CHAPTER 7

2131 Words
Muli ay kinausap ni Eula ang Ama matapos makaalis ang binatang si Apollo. “ Papa hayaan niyo na po ako maging masaya, Mahal ko si Apollo at alam ko na Mahal niya rin ako. Ngayon lang po ako nagkaroon ng kaibigan sa katauhan ni Apollo, ngayon lang rin ako nakaramdam ng pagmamahal sa isang lalake na siya rin nagawang mahalin ng puso ko. Malaki po ang tiwala ko sa kanya na hindi niya hahayaan mangyari at kinatatakot niyo mangyari sakin Papa. Hayaan niyo na po ang relasyon naming dalawa. ” muli ay pakiusap na sabi niya sa kanyang Papa “ Hindi Eula anak, hindi ako makakapayag. Kung isa lang siya sa Pamilya ni Madam Anastasia at nabibilang siya sa Pamilya nito baka sakali magbago ang isip ko. Subalit narinig mo naman, isa lang siya ordinaryong tauhan sa nasabing Kumpanya ng mga San Diego at wala siya ni kahit anong koneksyon sa pamilya. Pasensya ka na Eula anak dahil hindi ako makapapayag na mapunta ka lang sa isang pipitsugin na gaya ng lalakeng iyon. Mabuti pa pumasok ka na sa kwarto mo at magpahinga. Ayoko na malalaman na nakikipagkita ka pa rin sa lalakeng iyon. Maliwanag ba Eula. ” na maawtoridad na sabi ng kanyang Papa. Kahit Anong sabihin niya ay hindi ito pumayag sa gusto niya mangyari. Mariin na tinutulan talaga nito ang nais na pumayag ito sa relasyon na namumuo sa kanila ni Apollo. Ou at hindi pa niya ito lubos na kilala subalit malaki naman ang kanyang tiwala sa lalake na kanyang naumpisahan nang mahalin. Mukha naman talagang Mahal na niya ito at maging ang lalake ay Mahal na rin siya nito. Ngunit talagang tutol ang Ama ni Eula sa relasyon nilang dalawa ni Apollo. Nag iisip si Eula sa bagay na dapat niyang gawin. Hindi siya maaaring magkamali dahil sa huli ay natitiyak niyang mapagsisisihan niya. Mahal niya ang Papa niya ngunit Mahal din niya ang lalakeng nag ngangalang Apollo. Pareho na hindi niya kayang mawala ang dalawa ngunit kinakailangan niyang mamili ng isa sa dalawa. Ngayon lang siya nagkaroon ng kaibigan sa katauhan ng binatang nakilala niya. Ngayon lang din may nagsabi sa kanya na Mahal siya nito at higit roon ay ngayon lang din siya nagmahal sa katauhan ng lalakeng kanyang nakilala. Si Apollo Ngunit iniisip isip niya ang kanyang Papa at ang sinabi ng binatang lalake na nakilala. Lubhang tumutol ang kanyang Papa sa kanilang relasyon, ngunit gusto ni Apollo na sumama siya rito upang mapatunayan sa kanyang Papa na nagkakamali ito sa pananaw sa binatang kanyang nagawang minahal. Alin ba ang pipiliin niya? Sa pagitan ng Papa at ng lalakeng si Apollo. Kung sasama siya ay Apollo ay natitiyak niyang lubhang ikagagalit iyon ng kanyang Papa. Tiyak niya rin ipahahanap siya nito kahit saan pa sila magpunta ng lalakeng si Apollo. Ngunit kung sasama siya kay Apollo natitiyak naman niyang magiging masaya siya sa feeling nito. Nangako naman ito na hindi siya pababayaan oras na mapagdesisyonan niyang sumama rito. Malaki ang paniniwala niya na magagawa nito iyon. Hindi naman siya naghahangad nang maayos at marangyang pamumuhay nais niya ay simple at masayang pagsasama sa isang simpleng lalake na magmamahal sa kanya. Hindi niya nais na galing sa marangyang pamilya, simple lang gusto niya. Yung hindi mayaman subalit hindi siya pababayaan ng lalakeng mamahalin niya. Iyon ang bagay na nakikita niya kay Apollo ang lahat ng simple na hinahangad niya sa buhay ay alam niyang maibibigay nito. Hindi man galing sa marangya at mayamang pamilya ay baliwala sa kanya basta mamahalin at aalagaan siya, hindi pababayaan ayos na sa kanya basta alam niya na Mahal siya nito. Walang ginawa hanggang dumating ang dapit hapon ay nag iisip pa rin si Eula kung sino ang kanyang pipiliin. Makaraan ang ilang minuto ay lumapit siya sa kanya Closet at kumuha ng isang maliit at hindi kalakihang bag. Hinablot niya ang ilang piraso ng damit, inilagay at pinasok sa kanyang nakuhang Bag. Sa huli napagpasyahan niya sumama kay Apollo ang lalakeng kanyang nakilala may dalawang linggo na nakararaan mula ngayon. Hindi nama siguro mali ang aking desisyon na sumama sa kanya. – ang sabi pa niya sa kanyang sariling isipan. Tuluyan na niyang napagpasyahan na sumama sa lalakeng iyon at lumayo sa kanyang Papa. Nais niya tumayo na sa sariling paa na walang kahit anong tulong mula sa kanyang Papa. Matagal nang panahon siyang nakasandal sa kanyang Ama, ngayon na siguro ang panahon para naman pakawalan ang sarili at subukin ang buhay na wala ang kanyang Ama – ang sa isip na napagdesisyunan ni Eula matapos ang ilang oras na pag iisip. Dapit hapon, papadilim pa lang ng mga oras na iyon. Matagal tagal pa ang aantayin nila bago pagplanuhan ang pagpuslip sa bahay ng kanyang Papa. Marahil ay natitiyak na ilolock nito ang kanyang pinto matapos ang hapunan kaya napagpasyahan niyang sa bintana dumaan upang makalabas roon sa bahay ng kanyang Papa. Iginayak na niya ang lahat ng mga gagamitin sa kanyang pagpuslit. Maging ang kanyang dalahin na bag ay kanyang itinabi at tinago upang walang Sino man ang makapansin sa binabalak na pagtakas na gagawin sa pagsapit ng hating gabi. Kumuha siya ng mga kumot na maaaring gamitin sa kanyang pag lambitin pababa sa kanyang kwarto. Sinigurado niya na hindi ito mapuputol o gagawa ng ingay mamaya para sa gagawing pagpuslit. Ready na ang lahat at iniintay nalang niya ang oras ng kanyang pagtakas. Pagsapit ng hating gabi ay isasagawa na niya iyon saka maingat na bababa sa kanyang beranda pababa sa ibaba nito. Saka siya tutungo sa lihim na tagpuan ni Apollo, gaya ng napag usapan nila mag iintay ito roon para sa gagawin nila pagtatanan. Magtatanan sila ng gaya ng sabi nito. Mamumuhay sila bilang mag asawa sa simple na buhay na pinapangarap niya. Subalit sisiguraduhin naman raw ni Apollo ang kinabukasan nilang dalawa at ng magiging Pamilya nilang bubuuin na dalawa. Ang magiging anak nila. Sobrang saya at excited ang nararamdaman ni Eula ng mga oras na iyon. Hindi na siya makapag intay pa na makita at makasama ang binatang lalake na kanyang minamahal. Habang si Apollo ay kinakabahan na baka hindi siputin ng babaeng nakilala may dalawang linggo na nakararaan sa katauhan ni Eula na kanyang ngayon ay minamahal. Ngayon pa lang si Apollo nagmahal sa isang babae na gaya ng kanyang naramdaman kay Eula. Malakas ang kanyang kutob, pakiwari na malaki ang kaibahan nito sa mga babae na kanyang nakasama at nakarelasyon. Sa maikling panahon ay parang isang bagay na hindi niya lubos maunawaan kung bakit halos ikabaliw ang isiping malalayo siya sa babaeng iyon. Ngayon lang siya nagmahal talaga ng ganoon at wala pang ibang babae na nakapagparamdam sa kanya ng gaya ng pinaramdam at pinakita sa kanya ni Eula. Nasasabik na siyang makasama muli ito. Dahil sa mariin na pagtutol na ginawa ng Ama nito sa kanilang nag uumpisang relasyon, napaisip si Apollo na kumbunsihin ang babae na samahan siya at sumama rito sa kanyang pag alis. Mahigpit kasing tumutol ang Ama nito ng sabihin niyang wala siya kahit anong koneksyon sa kanyang Lola Anastasia at sa Kumpanya nito. Sinabi niyang isa lang siyang Ordinaryong empleyado sa Kumpanya ng kanyang Lola. Hindi niya nais lumayo ang loob ni Eula oras na malaman nito ang kanyang tunay na pag katao. Dahil sa ayaw nito sa isang lalake na nagmula sa marangya at may kayang Pamilya na kabaligtaran naman ng Papa nito. Malayo ang pinagkaiba at pag kakatulad ng mag Ama. Taliwas sa mga gusto ng bawat isa ang nais ng isa’t isa. Para tuloy hindi sila magkapamilya dahil sa magkaiba at taliwas sa mga gusto nila. Sabagay si Eula ay lumaki ng walang Ina at tanging Ama ang kanyang nakasama sa mahabang panahon. Ayon pa rito ubod ng protective ng kanyang Papa at lahat ng kanyang naisin ay binibigay nito. Kaya nga wala ni isang nakilala ito at naging kaibigan hanggang sa kanyang paglaki. Tanging anak ng kanyang Tita Shine na kinakasama ngayon ng kanyang Papa ang tanging nakilala subalit hindi raw ito kasundo dahil sa masamang ugali nito na gaya sa Ina ng nabanggit na dalaga. Ibang iba raw ang pinakikita ng Tita Shine niya sa harap ng Papa ni Eula sa nakatalikod ito. Kaya ni minsan ay hindi niya nagustuhan ang pamilyang kinakasama ngayon ng Ama. Madalas pa nga raw ay sinasama siya ng mga Ito sa pamamasyal at pagsa shopping ng mga ito dahil sa kagustuhan ng kanyang Papa ngunit iniiwanan siya ng mga ito. Kaya madalas ay wala ni isang bitbit na pinamili si Eula at di dinadahilan nalang nito na wala siyang nagustuhan. Walang ginawa kundi magwaldas ng pera ang pamilyang kinakasama ng Ama ni Eula kaya siguro ganoon nalang ito kadesperado na mamuhay ng simple at makawala sa poder ng kanyang Papa. Dahil ni minsan ay hindi naranasan nito at naiparamdam sa kanya ang buhay na mayroon ang tulad ng iba. Dahil sa kahigpitan ng Ama nito ni isa ay walang sinuman ang nag tangkang kaibigan ito. Pasalamat nalang pala si Apollo dahil ni minsan ay hindi ito naramdaman sa kanyang Lola Anastasia. Napakabait ng kanyang Lola at ni minsan ay hindi ginamit ang antas para sa pansariling kapakanan. Pantay ang kanyang Lola sa lahat maging sa mga empleyado nito. Hindi siya tumitingin sa antas na meroon ang isang tao. Kaya nga wala itong pakialam sa kung sino ang kanyang mga babaeng dinadala at pinakikilala rito. Pero sa lahat ng babaeng pinakilala niya ay ni isa ay walang tumagal. Hindi sa mapili siya sa babaeng kinakasama at nakakarelasyon kundi dahil sa mga ugali ng mga ito. Lahat kasi ng makilala niya sa huli ay pera lang pala ang gusto at hindi siya. Nalalaman nalang niyang niloloko siya ng mga babaeng iyon at sasabihin na pera niya at hindi siya ang dahilan ng mga pagsama ng mga ito sa kanya. Gwapo naman siya at sa tingin ay hindi mahirap mahalin subalit hindi niya maintindihan kung bakit walang tumatagal sa kanyang babae. May ugali kasi siya na ayaw na ayaw niya pagdating sa isang babae. Ayaw niya na pinanghihimasukan siya lalo sa kanyang mga desisyon. Siguro may pagkakatulad sa Ama ni Eula ang ugali niya na iyon. Ayaw niya ng pinangungunahan rin siya. Ang pakialaman ang mga bagay na pag aari niya. Ayaw niya ng matanong o mausisang babae. Basta mahalin lang siya at pagsilbihan ayos na sa kanya. Ayaw na ayaw niya ng kinukulit siya mas lalo kung nasa Opisina siya at gagawa ng eksena roon o didiktahan siya pagdating sa kanyang trabaho. Dahil ayaw na ayaw niya na iniistorbo siya kung siya ay nasa oras ng trabaho. Pero tila nagbago iyon ng makilala niya si Eula. Pakiramdam niya ay may malaking nagbago sa buhay niya, isa na roon ang talikuran ang buhay na meroon siya dahil para sa babaeng minamahal. Sa oras na magsama sila ni Eula, kung dadating ito sa lihim nilang tagpuan na dalawa malaki ang buhay na mawawala sa kanya. Ang buhay na marangya at kayang bilhin lahat na naisin niya ay iiwanan niya para sa dalagang minamahal. Hindi kasi maaaring itira niya ito sa bahay niya dahil malalaman nito ang buhay na meroon siya sa Manila. May sarili siyang Condo Unit na kanyang tinitiran habang umuuwi naman siya paminsan minsan sa bahay ng kanyang Lola Anastasia. Gusto lang niya ng may privacy kaya kumuha ng isang Unit sa Building na pagmamay ari rin ng kanyang Lola. Marami itong Negosyo na pag mamay ari subalit nag iisa lang siyang Apo kaya lahat ng pagmamay ari nito ay siya rin ang mag mamay ari pagdating ng panahon. Kakailanganin tuloy niyang iwan lahat ng iyon dahil sa babaeng si Eula. Kakailanganin niyang tumira sa isang bahay na maliit at masikip kasama ang babaeng kanyang minamahal. Naisip na niya nung una na mukhang malabo at hindi niya kakayanin tumira sa ganoon klase ng bahay saka pamumuhay subalit kailangan niya magsakripisyo para sa dalagang nais makasama sa Mundong buuin nilang dalawa. Hindi naman siya papayag na itira ito sa isang pangit na lugar. Nakausap na niya ang Secretary niyang si Gilbert na hanapan sila ng isang bahay na maayos at kakasya sa kanilang dalawa ni Eula. Isang apartment sa may Sta. Mesa ang nakita nito. Maliit subalit maliinis at maayos na para sa kanilang dalawa. Hindi importante ang presyo basta maayos na matitirhan nila ng babaeng karelasyon. Bagay na pwede na nilang panimulan habang nagsasama silang dalawa. Simple, maayos at safe ito para sa dalaga ayos na rin sa kanya. Malapit na rin iyon sa kanilang Opisina banda sa Cubao. Hindi rin siya maaaring magdala ng kotse o anuman sa isa sa kanyang mga sasakyan. Sumasakit ang kanyang ulo sa isipin na kakailanganin pala niya mamasahe o magcommute na ni minsan sa buhay ay hindi niya nagawa. Ang saklap, sobra sobrang sakripisyo at pag aadjust ang kanyang gagawin para kay Eula.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD