Primo's Bride 8

1767 Words
“Hello, may I know who is this?” tanong ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Primo is a very private person. Hindi siya iyong tipo ng tao na hinahayaang may makahawak ng selpon niya. Kahit ako nga hindi ko pa nahahawakan ang selpon niya dahil ayaw niyang may ibang nakikialam nito. Kaya nakapagtataka na iba ang sumagot sa tawag ko ang Malala pa, babae ang sumagot nito. Is he cheating on me? May ibang babae ba siya? Sa isipang iyon ay parang sinaksak ang puso ko ng ilang libong beses. Hindi ko yata kakayanin kapag totoo ang mga baga na tumatakbo sa isip ko ngayon. “I am his-” hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil naputol na ang linya. Nagtatakang napatingin na lang ako sa selpon na hawak ko. Hindi ko alam pero may kabang namumuo sa dibdib ko. But I know Primo, hindi niya magagawa ang lokohin ako. Tama, I just need to trust him. Tiwala lang, iyon naman ang mahalaga. “Anong sabi?” puno ng kuyusidad na tanong ni Charlie habang matamang nakatingin sa akin. Nanlalambot na inilapag ko ang aking selpon. Umiling ako kay Charlie. “Walang sinabi?” “May sumagot babae pero-” “Babae?!” hysterical na ulit ni Charlie. Nanlalaki pa ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. Marahan akong tumango. “Babae,” pag-uulit ko. “She was about to say something pero naputol bigla ang tawag.” “Kabahanan kana,” komento ni Charlie na ikinakunot ng noo ko. “What if he is cheating on you? Alam mo ganyan na ganyan iyong mga lalaking nagloloko. Mas may gana silang magalit at magbintang sa partner nila para hindi sila mahuli.” Kumabog ng malakas ang dibdib ko pero hindi ko pinahalata sa kanya. Hindi ganoon si Primo. Hindi siya iyong tipo ng lalaki na manloloko ng babae. Galit lang siya kaya ganoon ang naging reaksyon niya kanina pero alam ko hindi niya ako magagawang lokohin. He is different. Ipinilig ko ang ulo dahil sa mga bagay na pumapasok sa utak ko. I don’t want to jump in any conclusion. Hindi naman porke’t babae ang sumagot ibig sabihin babae na niya ito. Tama, I need to be logical. Ayaw kung mas lalong lumala ang hindi naming pagkakaintindihan dahil pinaghihinalaan ko siya. “H’wag mong guluhin ang utak ko. Baka sekretarya n’ya lang ang sumagot. Sa kababasa mo ng romance book kung anu-ano na agad ang tumatakbo sa utak mo,” kontra ko. May tiwala ako kay Primo at alam kong hindi niya iyon sisirain. Sana talaga hindi niya iyon sirain dahil oras na masira ang tiwala ko hinding-hindi na niya iyon maibabalik pa. At iyon na rin ang magiging katapusan naming dalawa. “Nagsasabi lang naman ako ng mga posibilidad. Alam kong malamig pa sa yelo iyang fiancé mo pero sa panahon ngayon kahit nga antartica natutunaw na.” Inirapan ko siya bago ako tumayo. Ayaw ko munang mag-isip ng kung ano-ano. Ayaw kung nang madagdagan pa ang stress na meron ako ngayon. “Stress na ako kung paano ako magpapaliwanag sa kanya. H’wag mo nang dagdagan pa ang isipin ko,” saad ko at naupo sa sviwel chair ko. “Bahala ka. Pinapaalalahanan lang kita,” ani ni Charlie at tumayo na rin ito para lumabas ng opisina ko. Itinuon ko ang mata ko sa computer ko. Mas mabuti pang magtrabaho muna ako kaysa mag-isip ng kung anu-ano. Mas mabuti pang maging productive kesa ma-stress ako sa pag-iisip. Ayaw kong mag-isip ng mga bagay na maaring makasira sa aming dalawa. Hindi naman ako iyong tipo ng babae na tamang hinala palagi. Hangga’t hindi nakikita ng dalawang mata ko hindi ako naniniwala. Ayokong mawalan ng tiwala sa kanya. That’s why I am always give a benefit of the doubt. Matapos ang trabaho ay naghanda na ako upang makauwi. Hinilot ko muna ang mata kong ilang oras ding nakatitig sa computer bago tumayo. Hindi ako dumiretso ng uwi gaya ng lagi kong routine. I went to Primo’s condo. Hindi ako sanay na may-away o hindi pagkakaunawaan sa pagitan naming dalawa kaya pupuntahan ko siya para magkaliwanagan kami. I need to talk to him. We need to talk. Ayokong ipagpaliban pa ang lahat. Sabi ni Klirk hayaan ko munang lumamig ang ulo niya pero hindi ako mapapakali hanggat hindi kami nag-uusap at nagkakaayos. Dahil kung iiwasan ko rin siya baka mas lalo pang lumala ang lahat. I knocked on the door. Nakailang katok pa ako bago bumukas ang pinto. Pero hindi si Primo kundi ang temporary secretary niya na si Mayumi ang nagbukas ng pinto. Nagulat pa ito ng makita ako. Napakunot ang noo ko habang nagtatakang nakatingin sa kanya. “What are you doing here?” tanong ko sa sekretarya ni Primo. Ito ang nagbukas ng pinto para sa akin. Anong gagawin ng isang sekretarya sa bahay ng amo niya lalo na kung tapos na ang office hours. Senyales ba na tama ang mga sinasabi sa akin ni Charlie kanina? Ito ba ang sumagot ng tawag ko kanina? Hindi kaagad ito nakasagot sa tanong ko. Kaya nagsisimulana akong magduda. Tuluyan na akong pumasok habang naiwan naman ito sa may pintuan. “May inutos lang ako sa kanya. Paalis na rin siya. Ikaw anong ginagawa mo rito?” si Primo na ang sumagot sa tanong ko. Kalalabas lang nito galing shower. Tanging malaking towel lang ang suot nito upang takpan ang ibabang bahagi ng katawan. May mga butil pa ng tubig na tumutulo buhat sa buhok nito. “The last time I checked you never allowed anyone to enter your place. Kahit ang dating seretarya mo hindi mo siya inuutusan para pumarito,” saad ko at pinasadahan siya ng tingin. He take a bath habang nandito ang sekretarya niya? At ano naman ang importanteng bagay ang iuutos niya dito? Alam kong workaholic siya pero siya iyong tipo ng tao na hindi dinadala sa bahay ang trabaho. Minsan mas gusto pa niyang mag-overtime ng husto kesa i-uwi ang mga papeles na kailangan niyang i-review. “It is an urgent matter,” sagot nito at bumaling sa sekretarya niya na kanina pa tahimik. “You can go now.” Tumango lang naman ito bago nagmamadaling umalis. Sinundan ko pa ito ng tingin hanggang sa tuluyang maisara ang pinto. “Kung wala kang kailangan, makakaalis kana rin,” pagtataboy nito sa akin. Napapantastikuhang napatingin ako sa kanya. “Pinapaalis mo ako?” hindi makapaniwalang tanong ko. Hindi ito sumagot pero itinuro nito sa akin ang pinto. Tuluyan ng uminit ang ulo ko dahil sa reaksyon niya. “Sabihin mo nga sa akin ang totoo. Ano ba talaga ang ikinagagalit mo? Nagparito ako kasi kailangan nating mag-usap pero pinatatabuyan mo ako,” inis nang saad ko. Gusto ko siyang kausapin ng mahinahon pero sa inaakto niya ngayon hindi ko alam kung kakayanin ng pasensya kong maging kalamado lamang. Para itong bato. “Wala tayong dapat pag-usapan,” malamig na tugon nito at nagsimulang maglakad patungo sa kwarto nito. “Walang dapat pag-usapan? Then why you are acting like that?” Sinundan ko siya. Hindi ko siya tatantanan hangga’t hindi niya sinasagot nag mga tanong ko. Paano kami magkakaintindihan kung iniiwasan niya ako. Marami kaming dapat pag-usapan. We need to talk pero iniiwasan niya ako. Marami akong gustong linawin sa kanya. Alam kong galit siya dahil sa nanangyari sa kanya sa cafe pero walang mangyayari kung iiwasan niya lang ako. “Like what?” “Na para bang napakalaki ng kasalanan ko sayo,” hindi ko na mapigilang mapasigaw dahil sa sobrang inis ko sa kanya. “Nagagalit ka dahil nakita mo kaming magkasama ng kaibigan mo. Na nagpanggap akong girlfriend niya. Ikaw sagutin mo ako, sino ’yung babaeng sumagot sa telepono mo kanina. Bakit sa ganitong oras nandito pa rin ang sekretarya mo? Talaga bang may iniutos ka lang sa kanya?” Tuluyan ko nang naibulalas ang lahat ng bagay na tumatakbo sa utak ko. Kung galit siya pwes ako malapit na ring maasar ng tuluyan sa kanya. Masyado siyang pabebe, tangina niya. Sa aming dalawa ako ’yung nag-eeffort palagi tapos simpleng bagay lang magagalit siya at ayaw pakinggan ang mga paliwanag ko. Ilang beses niyang ni-reject ang tawag ko kanina tapos noong may sumagot na babae naman. Sinabi ko sa sarili ko na may tiwala ako sa kanya kaya hindi ko siya pinagdududahan pero ano ang silbi ng tiwalang binibigay ko sa kanga kung tila siya naman ang wlang tiwala sa akin. Hinarap ako nito. Madilim ang mukha niya pero hindi niya ako masisindak. “Yes, it was my secretary, she answered the phone because I was in the meeting. I also asked her to bring some documents because I need it tomorrow morning for the board meeting. You don’t have to doubt me. We are a real couple, we are just engaged because of our parents.” Tila na-estatwa ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya. Mapait akong napangiti sa kanya. All this time, ganoon lang pala ang tingin niya sa relasyon naming dalawa. Napakalaki ko namang tanga para umasang higit pa doon ang meron kami. “Then let us break the engagement. Tapusin na natin kung ano man ang meron tayo.” Kung ayaw niya sa akin. Hindi ko naman ipagsisiksikan ang sarili ko. “You want to break the engagement so you can freely date him?” Umiigting ang pangang tanong nito. Napapantastikuhang napatingin ako sa kanya. Did he really say that? Ganoon ba talaga ang iniisip niya? “No, but you are not happy with our engagememt, right? Kaya pinapalaya na kita.” Kung napipilitan lang naman pala siya. Hindi ko na siya pipilitin pa. Malaya na siya. “No.” “Yes, I don't want to stay in a relationship, engagement or whatever na wala namang patutunguhan. Na laging sa ating dalawa tila ako ako ang laging may kasalanan. Ayoko namang pilitin kang pakasalan ako kung hindi mo naman pala gusto.” Mas mabuting tapusin na namin ito. Ayoko namang magsisi pa kami sa huli. Masakit pero hindi ko naman siguro ikamamatay kong papalayin ko na siya. “Wala kang kasalanan,” tiim-bagang na sagot nito. "Mas lalong hindi ako napipilitan. Nakita mo ba akong umakto napipilitan lang?" “Kung ganoon ano pala? Why are you angry?!” napapantastikuhan kong tanong sa kanya. “I am jealous! I am fvcking jealous! Nagseselos ako tuwing nakikita ko kayong magkasama. Nagseselos ako nang makita kong hinalikan ka niya sa pisngi at niyakap kanina. Okay na?” Napatulala ako sa sinabi niya. Nalunok ko ang sarili kong laway habang nakatingin sa kanya. Seryoso ba siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD