HUMIWALAY ako sa pagkakayakap ni Claudio at pinagmasdan ko siyang mabuti. Ibang-iba ang ayos niya kumapara noon tuwing pumupunta sila sa bahay para dumalaw at no’ng huling kita ko sa kanya bago ko mabalitaan na hindi na tuloy ang kasal ko sa kanya at ang biglaang paglagapak ng kanilang kompanya. “Anong ginagawa mo rito? Nasaan ang sasakyan mo?” Hindi ko akalain na ang dating parati kong nakikitang sakay ng magagarang sasakyan ay ngayon naririto at naglalakad sa gilid ng kalsada. Umiling si Claude sa akin. “Wala na ang mga kotse ko, ibinenta ko na. Nabalitaan mo naman siguro ang nangyari sa aking pamilya tapos namatay si Papa due to heart attack. Si Mama naman ay naospital. Marami kaming naging gastusin na ang iilang natirang pera sa amin ay hindi naging sapat kaya may mga bagay akong ipi