He smiled with us. Bahagya pa nitong itinaas ang basong hawak sa amin.
I forcely smiled back at him.
Nanlulumong napaupong muli si Charlie sa stool. Nawala ang excitement sa mukha nito. Samantalang ako parang gusto ko na lang lamunin ng lupa ngayon.
"He is a perfect ten pero hindi siya para sa akin. Akala ko magkaka-love life na ako," pagmamaktol nito. "Ang galing mong umi-spot. Kaso baka hindi langit abutin ko kundi ospital kapag siya ang nilandi ko."
Natatawa ako sa reaksyon niya. Mukha kasi itong negosyanteng nalugi sa malaking investment scam. Hindi ko naman alam na si Klirk pala iyon. I never regretted the points I gave to him, but I didn't expect that it was him. Nakatalikod kasi ito kanina at medyo madilim sa pwesto nito kaya hindi ko agad nakilala. Iba na rin kasi ang hairstyle nito ngayon. Noong nakaraan kasi medyo mahaba na ang buhok niya pero ngayon neat na ulit tingnan.
"I am sorry. Malay ko bang si Klirk pala iyon."
Pinuri ko pa ng todo tapos pagharap niya parang gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko. Perfect ten naman talaga ang hitsura nito sa ugali lang ito bumabagsak. Isa pa hindi ako sanay na pinupuri ang isang iyon. Siya lang talaga ang kilala kung abogado na mas madalas mukhang barumbado kesa respetado. Kaya sanay akong laitin siya kaysa ang purihin.
Muli nitong itinirik ang mata. "Grr! Ang gwapo talaga ang attorney mo," anito habang nakatutok ang tingin kay Klirk na ngayon ay bumababa na sa hagdan. Walang duda gwapo naman talaga ito pero immune na ako. Hindi na ako tinatablan ng charisma niya.
"He is not my attorney, stop saying that," saway ko dito.
Nakakahiya kung may makakarinig dito baka isipin nila may something sa amin ni Klirk at inaangkin ko ito. Tama nang minsan ay pinagselosan ito ni Primo. Pero kapag ako ang pinagselosan ng mga babae ni Klirk sa dami nila baka hindi ko kayanin. Baka makuyog ako ng wala sa oras.
"Hi, ladies," nakangiting bati ni Klirk nang makalapit siya sa amin. He sat beside me.
"Hello, handsome. Thanks for calling me lady." May malalanding ngiti si Charlie sa kanyang mga labi habang nagsasalita. Nagpapa-cute siya ng todo kaso walang epekto.
"I am just kidding," natatawang saad ni Klirk na ikinatawa ko rin dahil biglang nawala ang matamis na ngiti ni Charlie.
Padabog na tumayo ito.
"Ewan ko sa inyo. Take care of my bestfriend. Hahanap lang ako ng ten points guy na wala pang nagmamay-ari," anito at binigyan ako ng tingin.
Wala na akong nagawa ng umalis ito at nakipagsiksikan sa nga nagsasayaw. Talagang iniwan niya ako kasama ang lalaking todo ang ngiti ngayon sa tabi ko. Nakahithit ba 'to?
"Does Primo know that you are here?" biglang tanong nito dahilan para humarap ako sa kanya.
Pinagtaasan kp siya ng kilay bago mataray na nagsalita, "Kailangan ba lahat ipaalam ko sa kanya?"
"Nope, but if I have a pretty girl like you hindi ko hahayaang lumabas ng hindi ako kasama."
Gusto kong umismid sa sinabi niya pero nanatiling blangko ang tingin ko sa kanya.
"He trust me. Hindi mo naman siya gaya na walang tiwala sa mga babae. Siguro natatakot kang makarma."
"I know how to trust a girl but I don't trust other men around her. I am very territorial," anito, bahagya pa itong lumapit sa akin upang ibulong ang huling sinabi.
Mabilis akong napainom. Hindi ko alam pero kinabahan ako sa sinabi niya kahit alam kong hindi naman para sa akin ang mga salitang iyon. Sa akin kasi siya nakatingin habang nagsasalita kaya medyo nailang ako.
Wala akong pakialam kung territorial man siya or whatever pero hindi niya na kailangan sabihin sa akin ang bagay na iyon.
Hindi na ako muling nagsalita pa. Tahimik na uminom na lang ako. Mas itinuon ko ang pansin ko sa alak kesa sa lalaking nasa gabi ko. Hindi naman ito umalis sa tabi ko. Daig pa nito ang bodyguard ko kung makabantay sa akin.
Makalipas ang ilang minuto. Hindi pa rin talaga ito lumalayo. Tahimik na umiinom rin lang ito. Pakiramdam ko nga may iniisip ito habang seryosong nakatingin sa alak. Pasimple ko kasi itong pinapanood. Gwapo siya kapag nakangiti pero mas gumagwapo siya kapag seryosong tingnan.
Pasimple kong sinampal ang aking sarili. Bakit ba kung ano-ano na lang ang iniisip ko? Kailan pa ako natutong i-appreciate ang kagandahang lalaki nito?
Umupo ako ng tuwid.
"Why are you still here? Wala ka bang babae ngayong gabi?" pagbabasag ko sa katahimikan naming dalawa.
Kung nandito siya para bantayan ako dahil fiancee ako ng bestfriend niya. Hindi na kailangan, kaya ko ang sarili ko at baka bumalik na rin naman si Charlie. Kaya makakaalis na siya. Ayoko namang ako pa ang maging dahilan para ma-spoil ang gabi niya.
