Chapter 15: The Compound, The Witch, and The Kapre

1801 Words
“Ay, gandara! Pak na pak 'te oh!" anang excited na boses. Nag-angat siya ng tingin. Bumungad sa kanya ang isang bakla na nakasuot ng pink na fitted blouse at pantalon, may highlights ang buhok nito, may kipkip na brown na wallet sa kanang kilikili nito habang bitbit ang travelling bag sa isang kamay. "Ay oo panalo 'Te! Infairness! Kamukha mo siya... ‘yon nga lang in your dreams!" anang babae na kasama nito, humagikgik pa. Hindi gaanong katangakaran ang babae pero maganda ang hulma ng cheekbones at may mapupulang labi. Gaya ng bakla, naka-highlights din ang buhok nito at kaswal na jeans at blouse ang suot at may sukbit na backpack na namumutok sa laman. She blinked. Ganoon din ang ginawa ng mga ito. Nang nangunot noo siya, ganun din ang ginawa ng mga ito. And because she felt unsure and weird, she hesitantly flashed her trained half-hesitated smile. To her surprise, pumalakpak ang dalawang bagong dating--a slow in-a-daze clap. "Jusko,’Te! Anghel si beshie! Nginitian tayo ng anghel! " bulalas ng bakla. "Oo nga, 'Te. Mukhang sinusundo ka na ni Lord, nagpadala na ng anghel," sabi ng babae na patuloy sa pagpalakpak ng mabagal. "Gaga! Pinasunod mo naman ako agad kay Tiyang Linda!" nakairap na reklamo ng bakla. Tinampal pa ang noo ng kasama nitong babae. "Aray Kuya Marlo ha! Masakit ‘yon!" Pinigilan niya ang matawa. For the first time mula kahapon, ngayon lang siya ulit naaliw to the point of laughing. These sibs are just the cutest. "Dapat lang yan sa 'yon. Inookray mo ‘ko sa harap ng kad-yosa ko!" sita ng bakla sa kasama nito bago humarap sa kanya. "Ganda, ako nga pala si Ella at ito namang chakang ito ang kapatid ko si Rica. Ikaw anong name mo?" "I'm Cassie," nakangiting sagot niya. Tumanga lang ng ilang segundo ang magkapatid kapagkuwan, pilit na natawa. "Aparisyon ka ba 'Te?" si Ella ulit. "Ha?" "Ang ganda mo kasi. Ano bang inaapply mo sa mukha mo? Pak na pak o! Walang halong kiyeme! Pero pak talaga!" si Ella ulit, namamangha. Nahihiya siyang ngumiti. "Tubig lang."  The siblings unbelievably gaped at her. "’Yang tubig mo ba may halong himala? Saang balon kami puwedeng kumuha? Sasalok talaga ako ng isang drum," si Rica, seryoso. Her brows furrowed. "’Y-yong normal na tubig lang naman.” Napasinghap ang magkapatid.  "Rica, may mali sa tubig natin. Magrereklamo ako na NAWASA. Ilang kojic at gluta soap na ang ikinaskas ko sa mukha ko pero wa epek pa rin! Si ganda, tubig lang umepek na," reklamo ng bakla, gigil pa na tumipa sa hawak nitong cellphone. "Saan ka nakatira Cassie?" si Rica, maya-maya. "Diyan," tinuro niya ang pintuan ng apartment nila. Siniko ni Rica si Ella. "Kuya, jowa ‘ata ni Tisoy," mahinang sabi nito pero narinig niya. Agad namang tumigil sa pagte-text si Ella at nag-angat ng tingin sa kanya. Kumurap muna ang bakla. "Jowa ka talaga ni Tisoy? Nandito na ba siya? Ang tagal niyang nawala e. Taon ang binilang. Kala ko nga pinaupahan na sa iba itong apartment niya. Alam mo first love ko ‘yon, true love, puppy love at naging kami ha?" dire-diretsong paliwanag ni Ella. "’Yon nga lang hindi alam ni Tisoy," mabilis na dugtong ni Rica. Mabilis ang mga kamay ni Ella na pasimpleng sumabunot kay Rica. Nagreklamo si Rica pero hindi gumanti. She suppressed her laugh. The sibs and their banterings are cute. They are cute. Maya-maya pa, humarap ulit si Ella sa kanya. "Kung jowa ka nga ni Tisoy, iyo na siya. Kuko mo palang kasi sa paa katumbas na ng mukha ko, kaya wala na talaga akong pag-asa. Teka nasa'n pala siya?" Pasimple niyang tinuro ang kinaroonan ni Will. "Ay, umarangkada agad si Chelsea! ‘Di na nahiya! Abot Mars talaga ang kalandian!" si Ella, lukot na lukot ang mukha. Chelsea? Ikaw ba ang bagong alaga ni Chelsea? She turned her head. So, that’s Chelsea, she thought. Is the girl a pimp? Bakit may mga alaga ito sabi ni Boyet? Ito rin ba ang tipo ni Will? "Ganda, kung ako sa 'yo babakuran ko si Tisoy. Mang-aagaw yan si Chelsea. Inagaw niya si Tisoy sa akin noong kami pa," anito, lumabi pa at umirap. "Noong kayo pa na walang malay tao si Tisoy," dugtong ulit ni Rica bago humalakhak. "Oo na! Paulet-ulet? Pangarap na nga lang sinisira mo pa!" reklamoi ni Ella bago pumormal. "Cassie, d’yan lang kami sa kabilang pinto. Neighborhood na tayo. Kung may kailangan ka, mag-gonna knock three times ka lang. Three times para sure. Tuloy na kami, ha? Pagoda kasi kami, galing pa kaming probinsiya. Nice meeting you, ganda. Chika tayo later alligator!" paalam nito bago tuluyang dumiretso sa katabing apartment. Sumunod naman agad si Rica kay Ella. Napangiti siya. She'll definitely befriend those two. Ngayon lang kasi may lumapit sa kanya ng ibang tao na maayos ang pakikitungo sa kanya. In her circle, si Lizzie lang talaga ang toto niyang kaibigan. Men would befriend her to gain pass on her. And women try to get close to her just to gain evidence to bully her more. She had been bullied at school since her last year at junior high. But she’s thankful that Lizzie’s there. Her friend remained true to her despite the rumors. She sighed. She'll terribly miss Lizzie during her stay with Will. "Hey, mangku!" Agad siyang bumaling kay Will. Umikot agad ang eyeballs niya at inirapan hindi lang si Will kundi pati ang iniwan nitong si Chelsea na papasok na sa unit nito. "Tapos na kayong mag-usap ng girlfriend mo, kapre?" tanong niya agad nang makalapit ito. Ngumisi lang ang kapre bago lumabi. “Nagseselos ka na niyan, mangkukulam?" She scoffed. "Excuse me, I only date humans not your kind, kapre!" she glared. “Talaga?” anito sa naghahamon na tinig. He then grabbed her by the waist and lowered down his face on her. She held her gasp when her heart began to beat erratically again. Why wouldn’t she? Will's lips were just inches away from her. And his minty breath was fanning on her face. He grinned. "I’m not even doing anything to you and yet your heart is racing? Why, princess?”   She blinked and cursed silently. Kahit na alam nito ang nangyayari sa kanya, hinding-hindi siya aamin! She mustered all the strength she had and pushed him. "Y-you’re despicable!” Imbes na mainsulto, natawa lang ito. It annoyed her all the more! “Whatever you say, I know you don’t,” he replied with all of the world’s arrogance in his smile.   “Jerk!” She mumbled before walking towards the staircase. Nagmadali siyang bumaba ng hagdan. She refused to be near him again.  “Hey mangku, wait up!” anito, hinahabol siya sa pagbaba. Pero hindi niya pinansin. She picked up her pace instead. Para tuloy silang naghahabulan sa hagdan. Because of her speed, she had a misstep on one of the flight. She was supposed to fall on the landing when a pair of strong arms caught her. Pagmulat niya, hawak na siya ng hind kilalang lalaki. "Miss ok ka lang?" sabi agad nito, concern in his voice. Kumurap siya. Agad siyang umayos ng tayo. "Cassie!" sigaw ni Will sa likuran niya habang pababa ng hagdan. "Anong nangyari? May masakit ba sa 'yo?" "I'm fine," mabilis niyang sagot. “Nasalo ako ni…” "Lucas. Puwede mo ‘kong tawaging Luke,” pagpapakilala ng lalaki. Inilahad pa ang kamay sa kanya. She was supposed to shake Luke’s hand but Will accepted Luke’s hand for her instead. "Will, pare. Asawa ko si Cassie. Salamat ha? Sige na lumayas ka na... what I mean is… mauna na kami. Magde-date pa kasi kami," nagmamadaling sabi ni Will na pinagdiinan pa talaga ang salitang date, bago siya tuluyang hinila pababa ng hagdan. Nagkakanda-haba ang leeg niya sa paglingon kay Luke. Hindi man lang siya nakapagpasalamat nang maayos. The jerk is really getting on her nerves! "Misis? Seryoso?" sabi niya, tunog reklamo. "Bakit ayaw mo?" he answered with confidence. Mabilis niyang piniksi ang kamay niyang hawak nito. "Ayoko nga! You are a bad mouthed overbearing halimaw and I don't want to be associated with you!" nanlalaki ang matang tanggi niya. Bago nagpatiuna sa pagbaba. But Will quickly caught her arm. "Hey, I saw the way you look at Lucas. Ano, bibiktimahin mo rin ‘yong tao? Kahit saan talaga--" She pushed him in annoyance. Mabilis din niyang binawi ang braso niyang hawak nito. "You and your sewer mind! Niligtas lang ako no’ng tao kung ano-ano na ang iniisip mo! You’re hopeless, Mr. Johnson and I hate you to the core!" nanggigigil na singhal niya bago nagmartsa palabas ng compound. She was angry. No. She was so furious! How can he think that lowly of her? Everybody thinks of you that way, she reminded herself. Her chest began to feel heavy again as she became aware again of the hurt she had been carrying for years. Agad siyang natigilan nang makita ulit ang grupo nina Boyet sa may bukana ng compound. Nag-iinuman na naman ang mga ito, umagang-umaga. Kusa siyang napaatras nang maalala ang nangyari kakahapon. Maya-maya pa, may pamilyar na mga kamay ang humapit sa baywang niya. Kahit hindi niya lingunin, alam niyang si Will ‘yon. His warmth quickly comforted her. “Buti na lang pala may session na naman sila Boyet. Takot ka, ‘no?  anito, bago siya tinungo. Inirapan niya ito. She’s annoyed because he’s right. The events from yesterday when Boyet and his gang almost took her somewhere were still giving her creeps! “Kiss me,” anito maya-maya, seryoso. Agad niya itong tiningala. “W-what?” “Prove to them that I’m really your husband.” She gritted her teeth. “In your dreams, jerk!” He grinned before giving her a quick yet sweet kiss on the lips. Agad na naghiyawan ang grupo nina Boyet. Namula naman ang pisngi niya. “Kampay para kay Tisoy!” sabi ni Boyet bago tinungga ang laman ng shot glass nito. “See, they want proof,” bulong nito. “So better be prepared.  Because if you want this show to keep going and Boyet and his gang to keep away from you while you’re here, we need to kiss whenever, wherever." Napanganga siya sa sinabi nito. What was that he said? Will, kissing her whenever, wherever? Was she in some kind of a dream or something? 'Cause she definitely needs to friggin' wake up! "Now, close your pretty mouth, witch. So that we could now go on our first date," nakangiting deklara nito bago kumindat. Marahan din silang naglakad palabas ng tenement with Boyet and the gang cheering on them still. Kisses and a date from William Kendrick Johnson. Oh God! End of the world na ba?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD