Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Tila gustong kumawala ng puso ko sa dahil sa biglaan niyang pag-amin. Hindi ko inaasan ang mga bibitawan niyang salita pero nagdulot iyon sa puso ko ng sobrang tuwa. Kung hindi nga ako magmumukhang tanga gusto kung tumalon sa tuwa.
Exaggerated na kung exaggerated pero masaya ako. Kung kanina puro lang inis ang nararamdaman ko ngayon naman ay tila nagdiriwang na ako. Muntik ko nang tapusin ang engagement namin dahil akala ko napipilitan lang siya. Iyon pala nagseselos lang siya. Sana sinabi niya agad, hinayaan pa niya akong magalit at magsalita ng kung ano-ano.
Kulang na lang mapilas ang mga pisngi ko sa laki ng ngiti ko. Bigla namang namula ang buong mukha nito, maging ang tenga neto ay namumula rin. Mabilis siyang tumalikod sa akin upang itago ang mukha niya.
Hinawakan ko siya sa braso at pilit na pinapapaharap muli sa akin pero nagmamatigas siya. Kahit anong pilit ko ayaw niya talagang humarap kaya hinayaan ko na lang.
Masaya na ako. Kung kanina gusto ko na siyang tirisin ng buo sa sobrang inis ko. Ngayon nag-uumapaw naman sa saya at kilig ang puso ko.
“Pakiulit nga. I want to hear it again,” may malaking ngiti sa labi na saad ko.
He is shy and I find him cute. The proud and arrogant man, Primitivo Guillermo Gomez, admitted that he is jealous. Dapat pala ni-record ko para pwede kong pakinggan paulit-ulit ang sinabi niya.
“Stop it, Cleo. You are not deaf, you heard me,” muli ay pagsusungit nito at mabilis na nagtungo sa walk-in closet niya.
Ngayon ko lang napansin na towel pa rin lang ang suot niya. Hindi ko tuloy napagmasdan ng gusto ang mga pandesal niya dahil sa asar ko kanina. Sayang.
Napangiti lang ako sa naging reaksyon niya. He is jealous. Sa unang pagkakataon, umamin siyang nagseselos siya pero bakit naman kay Klirk pa? Sa dami ng lalaki sa mundo, bakit sa kaibigan pa niya ang pagseselosan niya.
I sat on his bed. Hinihintay ko na matapos siyang magbihis. Kung inaakala niya na nakatakas na siya sa akin nagkakamali siya. Kailangan pa rin naming mag-usap.
Hindi naman porke’t kinilig ako ay makakalimutan ko na ang inasal niya sa akin.
“Can we calmly talk now?” agad ay tanong ko nang makapagbihis na siya.
Tumango naman ito bilang sagot.
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nagsalita, “You don’t need to be jealous. Tinulungan ko lang talaga si Klirk na magpanggap na girlfriend niya dahil nakukulitan na siya doon sa babae. Inisip niya na kapag may ipinakilala siyang nobya ay baka lubayan na siya nito. Kaya sana h'wag ka na ring magalit sa kanya. Ayoko namang ako ang maging dahilan para magkaroon ng away sa pagitan ninyong dalawa,” paliwanag ko.
Iyon naman talaga ang totoo. Kung ano man ang nakita niya kanina ay parte lang ng pag-arte namin. Klirk kissed me, but it was just on the cheeks. Alam ko na may mali ako dahil may fiance na ako pero pumayag pa akong magpanggap na nobya ng iba but his reaction was too much. Tila ba may iba pa siyang ikinagagalit.
“Naniwala ka naman. He is pro playboy, sanay na sanay siyang magpaikot ng mga babae kaya sa tingin mo ba hindi niya talaga kayang lusutan ang sitwasyon niya kanina,” seryosong sagot ni Primo.
“Bakit ganyan ka magsalita sa best friend mo?”
Alam kong babaero ang kaibigan niya. But I never expect from him na mas malala pa roon ang tingin nito sa kaibigan niya mismo.
“Hindi lang ako masaya na pati ikaw dinadamay pa niya sa kalokohan niya,” giit nito.
Blangko ang expresyon nito nang tingnan ko. Hindi ko na naman mabasa kung ano ba ang tumatakbo sa isip niya.
“Okay, I promise ko na uulitin iyong kanina,” nasabi ko na lang. Upang hindi na humaba pa ang usapan.
“And you will stay away from him? ”
“Why do you want me to stay away from him? ”
Tiningnan ko siyang mabuti. Pilit kong inaarok kung ano ba ng tumatakbo sa isip niya. Bakit pinapalayo niya ako sa kaibigan niya? Dahil nagseselos siya? Napakababaw na dahilan naman yata niyon at alam kung hindi siya ganoon ka unreasonable. Kailangan ko ba talagang iwasan ang kaibigan niya dahil nagseselos siya? Wala ba siyang tiwala sa akin? Saka bakit sa dami ng pagseselosan niya si Klirk pa? Best friend niya iyon at kahit na baluktot ang utak noon, alam naman niyang hindi iyon gaya ng ibang lalaki na nang-aagaw. Isa pa hindi rin naman ako papaagaw. Hindi ako naghintay ng matagal na panahon para lang sayangin ko pa.
“Just do what I’ve said. Iiwasan mo siya kung ayaw mong magtalo na naman tayong dalawa. Ayaw mo naman mangyari iyon, ‘di ba?”
