“ Ano Eula gusto mo bang sumama ng maipasyal kita kahit rito lang sa labas ng Rancho? ” ulit na aya muli ng binata. Ngunit iniisip ni Eula kung papaano iyon mangyayari natitiyak niyang hindi siya papayagan ng kanyang Papa na lumabas ng bahay dahil sa mahigpit na pinag uutos nito na hindi siya maaaring lumabas.
Nasa hustong gulang na siya subalit kay higpit pa ng kanyang Papa. Parang bata pa rin kung ituring at pangalagaan siya, wala naman siya magawa dahil ito ang Ama. Wala rin siyang ibang alam maliban sa kumain at matulog dahil ni minsan ay hindi niya naranasang maghirap o gumawa man lang ng gawaing bahay, maglinis, maghugas ng pinagkanan o maluto ng sarili kong pagkain at maglaba ng sariling damit.
Lahat mayroong gumagawa noon maging sa pagpili ng kanyang isusuot mayroon. Buhay Princess nga raw ako, Prinsesa kung ituring ng kanyang Papa kaya naman inis sa kanya si Raquel malaki ang inggit nito sa kanya dahil sa maganda at maayos na pagtrato sa kanya ng kanyang Papa. Sobrang ingat na ingat ang kanyang Papa sa kanya kahit dapat ay mas mainggit siya kay Raquel dahil napakalaki ng pinagkaiba nito sa kanya. Sa pamamagitan ng pera ng Ama nagagawa nito lahat, nakalalabas maging nakapapasyal. Nakarating na nga ito ng Manila dahil sa pagsama ng kanyang Tita Shine at Papa niya.
Pero si Eula tanging Rancho lang ang kanyang nararating. Si Rafael naman ay maagang bumukod sa kanyang Ina. Namuhay ito mag isa sa Manila, balita nga niya ay isa na itong ganap na Doctor roon sa isa sa malalaking Ospital sa Manila. Matagal na itong hindi umuuwi ng Cagayan ito ang madalas luwasin ng mag Ina sa Manila. Kaya madalas ay wala ang mga ito at sumasama sa kanyang Papa paluwas ng Manila.
“ Hindi ko pa alam Apollo. Saka hindi pa ako sigurado sa sinabi mo ”
“ Huh? Alin roon? ” takang sabi ni Apollo
“ Pagtatapat mo, hindi ba pagtatapat iyon? Sabihin mong gusto mo ako makasama sa pagtanda mo? At nais mong makaipon para sa ating dalawa. Mali ba ako? ” mahiya hiya na sabi ni Eula sa binatang kasama.
Natawa naman si Apollo sa sinabi ni Eula. “ Iyon ba? Naku huwag mo nang isipin iyon. Biro lang iyon Eula pero kung nais mo rin ang bagay na yon, sisikapin ko Eula pangako babalikan kita. ”
“ Talaga bang gusto mo ako Apollo? ” tanong pa muli ni Eula
“ Ou naman Eula, masaya akong nakakasama ka kahit sa mga gabing magkasama tayo bilang magkaibigan ngunit hindi ka madaling mahalin Eula kaya mabilis nahulog ang loob ko sayo. Dahil naiiba ka sa mga babaeng nakilala ko. Ou galing ka sa mayamang pamilya subalit ang puso mo ay naiiba sa lahat. Bibihira ang gaya mo Eula kaya naman nakuha mo agad ang loob ko sa mabilis na panahon minahal na kita at nasisiguro ko yan sayo pangako gagawin ko, babalikan kito oras na makaipon ako sa gayon ay masamahan kita sa mga simpleng pangarap mo pero syempre dapat may ipon tayo sa gayon hindi naman tayo magugutom, hindi sapat na nagmamahalan lang tayo kahit simpleng buhay na nais mo kailangan pa rin ng pera o mapgkakakitaan sa gayon hindi tayo magugutom ng Pamilya na bubuuin nating magkasama ” pabiro pa na habol ni Apollo kay Eula.
Kinatawa ni Eula iyon, hindi niya akalain na marunong rin pala itong magbiro palagian kasi sila seryoso sa mga napag uusapang bagay bagay. Bihira na magbiro ito. Napaisip naman siya sa mga sinabi ng binata. Totoo sa maikling panahon ay napukaw na rin nito ang puso niya may kukudlit na namumuo para sa binatang kasama. Tila nga ata Mahal na niya ito. Ou Mahal na nga niya si Apollo yon ang sabi ng kanyang puso.
Sumapit ang takdang araw na pagkikita ng dalawa naging masaya sila sa kanilang pamamasyal. Sinabi niya sa kanyang Yaya Miranda na sumasakit ang kanyang tiyan kaya magpapahinga nalang muna siya. Alam naman nito ang pagtakas takas niya tuwing Gabi subalit hindi lang ito nagsasalita sa kanya. Hindi niya rin sinasabi ang lalakeng madalas katagpuin sa tuwing tumatakas siya, gusto niya kasi iyon ilihim sa yaya niya hindi sa walang tiwala siya rito kundi gusto niya lang mapangalagaan ang pagkakaibigan nila ng lalakeng kinatatagpo na si Apollo.
“ Wow ang ganda pala rito Apollo, Kay tagal ko nang nakatira sa bayan na ito subalit hindi ko alam na may magagandang lugar na gaya nito. Paano mo ito nalaman? ” tanong sa lalakeng nag uumpisa na niyang mahalin.
“ Ang kaibigan ko, tinuro niya sa akin ang lugar na ito. Ang ganda noh? ” sagot ni Apollo
“ Ou ang ganda, sobrang ganda. ” Isa iyong lugar na kung saan ay may maliit na batis, napakaganda. Dumaan rin sila duon sa may bandang unahan na may nagsisitubong mga bulaklak. Iba’t ibang kulay na paro paro ang kanya pang nakita sa lugar na nilakaran nila ni Apollo bago makarating sa batis na ito. “ Teka may falls ” turo niya sa isang maliit na falls na may bumabagsak na mabibilis na tubig sa maliit na batis sa may bandang unahan ng ilog. “ Grabe Apollo salamat ang ganda talaga rito. ” napayakap naman siya ng hindi sinasadya sa lalakeng kasama. “ Sorry ” Sabi na muli ni Eula dahil sa biglang pagkakayakap niya sa lalake na agad naman siyang bumitaw ngunit bigla siya nitong nahapit sa beywang palapit kay Apollo.
“ Okay lang Eula ” Sabi ng binatang kasama sabay nagkatinginan sila. Nagtama ang kanilang mga mata ng mga oras na yon dahil sa pagkakahatak sa kanya ni Apollo. Lubhang mataas sa kanya si Apollo dahil sa pagtatama ng kanilang mata tila may humahatak roon at bigla nalang bumaba ang mukha nito pababa sa mukha ni Eula.
Napapikit pa si Eula dahil sa pagbaba na ginawa ni Apollo. Alam na niya ang susunod na mangyayari dahil sa kanonood ng mga teledrama sa TV. Hahakikan siya nito at hindi niya iyon ginawang iwasan bagkus inintay niyang maglapat ang kanilang mga labing dalawa.
Hindi nga nagkamali si Eula dahil ang pagbaba ng mukha nito ay nag umpisa ng paglapat ng labi nito sa labi niya, gumalaw iyon na parang may isang musika na sumasabay sa pagsayaw ang bawat halik na pinararamdam ni Apollo sa kanya.
Unang halik niya iyon at hindi niya alam kung papaano tutugon. Sinundan niya lang ang agos ng bawat halik ng lalakeng kanya na palang minamahal. Para silang sumasayaw sa isang musika sa bawat galaw ng mga halikan nila. Marahan na halik na lumalalim sa pagtagal. Hanggang sa nakabisa na nga ni Eula kung papaano tugunin ang sayaw ng mga halik ni Apollo.
Para ba itong sanay na sanay sa paghalik pagdating sa mga babae. Ganito ba humalik ang lalakeng nag umpisa na niyang mahalin, paano kung sa huli ay masaktan lang siya at may nobya na pala ito sa Manila. Paano ang gagawin niya. Tanong niya sa isip habang patuloy sa pag halik si Apollo sa kanya.
Gusto niya ito tanungin dahil natatakot siya na baka sa huli ay masaktan siya oras na mabalitaan niyang may Nobya na pala ito. Matapos ang mainit na tagpo ng pagkakahalik nila sa isa’t isa ay agad niya ito tinanong. “ Apollo maari ba ako magtanong? ”
“ Ano iyon Eula? Sorry dahil ba sa paghalik ko sayo? Pasensya na hindi ko na napigilan pa ang sarili kong mahalikan ka, nadala ako sa bugso ng nararamdaman ko para sayo Eula. Mahal na nga talaga kita. Mahal na Mahal! ” mabilis na pag amin ng lalakeng kanya na rin minamahal. Hindi naman na siya nagulat sa sasabihin nito dahil una pa lang ay nabanggit na nito ang nararamdaman para sa kanya.
“ May Nobya ka na ba? ” gulat ni Eula sa naitanung. Iyon na kasi ang kangina pa gusto mamutawi sa kanyang bibig. Ang malaman kung may Nobya na ba ito. Pero bigla siyang nahiya dahil sa biglang pagtawa ng binatang si Apollo.
“ Aakala ko naman ay kung ano, kinabahan pa ako dahil baka dahil sa pagkakahalik ko sayo ay nagalit ka na sakin Eula. Pero sige sasagutin ko ang tanong mo, nuon ou meroon akong Nobya at hindi iisa marami sila subalit ng makilala kita at sa maiksing panahon na nagkasama tayong dalawa nagbago ang pananaw ko pagdating sa mga babaeng nakakasama ko. Gaya ng sabi ko ibang iba ka sa mga babaeng nakilala ko. Kaya nga ganoon nalang kabilis mong napukaw at napatibok ang puso ko sayo, pangako ikaw lang ang laman nito walang iba. Nag iisang ikaw lang Eula. ” tapat na pagkakasabi ng binatang lalake na si Apollo na si Eula nalang ang tinitibok ng puso nito at walang ni isang babae ang nagmamay ari rito.
Nakahinga naman ng maluwag si Eula at masaya siyang malaman na siya lang ang babaeng minamahal ni Apollo gaya nalang ng ito rin lang ang lalakeng minamahal at laman ng puso niya.
Masayang masaya ang dalawa sa kanilang pamamasyal, hawak kamay silang naglalakad habang lumilibot sa buong lugar na iyon. Kay ganda talaga ng kanilang napasyalan. Nakakita pa sila ng isang Ahas malaking Sawa na natutulog sa may batuhan nakapalupot ito sa pagkakatulog subalit ganon nalang ng biglang gumalaw ito.
Laking tuwa niya ng makitang takot na takot ang dalagang kasama sa sawa na nakita nila. Ganuon rin naman si Apollo na labis na takot ang naramdaman ng makitang gumalaw yung sawa. Dahan dahan silang lumakad na hindi makakagawa ng kahit anong ingay. Para silang bubuwit na ingat na ingat na may makapansin sa kanilang dalawa, kahit ang tanging iniiwasan nila ay ang sawang himbing na himbing sa pagkakatulog.
Humugot pa sila ng sabay ng isang malalim na paghinga at nagpahawala ng malakas na pagkakatawa. Tawa sila ng sila kapwa natatawa sa kanilang ginawa na pag iwas sa sawa. Napakalaki kasi nuon at natitiyak nilang anong oras ay maaari silang habulin o tuklawin nuon. Ganoon nalang ang takot ng dalawa ng biglang gumalaw iyon sa mahimbing na pagkakatulog.
“ Buti nalang ” hinihingal na sabi ni Eula kumaripas rin kasi sila ng takbo matapos makalayo sa sawa na iyon.
Hingal na sumagot si Apollo “ Ou nga, grabe muntik na tayo ron. ” ang sabi ng binatang lalake na kasama ni Eula.
“ Paano kung tuluyan nagising yung sawa anong gagawin natin? ” tanong niya kay Apollo
“ Edi tatakbo ” natatawang sabi ni Apollo.
“ Tatakbo talaga naisip mo? Hindi ka ba marunong humuli non? Ang sabi nila masarap ang sawa kung iluluto, parang manok lang raw sabi ng iba. ” kwento ni Eula
“ Bakit nakatikim ka na ba? ”
“ Hindi, kwento lang sabi nung Hardinero namin sa Rancho ” sagot naman niya. Lagi nalang kasi kwento naririnig niya. “ Palaka nga masarap rin raw parang manok lang din ”
“ Bakit natikman mo ba? ” Natatawang tanong ni Apollo kay Eula. Dahil alam na niya isasagot nito. Malaking HINDI.
Puro kwento lang kasi alam nito wala ni isa ang naranasan na nito sa lahat ng kinuwento niya. Lahat ay kuro kuro o basehan sa mga kwento rito. Kaya ganuon nalang ito naexcite na maranasan lahat, kahit nga magkaroon ng kaibigan ay hindi naranasan sa edad nitong Bente uno ako naman ay bente tres na ngayon matanda lang ako ng dalawang taon kay Eula. Pero dinaig pa nito ang batang nag uumpisa pa lang magkaalam.
Magtatanghalian na, buti nalang may dala dala siyang Picnic Box iniwanan niya iyon doon sa may ilalim ng malaking Puno kung saan sila unang dumaan “ Gutom ka ba? ” tanong na sabi ni Apollo kay Eula. Tumango ito at hindi maikakaila dahil sa maging ang sikmura nito ay sumagot.
“ Hahahaha ” sabay na tawa nila “ Grabe Eula maging sikmura mo nagrereklamo na. ” Natatawang sabi pa ni Apollo sa babaeng kasama.
Natawa rin si Eula sa reaksyon ng kanyang tiyan. Nakaramdam na nga siya ng gutom dahil maaga pa lang ay tumakas na siya sa kanilang bahay. Dapat bago maghapon ay makabalik na siya.
Biglang naalala ni Eula ang ginawang pagtakas anong oras na ay hindi pa siya nakakabalik sa kanilang Rancho. “ Naku huwag naman sanang mahuli siya ” dalangin niya sa sarili. Dahil kung magkataon malilintikan siya sa kanyang Papa
“ Ou nga, Apollo pagkakain natin ay uuwi na muna ako. Baka mamaya ay hinahanap na ako ng mga tao sa bahay lalo na ang Papa ko. ” Sabi pa niya sa kumakain nang si Apollo nagpatiuna na kasi ito sa labis na pagkagutom.
Napaangat ng mukha ang binatang lalake dahil sa naisip na sinabi ni Eula. Ou nga pala tumakas lang ito, bigla naman namayani sa kanya ang pag aalala sa babaeng kasama baka hanapin na ito o baka natitiyak niyang hinahanap na ito. Baka mahuli pa ito at hindi na nilang magawang magkita pa bago man lang siya tuluyang umalis at umuwi ng Manila sa darating na linggo.
“ Sige kumain ka na Eula ng maihatid na kita ” Sabi pa ng binatang kasama saka naman nag umpisa na kumain si Eula. Kailangan na kasi niya rin umuwi at baka hindi na siya makatakas pa bago sumapit ang pag alis ni Apollo.
Matapos nila kumain ay nagligpit na sila ng mga kinanan nila, saka sabay tumayo at nagpagpag ng kani kanilang katawan dahil sa mga maliliit na damo na nagsidikit sa mga puwetan nila. “ Paano ihahatid na kita, magkita nalang tayo muli bukas ng gabi baka makahalata na sa inyo kung tatakas ka pang muli ngayong gabi ” tumango naman si Eula sa sinabi ng binata.
Tama naman ito. Kailangan niya muna manatili mamayang gabi muna sa kanilang bahay sa Rancho at baka mahalata na siya kung maisipan pang pumuslit matapos ang ginawang pagpuslit kanginang umaga.
Malapit na sila sa Rancho noon at walang kaalam alam si Eula na hinihintay siya ng galit na galit na si Don Nicanor. Nag aapoy ito sa galit ng malaman ang pagtakas na ginawa ng anak. Mabuti nalang at nalaman ng Don na madalas pala gawin nag anak na si Eula ang ginagawang pagtakas lalo sa kalagitnaan ng gabi. Naghihimutok sa galit ang Don sa kanyang nag iisang Anak.
Takot lang naman itong mapahamak ang nag iisang anak kaya ganoon nalang niya ito protektahan pero hindi iyon maunawaan ng anak kaya malimit pa rin pala itong tumatakas ng gaya nalang nung kabataan nito. Subalit ang hindi matanggap ng Don ay ang balitang natanggap na nakikipagkita ito sa isang lalake sa madalas na pagtakas nito lalong lalo na sa gabi at hindi niya iyon mapapayagan at kukinsintihin gusto niya makilala ang lalakeng kinatatagpo nito kaya pinaabangan niya ang dalawa sa kanyang tauhan.
Walang kamalay Malay ang dalawa na masayang naglalakad matapos na sila'y mamasyal.