"Bakit ako hahanap ng ibang babae kung may maganda ng nasa tabi ko?"
Umirap ako sa sinabi niya. Pinagkrus ko ang mga kamay ko sa tapat ng dibdib ko bago sumandal sa kinauupuan ko. H'wag ako ang bolahin niya dahil hindi tatalab sa akin ang mga banat niyang halatang gasgas na. Alam kung maganda ako pero hindi niya kailangang manatili sa tabi ko. Baka hinahanap na siya ng mga babae niya.
"H'wag mo akong bolahin. Saka huwag ako ang banatan mo kung ayaw mong ikaw ang banatan ko. Just go, I can handle myself," pagtataboy ko rito pero hindi ito natinag sa pagkaka-upo.
Ipinatong pa nito ang kaliwang braso sa sandalan at prenteng naupo. Mukha tuloy itong naka-akbay sa akin.
Tumayo ako.
"Where are you going?" agad ay tanong nito.
"Washroom lang," sagot ko at iniwan ito.
Daig pa nito ang boyfriend ko sa sobrang protective. Kaya minsan naiilang din ako sa kanya.
I just retouch my makeup at bumalik na rin. Pero hindi na ako bumalik sa kinauupuan ko kanina dahil may ibang babae nang nakaupo doon at nakalingkis kay Klirk. Ilang sandali lang akong nawala pero may kasama na siya. Hindi naman iyon nakapagtataka dahil kanina ko pa napapansin ang malalagkit na tingin ng mga babae sa paligid sa kanya. Halatang pinaalis lang ako para makalapit sila.
Bumalik ako sa stool kung saan kami ni Charlie nakaupo kanina. Maging ito ay hindi ko na rin makita.
So I drink alone.
"Wanna drink with me?" alok ng lalaking lumapit sa akin pero mabilis akong umiling.
Mukhang lasing na ito. Binalak pa akong akbayan pero tinabig ko ang kamay niya.
"No thanks. I can buy my own." I even raised my glass.
His brow furrows, and the side of his mouth crooks with rage. He smirked angrily as he walked away from me.
Tsk. I am here to drink and unwind not to flirt.
Muli kong inilibot ang aking mata sa buong paligid pero maging si Klirk ay wala na sa kinauupuan nito kanina. Si Charlie naman ay tuluyan ng nawala, siguro nakahanap na ito ng makakasama ngayong gabi kaya nakalimutan na ako. Mabuti pa siya.
Tahimik lang akong uminom. Walang pakialam sa paligid ko kahit na kulang na lang may magtalik na sa katabi ko.
Nang pakiramdam ko ay umiikot na ang paningin ko ay tumayo na ako. Hindi ako pwedeng magpakalasing, magda-drive pa ako pauwi.
I pay for my bills bago tuluyang lumabas ng bar. I'll just text Charlie na nauna na akong unuwi. May pasok pa rin kami bukas kaya hindi kaya kailangan ko nang umuwi.
Ipinilig ko ang ulo ko bago pinidot ang key alarm. Tila biglang umiikot nang todo ang paningin ko.
Hindi pa naman ako masyadong lasing kanina. Pero ngayon tila nanlalambot na ang mga binti ko at gusto nang pumikit ng mga mata ko. I was about to open my car when someone stop me. He put his hand on the window so that I can't open the door.
"I'll drive you home."
I look at him. Seryosong nakatingin ito sa akin. I shake my head.
"No thanks. I can manage. Baka nakakaabala pa ako sayo, nakakahiya naman sa babaeng kasama mo."
I tried to open the door again but instead he leaned against it.
"Wala akong kasamang babae. Kung iyong nakita mo kanina ang tinutukoy mo. I don't know her."
Napasimangot ako sa sagot niya. Hindi pala niya kilala. Bakit kung makalingkis sa kanya daig pa ang sawa? Tapos hinayaan lang niya. Napakababaero n'ya talaga.
"Okay. Sabi mo, eh. Umalis kana, uuwi na ako."
Pero tila wala siyang narinig. Pinagkrus pa niya ang mga braso niya sa tapat ng dibdib niya habang nakasandal sa kotse ko.
"No, you can't drive. It's either I'll drive you home or you will call Primo to fetch you. Choose."
Naasar na kinuha ko ang selpon sa bag ko. Mas prefer ko pang sunduin ako ni Primo kesa sa siya ang maghatid sa akin. Ayoko namang makaabala sa kanya. Hindi niya ako responsibilidad. I have my own fiance to fetch me.
I dialed Primo's number. Naka-ilang ring na pero walang sumasagot. Baka naman tulog na ito. Almost twelve na rin kasi. Nakakahiya naman kung maiistorbo ko ang tulog niya.
Biglang inagaw ni Klirk ang hawak kong susi. Kaya napatingin ako sa kanya.
"You can't reach him so I'll drive you home."
Nauna na itong sumakay sa driver seat. Naiinis na nagtungo ako sa passenger seat.
"Hindi pa naman ako lasing. Kaya ko pang mag-drive," saad ko.
Pero hindi niya ako pinansin. Ini-start niya ang kotse at wala na akong nagawa kundi magseat belt at sumandal na lang.
I look at him pero tutok ang tingin nito sa daan. Umirap ako bago ipikit ang aking mata.