Cassie was busy washing the dishes when Will called her from the small living room.
“Mangku, can you get me a beer from the fridge?” utos nito sa kanya. Nilingon niya ito. Prente itong nakaupo sa single seater na bamboo set, abala sa panonood ng TV.
Agad siyang nanggigil. “Can’t you see I’m busy? I’m still washing the dishes from dinner. Why don’t you get your booze yourself?”
Mabilis din itong lumingon. “Hey, I cooked dinner because you can’t. I’m tired.”
Rumolyo na ang mga mata niya. “And I am doing the dishes because you said you won’t.”
“Because that’s part of your training.” Ngumisi na ito. “Maliban na lang kung gusto mo talagang makasama sina Boyet, you’re free to go, princess.” She bit her lip. Maisip pa lang niya ang grupo nina Boyet, it’s giving her creeps! “I guess your silence means no. So, be nice, okay? Now get me a bottle of beer, mangku. Please.”
Nakasimangot siyang humakbang patungo sa ref at kumuha ng isang bote ng beer doon bago inabot sa abusadong kapre.
“Galit ka?” anito nang abutin ang beer sa kamay niya. Mabilis siyang umiling, nakasimangot pa rin. “Mukhang galit ka e. Isang ngiti nga muna d’yan, Mangku.”
Nanirik na ang mata niya. “Anong akala mo sa ‘kin, uto-uto?”
“Ito naman, para pinapangiti lang.”
She scoffed. “Why would I smile kung wala namang nakakatuwa? I’m not crazy!” Hindi na ito muling nagsalita. Kaswal itong uminom ng beer habang nakatingin sa kanya. Nailang siya. “W-why?”
Magaan itong ngumiti bago, “Nothing.” Ibinalik na rin nito ang tingin sa TV.
Walang imik siyang bumalik sa lababo at tinapos ang ginagawa. Nang mailigpit niya ang kusina, napasulyap siya kay Will sa sala. Napailing siya pagkatapos. She initially planned on hitting the sack early kaya lang masyadong maingay si Will sa panonood ng basketball. She knew sleeping would be impossible. Kaya naman, mabilis niyang binuksan ang ref at kumuha din doon ng beer. Humakbang siya sa sala pagkatapos at umupo sa single seater na upuan, sa tabi ni Will.
“Hey, why are you drinking?” reklamo agad ng kapre.
“I’m tired too. I want to relax just like you,” mabilis niyang sagot bago tumungga ng alak. Sumagot ito, pabulong. Kaya hindi niya naintindihan. Bumaling siya rito. “Excuse me, what?”
“Wala. Manood na lang tayo.” Muli itong tumungga sa bote ng beer, nakatutok na ulit ang mga mata sa TV.
Gano’n din ang ginawa niya. Kaya lang nakakailang minuto pa lang siyang nanonood sa maliit na TV, naduduling na siya.
“Why can’t you get a bigger TV?” tanong niya rito, tunog reklamo.
“Walang budget.”
“Anong walang budget? Oh c’mon, Will! You’ve got a resthouse in Palawan. Buying at least a 48-inch flatscreen TV would be just… nothing to you.”
He chuckled. “Correction, my father owns that resthouse in Palawan. Whatever is his is not mine. At saka bakit ako bibili ng malaking TV e bihira lang naman ako.”
Kumurap siya. “Kung bihira ka dito bakit dito mo ‘ko dinala?”
“Kasi mahirap ang buhay dito.” Tumungga ito ng alak.
“Umamin ka rin. You like to see me suffer.”
He smiled dryly. “You’re missing the point, princess. We learn great things from our sufferings.”
Natahimik siya. A part of her heart wanted to protest. Because she knew she doesn’t need to learn things and yet… she’s been suffering for so long. And she finds it so unfair!
Hindi na siya sumagot. Inisang lagok na lang niya ang natitira pang laman ng bote ng beer niya. Inilapag niya sa maliit na center table ang walang laman na bote.
“One more?” baling niya kay Will. Mabilis itong tumango. Agad naman siyang tumayo at kumuha ng dalawang bote ng beer, tig-isa sila. Pagbalik niya sa upuan, nag-iingay ulit si Will. Mukhang natatalo ang team nito. “You know, I never understood basketball terminologies. It bores me,” pahayag niya maya-maya.
Natatawang bumaling sa kanya si Will. “You know I never understood girls and their make-ups. It freaks me,” kantyaw nito.
Tumungga na lang siya ng alak at hindi na nagsalita. Baka kung saan pa umabot ang usapan, magtalo na naman sila. Nakaka-relax pa naman na ganito lang sila, nag-uusap nang maayos. She reveled on the moment.
Two years ago, it would take a miracle for her to get close to him. And yet here they are, living under one roof closer like they never had been.
“What it is that you don’t like about me, Will?” wala sa sarili niyang tanong maya-maya.
Bumaling ito sa kanya. “Hm?”
Napatuwid siya ng upo, napakurap. Agad siyang natauhan. “B-beer?” alok niya rito, alanganin.
Sumulyap ito sa beer bottles na nasa center table. Ubos na nito ang beer nito. Ang sa kanya naman, malapit na ring maubos.
Pagbaling nito sa kanya, “Yes, please. Pero last na ‘yang iyo ha? We both know you do crazy stuff when you’re drunk.”
Natawa siya bago tumayo sa upuan at muling kumuha ng beer sa ref. They kept talking about trivial things while drinking in between. Nang makalahati niya ang pangatlong bote niya ng beer, she felt her cheeks warming up and her lids getting heavier. She tried to stay awake. Kaya lang, talagang malakas na ang hatak ng tulog. Papahina na rin ang naririnig niyang boses ni Will. And when she finally closed her eyes, she welcomed sleep with open arms.
-----
Pagbagsak ng ulo ni Cassie sa balikat niya ang nagpabaling kay Will sa puwesto nito.
Her cheeks were flushed. Her naturally brown hair covering most of her face. Her breathing, even.
Inabot niya ito at marahang hinawi ang buhok nitong nakaharang sa mukha nito. She didn’t move. She just stayed there on his shoulders sleeping… like an angel.
But he knew Cassie is far from being an angel. She’s the untamed princess who can get whatever she wants and however she wants it. She flirts and parties hard. She’s a brat, in all sense of the word.
And yet… why does she look so perfect sleeping beside him? Like she’s meant to be there. That beautiful… that close.
Ngumiti siya bago ito marahang yinugyog. Umungol lang ito at lalong isiniksik ang ulo sa balikat niya.
“Let’s get you to bed, princess,” aniya bago ito marahang binuhat papasok sa kuwarto. Nang maibaba niya ito sa kama. Umungol ulit ito bago yumakap sa kanya. Sumubsob siya sa tabi mismo ng leeg nito. Dumagan naman ang katawan niya rito.
She smelled of bubblegum and flowers. And his body became fully aware of the softness of her mounds and her luscious curves.
“Dammit!” he hissed, panicking.
Then the picture of her naked body she once had offered him burned in her memory.
Double fck. Delikado siya doon. Walang ginagawa si Cassie, mahimbing nga itong tulog pero bakit parang dito nakasasalalay ang katinuan at kaligtasan niya nang mga oras na ‘yon. At kung hindi siya kikilos agad, alanganin na siyang talaga.
Mabilis niyang kinalas ang kamay ni Cassie sa leeg niya. Umungol ulit ito bago tumagilid. Her shorts hitched up revealing more of her soft and creamy thighs and perfectly round bottom.
“Damn this torture,” he hissed before reaching for the blanket. Mabilis niyang kinumutan ang prinsesa. In-on ang electric fan bago nagmamadaling lumabas ng silid.
Inis niyang inihilamos ang kamay sa mukha niya nang makarating siya sa sala. Ayaw kasing humupa ng nararamdaman niya na hindi sana dapat.
He picked up his keys, locked the house and went out for a while.