"Dude, you shouldn't do this?" narinig ni Will na sabi ni Ivan sa likod niya. He’s in the locker room of SSA, preparing himself.
Today, they will raid De Ocampo’s lair. Tapos na ang team nila sa pagmamanman. Na-identify na rin nila ang mga local connections ni De Ocampo sa bansa. At ngayon nga, bubulabugin nila ang kuta ng tigre. Kasama nila sa operasyon ang NBI at ilang CIA assets gaya ni Ivan.
Wala sa sarili niyang hinaplos ang kuwintas na nasa leeg niya. It's Cassie's necklace.
I'll see you, Will. I will still see you.
Tipid siyang napangiti. The way she said those words lingered in his ears like a prayer that never stops. Like a wish he needs to fulfill.
He gently closed his eyes and tried to recall Cassie’s beautiful face, only to shake his head after, to dismiss it once more.
Sleep was elusive again last night. And Cassie occupied his thoughts the whole night. Buti sana kung iniisip lang niya ito. Pero sa tuwing naiisip niya ito, a sudden uncontrollable warm feeling would engulf his heart. The same feeling he feels everytime he watches her from afar, or caught a whiff of her scent, and even when she would glance at him as quickly as she can these past two weeks of her ignoring him.
He would've wanted to talk to her and say his sorry once more. But he knew, his chances of being forgiven has been reduced from zero to none the moment he had punched that irritating Luke in the face.
He huffed and dismiss his thoughts about her.
He already said his goodbyes, he should not think of her again.
He must not.
He must focus. The job at hand is much more important.
"C'mon dude, samahan mo na lang ako sa posisyon ko," pukaw ulit ni Ivan sa kanya. "H’wag ka na lang do'n sa infiltrating team. Mas delikado 'yon."
He quickly wore his black commando shirt before layering it with his bulletproof vest, ignoring Ivan's plea. He also tucked Cassie's necklace inside his shirt. Ibabalik pa niya iyon sa prinsesa. Ang kaso hindi niya alam kung siya mismo ang magbabalik niyon o ibang tao na.
He had his fair share of tear-tales and heart-wrenching stories during his active service in the force. He had seen comrades die on the field-- self-less people who had risked their lives for the greater good. He had seen family members who mourned for their loved ones. He had seen hearts get broken and souls shattered.
At madalas tuwing kakaharapin niya ang mapanganib na misyon, hindi niya sigurado kung makakabalik pa siya ng buhay. Lalo na at siya ang malimit na sinasabak sa mga undercover missions. Gaya na lamang ngayong araw.
Magpapanggap siyang taga-ayos ng sirang linya ng kuryente sa mansiyon ni De Ocampo. Kasama niya ang tatlong iba pa na galing sa NBI. They purposefully hijacked the electrical system at the drug dealer's mansion.Agad naman itong kumagat sa pain nila dahil wala pang kinse minutos, nagtawag na agad ito ng empleyado na maaring tumingin sa electrical connection ng mansiyon.
He knew the mission was dangerous. And last night, he had a strong urge to tell Cassie about the chances that he's not coming back. Gusto niya kapag hindi siya nakabalik matapos ang misyong ito, hindi na siya hahanapin ng mga tao sa compound. Gusto niya, makabalik nang maayos si Cassie sa kanila, at maging normal ulit ang buhay nito. At lalo na si Chelsea, gusto niyang masiguro na maayos ang magiging pamumuhay nito kahit wala na siya.
Mabilis niyang sinuot ang jumpsuit uniform ng line man ng electrical company. Siya ang papasok sa loob ng bahay ni De Ocampo. Ivan will be one of the snipers that will surround the place.
"Relax Ivan Boy, don't mother me. Kaya ko 'to," nangingiting sagot niya bago isinara ang locker niya at hinarap ito.
"Why do you always want to go in first when you can go last? Nagpapakamatay ka lang ‘ata e?"
Natawa siya. "Masamang damo ‘to. Death doesn't come easy to me, dude, in case you forgot. Just cover me. I trust your skills, dude," aniya bago tinapik ang kaibigan sa balikat.
Pinulot niya sa bench ng locker room ang baril niya bago iyon isinuksok sa working boots na kasama sa cover niya bilang line man bago siya tuluyang umalis ng silid.
-----
Malakas ang tagas ng pawis ni Will. Tanghaling tapat at sinusuri niya nang maayos ang fuse box ng kuryente sa mansiyon ni De Ocampo. May hidden camera na nakakabit sa suot niyang cap at nakikita ng mga taga-CIA at NBI sa headquaters ang lahat ng ginagawa ng mga tao sa mansiyon. Eksakto alas-doce ang raid at ilang minuto na lang, magsisimula na ito.
