Hindi naman tutulol ang Don sa gusto mahalin ng kanyang Anak subalit gusto niya makilala ang binatang lalake na kinatagtagpo nito at malaman kung saang Pamilya ito nagmula.
Hindi siya makapapayag na mapunta lang kung saan ang anak. Nais ng Don ay sa mayamang Pamilya nagmula ang mapapangasawa ng kanyang anak pero hindi siya tututol basta kung ito ay sa magandang angkan nagmula. Ang gulo ng Don.
Masaya at hawak kamay pang naglalakad ang dalawa habang papalapit sa mismong bukana ng Rancho sila Eula at Apollo. Wala silang kaalam alam sa mga taong nag aabang sa kanilang dalawa sa bukana ng Rancho.
Ganoon nalang kagulat ang dalawa ng makalapit sa mismong bukana ay may groupo ng kalalakihan ang lumapit at kunin ang lalakeng kanyang kasama. Si Apollo
“ Teka anong nangyayari? ” sabi ni Eula na may pagtatakang kunin bigla ang kanyang kasama.
Walang malang gawin si Eula kung paano gagawin sa mga oras na iyon, salit salitan niya tinitingnan ang groupo ng lalake subalit wala siya nakitang kakaiba sa mga ito. Wala naman dala dalang armas na pwede makapanakit sa binatang lalake na hawak hawak ng groupo. “ Utos po ng Don na sunduin kayo, sumama po lang kayo ng maayos walang mangyayari sa kasa kasama niyo Señorita. ” ang sagot ng isang lalake na kasa kasama ng mga may hawak kay Apollo.
Tama nga ang kutob ng dalagang si Eula na ang kanyang Papa ang may gawa noon. “ Nasaan siya? Nasaan si Papa? ” tanong niya sa tonong pagalit sa kanyang Papa.
Sinabi na nga ba! Kaya malakas ang kutob niya kangina pa na baka sakali nabisto na siya ng kanyang Papa mali lang at pumayag pa siyang maihatid ni Apollo kahit lang sa bukana ng Rancho. Maling mali, paninisi Ni Eula sa kanyang sarili
“ Nasa Rancho po Señorita. Halina na po kayo at sumama, kangina pa nag iintay ang inyong Papa sa loob ng inyong Rancho. ” sagot muli ng isa pa sa Groupo
“ Susunod ako, pero bitiwan niyo siya. Sasama kami ng maayos huwag kayong mag alala. ” malakas na pagkakasabi sa groupo na kalalakihan na inutusan ng kanyang Papa.
“ Pero Señorita! ” sabi pa ng Isa na tila natatakot sa kanyang Papa oras na tumakbo ang lalakeng kanilang hawak hawak.
“ Sinabi ko na diba, maayos kaming sasama. Hindi siya tatakbo huwag kayong mag alala haharapin namin si Papa. ” tahasang sabi ni Eula sa isang lalake sa groupo na nagsalita.
“ Okay Señorita ” at binitawan na nga nila si Apollo saka niya ito binalingan at kinausap
“ Sorry Apollo ng dahil sa akin nadamay ka pa ” hinging paumanhin niya sa lalakeng kasama
“ Okay lang iyon Eula, handa ko naman harapin ang iyong Ama. ” seryosong sagot ni Apollo kay Eula
“ Talaga bang makakaya mong harapin si Papa? Hindi ka ba natatakot sa mismong sasabihin nito sayo? ” nag aalalang tanong na sabi niya kay Apollo. Natitiyak kasi niyang mariin na tututol ang kanyang Papa sa posibleng relasyon nila ni Apollo. Baka hahamakin lang ito ng kanyang Papa oras na malaman nito na isang ordinaryong tao lang ito nagmula at hindi sa mayamang Pamilya na nais niyang aking mapangasawa.
Subalit Mahal na niya si Apollo. Hindi niya makakaya na hamakin ito ng kanyang Papa. Ayaw niya na masaktan ito at isuko nalang ng ganoon ang nag uumpisa pa lang nilang relasyon. “ Huwag kang mag alala sakin makakaya ko ito. Ano man sabihin ng iyong Papa at baliwala lang sakin iyon ang mahalaga ay ikaw. Hamakin niya man ako ngayon subalit sisiguraduhin ko na sa pagbabalik ko magugustuhan niya ako para sayo. ” diretsyahang lahad ni Apollo parang napakatapang nitong haharapin ang posibleng panghahamak na mangyayari mamaya sa pagitan nito at ng kanyang Papa.
“ Pero hindi ko ata kayang hamakin ka niya. Hindi ko makakaya ” Sabi pa ni Eula habang naglalakad sila kasunod ng mga groupo ng kalalakihan. “ Maaari ka naman tumakbo. Napansin kong wala silang kahit anong dala dala na posibleng makapanakit sayo maliban sa kanilang mga katawan ” Sabi pa muli na pabulong upang maiwasan na may makarinig man lang mula sa mga kalalakihan na binabantayan sila mula sa kanilang paglakad.
“ Hindi maaari Eula ang sinasabi mo! Naririto na rin ako maayos na harapin ko na ang iyong Ama kung tumutol man siya wala na tayo magagawa subalit kung maiintay mo ako sa aking pagbabalik sisiguraduhin ko sayo na matatanggap ako ng iyong Ama or isa na posibleng gawin natin ay sumama ka sa akin upang magtanan. Kung gaya ko ay nais mong hindi na mawalay pa sayo. ”
Napaisip si Eula sa sinabi nito. “ Papaano si Papa natitiyak kong hihigpitan na niya ako matapos ang araw na ito. ” alam na niya na kasi ang posibleng mangyari matapos ang pag uusap nilang tatlo
“ Kung ganoon sa susunod na buwan or sa susunod pa kung sakaling makatakas ka sa petsa katapusan magkita tayo sa dating tagpuan. Tuwing sasapit ang katapusan mag iintay ako sayo hanggang sa dumating ka Eula. Ipinapangako ko iyan Eula. Mag iintay ako sayo sa dating tagpuan. ” paulit ulit na rumerehistro sa kanya utak ang sinabi ng binatang kasama.
Makaraan pa ilang minuto ay nasa harap na sila ng pinto ng kwarto ng kanyang Papa. Kumatok siya, saka iyon dahan dahang binuksan ng marinig ang boses ng kanyang Papa. “ Si Eula Papa ”
“ Tumuloy ka ” sagot ng Ama
“ Papa pinatawag mo raw ako? ” kinakabahang sabi na tanong niya sa kanyang Papa
“ Nasaan ang lalakeng iyong kasama? ” agad naman na tanong ng kanyang Papa. Lalo pa umakyat ang kaba sa dibdib niya na natitiyak niyang hahamakin lang ito ng kanyang Papa.
“ Nasa sa labas po Papa ” sagot naman niya
“ Papasukin mo nais ko siyang makausap ” pautos na sabi ng kanyang Papa
“ Opo Papa ” wala nang nagawa si Eula at pinapasok na ang lalakeng kasama.
“ Anong pangalan mo? ” bungad agad na tanong ng kanyang Papa sa kanyang kasama.
“ Apollo San Diego po, Don ” sagot naman ni Apollo sa ama ni Eula
“ Paano kayo nagkakilala ng aking anak na si Eula? ”
“ Minsan po ay nakita ko siya sa labas ng Rancho, duon po kami nagkakilalang dalawa ” sagot ni Apollo na kinabahan na rin. Hindi niya expect na ganito pala kabangis ang Papa ni Eula pagdating sa kinabukasan ng anak. Marami pa kasi iyon tinanong sa kanya at lahat naman ay diretsong sinagot niya.
“ San Diego ka kamo diba? Anong kinalaman mo sa San Diego Group of Company? Kaano ano mo si Anastasia San Diego? ” tanong na sabi pa muli ng Ama ni Eula. Akala niya sa dinami dami ng tinanong nito at tapos na ito hindi pa pala.
Ang mas kinagulat naman ni Apollo ay ng tanungin nito ang tungkol sa kanyang Lola Anastasia. Subalit hindi niya pwede aminin sa harap ng Don ang tunay na katauhan kung asa harap nila si Eula. Kailangan niya tuloy magsinungaling para lang hindi mabunyag ang tunay na itinatago sa dalagang nag uumpisa na niyang mahalin.
“ Wala po Don, isa lang akong ordinaryong tauhan sa SDC or San Diego Group of Company. At walang kahit anong kinalaman kay Mam Anastasia. ” pagsisinungaling niya sa Don. Subalit tila hindi kumbinsido ito. Tila nag iisip sa bagay na kanyang sinabi ngunit sa huli ay bumuka muli ang bibig nito saka nagsalita
“ Kung ganoon ay hindi ka pala nararapat sa aking anak na si Eula. Dahil sa isa ka lang irdinaryong empleyado roon sa SDC gano lang ang kinikita mo para mapakain at mabuhay ang nag iisa kong anak. Hindi ako makapapayag sa kung anong relasyon niyong dalawa. Ang nais ko para sa aking anak ay isang lalake na kayang buhayin sa marangyang pamumuhay ang nag iisa at pinakamamahal kong anak na si Eula. Hindi ako tututol kung sa maayos na Pamilya ka sana nagmula subalit ayoko magutom ang anak ko sa lalakeng gaya mo ”
“ Pero Don, hindi ko po hahayaan na mangyari sa anak nito iyon. Mahal ko po si Eula at sisiguraduhin ko ang kinabukasan niya kung papahintulutan niyo po kami ng anak niyo. Hindi ko sinasabing ito subalit pinapangako ko po yan sa into. Hayaan niyo sana ang pagmamahalan naming dalawa, pangako sisikapin ko mabigyan siya ng maayos na buhay na gaya ng pangarap niyo kay Eula ” sagit ni Apollo sa Papa ni Eula
“ Ngunit hindi sapat ang pangako sa tunay na ginagawa ayoko lang pagdating ng araw madehado ang kinabukasan ni Eula kaya hindi ako kaylanman papabor sa inyong dalawa. Hindi sapat ang pagmamahalan sa isa’t isa importante pa rin ang pera para masigurado ang kinabukasan ng aking pinakamamahal na anak. ” mariin nasabi ng Don sa pagtutol sa relasyon na meron sina Apollo at Eula.
“ Papa ” tawag na pagtutol ni Eula
“ Eula anak, gusto ko lang masiguro ang iyong kinabukasan at hindi ako makapapayag na gaya lang niya ang iyong magugustuhan. Patawad anak ngunit hindi ako makakapayag. ” sabi ng Papa ni Eula na mariin na tumutol sa kanilang dalawa ni Apollo
“ Pero Papa Mahal ko po si Apollo. Hindi importante sa akin ang pera at kayamanan niya. Importante sa akin ay Mahal niya ako at Mahal ko siya. Aanhin ko ang kayamanan na ninanais niyo na mapangasawa ko kung hindi naman ako Mahal. Magugustuhan niyo bang nakikita ako na nasasaktan at nasasakal sa isang pagsasama na hindi naman namin Mahal ang isa’t isa. Saka Papa importante sinabi niya na hindi naman niya hahayaang magutom ako at maghirap na gaya ng kinakatakot niyo. Papa ” pagsusumamo sa Ama niya.
“ Pero hindi pa rin ako makakapayag, sige na makakaalis na kayo. Kahit ano pang sabihin mo hindi ako papayag sa relasyon na meron kayo ng lalakeng iyan ” tahasang pagtutol na sabi ng Papa ni Eula.
Wala na nagawa pa si Eula sa sinabi ng kanyang Papa. Kahit Anong pagpupumilit niya na matanggap nito ang kanilang relasyon dalawa ni Apollo ay mariin pa rin itong tumanggi. Sa huli ay sumuko na siya at tuluyan ng lumabas kasama si Apollo sa loob ng kwarto ng kanyang Papa. Bago pa sila tuluyang lumabas ay nagsalita muli ang kanyang Ama.
“ Eula putulin muna ngayon pa lang ang relasyon mo sa lalakeng iyan at ayoko na mababalitaan na nagkikita pa kayo. Mula ngayon ay hindi ka na maaaring lumabas sa iyong kwarto maliwanag? Kahit anong gawin mo ay hindi ko matatanggap ang inyong relasyon kaya sige lumabas na kayo at ayoko na makikita o mababalitaan na kayong magkasama. Maliwanag ba Eula? ” sigaw sigaw pa ng kanyang Papa. Hindi naman na siya kumibo pa sa sinabi ng Ama. Bagkos ay lumabas na ng kwarto na iyon
Gusto umiyak ni Eula. Namimigat na ang kanyang mata sa mga kuhang kangina pa gusto umagos roon sa bukana ng kanyang talukap ng kanyang mga mata. Subalit pinipigilan niya iyon bumagsak at ayaw niyang makita ng lalakeng si Apollo ang kanyang pagluha. “ Paano iyan sinabi ko na sa iyo na mamaliitin ka lang ng aking Papa, nakita mo naman kung paano ito tumutol sa ating dalawa at hamakin ang buhay na iyong pinagmulan. Patawad Apollo sa nangyari at ginawa ng aking Ama. ”
“ Wala iyon Eula! Walang kaso iyon, ang mahalaga ay gusto kita. Mahal kita at kaya ko iyon panindigan sayo. Kung nanaisin mong sumama sa akin ay hindi kita pipigilan pa. Nais rin kita makasama at hindi na malayo pa sayo kung ipahihintulot mong mapatunayan ko lahat ng sinabi ko sa harap ng Papa mo sumama ka sakin Eula. Pinapangako ko sayo patutunayan ko sa iyong Papa na tama ang lahat ng sinabi ko. Mahal kita Eula tila hindi ko na ata kayang mag intay ng tuwing katapusan ng buwan sa ating tagpuan. Kung gusto mo sumama ka na sa pag Alis ko. Mamayang gabi sa ating tagpuan mag iintay ako sayo at aalis tayo saka lalayo sa lugar na ito. Mamumuhay tayo ng gaya ng gusto mo, pangako hindi kita pababayaan. Mamaya sa ating tagpuan ”
Paulit ulit na rumerehistro sa isip ni Eula matapos nilang maghiwalay ni Apollo kangina matapos ito makausap ng kanyang Papa. Mariin talaga tumutol sa kanilang relasyon na dalawa ang kanyang Papa. Subalit hindi na ata niya makakaya pa na mapalayo sa lalakeng nag uumpisang pasukin ang kanyang mundo.
Hindi tuluyan nang napasok nito ang mundo ni Eula kaya parang hibang si Eula kakaisip sa sinabi ng binatang lalake na kanyang minamahal na. Nahihibang si Eula at nagnanais na sumama sa lalakeng iyon. Kahit ganoon kaikli ay malaki na ang tiwala niya para dito na magagawa nitong tuparin ang gaya sa ipinangako sa harap ng kanyang Papal.