Napipilitang tumango na lang ako bilang pagsang-ayon sa kanya. Kakaayos lang namin at ayaw kung magtalo na naman kami kapag pinilit ko pa siyang magpaliwanag. Mabilis pa naman uminit ang ulo niya. Kahit labag sa kaloobanko siguro susundin ko na lang nag gusto niya para wala ng gulo.
Matapos naming mag-usap ay ipinagluto akong muli ni Primo at sa pagkakataong ito sabay na kaming kumaing dalawa. Hinatid din niya ako agad sa condo ko matapos naming kumain.
May mga hindi man kami pagkakaunawa nitong mga nakaraang araw at maging kanina pero pakiramdam ko unti-unti na kaming mas nagiging malapit sa isa’t isa ni Primo. Inamin niyang nagseselos siya at sapat na dahilan na iyon para malaman kung gusto rin niya ako. Hindi man niya deritsong inamin pero hindi naman siguro siya magseselos kung wala rin siyang nararamdaman para sa akin.
Hindi ko rin siya dapat paghinalaan pa. Siguro nga may importanteng inutos si Primo sa secretarya niya kaya nandoon ito sa condo niya kanina. Hindi ko naman na inungkat ulit ang bagay na iyon dahil ayaw kung isipin niya na wala akong tiwala sa kanya.
Nakangiting humiga ako sa kama. Napuno man ng stress ang maghapon ko, nag-uumapaw naman na sa saya ang puso ko ngayon.
Kinuha ko ang selpon ko. Magba-browse muna sa social media habang nagpapaantok.
Nakikita koang mga post ng mga dati kung kaklase noong high school at college. Merong mga kinasal na, iyong iba may mga anak na. Marami sa kanila ay pamilyado na base sa mga larawang ini-upload nila. Minsan hindiko maiwasang mainggit sa kanila. Pero hindi naman ako nagmamadaling makasal, magiging bride din ako soon. Primo’s Bride.
Nagpatuloy ako sa pag-scroll. And I saw Klirk’s post. He is at a party. Napapaligiran ito ng mga babae habang nakataas ang kamay at may hawak na alak. Napasimangot ako habang tinitingan ang iba pang larawan na may kasama siyang iba’t ibang babae.
“Napakababaero talaga. Kanina lang nakikiusap ka pa sa akin tapos ngayon nagawa mo pang magparty,” hindi ko mapigilang wika.
Tila nanggigil ako sa mga larawang nakikita ko lalo na sa malaking ngiti nito.
Nagkaroon pa kami ng pagtatalo ni Primo dahil sa kanya tapos siya pa party-party lang. Dapat pala hinayaan ko nalang siyang habol-habulin noong babae kanina para naman madala siya sa pambabae niya.
Inayos ko ang aking higa sa kama aat pinatay ang aking selpon. Matutulog na lang kaysa magbabad sa social media gayong puro si Klirk at ang mga babae lang naman nito ang nakikita ko.
I was peacefully sleeping when I heard a knock. Hindi ko na sana ito papansinin pero tila wala itong balak na tumigil sa kakakatok. Napipilitang akong bumangon upang tingnan kong sino ang istorbo sa pagtulog ko.
Hindi ko pa nga lubusang naimumulat ang mata ko habang naglalakad ako patungo sa pinto.
“Let's get married,” iyan agad ang bungad sa akin pagkabukas ko ng pinto.
Napasimangot ako. The way he said it was more like a command than a proposal. Wala ba itong romantic side? Sana man lang lumuhod ito kahit papaano. Isa pa wala man lang itong dalang singsing.
Hindi ganitong proposal ang inaasahan ko. Walang ka-feelings feelings. Ang gusto ko iyong maluluha ako sa tuwa. Ginulat nga niya ko pero dahil bagong gising lang ako. Wala pa nga akong sipilyo man lang.
“Magpakasal na tayo," he said again, and he was about to hold my hands when someone grabbed me.
“She can't marry you. I won’t allow it,” the another guy said.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Bagong gising pa ako, wala pa nga akong hilamos tapos bigla na lang akong yayaing magpakasal tapos may darating para tumutol. Pinag-aagawan ako ng dalawang adonis sa harapan ko.
“And who are you? ” galit na tanong ng unang lalaking bumungad sa akin.
“The guy he loves,” sagot naman ng isa. Ngumiti ito sa akin ng matamis.
Hindi ko mapigilang matulala sa ngiti niya. Tila biglang bumagal ang oras habang nakatingin ako sa kanya. Naramdaman ko rin ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko. Aatakihin yata ako sa puso.
Unti-unting lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Hindi ko alam kung iiwas ba ako o hahayaan na lang siya. Kaya ipinikit ko na lang ng mariin ang mga mata ko at itinilos ang mga nguso para hintayin ang halik niya.
Bigla akong napamulat nang marinig ko ang malakas na tunog ng alarm clock ko. Iginala ko ang mga mata ko, nasa loob na ako ng kwarto ko. Bahagya ako napasimangot, panaginip lang pala.
Malapit na, eh. Ramdam ko malapit na niya akong halikan pero bigla akong nagising dahil sa tunog ng alarm clock ko.
Marahan kong tinampal ang sarili ko. Bakit ba ako nanghihinayang? Panaginip lang iyon, hindi totoo. Hindi ko nga nakita ang mga mukha ng mga lalaki sa panaginip ko. Isa pa may fiance ako, pakiramdam ko tuloy nagtataksil ako.
Mabilis akong bumangon at nagtungo sa banyo. Kailangan kong maligo upang mahimasmasan ako at bumalik sa matino ang takbo ng utak ko.