Pinagbuti pa niya ang pag-arte. Kunwari, sinusuri niya nang maigi ang main line na nagsusuplay ng kuryente sa buong lugar. The mansion was really huge. Mas malawak iyong tignan kung nasa loob ka niyon mismo dahil open space and disenyo at mataas ang ceiling. Even the furnitures inside, hindi rin basta-basta.
He cursed silently. Naisip niya ang libo-libong buhay na nasira para lang sa karangyaang iyon.
Maya-maya pa, may dumating na bisita si De Ocampo. Dalawang lalaki. Sa pananalita at itsura, halatang banyaga.
"Fred, Gerald, gut sie zu sehen! (Fred, Gerald, good to see you!)" bati ni De Ocampo sa mga bagong dating.
Pasimple niyang sinilip ang mga ito sa sala mula sa maliit na kuwarto na kinaroroonan niya. Naroon kasi ang fuse box ng mansiyon.
Kung hindi siya nagkakamali, wala sa intel report nila ang mukha ng mga bagong dating. Inayos niya ang suot na cap upang makunan ng live feed ang mukha ng mga ito. Kailangan nila ang identity ng mga bisita ni De Ocampo.
"Matagal pa ba ‘yan?" untag sa kanya ng isang tauhan ni De Ocampo na nasa likod niya. Sasagot na sana siya but the vintage grandfather's clock chimed. Hudyat na ika-labindalawa na ng tanghali.
He relaxed his stance and glanced at the good for nothing bastard behind him. The man holding a gun doesn't intimidate him at all,. Instead, it angered him to see such kind of man who willingly worked for a monster like De Ocampo and his cohorts.
"Go!" anang boses sa kanyang earpiece.
Adrenaline quickly pumped in his veins.
"Malapit na," sagot niya sa goon bagot ito mabilis na hinarap at walang ingay na ipinalibot ang isang braso niya sa leeg nito. Agad na namutla ang lalaki, kumawag. Subalit mabilis niya itong pinatulog bago ito hinayaang bumagsak sa sahig. Inagaw niya ang armas nito nang marinig niya ang sunod-sunod na putok mula sa labas ng mansiyon.
Nagmamadali siyang lumabas ng silid. There was chaos everywhere. Nagsisipulasan ang lahat ng mga tao. Natataranta. Natatakot. Nagmamadali sa pagtakas palayo sa delubyo na hatid ng baril at bala.
Marami na sa mga tauhan ni De Ocampo ang bumagsak. Nagkalatat na rin sa solar ang reinforcement team mula sa NBI pati na rin mangilan-ngilang CIA agents.
Nakita pa niya ang pagtakas ng mga bisita ni De Ocampo na tinutumbok ang daan patungo sa kakahuyan, ilang metro lang ang layo sa dalampasigan. Hindi puwedeng makatakas ang mga ito. Sigurado siya, konektado ang mga ito kay De Ocampo.
"Ivan, cover me buddy. I'm in pusuit of the visitors," nagmamadaling sabi niya bago sinundan ang bisita ni De Ocampo. Ilang metro na lang at aabutan na niya ang mga ito ngunit gaya ng pagmamadali niya na habulin ang mga papatakas na bisita ng druglord, ay gano'n din ang agad na pag-sigid ng sakit sa kaliwang braso niya. May tumama pang matigas na bagay sa ulo niya. Agad siyang natumba.
He tried to stand, regain his stance, but he cannot. Nahihilo siya. And when he thought that’s all the pain there is, someone from somewhere decided to give him kicks on his chest. Sunod-sunod. Sinubukan niyang salagin ang atake ng kalaban kaya lang, he’s still reeling from the head blow he had received earlier. Few seconds more, he found breathing difficult.
Shit! Maybe death is really coming for him.
And just when he thought his body have had enough blows for him to pass out, biglang tumigil ang pananakit. Kasabay niyon ang tunog ng pagbagsak ng isang lalaki sa tabi niya. Dilat ang mga mata nito at may tama ng bala sa pagitan ng mga mata.
Ivan's signature shot.
Ngingiti sana siya kaso kulang pa rin sa hangin ang katawan niya. Pakiramdam niya ilang singhap na lang, mawawalan na siya ng buhay.
Narinig pa niya ang pagmumura ni Ivan sa earpiece niya bago siya tuluyang nilamon ng kadiliman.
----
"Alam mo girl, sure ako, may gusto sa 'yo si Luke?" ani Ella sa kanya habang kumakain sila ng hapunan.
Dalawang araw nang hindi umuuwi si Will. Ayaw naman niya itong tawagan kahit na alam ni Ella ang number nito. Ayaw niyang maistorbo ito sa oras ng trabaho.
"Kaibigan lang ang tingin ko sa kanya," sagot niya bago sumubo ng pagkain.
"E hindi naman gan'on ang tingin niya sa 'yo," komento ni Rica kahit na puno pa ang bunganga nito sa pagkain.
"Truli! May pagnanasa ang min sa 'yo, girl. Feel na feel nitong nagsusumelos na future ko!" segunda pa ni Ella, iniyugyog pa ang dibdib nito palapit sa mesa.
Natawa si Rica. "Juskohan, Kuya! Wala kang future, no! Wala ka ring pearly shell. Ang meron kasi sa 'yo, ang nanunungkit ng shell."
Naningkit na naman ang mga mata ni Ella, tumikwas na rin ang nguso. "Namumuro ka nang talaga, Ricarda. Sasakalin na kita!"
Mabilis na uminom ng tubig si Rica bago, "Kuya the truth will set you free. Kaya ‘yang pang-iipit mo sa tweety bird mo, tigilan mo na. Nakaka-cancer daw ‘yon sabi do’n sa nabasa ko sa internet.”
Lalong nalukot ang mukha ni Ella. "Tumigil ka na. Isasaksak ko na 'tong kaldero sa bunganga mong, maldita ka," pagtataray ni Ella sa kapatid. Hindi naman natakot si Rica, itinuloy ang paghagikgik.
Napahagikgik na rin siya. These two just won’t stop badgering each other. But at least they had something to laugh about. It's hard to smile for the past days. She's constantly thinking of Will.
Umirap na si Ella bago bumaling sa kanya. "Mabalik tayo. Si Luke, bet na bet ka talaga kaya siguro nagwawarla ‘yang si Tisoy. Obvious na obvious naman kasi si Luke. Kng magpacute sa 'yo parang wala kang asawa."
"Hindi naman niya ako nililigawan e. I mean, mapapansin ko naman agad 'yon kung susubukan niya, di ba? Masyado lang talagang mainit ang dugo ni Will kay Luke kaya--"
"Hep hep hep!" putol ni Ella sa kanya, itinaas pa ang palad para pigilan siya sa sasabihin niya. "Girl, maniwala ka sa vibrations ko. Nagsusumelos ‘yang asawa mo kaya warla agad ang peg. Matindi pa naman ang paniniwala no'n sa world peace. 'Pag may naaagrabyado nga dito sa compund, namumulis ‘yon kaya love na love ni Kapitana at Kagawa Sonia e. Kaya ‘yong ginawa niya kay Luke, hindi ko talaga gets."
Natigilan siya sa sinabi nito. Naguluhan siya. Si Will magseselos kay Luke dahil sa kanya?
It would be a cold day in hell if she sees Will gets jealous just because of other men getting close to her.
"Hindi naman siguro,"sagot niya maya-maya.
"Hindi love ng madlang people dito si Tisoy?" ani Ella
"Hindi naman siguro nagseselos si Will kay Luke."
Nalukot ulit ang mukha nito. "Gaga ka ba? Natural magseselos ‘yon girl, asawa mo ‘yon e,” anito, pinagdikit pa ang dalawang hintuturo. "Natural na mag-warla ‘yon kung may nagpapa-cute na min sa 'yo. Maniwala ka sa akin, girl," dugtong pa nito bago nagpatuloy sa pagkain.
Kumurap-kurap lang siya. She tried to dismiss the overriding of her heart.
A part of her wanted to believe what Ella had said, but she knew better. She doesn't fit in Will's standard of women. No, not in any of it. He said it himself.
She knew, Will Johnson will always be the man she'll never have. Not in this lifetime nor the next.
She smiled bitterly as she tried to reach for the glass of water in front of her. But for some reason, the glass slipped from her grasp. It made a shattering sound as it hit the floor.
Sa hindi malamang kadahilanan, agad na tinambol ng kaba ang dibdib niya habang nakatunghay siya sa basag na mga piraso ng baso sa sahig. Pakiramdam niya may mangyayari o nangyayaring masama.
Napalunok siya.
Will.
She shook her head.
He will be back. He promised he’d try therefore he really should be.
She will see him again. She must see him again.
Will, be safe, she prayed silently.