"Do it again! May sebo pa, o!" gigil na utos ni Will sa likod niya habang nakaharap siya sa lababo at hinuhugasan ang mga pinagkainan nila ng hapunan.
"But I just did it! Twice!" reklamo niya, pinadyak pa ang paa. "It just won't come off!" dugtong pa niya habang kinukuskos nang maiigi ang plato na nangingitab pa sa sebo.
"It will, you're just not doing it right, Manang," natatawang komento pa nito.
Sinamaan niya ito ng tingin dahil kanina pa siya nito tinatawag na Manang. Iyon kasi ang tawag niya sa mga househelp nila sa mansiyon. Kaya ‘yon din ang itinatawag ng kapre sa kanya.
Muli niyang diniinan ang pagkukuskos ng sponge sa plato. She wanted to make sure this time that the damn stubborn slime would come off.
"Sa salas na ako. Pagkatapos mo d’yan, magwalis ka," pahabol na utos pa nito bago tuluyang umalis sa kusina. She heard him switched on the TV.
Pinag-igihan niya ang ginagawa. Nang makita niyang hindi na iyon nangingintab, mabilis niya rin iyong hinugasan bago inilagay sa dish drainer. Mabilis niyang kinuha ang walis sa gilid ng kusina pagkatapos.
Nilingon niya ang kapre. Ang sarap ng panonood nito ng TV sa sala, tumatawa-tawa pa nga. Gusto niya tuloy ipukpok ang hawak niyang walis dito. But she quickly dismissed the thought. It’s better with Will than those thugs, she thought.
Nagsimula siyang magwalis or mas tamang sabihing magpaypay ng sahig. Gano’n kasi ang nakikita niya na ginagawa ng mga katulong nila. Actually, she doesn't get the whole idea of sweeping the floor. Will the floor get clean kapag pinapaypayan iyon ng walis?
Nang matapos niyang paypayan ng walis ang sahig sa kusina, sa salas naman ang sinunod niya. Nakakailang paypay pa lang siya nang mapatayo si Will. Napaigtad tuloy siya sa gulat.
"What the hell are you doing?" inis na tanong nito.
"Sabi mo magwalis. Ito na, nagwawalis na ako," pagrarason niya.
Napahawak ito sa ulo nito. "Hindi naiinitan ang sahig! Bakit kailan mong paypayan? That's not how you do it! Magwalis ka, ipunin mo sa isang sulok tapos hakutin mo ng dustpan ang dumi," paliwanag nito bago nag-demo kung paano ang dapat niyang gawin. Gigil itong bumalik sa panonood pagkatapos.
Napaismid na siya. Malay ba niya na gano’n ang tamang pagwawalis! She had never ever cleaned in her entire life!
Nakabusangot niyang ginawa ang sinabi nito. Hindi man siya sanay sa household chores, she’s not that stupid not to learn it quickly.
She actually repeated sweeping the floor in the kitchen. Baka kasi mapuna na naman nito magpakamaligno na naman ang kapre. Nang matapos niya ang pagwawalis, inis siyang tumayo sa tabi nito at nagtanong.
"I'm done cleaning, may iuutos ka pa ba?" She rolled her eyes while waiting for his answer.
She silently wished na sana wala na itong iuutos, pagod na kaya siya. She never thought that a househelp's job is so tiring. She's now beginning to appreciate the work of her Yaya Bining and all their househelps in the mansion.
"Paabot ng beer sa ref, Manang," kaswal na utos nito.
Umirap muna siya bago kumuha ng beer sa ref. Nang maiabot niya ang beer dito, nagtanong ulit siya. "Wala na po kayong iuutos kamahalan ng mga maligno?"
Nilingon siya nito, kunot ang noo. "What did you say?"
"Nothing. I just asked kung may iuutos ka pa."
Muli nitong ibinalik ang tingin sa TV bago, "Clean my room.”
Napakurap siya. "W-what? Ayoko nga! Ang gulo kaya ng room mo! There's probably snakes, spiders, gators and a whole jungle in there! You are so burara, Mr. Johnson!" litanya niya bago humalukipkip at tumingin sa ibang direskyon.
Tumayo ang kapre, tinitigan siya. "Nagrereklamo ka? Like I said, you are free to go. Sigurado ako naghihintay sa labasan sila Boyet."
Nalukot ang mukha niya sa pagbabanta nito. Napapadyak siya sa inis bago tumalikod. It took her a few moments before she finally had the courage to open the door of his room.
Gaya kanina nang una niya itong makita, magulo pa rin. And she doesn't even know where to start! Parang gusto na niyang maiyak kahit na hindi pa siya nag-uumpisa!
Patamad niyang kinuha ang basyo ng mga alak sa side table at tinapon iyon. Niligpit din niya ang mga nagkalat na maruruming damit at nilagay iyon sa hamper basket na nakapuwesto sa gilid ng pinto. ‘Yong tuwalya na ginamit nito kaninang umaga, isinabit niya sa hanger. Then she started sweeping the floor, that's in between her ranting and sneezing.
Then lastly, she changed the bed covers. Pinakialaman na niya ang mga drawers ng closet at naglabas ng bagong kobrekama. Changing covers was easy, madalas niya iyong panoorin tuwing ginagawa iyon ng Yaya Bining niya. She found it exciting and artsy especially the fold you have to make on the corners of the bed to even out the creases. She really enjoyed watching, and now doing it.
Nagbuga siya ng hininga nang matapos ang pagtutuos nila ng kwarto ng kapre.
She flashed a satisfied smile. From a jungle to a real room, she thought. And she did it all by herself!
Napangiti siya. "You did good, Cassie! You did good!" puri niya sa sarili.
She took a glance at the clock of the bedside table. It's almost midnight. She just spent 3 hours tidying up the room and now she's exhausted to the core!
She huffed and lazily laid down on the bed. Tumingin siya sa kisame.
She survived the first day of living with Will.
It's tiring but not as bad as she thought it would be.
She chuckled. She really is easily swayed when it comes to Will.
And she is inexplicably looking forward for the next days with him.
Before she knew it, she's already fast asleep.
----
Will stood at the bottom of his bed, amazed of how beautiful Cassie was even if she were asleep. Kung sabagay, she's beautiful in all her forms. Kahit na nagagalit ito, nagtataray, at nagpapasaway, she's still so damn beautiful. No wonder she's named Cassandra which means she who entangles men. At isa siya sa mga lalaking nababaliw sa kagandahan nito, aminado siya doon.
He felt a sudden rush of anger, protectiveness and jealousy just by the thought of men she got involved with. Lalo na nang maalala ang eksena kanina sa hagdan kasama ang grupo nila Boyet. He wanted to break the thug's face right there and then. But having a whiff of her scent calmed him and made him gave out a threat instead.
Dammit!
And yes, that treat from Starbucks was for her, he bought it himself. Kung bakit, hindi rin niya alam. Maybe because he felt guilty for insulting her. Alam niya sumobra siya. Tinotoo niya ang sana'y biro lamang. At alam din niya na hindi ito nag-aagahan bukod sa kape at bagels. He remembered that from two years ago.
Marahas siyang napabuntong-hininga. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang kalakas ang epekto ng dalaga sa kanya. Kahit noon pa, kaya ayaw na ayaw niyang napapalapit dito. But she's so insistent to the point of annoyance. She's not even his type yet she has that certain power over him that made him want to punch himself whenever she cries. Nailing siya.
Fck! It's as if he's under a spell.
Hindi niya type pero apektado siya. Sobra.
Pambihira.
May sa mangkukulam yata ang prinsesa ng mga Echavez.
"No... no...no..." pikit ang matang ungol nito sabay hikbi.
Nilapitan niya ito at masuyong hinaplos ang pinsgi nito. Awtomatiko ang paghawak nito sa kanyang kamay. Mahigpit. Nakikiusap. Ayaw bumitaw.
"Cassie..." tawag niya rito, pabulong. It was obvious, she's dreaming.
"Please... please..." she pleaded in between sobs. She was mumbling, inaudibly.
He felt his gut tightened at the sight of her crying even in her dreams. He wanted to take her pain and her fears, no matter what it is.
Tinabihan niya ito at ingat na ingat na iniunan ang braso niya sa ulo nito. Mabilis naman ang pagsiksik nito sa dibdib niya na para bang natural lang ang ginagawa nito. Maya-maya pa, tumahimik na ito at muling naging pantay ang paghinga nito.
Tahimik na ang prinsesa pero ang sistema niya maingay. Kakaiba ang pitik ng puso niya sa kanyang dibdib. Wala ring tigil ang paglilitanya ng kunsensiya niya kasabay niyon ang mabilis na pagre-replay ng mga pinagusapan nila ni Ernesto.
He sighed looked down at Cassie's sleeping form.
He hugged her tighter and said, "Sleep, princess. I won't leave."