Chapter 14: The Compound, The Witch, and The Kapre

1053 Words
  Cassie was disoriented when she woke up the next morning. She stared blanky at the unfamiliar wall before she forced herself up on the bed. It took a while before the events of last night snapped her out confusion. Patamad siyang nag-inat bago tuluyang tumayo mula sa kama. Hindi niya namalayang nakatulog siya kagabi sa sobrang pagod. She stared at the bed and realized there's nothing ordinary in it, but she actually felt good waking up. Why, beats her. Kaya lang, agad din siyang napasimangot when she realized na alila na naman siya ng kapre ngayong araw. Who knows kung ano na naman ang ipapagawa nito sa kanya. Speaking of Will, kung natulog siya sa kama nito, saan ito natulog? Did he sleep beside her? Imposible, but the idea made her stomach lurched in quick excitement. Kaya lang, she realized how annoyed he was with her. Yeah, yeah, and pigs can fly, lihim niyang tuya sa sarili. She rolled her eyes, fixed herself and went out of the room. Nahagip ng mata niya ang isang pares ng unan at kumot na maayos na nakatiklop sa sofa na gawa sa kawayan. There goes the answer to her question. She quickly dismissed her disappointment and went straight to the bathroom for a quick shower.  She remembered she forgot to have a shower last night because she was really dead tired. Pakiramdam nga niya, inako niya ang lahat ng pagod sa mundo kagabi. At least she had a good sleep. May energy siya para sa mga ipapagawa ng kapre. She changed into her casual shorts and blouse bago siya lumabas ng banyo.  Sakto namang papasok sa bahay si Will, may bitbit na supot na kulay brown. "Goodmorning, mangku!" nakangising bati nito habang inilalapag ang hawak nitong supot sa maliit na dining table. "Magtimpla ka na ng kape, para makapag-agahan na tayo," dugtong pa nito. Nalukot ang mukha niya. What did he call her again? Mangku? Kagabi manang, ngayon mangku? And what the hell does that mean anyway? Mabibigat ang mga paa na dumiretso siya sa cupboard. She took a white mug and started making coffee. At least she’s familiar with that. When she was younger, she used to help her Mom make coffee for her Dad. "How do you like your coffee?" tanong niya rito. "Just make me one. I don't have any preference," anito. He was busy cooking egg on the small stove top. "Tapos 'pag di mo nagustuhan, you'll yell at me again," kumikibot-kibot ang bibig na bulong niya. “What’s that?” “Nothing,” mabilis niyang bawi. Mabilis siyang nagtimpla ng kape. One tablespoon of coffee plus 2 scoops of sugar, just like her Dad's. She also made one for herself, but she put creamer on hers. Maya-maya pa,  magkaharap na silang nakaupo sa pabilog na mesa at tahimik na nag-agahan. She silently sipped from her own cup of coffee and she found the taste of the caffeine so heavenly. She closed her eyes and reveled on the happiness in a cup. Nang magmulat siya, nakatingin na sa kanya si Will. "What?" Umiling ito. "How's your coffee?" tanong niya. "It's perfect for my taste," kaswal na sagot nito, muling dinala sa bibig ang mug ng kape. "That's how my Dad wants his coffee." Katahimikan. "Talaga bang kakilala ni Dad ang parents mo? Bakit ‘di mo ‘yon nabanggit sa akin two years ago?" tanong niya maya-maya. Hindi ito sumagot, agad na nag-change topic. "Bilisan mong magkape, mamalengke pa tayo. Magpandesal ka na lang. Kalimutan mo na muna ang mamahalin mong bagels sa loob ng tatlong buwan. 'Di ‘yon uso rito," anito bago tumayo at pumasok sa kuwarto nito. "Sungit!" bulong niya. Humigop siya ulit ng kape mula sa mug bago siya pumulot ng pandesal sa brown paper bag na dala nito. She liked the taste. It’s airy and fluffy. She can do that for the next 90 days. She ate quickly. Naghuhugas na siya ng pinagkainan nila nang lumabas ulit si Will sa kuwarto. "Go wear your jeans. Isuot mo rin 'tong t-shirt ko." Inihagis nito ang t-shirt sa kanya, sapol ang gulat na mukha niya. Agad na kumulo ang dugo niya. "Thank you ha, Kapre!" singhal niya rito, matalim ang mga mata. Akala niya magagalit ito pero natawa lamang ito sa itinawag niya rito. "You're welcome, Mangkukulam," nakangising sagot nito bago lumabas ng bahay. Napanganga siya. So that’s what mangku stands for. Mangkukulam. She scoffed in annoyance. Ginigigil siya talaga ni Will kahit na umagang-umaga. Gusto niya itong gantihan pero alam naman niya wala siyang magagawa. Ito ang amo niya at siya ang alila. Nagmadali siyang nagbihis. Baka mamaya may masabi na naman ang mayabang na kapre sa kanya. Sinuklay niya ang brown niyang buhok. Naglagay din siya ng kaunting polbo at lip gloss. Hindi naman niya kasi alam kung saan sila pupunta, so better be prepared. Inayos din niya ang puti na tshirt na bigay nito. Umabot ang laylayan niyon sa kalahati ng hita niya. Of course what would she expect, he's over 6 feet tall. She won't call him kapre for nothing. She wanted to cut the shirt so that the hem would fall just right above her navel but she knows that would anger the kapre.  So she just settled with the way she looks. Paglabas niya ng apartment, nasa kapitbahay si Will, mga tatlong pinto ang layo sa kanila. Nakikipag-usap sa isang babae na halos wala nang itago sa katawan. She had seen women like that inside Caleb's bar, ultra short shorts known as pekpek shorts and a tank top. Seriously, ‘di pa naghubad! She wears sexy outfits too but not like there’s nothing left to imagination. Napairap siya, inis na humalukipkip at sumandal sa may balustre, sa tapat ng pinto ng apartment nila. Iniiwasan niyang tumingin sa bandang kanan niya kung saan naroon si Will at ang babaeng kausap nito. Magiliw kasing makipag-usap si Will sa babae. Maingat. May lambing. Humahalakhak pa nga ito. She must admit, she’s… jealous. Kasi kapag siya ang kausap, parang laging sasabak sa giyera si Will kahit hindi naman niya inaano. Maybe his annoyance with her goes deep within his bones and stitched to his DNA. Lalo siyang napairap, nalungkot din. Napatungo siya at muling sinabi ang mantra niya. You are good. You are precious.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD