Chapter 18: Date 3

1512 Words
Cassie was staring at her plate like it was the most unusual thing she had ever seen. When she said yes to the lunch date he proposed, her imagination had gone haywire again only to be disappointed when they entered a small eatery near the compound. "Alam ko na ayaw mong tumira kasama ako, gano’n din naman ako. Pero ano pang magagawa natin? At gaya ng sinabi ko kahapon, nandito na tayo. Tutal tatlong buwan lang naman and we are on our 2nd day. That would leave us with 87 days more of you living with me." Huminto ito sa pagsasalita bago bumulong-bulong. She’s not sure if he was cussing or what, basta nakinig siya nang muli itong magpatuloy. "Mayroon kang limang M na kailangang matutunang gawin para makuha mo ulit ang kuwintas mo," anito habang hinihintay nila ang pagdating ng pagkain nila. Magkatapat silang nakaupo sa mesa na pang-dalawahan. "Mag-hugas. Mag-linis. Mag-luto. Mag-laba. Mag-igib," anito, binibilang sa kamay ang mga gagawin niya.  "'Yan ang mga task mo na kailangan mong gawin bago ko isauli ang kwintas mo. Tapos ka na namang mag-hugas at mag-linis, madali na lang yang tatlo. Kayang-kaya mo naman na siguro--" "Kaya ko!" mabilis niyang putol dito. If he’s challenging her, then the game is damn on! Tumitig muna ito bago ngumisi. Marahan pang kinurot ang pisngi niya."Ang cute-cute mo talaga, Mangku.” Mabilis niyang tinampal ang kamay nito na nakahawak sa pisngi niya. "Hands off, Kapre!" Not a while longer, dumating na ang serbidora, karga ang isang tray na naglalaman ng mga in-order nilang pagkain. "Akala ko ba gusto mo ng adobo? Sabi mo kanina 'yan ang order mo?" tanong nito sa kanya habang abala na ito sa pagkain. Nagpalinga-linga siya. Maganang kumakain ang lahat ng mga kasama nilang customer sa loob ng kainan. Karamihan mga lalaki na may towelette na nakasampay sa kani-kanilang balikat. They were also noisy shouting extra rice or extra sabaw to the plump woman near the counter. She sighed and looked at the food in front of her. "I-Is the food here c-clean?" alanganing tanong niya. Agad na nag-angat ng tingin sa kanya si Will, unti-unting binaba sa plato ang mga tinidor at kutsara. He looked… pissed. "I've been eating here eversince I can remember. This place serves clean and good food. Kung ayaw mong maniwala, hanapin mo kay Aling Rebi ‘yong health at sanitation permit nila mula sa city hall. Kaya ba ayaw mong kumain kasi nandidiri ka?" There was a threat of danger in his voice. "N-no! I was just a-asking..." her voice trailed off as she tried to explain herself. Inirapan niya ito. Hindi niya napigilan. "At para saan na naman ‘yang pag-irap mo sa akin, mangku?"  "I was just thinking kung naga-andropause ka na?" diretsang sabi niya. Agad na nasamid ang kapre. Pinamulahan ito ng mukha at mabilis na inisang lagok ang pitsel ng tubig na nasa mesa nila. Matapos maubos ang laman ng pitsel, hinihingal itong napasandal sa upuan. She bit her lower lip to prevent herself from laughing. "What made you say that I'm in... Damn!"  Inilapit ang mukha nito sa kanya. "My libido and genitals are working just fine, thank you. Kung gusto mo bibigyan kita ng free demo.” Ngumisi ito, pinabukol ba ang dila sa loob ng pisngi. She rolled her eyes and slowly shook her head. "You’re hopeless. You're such a perv! Ang sungit-sungit mo pa.”  "Bakit ako lang ba? Masungit ka rin naman a!" "Because you keep on provoking me!" Ngumiti ito. "Nah! You're just a cry baby."  She heaved an exasperated sigh. Itinulak niya patungo sa direksyon nito ang pagkain niya saka humalukipkip. "I'm not eating," deklara niya. "You are eating. Hindi tayo aalis dito hanggat di ka kumakain." Hindi siya umimik bagkus ay ibininaling sa iba ang tingin. She heard him huff. "Tumingin ka sa likod mo," maya-maya ay utos nito. "Ayoko." 'Sige na, tumingin ka sa likod mo," pag-pupumilit nito. Inis siyang lumingon. Natagpuan ng mga mata niya ang tatlong marurungis na bata at walang sapin sa paa. Nakadungaw ang mga ito sa entrada ng karindeya na tila may hinihintay. "Those kids don't have food for lunch. And who knows how long they have had food in their tummies. Alam mo kung anong hinihintay nila? Ang matapos ang mga customer na kumain para kainin nila ang mga tira-tira." Tahimik siyang napahugot ng hininga nang may dumakot sa puso niya at piniga iyon ng anong higpit habang ang mga mata ay nasa mga bata pa rin na sa hula niya ay naglalaro sa apat hanggang pito ang mga edad. They are so small and innocent yet they've been trying to feed themselves God only knows for how long. "Ilan lang sila sa mga taong walang kinakain ngayong mga oras na ito. Marami pa d’yan sa labas, sa tenement nga lang natin ilang daan na. Yet, here you are wasting the food set before you, not to mention you're being picky," dugtong pa nito. Unti-unti niya itong nilingon. Seryoso ang mukha nito bago niya tinapunan ng tingin ang kanin at ulam na nagi-inarte niyang hinindian kani-kanina lang. Umayos siya ng upo at nahihiyang hinila pabalik sa kanya ang pagkain niya. She started eating, slowly. She realized na mahirap palang magpigil ng luha at ngumuya at the same time. Hindi kasi maalis sa isip niya ang itsura ng mga bata sa pinto. She may have gone through hell since she was 16 but never a day without food, clothing, nor anything money can buy. She had always provided for, materially. It's one of those things she forgot to be thankful for. It's one of those things she'd always took for granted. And yet those kids... She swallowed the painful lump in her throat together with the spoonful of food she just had chewed. Tahimik niyang tinapos ang pagkain, ni isang butil ng kanin ay wala siyang itinira bago siya uminom ng tubig. Mabilis siyang lumingon pagkatapos. Naroon pa rin ang mga bata. Eagerly waiting for some leftover food. Muli niyang hinarap si Will. “Can... can we…Pautang ako. I'll buy them food." He sighed, stood up and went to the counter himself. Pagbalik nito, may bitbit na itong supot na naglalaman ng mga pagkain. Iniabot nito iyon sa kanya. "Ikaw na mag-bigay sa kanila," anito. She quickly gathered her feet and walked near the door. She talked to the kids, asked their names and the whereabouts of their parents. She learned that they were orphans and had been refusing to go to DSWD or any orphanages for fear of separation. She can feel her heart clenched as she listened to their story. It was almost impossible yet it's real. "Salamat po, Ate," anang pinamatanda sa tatlo na nagpakilalang si Dindin. "Tatlong araw na po kaming hindi kumakain. Hindi kasi tinatanggap sa junk shop yung mga napupulot naming basura. Sige po, salamat!" anito bago kumaripas ng takbo kasama ang mga kapatid nito. Her lips curved with a faint smile. She wished she could've done more but where she's at right now, she's helpless too. Just a different kind. Maya-maya pa nakaramdam siya ng pag-akbay sa balikat niya. "May itinatago ka rin palang kunsensya kahit papano.” She rolled her eyes as her mood shifted from being thankful to utmost irritation. "Of course, hindi mo ko kagaya. Palibhasa wala kang kunsensya," napapairap na sagot niya. "Kung wala akong kunsensya dapat hindi ko na binilhan ng pagkain ‘yong mga bata," defensive na sagot nito. Mabilis niyang tinanggal ang braso nitong nakaakbay sa kanya. "I will pay for that, h'wag kang mag-alala.”  Magpapatiuna na sana siyang maglakad ngunit muli nitong hinigit ang kamay niya at mabilis siyang kinabig palapit dito. Gulat tuloy siyang tumingala rito. “Nandiyan si Boyet,” bulong nito. Kumurap siya. Pasimpleng tinanaw ang lasenggong siga sa peripheral version niya. Totoo nga! Boyet was standing on the store just a few meters away from them. Agad siyang nag-panic. Boyet and his gang is still giving her creeps! “Tisoy!” narinig niyang sigaw ni Boyet. Wala sa sarili siyang napahawak sa kuwelyo ni Will. Dammit! Before she realize it, she was already pressing her lips on Will’s. It was just a peck but more than enough to render them both speechless after. Napuno ng kantiyawan ang tindahan at karinderya. Agad siyang napatungo. Nahihiya siya pero wala naman siyang magagawa dahil nagawa na niya—nahalikan na niya ang Kapre. Stupid! Stupid! Maya-maya pa, Will held her by the waist. Napaangat siya tuloy ng tingin dito. There was a a playful grin on his mouth. "Strawberry lips for dessert. I like it," nakangising sabi nito bago walang pasabi siyang hinila pabalik sa compound. Her cheeks were flushed and her heart was beating rapidly. She bit her lower lip to keep herself from smiling when her heart fluttered endlessly. She gave him a quick glance and realized that the kapre sure has his own way to end their date.  Not her kind of ending, but still, borrowing his words, there's no denying...she liked it.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD