“WHAT did you say?” Hindi ko alam kung tunay bang hindi niya narinig ang aking sinabi ganoong malinaw naman ang lahat ng iyon. Napalagok ako at tumikhim bago maisipang ulitin ang aking sasabihin sa kanya. “I w-want an annulment.” Nagpapakatapang ako rito, pero ang boses ko ay sadyang traydor sa akin dahil nautal pa ako. Baka mapansin ni Zeke na may pagdadalawang-isip ako rito. Alam ko na mababa lang ang aking laban, pero hahanap ako ng paraan. Hindi na kami maaaring magsama ni Zeke. Maraming dahilan at hindi ko alam kung magagamit ko iyon laban sa kanya. May iilang sinabi lang sa akin ang abogado ko at hindi ko pa nadi-discuss sa kanya ang tungkol sa pagkaayaw ni Zeke na magkaroon kami ng anak o ang pagpatay niya sa mama ko. Hindi rin naman ako sigurado kung magagamit ko ba iyon laban