Chapter 20: Jealous

1649 Words
Mahinang nagmura si Will habang abala ang kanyang mga mata sa pagsilip sa high powered binoculars na hawak niya. Nagliyab kasi ang grill kung saan nakaharap ang binabantayan nilang subject-- si Matias De Ocampo- one of the high-ranking officials of a drug syndicate in Asia. "What?" mabilis na tanong ni Ivan na siyang nasa manibela ng kotseng sinasakyan nila. Nakaparada sa matarik na talampas ang kotse, overlooking to the sprawling mansion of de Ocampo at a nearby beach in Cavite. "The flames almost got him," aniya, nasa binoculars pa rin ang mga mata. He watched as De Ocampo's men put off the fire from the grill and ushered de Ocampo's fat and robe-only-doned body away from the grilling area beside the pool. Kasunod niyon ang pag-ahon ng isang babae na naka-black two piece swimsuit mula sa pool. Gamit ang tuwalaya, mapang-akit itong nagtuyo ng katawan sa harap mismo ng mga tauhan ng drug leader. One of De Ocampo's hoes, he thought. "Nasa loob na si Matias. Naiwan ang babae niya sa labas," pahayag niya. Mabilis na inagaw ni Ivan ang hawak niyang binoculars at ito ang sumilip doon. "Damn drug men! Why do they get to have all the hottest women in the world?" Ivan mumbled. "They got money, dude. Money, both of us don't have," aniya bago sumandal sa upuan at nagbuga ng hininga. "Nagsalita ang pulubi," anito bago bumaling sa kanya.  "Hanggang kailan ka ba kasi magtatago? Did Brad mention your father had an heart attack a couple of years ago?" Natigilan siya. Sandaling napakurap at nag-isip. "No," he answered cooly, masking the fear and worry in his voice. "Well, he actually did. I looked into his files when I was in Chicago," paliwanag nito bago ibinalik ang mga mata sa binoculars. Pumalatak na siya. "What? I can't help it! I am Chief's son, I'm born to be nosy," defensive na sagot nito. "Psycho!" naiiling na sambit niya bago bumuntong hininga. He had never heard anything about his father for the past five years. Not even when he stayed in California for a few months for a job. Tuwing kausap naman niya si Brad, ang pinsan niya, iniiwasan niya talagang mag-tanong. Pero nakakapagtakang hindi ibinalita ni Brad sa kanya ang pagkakasakit ng kanyang ama. Marahan siyang nagbuga ng hininga. Wala sa sarili niyang hinugot mula sa bulsa ang cellphone niya upang i-check kung may text si Ella. Ibinilin niya kasi rito si Cassie. Then the events of the last five days flashed through his mind like a horror movie he never really wanted to be part of. Cassie almost burned their unit twice. Mabuti na lang palaging naagapan. So aside from purchasing 3 fire extinguishers, pinatigil na rin muna niya ito sa pag-aaral magluto. Delikado e. But at least she learned how to use the rice cooker. Pinaturuan niya itong maglaba kay Ella kanina. Actually, si Chelsea sana ang papakiusapan niya kaso ayaw ng prinsesa. Unlimited ang irap at simangot nito no’ng unang banggit niya sa plano niya. Kaya si Ella na lang ang pinakiusapan niya. Tutal naman malapit ang loob ng prinsesa rito. He would've taught her instead, pero may kailangan silang tapusin na trabaho ni Ivan. Sa katunayan, si Ivan lang ay may trabaho niyon pero pinasama siya ni Eric for just-in-case moments.  Kaya heto siya ngayon, malayo sa mangkukulam pero okupado pa rin ang isip niya nito. Napapalatak siya bago umiling-iling. Binalingan siya ni Ivan, nakangisi. "What?" iritableng tanong niya. " You're missing her?" tudyo nito, inangat-angat pa ang mga kilay. "Shut up, Sandoval!" aniya, muling isinuksok sa bulsa ang cellphone niya. Tinapik siya ni Ivan. "Nagbibinata ka na talaga, Johnson! Ano tulungan kita sa panliligaw?" He scoffed. "Dude, in case you forgot, it's the other way around. Matagal na akong gusto ni Ms. Echavez, ako lang ang umaayaw."  "Ang pogi mo kasi fafa," nagbabakla-baklaang sagot ni Ivan na humaplos pa sa dibdib niya. He cringed. "Cut it dude or I'll punch your nose!" asik niya. Natatawang sinuntok ni Ivan ang braso niya. "Relax, dude! Ang dali-dali mo talagang mapikon basta si Cassie ang pinag-uusapan. What did she ever do to you?" Hindi siya sumagot. Itinutok lang ang mga mata sa harapan ng sasakyan. "H’wag kang mag-alala, kapag naumpog ang ulo n'on, magigising din ‘yon sa katotothanan na hindi ka niya gusto. Maybe she just looked up to you like a knight in a f*****g shining armor or whatever syndrome these brain experts call it. Lalaya ka rin pagdating ng araw, kosa! Matatauhan din 'yon at magkakagusto sa iba," natatawang pahayag nito bago siya muling tinapik ang balikat niya. Nagsalubong ang kilay niya. Tama ang sinabi ni Ivan pero bakit parang hindi niya nagustuhan. "Just shut up, psycho. Uuwi na 'ko. Tawagan mo na lang ako when the CIA is ready to roast those bastards down there. I'm missing all the action," aniya bago lumabas ng kotse. Naglakad siya patungo sa motor niya na nakakubli sa isa sa mga puno malapit sa highway. Binuhay niya ang makina bago iyon pinasibad palayo sa lugar. Umaasa siya na papawiin ng hangin ang inis na nararamdaman niya. ---- Minasahe ni Cassie ang mga kamay  habang nakapila sa poso na pag-iigiban niya ng tubig. Nakakailang balik na siya roon pero pakiramdam niya hindi niya mapuno-puno ang drum na nasa banyo. Hindi sana siya mag-iigib kaso sabi ni Ella mawawalan daw ulit ng tubig bukas. Noong isang araw, nawalan din ng tubig at nakiligo siya kina Ella dahil wala silang imbak na tubig ng masungit na kapre. At ayaw na niyang maulit iyon. Kaya kahit pagod na ang mga kamay niya sa paglalaba, pinilit niya talagang mag-igib para walang masabi ang kapreng masungit. She had been freezing her butt off for the last five days. Kahit na pagod na siya, kahit na nanggigigil na siya sa inis sa masungit na kapre, she kept her mouth shut and just did what he wanted her to do. All for her mom's necklace. She really wanted to get her necklace back. It's been with her since she was 10. It would make a lot of difference kung mababawi niya iyon. It’s the only memento she had from her mother. Pero ang sabi ni Will, marami raw siyang palpak. Matatagalan pa raw bago niya mabawi iyon. Tumikwas ang nguso niya. She’s tired but she can’t give up. She won’t give up. She needs her mother’s necklace back. At ipapakita niya sa kapre na kaya niya ang lahat ng pagpapahirap nito sa kanya.  Nilagay niya sa sahuran ng tubig ang dalang balde bago siya nagsimulang mag-igib. Madali lang naman ang mag-igib, tinuruan siya kanina ni Ella bago ito pumunta sa raket nito.  She really befriended Ella and Rica. Hindi siya nagkamali na mababait na tao ang magkapatid. When her exile is over, she'll definitely continue to be friends with them. Nang mapuno ng tubig ang balde, huminga siya nang malalim bago binitbit ang balde. Patigil-tigil siya sa pag-hakbang dahil mabigat talaga ang bitbit niya bukod pa sa ayaw niyang matapon ang tubig. She never knew how many times she cursed the stairs for being too steep or even their very own unit for being four floors away from salvation. But she grit her teeth and gave out her best to fill their stock of water. She did it for about 4 times more until her knees began to shake from exhaustion. Nakatigil siya sa second floor habang nakatitig sa balde na sadya niyang inilapag sandali sa hagdan. Kumapit siya sa balustre at doon hinabol ang kanyang hininga. She knew that was the last straw of her strength. Pinasya niyang huling balik na niya iyon. Kailangan lang niyang dalhin ang panghuling balde sa unit nila which is still two floors away! She tried to pull up the pail from its iron handle but she just realized her hands were already shaking. She gave out a frustrated sigh. Kung kailan naman malapit nang matapos ang ginagawa niya saka naman siya sinusukuan ng mga kamay niya. "Ako na lang ang magbubuhat gusto mo?" ani Luke na nilampasan na pala siya sa pag-akyat nang ‘di niya namamalayan. Naka-cargo shorts ito at kamiseta, may hawak na maliit na plastik ng sikat na drugstore sa isang kamay. Mabilis nitong isinuksok iyon sa bulsa nito. Alanganin siyang ngumiti. "Ay... naku... ano...h'wag na--" tanggi niya. Pero mabilis na lumapit si Luke sa kinalalagyan niya at walang kahirap-hirap na binitbit ang balde ng tubig sa tabi niya. "Sa fourth floor kayo, ‘di ba?" tanong nito. "O-oo," alanganing sagot niya bago nagpatiuna sa paglalakad hanggang sa tapat ng apartment nila. "Wala ang mister mo?" "A.. w-wala may pinuntahan. Sige d’yan na lang sa may pinto, ako na ang--" hindi na niya natapos ang sasabihin nang magkusa si Luke na ipasok sa banyo ang balde ng inigib niyang tubig. Nang lumabas ito mula sa banyo,  may talsik ng tubig sa cargo shorts nito. Nahiya naman siya bigla kaya wala sa sarili siyang napaalok ng, "G-gusto mong mag-merienda muna?" Kumunot-noo muna si Luke bago umiling. "May mas maganda akong ideya," anito bago sinabi ang ideya nito sa kanya. Dahil may utang na loob siya rito, sino siya para tumanggi? Mabilis siyang um-oo pero nagpaalam siya na maliligo sandali. She's exhausted and sweaty from all the days work. Nahihiya siyang makikapitbahay sa ganoong anyo. "Sige sa labas na lang ako maghihintay," paalam ni Luke na mabilis na lumabas ng unit nila. Napangiti siya. Luke was such a gentleman, Hindi kagaya ng kapre na kulang na lang magbuga ng apoy araw-araw dahil sa mga mali-maling ginagawa niya. She shook her head, went inside the bathroom to had quick shower. She changed into her casual jeans and shirt. Paglabas niya sa unit nila, nag-aabang na malapit sa hagdan ni Luke. His face instantly lit up at the sight of her. "Tara na," aya nito bago nagpatinunang bumaba. Masaya siyang sumunod sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD