan ng gusto nila.
Kahit ako hindi ko pa rin maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Akala ko isang trip message lang ang natanggap ko, pero proposal pala.
"So kailan ang kasal?" tanong ni mama . Lahat ay napatingin sa amin ni Primo, naghihintay ng sagot.
"Cleo will decide," tugon ni Primo. Sa akin naman bumaling ang tingin ng lahat.
"Next year?" alanganing saad ko na ikinaputi ng mata ng dalawang ginang sa harap namin.
"Next year? March pa lang. Why not within this year?" Nasa mukha ni mama ang pagtutol na makasala kami next year. Tila inip na inip na ito.
"Bettina is right. Kung ako mas tamang magpakasal na agad kayo. Nasa tamang edad naman na kayo," susog ni Tita Faye.
"Let them. Kung gusto nila next year, next year. Mabilis lang naman lumipas ang mga araw," singit ni papa na kanina pa tahimik.
"Ang amin lang naman bakit patatagalin pa nila?"
"Kaya nga. Ang tagal naming pinangarap ito. Akala ko ikakasal na sila agad. Apo na ang ineexpect ko next year," muli ay susog ni tita faye kay mama.
Magkasundong-magkasundo silang dalawa. Tila gustong-gusto na agad nilang dalawa na ikasal kami.
"Madami pa po kasi akong trabaho. And I know Primo is still busy. Wala pa kaming time para mag-plano. Huwag kayong mag-alala kapag maluwag na kaming pareho pag-uusapan namin agad ang kasal. 'Di ba, Primo?" Tumango naman ito sa akin.
"Yes. Don't worry, mom. I will marry her." Hindi ko alam pero tumigas ang anyo ni Primo pero bigla rin naman itong ngumiti ng tumingin sa akin.
Hindi na muling nangulit sina mama at tita Faye. Nagpatuloy na lang kami sa pagkain.
"Are you sure? Pwede naman kitang ihatid. Ipapadrive na lang natin ang kotse mo." Nasa parking lot kaming dalawa. Nauna nang umuwi ang mga magulang namin.
"H'wag na. Kaya ko naman magdrive. I am just happy, but I am not drunk."
"I just got officially engaged, but my fiancee doesn't want me to drive her home." Natawa ako sa sinabi niya.
"Stop sulking. You can drive me home next time. Sige mauna na ako." I kissed his cheeks. "Bye."
Wala na itong nagawa ng sumakay ako sa kotse ko. I waved before I started to drive.
Unti-unting naglaho ang ngiti ko habang nagmamaneho ako. Hindi ko alam. Dapat masaya ako ngayon dahil sa wakas natupad na rin ang matagal ko nang gusto pero bakit parang may kulang?
Ipinilig ko ang ulo ko. I should not think negatively. I am officially engaged. That's the most important. Sigurado na ako ngayon sa relasyon namin ni Primo.