Naramdaman ko na may tumatapik sa balikat ko, kaya marahan kong minulat ang mga mata ko. Ang gwapong mukha ni Klirk ang nabungaran ko.
Pero wala ang malokong ngiti nito ngayon. Tila seryosong-seryoso ito.
"We're already here in your apartment," he said.
Tuluyan ko ng iminulat ang mata ko. Nasa parking lot na kami.
"Thank you."
Tinanggal ko ang seatbelt ko at bumaba. Inaantok na talaga ako, at medyo nahihilo pa rin. Muntik pa nga akong matumba ng ihakbang ko ang aking mga paa buti na lang at naipahawak ako sa unahan ng kotse ko.
I tried to walk again, pero nagulat ako ng bigla akong lumutang sa ere. Klirk carries me. Nanlalaki ang matang napatingin ako sa kanya.
"I-ibaba mo ako. K-kaya kong maglakad." Nagpupumiglas ako, pero lalo niyang hinigpitan ang hawak sa akin.
"H'wag kanang makulit. Muntik ka nang matumba. Next time, h'wag kang iinom ng marami kung hindi mo naman kaya." Seryoso ang mukha nito habang nagsasalita. Parang bata akong pinapagalitan nito. "Pindutin mo." Tukoy nito sa button ng elevator para makapasok kami. Walang imik na pinindot ko naman ito. Ganoon din ang ginawa ko ng makapasok na kami.
"H-hindi ko naman ako kailangan buhatin. I-ibaba mo na ako."
Pakiramdam ko namumula ang mukha ko ngayon, hindi dahil sa alak na nainom ko kundi sa kahihiyan.
Kaya ko pa namang lumakad mag-isa. Medyo nahihilo lang ako, pero hindi pa talaga ako lasing. Hindi na niya ako kailangang buhatin. Paano kung may makakita sa amin? Baka ano pa ang isipin nila.
Hindi siya umimik habang buhat-buhat ako haggang sa makarating kami sa pintuan ng apartment ko. Saka lang niya ako binaba. Nanghihinang napasandal ako sa pader bago sinimulang hanapin ang susi sa bag ko. Kulang na lang ay baliktarin ko ang bag ko, pero hindi ko makapa ang susi sa loob nito.
Inagaw ni Klirk ang bag na hawak ko at siya na mismo ang naghanap ng susi at nagbukas ng pinto.
"Thank you."
Tumango lang ito bago nagsimulang tumalikod nang walang paalam. Napasimangot pa ako sa inasal nito. Nangangapang naglakad papuntang kwarto ko. Hindi ko na binuksan ang ilaw, kaya muntik na akong bumangga.
Hinuhubad ko na rin ang sapatos na suot habang pasiring-siring na naglalakad.
Hindi na ako nakapagpalit. Basta ko na lang ibinagsak ang katawan ko sa kama at ipinikit ang aking mga mata.
Walang katapusang doorbell ang gumising sa akin. Nasapo ko ang noo ko. Maliwanang na nang imulat ko ang mata. Sixty-twenty na ng umaga ayon sa wall clock ko.
Muling tumunog ang doorbell, kaya napipilitang bumangon ako. Sino naman kaya ito? Ang aga-aga pa eh. Pero nambubulabog na agad. Wala akong inaasahang bisita ngayon.
"Ang tagal mo," iyan agad ang bungad sa akin nang buksan ko ang pintuan.
Mabilis itong pumasok at naupo sa sofa. Inikot pa niya ang tingin sa buong paligid. Nagsalubong ang mga kilay nito, habang pinapasadahan ng tingin ang bawat sulok ng apartment ko.
"Ang boring talaga ng bahay mo parang ikaw. Kaya siguro niloloko ka ng fancee mo."
Ako naman ang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Nagtatakang nakatingin ako sa kanya, habang nauupo sa tapat niya.
Masakit pa ang ulo ko dahil sa hangover, pero mas sumakit yata ito dahil sa sinabi ni Ate Claire. Ang aga-aga kung anu-ano ang sinasabi nito. Wala aking maintindihan. Saan naman niya nakuha ang ideyang niloloko ako ni Primo?
"I attended a party last night. Nandoon si Primo, pero may kasama siyang babae." Biglang kumabog ang dibdib ko dahil sa narinig.
"B-babae?"
"Yeah. She's petite but beautiful. Siguro nasa early twenties pa lang iyon." Muli akong nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi niya.
Kilala ko na kung sino ang tinutukoy niya. Si Mayumi, ang sekretarya ni Primo. Hindi niya iyon babae.
"It's her secretary. Maybe they were there for business." Like what I've always do. I don't want to jump to a conclusion.
Hindi naman porke't magkasama ay may relasyon na. Sa panahon ngayon dapat iwasan na ang palaging duda dahil nakakasira iyon ng relasyon. Ata ayaw kong masira kung ano man ang meron sa amin ni Primo dahil lang sa nagduda ako at walang tiwala sa kanya.
"It's Congressman Alvarado's birthday. Bakit magdadala siya ng ibang babae? Kahit pa sekretarya niya iyon." Naka-ismid na ito. Tila hindi ito natutuwa na parang balewala lang sa akin ang nalaman ko.
"I knew him. Hindi siya gaya ng iniisip mo." Alam ko namang ayaw nito kay Primo, pero hindi naman nito pwedeng husgahan agad iyong tao.
"Alam mo man lang ba na dadalo siya sa birthday party? Primo is still a man. I don't believe he celibate in his whole life. You've been like his fiancee for almost twenty years, and you can't think na faithful siya the whole time."
Naiiling ako sa sinabi niya. Alam ko naman na may tyansa na sinasabi niya, pero matalino si Primo. Hindi siya magloloko lalo na kung may makakakita sa kanya. If I find out that he is really cheating behind my back, it's over.
"Ate ano bang pinupunto mo?"
"He is cheating on you. Hindi pa ba halata?"
Pagak akong natawa sa sinabi niya. Nakita lang nitong may kasamang ibang babae si Primo niloloko na agad ako?Tanggap ko naman na tumikim na ito ng ibang babae sa likod ko dahil may pangangailangan din naman ito na hindi ko pa naiibibigay hangga't hindi kami kasal pero alam kong maingat siya. At lalong hindi siya papatol sa sekretarya niya.
Oo hindi ko alam ang tungkol sa pagtitipon na dinaluhan niya, pero hindi sapat na dahilan para sabihin niloloko na agad ako ni Primo. Hindi naman gag*o ang fiance ko para gawin iyon. Dahil kung may ibang babae man ito, hindi nito iyon ipakikilala sa iba ng lantaran dahil alam niyang malalaman ko iyon panigurado.
We are still engaged at Alam kong nirerespeto niya ang kung ano mang meron kami. Isa pa kahit hindi niya aminin. I know he likes me too, dahil kung hindi, hindi siya magseselos kay Klirk at paiiwasin ako sa kaibigan niya. Na hindi ko naman nagawa.
"He is not cheating on me. Imposible ang sinasabi mo. Kung wala ka nang sasabihin makakaalis kana," pagtataboy ko dito. She's still my older sister, kahit na masasakit ang sinasabi niya ngayon. Ayokong magtalo kaming dalawa.
"Concern lang ako sayo. You are my little sister, hindi ako papayag na lolokohin ka lang. Engage kayong dalawa but it's still unofficial, maari pa siyang maagaw ng iba. Kaya kung hindi ayaw mo siyang maagaw ng iba, bantayan mong mabuti. "
"Salamat sa concern mo. Pero kaya ko na ang sarili ko."
Yes totoo naman ang sinabi nito. Engage lang kami ni Primo dahil sa usapan ng Pamilya pero kahit kailan hindi pa ito nagpo-propose sa akin. It's unofficial, but we already have an understanding. Hindi ko rin siya kailangan bantayan. Ayoko namang masakal siya sa akin.
Alam kong nag-aalala lang siya sa akin. Pero masyado na niyang pinanghihimasukan ang relasyon namin ni Primo. Basta na lang niya pinagdududahan iyong tao gayong wala naman siyang solid evidence.
"Bahala ka. Basta binalaan na kita. Watch him or else you won't be Primo's bride at the end," huling saad nito bago umalis.
Nanghihinang napasandal ako sa sofa. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang ideya ni Ate na niloloko ako ni Primo. Dahil kung totoo man iyon bakit niya isasama si Mayumi sa party na alam niyang maaring makita siya ni Ate.
Maybe she just misunderstood everything. At concern lang siya sa akin kaya ganoon ang reaction niya. Hindi naman kailangan ipaalam sa akin ni Primo ang lahat ng ginagawa niya lalo na kung wala siyang ginagawang masama.
And I'll make sure na ako lang ang pakakasalan ni Primo. I'll be his bride. His wife. No one else.
Tumayo ako at nagligo para mawala ang sakit ng ulo ko. Pupuntahan ko na lang si Primo upang dalhan ng almusal. Ilang araw na rin kaming hindi nagkikita dahil nga abala akong husto sa pagpaplano ng kasal ni Ms. Martinez na hindi naman na natuloy.